Chapter 25

1631 Words
Chapter 25 JEANNA MAS magaan na ang pakiramdam ko dahil nasabi ko na rin sa wakas kay Jerico ang totoong nararamdaman ko. Bagama't wala siyang direktang sagot sa sinabi ko ay okay lang. Gaya nang sinabi ko ay wala siyang responsibilidad sa nararamdaman ko. Hindi niya kailangang magustuhan rin ako dahil lang umamin ako na gusto ko siya. We are not teenagers anymore. Proud ako na matured na ako ng kaunti pagdating sa ganitong mga bagay. Masaya ako na wala na akong problema pa tungkol sa nararamdaman ko sa kaniya. Ang tanging bumabagabag na lang sa akin ay ang iskandalo na kahaharapin ko dahil sa nalaman ni Tricia. Tama naman si Twinkle. Manatili lang akong tahimik ay siguradong mapapagod rin siya sa kangangawa. Sobrang laki talaga ng galit niya sa akin dahil sa pag-alis sa kaniya ni Jerico. Hanggang kailan ko kaya kailangang pagbayaran ang pagpalit ko sa posisyon niya? Ang buong akala ko ay naging maingat kami ni Twinkle sa pag-uusap pero bakit mayroon pa ring nakaalam ng tungkol doon. Sabagay, marami sigurong nagmamatiyag sa akin simula no'ng maging secretary ako ni Jerico dahil maraming may gusto sa kaniya. Naputol lang ang panandaliang pag-uusap namin tungkol sa nararamdaman ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang gwapong lalaki. Ang kaibigan kong simula no'ng pumunta sa America ay naging busy na yata sa buhay. Nagkaka-kumustahan kami pero hindi palagi. Wala rin akong masyadong alam sa naging buhay niya roon dahil hindi siya mahilig mag-post ng mga pictures niya sa social media. Gwapo na siya pero mas lalo pa siyang naging gwapo. Very manly ang amoy at porma niya pero ulaga pa ring umasta. "Ang gwapo mo lalo, Tyler. Hiyang ka sa tubig ng America, ano?" biro sa kaniya habang nakaupo kami at umiinom sila ng wine ni Jerico. "Ikaw naman, masyado kang bilib. Alam mong nasa genes talaga namin ang magandang lahi. Magpapalahi ka ba? For free," sagot niya sa akin habang patawa-tawa. "Ulaga ka talaga! Pinuri lang kita, kalokohan na naman ang naiisip mo!" "Why? What's wrong with my offer? Hindi mo lang naitatanong pero maraming Amerikana ang may gustong magkaroon ng remembrance galing sa akin. Willing pa ngang maglabas ng malaking halaga para lang mapapayag ako tapos ino-offer ko lang sa'yo for free," buong pagmamalaki pero pabirong sabi nito. "Sus! Ang sabihin mo, eh, nambababae ka lang do'n. Dumayo ka lang doon para maghanap ng mauuto mo." "Good boy ito, no? Kasalanan ko bang maraming patay na patay sa akin at iba-ibang lahi pa. Ikaw lang naman ang walang bilib sa karisma ko." Napuno ng tawanan namin ni Tyler ang buong opisina. Ang gaan talaga ng vibes kapag magkasama kami. Kapansin-pansin naman ang katahimikan ni Jerico na pinuna rin ng kaibigan. "What's the matter, bro? Wrong timing ba ang pagpunta ko rito? Kanina ka pa tahimik, ah?" puna nito kay Jerico. "Hindi naman. I am just giving you time to reunite. Mukhang na-miss niyo ang isa't-isa," matabang na sagot niya. Napatingin ako sa singsing na bigay sa kaniya ni Mr. Sartillo. Akala ko ay hindi niya 'yon isusuot dahil na rin sa kakaibang kakayahan ng singsing na 'yon. Kulay green ang bato no'n na sa pagkakatanda ko ay puti lang ang kulay nito. Pilit kong inalala ang ibig sabihin ng mga kulay ng bato na nakadepende sa mood ng nagsusuot pero hindi ko maalala. Hinayaan ko na lang at baka guluhin na naman ng singsing na 'yon ang maayos ko nang pakiramdam para kay Jerico. "Tayo rin ay matagal nang hindi nagkaroon ng bonding moment. Ayaw mo bang maki-join sa kalokohan namin," tanong ni Tyler sa kaniya. "Paano ako makaka-relate, eh, mukhang pa-simple kayong nagpapahaging ng feelings para sa isa't-isa." Hindi ko in-expect ang sagot niyang iyon. Paano niya nagawang magsalita ng gano'n kahit na kaaamin ko lang sa kaniya ng nararamdaman ko. Iyon ba ang paraan niya para i-reject ang feelings ko? Umayos ng upo si Tyler at sa isang iglap ay sumeryoso ang mukha nito. "Wala naman sigurong masama kung magkagusto kami sa isa't-isa. We are both single and ready to mingle." "Hindi ko kayo pipigilan. Ang awkward lang sa pakiramdam na may naghaharutan sa harap ko," wala sa mood na sabi niya. Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Pakikipagharutan pala ang tawag niya sa ginagawa naming magkaibigan. Mas hindi ko in-expect ang sagot ni Tyler. "Awkward kasi hanggang ngayon ay torpe ka pa rin. Ewan ko ba sa'yo at puro pagpapayaman na lang ang ginagawa mo. Ang daming nagkakandarapa sa'yo pero wala ka pa ring girlfriend hanggang ngayon," kantiyaw ni Tyler sa kaniya. Napalunok ako nang ilang ulit. Pakiramdam ko ay kasama ako doon sa tinutukoy niyang nagkakandarapa. "There is always a right time for everything, dude," makahulugang sabi niya. "Ang sabihin mo ay hindi ka lang talaga marunong manligaw. Sino ba 'yong gusto mo at ng matulungan kitang dumiskarte? 'Wag kang mag-alala dahil hindi ako mahilig manulot ng babae," pagpapatuloy ni Tyler. "Sira ka talaga. Wala akong gusto." "Masyado ka namang malihim, bro. Siguro hot chick 'yon kaya itinatago mo sa akin?" "You're funny, Tyler. Baka naman ikaw ang may girlfriend na diyan pero hindi ka lang nagsasabi sa amin," bawi sa kaniya ni Jerico. "You know that it's not my cup of tea. Wala pa sa isip ko ang pag-si-settle sa isang relationship. Tama na sa akin ang fling muna. Sakit ng ulo lang ang kaartehan ng mga babae. Hindi pa ako ready maging under," natatawang sagot niya. Hindi ko napigilang sumabat sa asaran nila. "Grabe siya, oh! Kaartehan talaga?" Napatingin siya sa akin at lalong natawa. "Oh, I forgot. May babae pala rito. No offense, Jeanna, but I am not yet ready to settle down sa isang relationship where I am monitored 24/7. Masyadong demanding ang mga relationships ngayon. Ang daming bawal. Bawal maki-hang out sa friends mong lalaki at mas lalong bawal sa babae dahil mapagkakamalang nakikipaglandian ka. At ang pinakamasaklap sa lahat ay hahamunin ka ng break-up dahil lang hindi ka agad nakapag-reply sa chat or text kahit pa sabihin mong busy ka." Ako naman ang hindi nakapagpigil ng tawa ko sa mga sinabi niya. Daig pa ang may pinaghuhugutan sa sinabi niya. Hindi ko magawang mainis sa rants niya tungkol sa mga relasyon ngayon dahil totoo naman. Nakaka-arte naman kasi talaga ang pagkakaroon ng jowa. Nagiging pabebe. "Ibig sabihin ba niyan ay nagkaroon ka ng girlfriend doon na ganiyan umasta kaya nasasabi mo 'yan?