Hindi maalis-alis ni Jacob ang paningin niya kay Doktor Cuevas nang isama na nila ito sa presinto. Si Doktor Cuevas muna kasi ang kinausap nang mga kasamahan ni Jacob tungkol sa nangyari. Pinapakalma pa kasi nila si Abby dahil na-shock na naman ito sa nangyari. At masama talaga ang kutob ni Jacob sa Doktor. Kakaiba kasi ang nakita niyang itsura sa mukha nito kanina habang nagpapaputok ng baril sa mga kalaban. Malayong-malayo sa itsurang ipinapakita niya sa mga nakakasalamuha nito. "Wala talaga akong tiwala sa lalaking 'yan," turan ni Jacob habang pinapanood nila ito ni Concepcion mula sa labas ng interrogation glass. "Ako rin, Pre. Unang kita ko pa lang sa kanya sa ospital noon, masama na rin ang kutob ko sa kanya," seryosong usal rin ni Concepcion. "Malalaman din natin ang tunay ni

