"Abby. . ." Napabalikwas ng bangon si Jacob habang sinasambit niya ang pangalan ng asawa. Tagaktak na rin ang buo-buo niyang pawis mula sa noo dahil sa masamang panaginip na nakita niya. At parang hinahabol ng sampung kabayo sa bilis ang t***k ng puso niya. Hindi na rin maipinta ang mukha niya sa labis na takot. Nakita niya kasi si Doktor Cuevas na tinatadtad ng kutsilyo ang asawa habang nag-aapoy ang mga mata sa galit. "Ano bang klaseng panaginip 'yon?" bulong niya sa isipan at napasapo sa dibdib niya. At sa hindi niya maipaliwanag ay lalo pa itong lumalakas habang naaalala ang mga nakita sa panaginip. "Ano kayang ibig sabihin ng panaginip na 'yon?" Pinagala niya ang tingin sa paligid ng sala. Maging sa kusina ay humaba rin ang leeg niya. Hinahanap niya kasi ang asawa kung nakauwi ba

