Chapter 24

1468 Words
Chapter 24 JERICO I KNOW she's hurt. Wala akong idea kung saan nakuha ni Tricia ang balita niya tungkol sa ginawa nina Twinkle at Jeanna. Narinig ko ang naging usapan nila, but I swear to God, wala ibang akong pinagsabihan maliban sa best friend kong si Tyler. Malaki ang tiwala ko sa kaniya dahil lahat ng sikreto ko ay safe na safe sa kaniya. Napapaisip akong mabuti kung sino ba ang naroon rin habang nag-uusap 'yong dalawa. I felt bad for her. Alam kong wala ng bisa ang ginawa nila dahil sa pagiging eaves dropper ko pero hindi ko hinangad na mapahiya siya sa mga tao. She asked me if she can go outside and I said yes. She need some fresh air to breathe. Paglipas ng ilang minuto ay bumalik siya. Bakas sa mukha niya ang lungkot at medyo mugto ang mga mata. "Are you alright? Hayaan mo na si Tricia, magsasawa rin 'yon. As long as malinis ang konsensya mo ay wala kang dapat alalahanin." I don't know where did I get those words. I don't want to confront her for it may add to her burdens. "O-okay lang po ako, Sir. Salamat po sa concern," malungkot na sabi niya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita muli. "May gusto po sana akong sabihin sa inyo, Sir. Matagal ko na po dapat ito sinabi sa inyo pero wala akong lakas ng loob para sabihin ito sa'yo." May kutob na ako kung ano ang gusto niyang sabihin pero gusto ko pa ring marinig galing sa kaniya. "What is it?" "I like you, Sir. Oh, let me rephrase that.. I love you, Sir Jerico. Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula ang nararamdaman ko para sa'yo pero gusto ko nang gumaan ang bigat sa puso ko. Basta ang alam ko lang ay nagising ako na may espesyal na akong nararamdaman para sa'yo," diretsong sabi niya kahit medyo nanginginig ang boses niya. I wanted to tell her that I was the one who liked her first. Sa dinami-dami ng babaeng nagpapapansin sa akin noon ay siya lang ang bukod-tanging hindi affected sa presence ko. Pareho naming kaibigan ang best friend kong si Tyler. Kahit nagkakasama kami sa library during review or sa ibang lugar kasama ang mga common friends namin ay hindi niya ako nagawang tapunan man lang ng tingin. At kahit gusto ko siya ay wala akong confidence para umamin sa nararamdaman ko kung kaya idinaan ko 'yon sa araw-araw na panlilibre sa kaniya na ipinadadaan ko kay Tyler. She was thankful of him without knowing that I was the one doing that for her. Corny mang pakinggan pero masaya akong makita siyang masaya dahil sa simpleng meryenda. Hindi ako marunong manligaw, sanay akong babae ang naghahabol sa akin. Honestly, she was my first love. Kung tutuusin ay dapat masaya ako dahil sa naririnig ko ngayong pag-amin niya, but it felt so empty. Hindi ko maipaliwanag ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Wala na 'yong excitement. Walang thrill. Gano'n talaga siguro kapag nag-ma-matured na. "What if I don't love you?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko intensyon na saktan siya sa pagtatanong ko pero gusto ko lang malaman kung gaano ka-genuine ang feelings niya para sa akin. Ngumiti siya. "Nagtapat ako dahil gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko at hindi para pilitin ka na mahalin ako pabalik." "So, what's the point of telling me that? Kung wala sa plano mo na magustuhan rin kita ay bakit nagtatapat ka pa?" I may sound rude and proud but I want to know her reasons. Hindi ko lang maitanong sa kaniya kung bakit siya kumapit sa spells para mapansin ko kung hindi siya interesado na magustuhan ko rin. "Iyon ay dahil masarap na pakiramdam na naging totoo sa nararamdaman. Kahit hindi mo ako magustuhan, ang mahalaga ay nasabi ko ang totoong nararamdaman ko para sa'yo. Who knows? Baka magkahiwalay rin ang landas natin," nakangiti pa ring sabi niya. Why it feels like she is indirectly waving a goodbye? Dahil ba sa issue na ipinamamalita ni Tricia? "Bakit parang nagpapaalam ka na?" hindi ko napigilang itanong. Nagmadali itong tumuktok sa lamesa. "Para saan 'yon?" nagtatakang tanong ko. "Pangontra sa sinabi mo. Grabe ka naman sa nagpapaalam. Ayaw ko pang mamatay, 'no? Ang ibig ko lang sabihin ay kung dumating man 'yong panahon na umalis ako sa trabaho ko bilang secretary mo, at least nasabi ko na ang gusto kong sabihin." Kahit nasa gitna na kami ng seryosong pag-uusap ay naisingit pa rin niya ang tungkol sa pamahiin niyang pinaniniwalaan. "Are you planning to leave the company soon?" may lungkot kong tanong sa kaniya. If ever na umalis nga siya ay malaki ang adjustment na kailangan kong gawin dahil aminado akong na-attached na ako ulit sa kaniya. Masaya ako sa presence niya. Masaya akong naging magkaibigan kaming dalawa. "Wala pa naman sa plano ko ang umalis agad pero naisip ko na gusto ko rin pala magturo." Yeah! She is an education graduate. Nakalimutan ko na dapat ay nasa school siya at nagtuturo. "Okay. Sabihan mo lang ako kapag gusto mo ng bumalik sa pagtuturo. Kahit mabigat sa loob ko ay papayagan kita." "Uy! Konti na lang ay iisipin ko na may gusto ka rin sa akin," pang-aasar niya sa akin. Alam kong ginagawa niya 'yon para pagaanin ang mood ng paligid namin. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko alam kung ano ang dapat isagot. Yes, I am enjoying her presence pero ayaw kong pagkamalang pagmamahal 'yon or crush. Ayaw ko siyang umasa. Basta ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama ko siya. Sa tingin ko ay hindi ko naman kailangang madaliin na lagyan ng label ang nararamdaman ko para sa kaniya. "Do you feel better now?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya at tumango. "Opo, Sir. Mas magaan na po ang pakiramdam ko ngayon. Hindi mo po ako kailangang alalahanin. Wala ka pong responsibilidad sa nararamdaman ko." Pareho kaming napatingin sa biglang pagbukas ng pinto. Pumasok si Tyler na nagulat rin nang makita kami. "Oops! Sorry hindi na ako kumatok. Akala ko kasi--" pambungad niya. Agad kong pinutol 'yon at baka umiral na naman ang walang preno na pagsasalita niya. "What brings you here?" Napahawak siya sa dibdib at umaktong nasasaktan. "Ouch, man! Ganiyan ba ang isasalubong mo sa kaibigan mong matagal mo nang hindi nakikita?" tanong niya sa akin. He is fresh from USA. Tinamad na siguro sa buhay doon. After graduation ay pumayag siyang sumama sa America upang subukan ang buhay roon. I didn't expect na may plano siyang surprise visit dito sa opisina ko. "Cut the drama. Have a seat," sagot ko sa kaniya. "So, who is this beautiful lady with you? Is she your sexy-tary? Infairness, marunong ka ng tumingin ng magandang babae," pangangantiyaw niya sa akin. Nilakihan ko siya ng mata para tumigil. Nagtawa lang ito at tinodo pa ang pangangantiyaw. "Why, bro? Wala namang masama sa sinabi ko. She is pretty and sexy," pang-aasar pa niya. "She's Jeanna Sandoval. Limot mo na siya?" What I said caught him off guard. Natameme siya. "J-Jeanna?" ulit niyang sabi sa pangalan ni Jeanna. "Hi, Tyler, long time no see," bati sa kaniya ni Jeanna. Nagmadaling yumakap si Tyler kay Jeanna. "I'm sorry hindi agad kita nakilala. You got even prettier," pambobola niya kay Jeanna. Nag-blush naman ang babae. Sa tagal na naming kaibigan si Tyler, hindi pa rin siya nasanay sa pagiging bolero nito. "Sus! Nambola ka pa. Nasaan ang chocolates ko?" masayang sabi ni Jeanna sabay hook ng kamay sa braso ni Tyler. I find it irritating. Nagkibit-balikat na lang ako at kumuha ng wine sa cabinet. Kumuha rin ako ng yelo sa personal refrigator ko para i-serve kay Tyler. "Chocolates? Sure ka? Chocolates lang ang gusto mo? Busy ka ba mamaya? Let's hang out para naman makapag-bonding tayo," sabi niya kay Jeanna. "Sure! Isama rin natin si Twinkle. Dito rin siya nagta-trabaho." "That's a good idea." Bumaling siya ng tingin sa akin. "How about you, bro? Sana naman, eh, hindi ka busy. Or you're still the Jerico that is so workaholic?" "Let's see. I have to check my schedule first," pagdadahilan ko kahit wala talaga akong gagawin. It's just I am not comfortable to see them being clingy to each other. "Really? Wala ka pa rin palang pagbabago. You always choose to stay at your condo alone. Ang yaman mo na pero nagpapaka-workaholic ka pa rin." "Suot mo pala ang singsing na bigay sa'yo ni Mr. Sartillo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jeanna. Napatingin si Tyler sa kamay ko dahil doon. "Singsing?" kunot-noong tanong ni Tyler. "Nevermind it, token of appreciation lang niya ito. Let's have a toast sa pagbabalik mo," pag-iiba ko sa usapan. "Alam mong hindi ako hihindi diyan." Masayang sagot niya at dumampot ng baso na may wine. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD