Chapter 18

1648 Words
Chapter 18 JERICO Sinundan ko si Jeanna na nagmamadaling papunta sa CR. Sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon upang linawin sa kaniya ang mga bagay na dapat nilinaw ko na sa kaniya. Sa muling paglalapit namin ay ramdam ko ang pagtingin niya sa akin hindi bilang boss niya kundi bilang isang lalaki. I like her, too. Noong college pa lang kami. Sa kabila ng pagiging busy ko sa pag-aral para ma-maintain ang scholarship ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapansin siya. But since the day I realized I like her ay ipinagkasundo na ako ng parents ko upang maikasal kay Marylyn and I have no choice but to obey them. Nang malagay sa alanganin ang buhay ni Mommy ay ang daddy ni Marylyn ang gumastos sa lahat ng hospital expenses. Kaya nang mag-request ang daddy niya sa parents ko na ipagkasundo kami upang mailayo ang anak niya sa lalaking gusto nito na isang drug addict ay napilitan silang pumayag dahil sa utang na loob. Sinubukan nilang tumanggi dahil ayaw sana nilang panghimasukan ang personal life ko pero mapilit ang mga magulang ni Marylyn. At dahil tumatanaw rin ako ng utang na loob ay pumayag ako sa agreement na 'yon dahil nakita kong isang mabait at simpleng babae lang si Marylyn. Naisip ko na wala namang masama kung katulad niya ang magiging asawa ko. I like Jeanna, but not desperately kaya hindi naging big deal sa akin ang agreement. Not until, unti-unting nagrebelde si Marylyn. Hindi niya matanggap ang totoo na isang drug addict ang boyfriend niya at inisip niyang sinisiraan lang iyon ng daddy niya. Kahit ipinakita na sa kaniya ang lahat ng ebidensya ay ayaw pa rin niyang maniwala. I don't know kung wala ba siyang idea kung ano ang itsura ng isang bangag sa droga at hindi man lang niya napansin iyon sa boyfriend niya. Pakiramdam ko ay isang sumpa ang kinalabasan ng agreement na iyon. Naging warfreak at iskandalosa na siya. Puro gulo at kahihiyan na lang ang dinadala niya. Habang papalapit ang araw ng kasal ay para akong mababaliw sa kaiisip kung paano makakawala sa usapan. Napagtanto kong si Jeanna pala ang klase ng babae na gusto kong makasama habambuhay. Ngunit, lalo akong hindi na yata makakawala sa usapan nang magdesisyon ang daddy niya na ipanakot ang tungkol sa mana. Pinagbantaan siyang aalisan ng karapatan sa ari-arian ng kanilang pamilya kapag hindi niya itinuloy ang kasal at hindi inayos ang sarili niya. Kaya heto siya ngayon. Mukhang disente at mabait alang-alang sa mana. Gusto ko si Jeanna pero ayaw ko rin siyang mas masaktan pa kung aamin ako sa nararamdaman ko tapos ikakasal rin ako sa iba. Nasaktan din ako sa mariing pagtanggi niya nang subukan ko siyang i-corner. Kaya nagsinungaling na lang din ako sa dahilan ng pagsunod ko sa kaniya. "What's that, Jeanna?" tanong ni Marylyn sa kaniya habang nakatingin sa isang paper bag na nasa table ni Jeanna. Lahat na lang napapansin ng babaeng ito. "P-pagkain po." Kinakabahang sagot ni Jeanna. "Really? Nagbabaon ka? Marami namang masasarap na pagkain sa mga restaurants malapit dito sa company." "Nagtitipid po kasi ako," nahihiyang sabi ni Jeanna. Nabasa ko naman ang pasimpleng pang-uuyam sa mukha ni Marylyn at kahit umaasta siyang santa ngayon ay alam kong lalabas pa rin ang pagiging demonyita niya. "Ah, I see. Don't worry. Sa tuwing kakain kami ni Jerico ay ibibili ka na rin namin ng makakain mo. Anyway, ano 'yang dala mong pagkain?" Curious na tanong ni Marylyn. "Marylyn, leave her alone. Huwag mo ng pakialaman 'yang baon niya," saway ko kay Marylyn. Tumingin siya sa akin. "Why?! What's wrong with asking? Curious lang naman ako." "Sisig po," mahinang sagot ni Jeanna. Natigilan ako nang marinig ko ang sagot niya. Sisig. My favorite. Biglang pumasok sa isip ko ang message niya na nagtatanong tungkol sa paborito kong pagkain. "Sisig? Favorite ko 'yan. Puwede bang maki-share mamaya? Na-miss ko na kumain ng ganiyan," pagdadahilan ko. Hindi ko siya direktang matanong kung para sa akin iyon dahil magtatanong na naman si Marylyn. "S-sige po, Sir." Kabadong sagot niya. Marahil ay natatakot rin siya sa maaaring sabihin ni Marylyn sa kaniya kapag nalaman nitong para sa akin ang dala niyang sisig. "Favorite mo 'yan, babe?" Usisa na naman ni Marylyn. "Yes," tipid na sagot ko. "Hindi mo naman sinabi agad. Nagpaluto sana ako kay Manang." "No need. Marami namang mabibilhan ng gano'n sa labas," medyo iritable kong sagot sa kaniya. Naiirita ako sa pagkukunwari niyang mabait at concern sa akin. Nakakasuka na ang ginagawa niya para sa pera. "Jeanna, paki-tapos ang lahat ng papers na kailangan para madala ko na sa client. Nakapag-close ulit tayo ng deal sa panibagong project. And you know what's amazing? Pumayag silang ipagkatiwala sa atin ang project dahil sa'yo. They liked your personality." Pagbabalita ko sa kaniya tungkol sa panibagong project. Napakahirap kausap ni Mr. Sartillo pagdating sa mga projects. Kahit ako na kilalang engineer sa aming department ay hindi niya magawang pagkatiwalaan. But when he had the chance to talk with Jeanna at hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ay biglang pumayag ito na pirmahan ang kontrata. Aliw na aliw siyang kausap si Jeanna and I can see it in his eyes. Hindi ako nagkamali sa desisyon kong isama si Jeanna sa naging meeting namin. She was an angel in disguise. Pagkabigla ang rumihistro sa mukha ni Jeanna. Gaya ko ay hindi rin siguro siya makapaniwala na ang simpleng kuwentuhan nila ni Mr. Sartillo ay malaki ang impact sa nagong desisyon nitong pumirma ng kontrata. "T-talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Pasimpleng umirap si Marylyn at siya ang sumagot. "Baka naman inakit mo si Mr. Sartillo? Mahilig pa naman 'yon sa bata at sariwa," nakakainsultong pahayag niya. Pabiro pero alam kong intensyon niyang saktan ang kalooban ni Jeanna. "Stop it, Marylyn!" Saway ko sa kaniya. This time ay napagtaasan ko na siya ng boses. "What again, Jerico? I'm just kidding. Masama bang magbiro? Siyempre alam naman nating hindi gano'ng klase ng babae si Jeanna, right?" Baling niya kay Jeanna sabay akbay rito para hingin ang opinyon niya. Isang naiilang na ngiti na may bahid ng lungkot ang naging tugon niya sa pasimpleng pang-iinsulto ni Marylyn. Binalik niya ang kaniyang tingin sa mga papeles na ipinatatapos ko sa kaniya. "Let's go outside, Marylyn." Hindi pakiusap kundi utos. Kanina pa ako naiirira sa inaasal niya. Para siyang santa-santita na sumisira ng mood sa loob ng opisina. Hindi ito nagpatinag sa kinatatayuan niya kaya nagdesisyon akong kaladkarin siya palabas ng opisina. Doon kami sa rooftop mag-uusap para makaiwas sa iskandalo dahil sa asal niya. Pagdating namin sa rooftop ay lumabas na ang natural nitong pag-uugali. "Ano bang problema mo, Jerico?!" Sigaw niya sa akin. "Ako ang dapat na nagtatanong sa iyo niyan. Ano bang problema mo? Akala mo ba ay hindi ako nakakahalata na ipinagtatanggol mo nang paulit-ulit ang Jeanna na 'yon?! Hindi ako tanga, Jerico! Sa tingin mo ba ay hindi ko napapansin ang malalagkit mong tingin sa kaniya? Well, I'm sorry to say this, but I will never allow you to become happy. You will be stucked with me forever!" Galit niyang sumbat sa akin. "Wala akong problema, Marylyn. Ikaw ang mayro'n. Napakalaki ng problema mo! Hindi ka pa ba nagsasawa sa pamemeste mo sa buhay ko?! Kasi ako, sawang-sawa na!" Halos mapatid na ang litid sa leeg ko dahil sa pagsigaw ko. Wala namang makaririnig sa amin dito sa rooftop. "Hindi! Kung hindi ako puwedeng maging masaya sa sarili kong choices at ipipilit nila sa akin ang pagpili nila sa'yo to be my better half, hindi ako magsasawang bigyan ka ng napakaraming dahilan para pagsisihan ang pagpayag mo sa kasunduan!" "Hindi ko alam kung tanga ka o ano, Marylyn. You're a hopeless case! Ilang ulit ko bang isisiksik diyan sa gamunggo mong utak na hindi ko kasalanan na ipinagkasundo ka ng daddy mo. Hindi ko kasalanan na wala kang paninindigan sa sarili mong desisyon. Puwede kang kumalas sa agreement pero, ano? Nang ipinakot ng daddy mo ang tungkol sa mana ay nabahag ang buntot mo. Can't you see? Ikaw lang din ang makagagawa ng paraan para masira na ang usapan. Ikaw rin ang dahilan kaya ka nakakulong sa choices ng parents mo. Ang daddy mo ang gumagawa ng desisyon para sa'yo because you are not capable of making your own mature choices in life. Stop fooling around and get a life. 'Wag kang manira ng buhay ng iba!" Natahimik siya sa lahat ng sinabi ko. Umaasa akong kahit katiting ay may na-realize siya sa sinabi ko. "Gusto ko lang maging masaya, Jerico. 'Yon lang." Mahinahon at lumuluha niyang sabi. I felt sorry for saying mean things to her. Kung hindi ko naman iyon gagawin ay paano ko siya matutulungang maka-realize. Kailangan niyang masampal ng katotohanan para magising na siya sa isang mahabang panaginip na matagal na niyang inaayawang gisingan. "Go tell your dad, honestly. I'm sure maiintindihan ka niya. It's time for you to pick up yourself and start over again. Hindi pa huli ang lahat. You can be happy. May kakayahan kang gumawa ng sarili mong desisyon. Huwag kang magalit sa daddy mo dahil sa naging desisyon niyang ipagkasundo ka sa akin. He loves you very much and all he wanted is to keep you safe from anyone with bad intentions. Gusto niyang mapabuti ka. Sobra siyang nasasaktan na makita kang sinisira ang buhay mo. Panahon na para bumawi sa lahat ng sacrifices niya para sa'yo." "Thank you for your patience. I'll go ahead. Babalitaan na lang kita." "Good luck! Tawagan mo na lang ako. I am hoping to hear good news from you." Tumalikod na ito sa akin at ikinaway ang kamay bilang pagpapaalam. Nag-stay pa ako ng ilang minuto sa rooftop upang makalanghap ng sariwang hangin at i-relax ng kaunti ang isip ko. Sana nga ay tapos na nga ang problema ko kay Marylyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD