Gabi na nang makauwi sina Abby at Doktor Cuevas sa kanilang apartment. At hindi pa rin bumababa ang pagkainis ni Abby sa asawa. Nakabuntot pa rin kasi ito sa kanya kasama ang kaibigan. "Hindi mo ba sila papasukin? Baka ubusin sila ng lamok sa labas?" tanong ni Dr. Cuevas kay Abby. Nasa labas lang kasi ng pintuan ni Abby ang dalawa. "Bahala sila sa mga buhay nila! Ginusto nila 'yan kaya magdusa sila!" asik naman ni Abby na hindi pa rin maipinta ang itsura. Natawa naman si Dr. Cuevas dahil sa sinabi ni Abby. Iba kasi ang nakikita niya sa itsura nito. Alam niyang tinitiis lamang nito ang asawa. Pero ang totoo ay may pag-aalala rin itong nararamdaman. Ayaw lamang aminin sa sarili. Panay kasi ang pagdako ng mga mata nito sa pintuan kung saan nakabantay sina Jacob at Concepcion. "Malaki nam

