Dala ang mainit na sabaw na ginawa ni Manang Delia ay dahan-dahang pumasok si Doktor Cuevas sa silid ni Abby. Nakahiga pa rin ito at hindi man lang nagbago ang pwesto mula ng iwan niya kanina nang painumin niya ito ng gamot. Bakas na bakas na rin ang labis na pag-aalala niya habang inilalapag sa tabi ng lampshade ang dala-dala. "Abby. . . Ginawan ka ni Manang Delia ng mainit sa sabaw para mainitin ang katawan mo," nag-aalalang turan nito at naupo sa gilid ng kama ni Abby. Sinapo rin nito ang noo ni Abby at halos nadagdagan ang pag-aalala niya dahil mainit na ito. "Abby, gising!" yugyog niya rito dahil hindi nito maidilat ang mga mata. Napansin niya rin na tila nanginginig ang katawan nito kaya bigla na naman siyang nataranta. "Diyos ko, Abby. Nilalagnat ka na!" Dali-dali niyang ki

