Chapter 23

1733 Words
Chapter 23 JEANNA KABADO akong pumasok sa trabaho. Gusto ko nang itama ang lahat ng naging choices ko sa buhay. Gusto ko ring humingi ng tawad sa maling asal ko na ikinahiya ni Jerico. Nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya habang nakatingin sa kawalan. Tila ay may malalim itong iniisip. Bagama't kinakabahan ay binati ko siya. "G-good morning, Sir." Hindi siya sumagot. Pumunta ako sa puwesto ko. Nagitla ako nang bigla itong magsalita. "I-I'm sorry," mahinang sabi niya. "S-sorry? Para saan po?" nagtatakang tanong ko. "For what I did to you yesterday. Masyado akong nagpadala sa konsepto ko ng professionalism at nakalimot akong natural lang sa'yo ang pagiging friendly. I'm sorry for being mean to you," nakayukong sabi niya. Ramdam ko ang sincerity sa mga katagang binitiwan niya. "Ako po ang dapat na humingi ng sorry sa'yo. Ako po ang nakalimot sa professionalism na dapat ipinapairal sa trabaho. Masyado po akong nadala sa kabaitan na ipinakita ni Mr. at Mrs. Sartillo kaya naging magaslaw ang kilos at pananalita ko," paghingi ko rin ng tawad. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa paghingi ko ng tawad. Iba talaga ang peace of mind na naibibigay ng pagpapakumbaba. "A lot of things changed in me when you came back to my life, Jeanna," makahulugang sabi ni Jerico. "Ano po ang ibig mong sabihin?" "I am not used to admit or own my mistakes. Lagi kong iniisip na tama ako. Hindi ako marunong magpakumbaba. Not until you came into the picture. Lagi kang nagpapakumbaba kahit pa sa mga pagkakataon na ako ang may mali. And everytime you do it, I felt so guilty. Napakasarap pala sa pakiramdam na umamin sa mga pagkakamali. Thank you for making me realize things." Na-touch ako sa sinabi niyang iyon. Nakakatuwa naman na sa simpleng mga pag-uusap namin ay may naituturo pala ako sa kaniya. "Hindi ko po in-expect na gano'n pala ang naging epekto ko sa buhay mo. Tama ka po, masarap sa pakiramdam ang pagpapakumbaba. Hindi naman po nakakabawas sa dignidad at pagkatao ang pag-amin sa mga pagkakamali," nakangiting sabi ko. Pareho kaming nagulat nang biglang bumukas ang pinto at mataray na pumasok si Tricia; ang dating secretary ni Jerico. Maarte itong lumapit sa puwesto ni Jerico. "I didn't know you like witches. Mas gusto mo pala ang isang mangkukulam na gaya ni Jeanna," may diing sabi ni Tricia habang nakatingin ng matalim sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ni Jerico dahil sa sinabing iyon ni Tricia. "Ano na naman ba ito, Tricia? I thought you are in a better place now. What's your purpose in telling me that accusations againsts Jeanna?" "Accusations? C'mon. Totoo ang sinasabi ko. Napakalaki ng tiwala mo sa babaeng 'yan, samantalang ginayuma ka lang niya para mapalapit sa'yo. Kaya pala no'ng umpisa pa lamang ay mabigat na ang loob ko sa babaeng iyan. 'Yon naman pala ay may bahong itinatago. Totoo ngang walang baho ang hindi aalingasaw," nang-uuyam na sabi ni Tricia. Hindi ako makagalaw sa puwesto ko dahil sa kaba. Nanlalamig ang buong katawan ko na parang binuhusan ng tubig na may maraming yelo. Bakit pakiramdam ko ay may alam sila tungkol sa ginawa namin? Ang tanong ay paano? Gustuhin ko mang magsalita ay walang salita ang lumalabas sa bibig ko. "Tigilan mo na 'yan, Tricia. Huwag kang gumawa ng iskandalo rito," galit na saway sa kaniya ni Jerico. "Bakit hindi mo tanungin 'yang magaling mong secretary? Patahi-tahimik tapos 'yon naman pala may lihim na ginagawa para akitin ka!" "Stop it, Tricia! Umalis ka na rito!" sigaw muli sa kaniya ni Jerico. Nanatili akong nakapako sa kinauupuan ko. Sa kabila ng palitan nila ng sigawan ay wala akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko, lalo pa at alam kong tama ang sinasabi niya. Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na may ibang makakaalam ng tungkol doon. Sa palagay ko ay nag-ingat kami sa pag-uusap. "No, Jerico! Hindi ako aalis dito hangga't hindi umaamin ang Jeanna na 'yan sa ginawa niya," galit na galit na sabi nito. Lumapit siya sa akin at hinila ang buhok ko. Napakahigpit ng kapit niya at ramdam ko ang matinding galit niya sa akin. Nagulat si Jerico sa ginawa niya kaya lumapit ito upang awatin siya. Ako ay parang tuod lang na walang reaksyon kahit sinasaktan na ako. Naitulak niya ng malakas si Tricia kaya napasalampak ito sa sahig. "Umalis ka na rito bago pa ako magpatawag ng guard para kaladkarin ka palabas ng opisinang ito!" pagbabanta ni Jerico sa kaniya. "Ano Jeanna?! Tatahimik na lang diyan? Hindi ka ba makapaniwala na mabubuking ang ginawa mo? Kaya naman pala basta na lang ako tinanggal sa trabaho ni Jerico at ikaw ang ipinalit. Iyon naman pala ay may kababalaghan nang nangyayari," sumbat sa akin ni Tricia. Wala pa rin akong imik dahil hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko. Si Jerico ang sumagot para sa akin. "Tinanggal kita sa trabaho dahil hindi maganda ang asal mo sa trabaho. Mas mayabang ka pang umasta kaysa sa boss mo. At isa pa, mahilig kang mang-away ng mga empleyado rito. Tigilan mo na ang mga pambabatikos mo kay Jeanna na wala namang basehan." Tumawa si Tricia. "Basehan ba ang hanap mo? Inilabas niya ang cellphone at may video na pinanood kay Jerico. Hindi ko nakikita kung ano ang mayro'n sa video pero sigurado akong boses namin ni Twinkle ang naririnig ko sa video. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang kahihiyan. Nagbabadya na rin ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Sino ang nakarinig sa amin? Napakabilis naman ng pangyayari. Ito na ba ang karma ko sa pangunguna ko sa mga bagay na hindi pa nangyayari? Napatingin ako kay Jerico na namumutla ang mukha. "Where did you get that?" galit na tanong ni Jerico. "Mahalaga pa ba 'yon? Ang mas mahalaga ay alam mo na ang kabulastugan niyang secretary mo. Kunwari disente 'yon pala mangkukulam naman!" "Nasabi mo na ang gusto mong sabihin. May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala, makakaalis ka na. Wala akong pakialam sa walang kuwentang balita mo. Sa tanda mong 'yan, naniniwala ka pa sa chismis tungkol sa gayuma," pagtataboy ni Jerico kay Tricia. "Nabubulagan ka na nga! Kung sa'yo ay wala lang ito, sa akin ay hindi. Kailangang malaman ng lahat ang totoo! Sisirain ko ang Jeanna na 'yan hanggang sa siya na mismo ang kusang umalis rito sa kompanya." Puno ng galit na pagbabanta ni Tricia. Alam kong hindi lang pagbabanta iyon dahil tototohanin niya 'yon. Pagkasabi niya ng kaniyang pagbabanta ay mabilis itong lumabas ng opisina. Napahagulhol ako ng iyak. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Hinaplos ni Jerico ang likod ko upang pagaanin ang kalooban ko. Ngunit, hindi sapat iyon para gumaan ang bigat na nararamdaman ko. "Stop crying. Hayaan mo na si Tricia." "May I go out, Sir?" pagpapaalam ko. Alam kong oras ng trabaho ngayon pero hindi ako makakapag-focus. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag kumalat na ang tungkol doon sa buong kompanya. Nakakahiya. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga tao? "I understand. Take your time." NAGMADALI akong lumabas at hinanap si Twinkle. Wala namang kakaiba sa mga tingin ng ibang mga empleyado kaya sa palagay ko ay hindi pa nila alam ang tungkol sa nalaman ni Tricia. Isang malungkot na tingin lamang ang ipinukol ko sa kaniya at agad naman niyang naintindihan ang nais kong iparating. Lumapit siya sa akin at tinanong ako. "Oh, bakit? May nangyari na naman ba? Malapit na akong maniwala na may balat ka sa puwet, Besh," biro niya sa akin. Pilit na ngiti lamang ang naisagot ko. " Charot lang 'yon. Ano ang problema?" seryosong tanong na niya. "Puwede bang huwag tayo rito?" nag-aalangang tanong ko. Nagtataka man ay sumama siya sa akin palabas ng building. Pumunta kami sa isang malapit na cafeteria upang doon mag-usap. "Besh, alam ni Tricia ang tungkol sa ginawa natin," naluluhang sabi ko sa kaniya. Napatutop ito ng bibig at halo-halo ang emosyon na mababasa sa mukha niya. "Seryoso? Paano niya nalaman 'yon? Ikaw, Jeanna, huwag mo akong pinakakakaba ng ganiyan. Hindi magandang biro 'yan," hindi makapaniwalang sabi niya. Pinahid ko ang mga luhang umagos sa aking pisngi. "Hindi kita isasama rito kung nagbibiro lang ako. Natatakot ako, Bes. Paano na ako kapag kumalat ang tungkol doon?" "Eh, 'di magkunwari kang walang alam sa sinasabi ng bruhang 'yon. Basta kahit na anong mangyari ay 'wag na 'wag kang aamin," utos niya sa akin. "Kung ganoon lang sana iyon kadali ay iyon ang gagawin ko. May ebidensya siya. May hawak siyang video natin habang nag-uusap tungkol doon? Bakit ganito ang nangyayari? Karma ko na ba ito?" sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. "Ano?! May video? At sino naman ang walang hiya ang kumuha ng video natin habang nag-uusap? Kapag nalaman ko kung sino 'yon ay sisiguruhin kong makakalbo ko talaga siya." "May usap-usapan na ba sa inyo tungkol sa atin? Sorry, Bes. Pati ikaw ay madadamay," may pag-aalalang sabi ko sa kaniya. "Bakit ka nag-so-sorry? Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang pumilit sa'yo na gumamit no'ng libro ni Lola. Ako ang dapat sisihin, Bes. Pero dahil hindi natin puwede ibulgar ang tungkol sa libro ni Lola ay magsisinungaling tayo ng kaunti. White lies kumbaga. Kapag kumalat na ang tsismis at binatikos tayo ay sasabihin natin na trip lang natin ang mag-usap tungkol sa gayuma. Sabihin na lang din natin na crush mo si Jerico kaya nagbibiruan tayo. Wala namang nakakaalam na nagbaon ka ng sisig, 'di ba?" Napaisip ako sa sinabi niyang iyon. May point naman siya. Maliit na bagay lang ang aminin kong crush ko si Jerico kumpara sa damage na maidudulot 'pag nalantad ang tungkol sa libro ni lola. Hindi rin naman magiging kataka-taka kung sasabihin kong crush ko rin si Jerico dahil marami naman talagang nagka-crush sa kaniya. Napakabuting kaibigan talaga ni Twinkle. Gusto niyang akuin ang sisi sa bagay na ginusto ko rin namang gawin. "Sure ka bang uubra ang plano mo? Paano 'yong video? Paano kung ipilit ni Tricia ang tungkol doon?" "Hayaan mo siyang dumakdak nang dumakdak. Kahit ano namang sabihin niya ay wala siyang magagawa kung hindi tayo aamin, lalo ka na kasi ikaw ang puntirya niya. 'Yong video lang naman ang pinanghahawakan niya. Don't worry, Bes. Alam mong palaban ako, hindi kita pababayaan na lumaban nang mag-isa. O, siya, balik na tayo sa trabaho. Dedma lang sa bashers." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD