Chapter 3
Maid
Nagtungo na ako sa school garden, nakita ko si Grey na nakaupo sa bench at nakahalukipkip.
"Pst!" Nag-angat siya ng tingin saakin at tinignan ang wrist watch niya.
"You are 5 minutes and 11 seconds late." Sabi niya at tumayo na para lapitan ako.
"Hindi ba sabi ko ayaw ko ng pinaghihintay?" Taas kilay niyang tanong.
"Pambihira naman, para 5minutes and.... Ano nga ulit?" Tanong ko.
"11 seconds." Sagot niya.
"Para 5minutes and 11seconds lang e!" Reklamo ko.
"Ayoko ng marinig ang sasabihin mo," sabi niya at huminga ng malalim.
"You will become my maid, at ang sweldo mo 7000 a month." Sabi niya. Halos lumuwa naman ang mata ko sa offer niya. Mataas pa 'to sa pinagta-trabhuan ko.
"Talaga?" Tanong ko.
"Bakit ayaw mo?" Inis niyang tanong. Itong baklang 'to parang laging may regla.
"Gusto syempre." Mabilis kong sagot.
Ngumisi siya. "Good. Saan ka nakatira?" Tanong niya.
"Sa apartment." Sagot ko.
"Pupunta tayo doon mamaya, and pack your things kasi sa unit ko doon ka na titira. Paalam ka sa mom and dad mo." Sabi niya at iniwan na ako.
Grabe naman! Bakit naman papatirahin niya pa ako sa bahay unit niya?! Pero siguro ayos na rin yun, para hindi na ako magbayad ng renta.
*
Nandito kami ngayon sa loob ng apartment ko. "Dito ka nakatira?" Tanong niya.
"Malamang dito kita dinala hindi ba?" Sarcastic kong sagot.
He rolled his eyes. "Whatever."
"Pack your things, hurry!" Utos niya, nagmadali naman akong iniyos ang mga gamit ko. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ako.
"Kasama mo ba dito ang mom and dad mo?" Tanong niya. Umiling ako. "Mag-isa lang ako dito." Sagot ko.
"So you're independent huh?" Sabi niya. Tumango naman ako. "Ikaw, independent ka rin ba?" Tanong ko. Baka mamaya nandoon pala sa unit niya ang mom at dad niya.
"Of course, kaya nga nakatira ako sa condo diba?" Sarcastic niyang sabi. Inirapan ko na lang siya. "Pero minsan dinadalaw ako ng mom and dad sa unit ko o kaya naman ako ang dadalaw." Sabi niya, tumango-tango naman ako.
"Ikaw, dinadalaw ka ba nila dito?" Tanong niya.
"Si mama nasa ibang bansa, 2 years siya doon at after ng 2 years na kontrata niya one month lang ang bakasyon niya dito sa pinas. At dito kami tumutuloy, at ang Papa ko namang siraulo, sumakabilang bahay na. At wala na akong balita sakanya." Mahaba kong paliwanag. "May tanong pa?"
Umiling siya. "Sorry to hear that." Sabi niya na ikinagulat ko naman.
Natawa ako ng bahagya. "Aba, marunong ka palang mag sorry."
"Tss."
*
Nandito kami ngayon sa condo unit ni Grey, nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Panlalaking panlalaki ang dating, gray and white ang kulay ng wall at kisame, wala malinis rin ang buong palid. Pang mayaman na pang mayaman ang dating.
"Doon ang kwarto mo."Sabi niya sabay turo doon sa isang kwarto dito sa baba.
Pumasok na ako doon at inayos ang mga gamit ko, may isang cabinet at isang queen sized bed na kama, malawak ang espasyo ng kwarto.
Matapos kong mag-ayos ng gamit ay lumabas na ako, at nakita ko si Grey na nanonood ng TV.
"Magluto ka gutom ako." Utos niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa TV.
"Sa pagkakaalam ko maid ako at hindi chef." Nakangiwi kong sabi.
"Kung may reklamo ka maglabas ka na lang ng 36,990 at makakaalis ka-"
"Anong gusto mong pagkain?" Tanong ko habang nagpipigil ng inis.
"Ano nga ulit yung niluto ni Suzie?" Tanong niya sa sarili niya na hindi naman nakatakas sa pandinig ko.
"Ipinagluto ka ni Suzie?" Gulat kong tanong, tinignan niya ako. "Hindi lang ako, kami nila GUN, Laxy at Klyde." Sagot niya. Wow, nakakamangha talaga si Suzie. Bukod sa maganda, mayaman at matapang siya, close siya sa mga pinaka mailap at sikat na tao sa GU.
"Ah! Caldereta!"
"Ah iyon? Sige sandali lang." Sabi ko at nagtungo na sa kusina.
"Grey! Mangangalog na ako dito hah?!" Sigaw ko para marinig niya ako nasa sala kasi siya, narinig ko ang mga yabag ng paa niya na papalapit dito sa kusina.
Umupo siya doon sa stool at pinanood akong magluto.
"Who taught you how to cook?" Tanong niya.
"Ang mama ko," sabi ko habang nag s-slice ng carrots at potato.
"If your mom is working abroad then why do you have to be a working student?" Tanong niya.
Inislice ko ang bell pepper. "Tuition pa lang sa GU kulang na pa sa padala ni Mama, kaya paano ako kakain at makakabayad ng renta kung hindi ako mag ta-trabaho?" Sabi ko at nagpatuloy pa rin sa kung anong ginagawa ko.
Hindi na ulit siya nagsalita, kaya sinulyapan ko siya. Panumbaba siya habang pinapanuod ako. Natawa naman ako ng bahagya, mukha siyang 500! Hahahaha.
Maya-may natapos na rin ako sa pagluluto at kumuha ang ng isang plato at nilagyan iyon ng niluto kong caldereta, at inilapag ko na sa harap niya. Umayos naman siya ng upo at kaagad na tinikman 'yon.
Pinanood ko siya kung paano niya nguyain ang karne at gulay ng caldereta, nguya pa lang halata ng mayaman siya. Napasinghap ako habang nilalasahan niya sa dila niya ang niluto ako.
"Not bad." Sabi niya, nakahinga naman ako ng maluwang.
"Eat." Utos niya saakin, anong akala niya sakin aso?
"Oh i'm not a dog." Sabi ko. Galing kong mag english, akala mo ikaw lang ang marunong mag english? Hah! You're not correct!
"Kumain ka na, kawawa ka naman. Pagod na pagod ka." Sarcastic niyang sabi. "Ano pwede na?!" Masungit niyang tanong. Tumango naman ako at sinamahan na siyang kumain.
I've never imagine na makakasama kong kumain ang isang Grey Jushean Garde.