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Yes, Jeanna. I won't deny that. No'ng una ay okay kami. Sweet at smooth ang relationship pero habang tumatagal ang relasyon namin ay nagiging pabebe na siya. Sa tuwing may dalaw siya ay nagpapabili sa akin ng fries at burger na may kasama pang milk tea. Panay rin ang parinig niya tungkol sa mga skincare products na nireregalo raw talaga ng boyfriend sa girlfriend niya. Like, wtf?! Ano ako ATM niya? Mga pa-simpleng buraot lang. And you know what's worst? Sinampal ako sa harapan ng maraming tao dahil lang nagselos siya sa isang kakilala ko na binati ko sa mall na pinuntahan namin," rant niya tungkol sa naging past relationship niya. Napahagalpak kami ng tawa ni Jerico sa reklamo ni Tyler. "May hugot nga talaga. Baka naman kasi teenager 'yong naging jowa mo kaya gano'n. Hayaan mo na nga. Ang mahalaga naka-experience kang magka-girlfriend," sabi ko sa kaniya. "Well, ayaw ko na muna. Mas gugustuhin ko na lang na maging single kaysa pumuti ng maaga ang buhok ko dahil sa kunsumisyon. Let's forget about her. Kaysa pinag-uusapan natin ang kamalasan ko sa naging girlfriend ko ay pag-usapan na lang natin kung saan tayo gagala mamaya. Kayo naman ang magkuwento sa akin ng naging buhay niyo after graduation." "Mamaya pa uwian, Tyler. Maaga pa, oh. Mamaya na lang natin pag-usapan ang gusto mong paglalakwatsa," paalala ko kay Tyler. Mukhang hayahay ang buhay nito sa US kaya nakalimot na nasa trabaho kami. Napakamot siya sa batok niya nang ma-realize niya ang sinabi ko. "Oo nga, ano? Sige, maglilibot na muna ako rito para makabisado ko ang pasikot-sikot dito." Napakunot ang noo ni Jerico sa sinabi niyang iyon at maging ako ay nagtaka rin. "Why? Para saan? May balak ka bang libutin ang buong kompanya para lang maghanap ng fling?" "Nagpapatawa ka ba, Jerico? I came back from US to work here in the company with you." "What?! Seriously?" 'di makapaniwalang sabi ni Jerico. Ang saya naman! Parang nagkaroon ng reunion ang friendship namin. "Yes, I'm serious. My grandpa wants me to take care of the project he approved recently." "Grandpa? Who is grandpa?" "Mr. Eduardo Sartillo. I guess nakilala niyo na siya dahil nabanggit kanina ni Jeanna ang tungkol doon." "Lolo mo si Mr. Sartillo? I can't believe it, bro. We are friends for almost five years pero wala akong kilala sa angkan mo maliban sa mommy at daddy mo," tila ay nahihiyang sagot ni Jerico. Ako rin naman ay wala masyadong alam tungkol family background ni Tyler dahil hindi siya pala-kuwento. Basta ang alam ko lang ay galing siya sa mayamang pamilya. Panay kasi ang libre niya sa amin noon at sa mga kakilala niyang kapos sa pera. Popular siya noon sa mga schoolmates namin dahil sa pagiging galante at matulungin niya. What a small world talaga. Napakagandang balita nito para kay Twinkle na matagal nang may crush kay Tyler. Paniguradong wantusawa ang pagpapaganda no'n. "Yeah. Hindi ko sinabi kasi sa tingin ko ay hindi naman natin kailangang pag-usapan 'yon. Tinawagan niya ako at pinakiusapang ako muna ang in-charge sa project na 'yon." . "Bakit hindi mo sinabi agad? Kanina pa tayo nagkukuwentuhan dito." "Gusto ko sana kayong i-surprise pero ako ang na-surprise nang malaman ko na dito nagta-trabaho si Jeanna." "Welcome to the company, Engr. Rivera," pagbati ni Jerico sa kaniya sabay abot ng kanang kamay para makipag-shake hands.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD