Chapter 50

1115 Words

Natatarantang kumuha ng tuwalya si Doktor Cuevas nang makarating na sila sa apartment. Basang-basa kasi si Abby at tila namumutla na habang nakatulala. Si Doktor Cuevas na rin ang nagpunas kay Abby dahil hindi na ito kumikibo. Pero panay ang pag-buhos ng mga luha nito mula sa mga mata. "Bakit naman kasi sa gitna ng ulan pa kayo nag-usap? Dapat pumasok muna kayo sa loob ng building. Ayan tuloy, basang-basa ka. Baka mamaya, magkasakit ka pa," turan ni Doktor Cuevas habang panay ang punas niya sa buhok ni Abby. Subalit wala pa rin itong imik. Para bang bigla itong nawala sa sarili at hindi alam kung kailan babalik. Nakabalatay din sa kanyang mga mata ang halo-halong sakit nararamdaman kahit hindi ito magsalita. At sa hindi maipaliwanag ni Doktor Cuevas ay para bang pinipiga rin ang dibdib

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD