Chapter 19

1617 Words
Chapter 19 JERICO Nagpasya akong bumalik sa aking opisina upang tanungin si Jeanna kung okay na ba ang mga papeles na pinapaasikaso ko sa kaniya. Habang naglalakad ay natanawan ko siya kasama si Twinkle na mukhang may seryosong pinag-uusapan. Chismoso mang masasabi ay pumuwesto sa part na hindi nila ako mapapansin. Pinakinggan ko ang pinag-uusapan nila. "Hala! Paano na 'yan?! Si Jerico lang ang dapat na makakain no'ng sisig na dala mo. Kung bakit naman kasi parang linta kung dumikit ang Marylyn na 'yon," may pag-aalalang sabi ni Twinkle. Naguluhan ako sa ibig niyang sabihin. Para sa akin pala talaga ang dala niyang sisig. And what's wrong with sharing it to Marylyn? Hindi kaya ay balak niya akong lasunin? Pinakinggan ko pa ang usapan nila. "Nagda-dalawang isip nga ako kung ibibigay ko pa o hindi na. Baka magbago ang epekto ng spells kung may ibang makakakain. Ano sa tingin mo?" Spells? As in gayuma? Kaya niya ako tinanong tungkol sa paborito kong pagkain ay dahil gusto niya akong gayumahin? I can't believe she's desperate to have my attention. Lihim akong napangiti at nagdiwang ang aking kalooban nang malaman ko ang nararamdaman niya para sa akin. "Kaya nga, girl! Hindi rin ako sure kung ano ang mangyayari kapag may ibang nakakain no'ng niluto mong may spells. Mabuti sana kung buhay pa si lola para matanong natin. Malay mo naman umalis rin before lunch ang bruha na 'yon. Eh, 'di sure ng si Jerico lang ang makakakain no'n." "Oh sige. Makikiramdam na lang muna ako. Kapag umalis si Marylyn sa lunch ay ibibigay ko ang dala kong sisig. Kung hindi naman ay better luck next time na lang," sabi ni Jeanna. Bago pa ako maunahan ni Jeanna na makabalik sa opisina ay nagmadali na akong nagtungo sa opisina. Umupo ako sa aking swivel chair at nagkunwaring busy magbasa. Sa ganoong eksena niya ako naabutan. Bahagya pa siyang nagitla nang makita na naroon na ako sa loob sa opisina. "N-nandito na po pala kayo, Sir. L-lumabas lang po ako sandali at may ginawa," kinakabahan niyang sabi sa akin. Bakas sa mukha niya na mayroon siyang itinatago. Ngumiti ako at nagkunwaring walang narinig sa naging usapan nilang magkaibigan. "It's okay. Kababalik ko lang din." Pagpapagaan ko sa loob niya kahit hindi ako sure kung gagaan nga ba. Kapansin-pansin sa kaniya na hindi ito mapakali sa kinauupuan niya. Hahawak ng papel, babasahin tapos ibababa. Kukunin ang cellphone, may titingnan tapos itatago ulit sa bag. Kung saan-saan babaling ng tingin at biglang yuyuko. Hindi ko napigilan ang sarili ko upang magtanong. "Are you okay, Jeanna? May problema ka ba?" tanong ko sa kaniya. Para itong nasa ibang mundo na hindi narinig ang tanong ko kaya nilapitan ko na lamang siya sa kaniyang puwesto. Napatayo ito sa gulat at mukhang hindi namalayan ang paglapit ko sa kaniya. "Sorry, Sir. May ipagagawa po ba kayo?" Tarantang tanong niya sa akin. "Wala naman. I just want to ask if you are okay. Kanina ka pa kasi hindi mapakali diyan." Lalo siyang kinabahan na halata sa mukha niyang daig pa ang tinakasan ng kulay. Iniisip siguro niya kung paano niya ipapakain sa akin ang dala niya nang hindi ko kinukuwestyon kung bakit ako lang ang dapat kumain no'n. "Ah, wala po, Sir. Pasensya na po kayo kung hindi ko narinig ang tanong niyo." "You sure? Mukha kang may problema. Puwede kang mag-share sa akin. I have plenty of time to listen." Umiling siya nang umiling. "W-wala po talaga. Okay lang po ako. Salamat po sa concern." "Okay, then. Malapit na ang lunch. Puwede bang akin na lang ang dala mong sisig? Favorite ko kasi 'yan. Baka maparami ang kain ko dahil matagal-tagal rin akong hindi nakakain no'n," pagbubukas ko ng topic tungkol sa dala niyang sisig. Alam ko ang kaisa-isang rule sa mga spells. Iyon ay hindi dapat makarating sa taong ginamitan no'n ang tungkol doon dahil mawawalan iyon ng bisa. Malakas ang loob ko na kainin ang dala niyang pagkain dahil magiging ordinaryong pagkain na lang iyon. Dahil alam ko na ang tungkol sa ginawa nila ay wala na itong bisa. Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Tila ba ay nagkaroon ng solusyon sa isang iglap ang kanina pa bumabagabag sa kaniya. "S-sure po kayo? Baka hindi po ninyo magustuhan ang lasa." "Don't worry, may tiwala ako sa luto mo. In return, sasagutin ko naman ang lunch mo. What do you think?" alok ko sa kaniya. "Parang nakakahiya naman po na magpalibre ako sa inyo. Hindi naman po ako humihingi ng kapalit, Sir." "So, you mean.. okay lang sa'yo na kakain ako pero ikaw hindi?" takang tanong ko. Napakamot siya sa ulo dahil sa sinabi ko. "Ang ibig ko pong sabihin ay sa labas na lang po ako kakain. Sasabay na lang po ako kay Twinkle." "Tinatanggihan mo ba ako? Sino na lang ang makakasabay kong mag-lunch?" May himig ng pagtatampo na sabi ko. Naaligaga siya nang marinig iyon. "H-hindi naman po sa gano'n. Si Ma'am Marylyn po, hindi po ba kayo sabay mag-lunch?" tanong niya. Gotcha! Sabi ko na, eh, hindi rin niya mapipigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Marylyn. "Nope. Umuwi na siya kani-kanina lang. May pag-uusapan daw sila ng daddy niya." Lumungkot ang mukha niya at sinubukan niya iyong itago sa pamamagitan ng isang pilit na ngiti. "Ah, tungkol po siguro sa kasal ninyo. Best wishes po sa inyo." Ayaw ko munang sabihin sa kaniya ang naging usapan namin ni Marylyn. Baka magbago na naman ang ihip ng hangin tapos ang inaakala kong hindi tuloy na kasal ay matutuloy pa rin pala. "You like books, do you?" Pag-iiba ko ng topic namin. "Ah, opo." Tipid na sagot niya. "I have something to show you." Nilapitan ko ang book shelf ko at itinulak iyon upang baligtarin ang shelf. Ang isang side ng shelf ay naglalaman ng mga libro na out of this world ang nilalaman. It's more on fictional books. Usually magical, horror at kung anu-ano pa. Only my best friend knows about it. Nakakunot ang noo ni Jeanna habang nakatingin sa shelf. "Anong libro po ang mga iyan?" tanong nito na parang hindi pa nag-si-sink in sa utak niya ang tungkol sa mga librong nakikita niya. "Libangan ko ang magbasa ng mga libro sa shelf na 'yan. Since, you also like books I want to share it with you. Kapag tapos ka na sa mga ginagawa mo ay puwede kang magbasa ng mga libro diyan, para hindi ka mainip rito sa opisina." Kita sa mukha niya na hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. "Hindi ko po in-expect na mahilig ka po sa maraming libro. I mean, sa mga ganitong klase ng libro. Hindi po kasi halata sa mukha mo." Natawa ako sa sinabi niya. "Talaga? Mahilig ako sa mga fiction stories. Para kasi akong napapadpad sa ibang mundo kapag nagbabasa ng mga kuwento na may mga kababalaghan at magic." "Actually, hindi po ako masyadong mahilig magbasa pero sa tuwing may pagkakataon ay gusto ko rin po ng mga libro tungkol sa mga kakaibang mga bagay. Ang naka-impluwensya po sa akin ay ang best friend ko na si Twinkle. Naku po! Napakarami niyang mga libro. Amoy ancient na nga po ang iba pero tuwang-tuwa pa rin siyang basahin ang mga iyon. Kapag nalaman niya ang tungkol sa mga libro mo ay magkukumahog 'yon na pumunta rito para makahiram." Masaya niyang sabi sa akin. "She's welcome here. Kapag hindi siya busy ay puwede mo siyang papuntahin dito para makita niya ang mga libro at makapili ng gusto niyang hiramin." "Talaga po? Ang kaso, baka isipin naman po ng iba na sipsip kami kaya nakakahiram kami ng mga libro mo." Nag-aalangang sabi nito. Why she always think of what others might say? "Nevermind them. Akin ang mga libro kaya ako ang may karapatang magdesisyon kung sino ang pahihiramin ko. Bawasan mo na rin ang kaiisip sa sasabihin ng iba. As long as you are not hurting anyone, just do what makes you happy. Kailan ba naging krimen ang paghiram ng libro?" Sa halip na sumagot ay lumapit ito sa shelf at may tinitigang libro. It was a book from my late grandfather. It's a book of spells na minana pa raw niya sa nanay niya. Lagi niyang sinasabi na effective raw ang nasa libro. "Saan mo nakuha ang librong 'yon?" Pagtutukoy niya sa librong mataman niyang tinititigan. Sabi ko na at magtatanong siya. "Sa lolo ko. Bakit? Gusto mo bang hiramin?" tanong ko sa kaniya. "Hindi po. Mahilig ka rin po pala sa mga spells." tanong niya na may bahid ng pagdududa na nababasa ko sa mga mata niya. "Actually, no. Ipinamana iyan kay daddy pero dahil wala siyang interes sa mga libro ay ibinigay niya sa akin. Isinama ko na lang din ang librong 'yan sa mga collection ko. What's with sudden curiosity?" "Parang may nakita na po kasi akong libro na katulad no'ng libro mo," bothered na sabi niya. I guess, 'yong librong ginamit niya para sa plano niyang gayumahin ako ang tinutukoy niyang libro. "Really? Baka nagkataon lang. My grandfather told me that it is special and very limited edition." "Ah, baka nga po magkahawig lang." "Anyway, hindi mo pa sinasabi ang gusto mong lunch. Huwag ka nang tumanggi because I insists. Ipabibili ko na lang kay Kuya Dennis." "Naku! Huwag na po talaga. Sasabay na lang po ako kay Twinkle." "Hindi ka na ba talaga magpapapilit pa? Sabagay, sanay naman akong mag-lunch nang mag-isa," pagda-drama ko. Akma na akong tatalikod sa kaniya nang bigla siyang sumagot. "Fried chicken!" Medyo napataas ang boses niya sa pagsabi dahil siguro sa pagkataranta. Hindi ko napigilang mapangiti dahil hindi niya ako kayang tiisin. "Okay, noted. Tatawagan ko lang si Kuya Dennis." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD