Chapter 22

1695 Words
Chapter 22 JEANNA "BAKIT ganiyan ang hilatsa ng pagmumukha mo? May problema ka ba? Hindi mo ba naipakain sa kaniya 'yong sisig na niluto mo?" tanong ni Twinkle sa akin pagpasok ko sa loob ng kwarto namin. Lumapit rin si Rona at inalalayan ako paupo sa higaan ko. Hinang-hina ang katawan ko pero hindi ko maintindihan kung bakit. "Okay ka lang, girl? Para kang lantang gulay? Don't tell me, tumalab na ang spell at nauwi kayo sa ratratan ni Jerico kaya nanghihina ka?" Pang-aasar na tanong ni Rona sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo kahit kailan talaga ay marumi 'yang utak mo." "Eh, bakit nga ganiyan ang itsura mo? May nangyari bang hindi maganda?" tanong ulit niya. Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ang nangyari kanina dahil sa blueberry cheesecake na 'yon. Napatingin rin ako sa paperbag na may lamang pagkain na ipinabaon pauwi sa akin ni Mrs. Sartillo. Kinuwento sa kanila ang nangyari at pareho lang silang natahimik. "Hindi naman sa may kinakampihan ako, besh. Pareho kong gets ang point ninyo ni Jerico," nahihiyang sabi ni Twinkle. Bahagya pa itong napakamot sa ulo niya. "Alam kong nature mo na ang pagiging friendly kaya maaaring wala lang sa'yo ang naging asal mo doon sa mansion ng isang kliyente niyo. And good thing, hindi sila nagalit sa'yo or nag-isip ng masama laban sa'yo. But, you also have to consider Jerico's perspective. Kliyente niyo 'yon at gusto lang siguro niya na mag-iwan ng magandang impression sa kanila para ma-i-angat ang dangal ng kompanyang pinagtatrabahuan natin. Gusto lang siguro niya na maging professional ang approach ninyo doon," paliwanag sa akin ni Twinkle. Naisip ko rin iyon habang nasa biyahe kami pauwi. Sumobra ang asal ko. Nakalimot ako na trabaho ang dahilan kung bakit kami naroon. Si Rona ay hindi napigilang sumabat at magbigay ng sarili niyang opinyon. "Para sa akin naman ay OA siya. 'Di ba sabi mo ay mabait naman ang kliyente niyo. Nagustuhan niya ang vibes mo kaya pumirma ng kontrata. Kung tutuusin pa nga ay utang na loob no'ng Jerico na 'yon sa'yo ang pagpirma no'ng kliyente niyo. Hindi ka rin dapat niya pinagsabihan sa harap ng iba. Malinaw na pamamahiya ang ginawa niya sa'yo. Huwag na huwag magkakamaling magpakita sa akin ang lalaking 'yon at kahit malaki ang abs niya ay magpapaka-maton ako para ipagtanggol ka," gigil na sabi ni Rona. "Ma-ta-touch na sana ako kung hindi mo naisingit ang abs niya. Anyway, salamat sa pagtanggol sa akin, Baks. May point naman si Twinkle at may point ka rin, but the bottomline is mali ang inasal ko. Nag-asta patay-gutom ako roon dahil favorite ko ang cake na hinain nila. Siguro ay hihingi na lang ako ng sorry sa kaniya," sabi ko. "Hay naku! Napaka-martir mo namang babae ka! Saka feeling ko ay may balat ka sa puwet. Sa tuwing may ginagawa ka para mapansin ni Jerico ay may hindi magandang nangyayari. Naisip ko lang, baka hindi kayo ang meant to be?" Sabi ni Rona. At dahil nabanggit niya ang tungkol sa meant to be na 'yan ay sumagi muli sa isip ko ang sinabi sa akin ni Mrs. Sartillo. "Guys, may sasabihin ako sa inyo. Tungkol ito sa asawa ng kliyente na pinuntahan namin kanina. Believe it or not, sa kabila ng yaman nila ay naniniwala rin sila sa magical thingy at sa katunayan ay may talent sa pagbasa ng guhit sa mga palad ang asawa ni Mr. Sartillo," kuwento ko. "Talaga? Ano'ng sabi sa'yo? Maganda ba ang nakita sa palad mo?" usisa ni Twinkle. "Pustahan tayo, hindi maganda ang nakita, ano?" Sabat ni Rona. Kung hindi ko lang siya kaibigan ay kakalbuhin ko talaga siya. Grabe makabatikos sa akin. "Sobra ka talaga sa akin! Nakakainis ka na. Huwag ka na nga sumabat," inis na sabi ko. "Tama na 'yan, Rona, ang harsh mo na kay Jea," saway ni Twinkle sa kaniya. "Sorry na. Charot lang naman 'yon." "Okay, continue." Sabi ni Twinkle. "Ang sabi sa akin ay ang taong makakatuluyan ko raw ay hindi ang taong nilalaman ng puso ko ngayon at hindi raw lahat ng nararamdaman ko ay totoo." Napakunot ang noo ni Twinkle. "Wait lang, ha? Ang ibig sabihin kaya no'n ay hindi si Jerico ang destiny mo?" Nalungkot akong muli sa ideya na 'yon. "Siguro nga. Siya lang naman kasi ang lalaking laman ng puso ko ngayon," malungkot na sabi ko. Hinimas niya ang likod ko para pagaanin ang loob ko. "Okay lang 'yan. Kung hindi siya ang para sa'yo, ibig sabihin ay may ibang nakalaan para sa'yo." "Oh my gosh! Kung hindi si Jerico ang para sa'yo, ibig sabihin rin ba ay walang epekto ang ginawa nating spells?" takang tanong ni Rona sa amin. "Actually, naisip ko na rin 'yan, pero naisip ko rin na magkaiba ang meant to be sa spells. Hindi naman siguro lahat ng ginagamitan ng spells ay nakakatuluyan ng taong gumamit no'n," sagot ko. "Gets ko ang ibig mong sabihin," pagsang-ayon ni Twinkle. "Puwedeng magustuhan ka rin ni Jerico dahil sa epekto ng spells pero hindi ibig sabihin no'n ay walang epekto ang spells sa libro ni Lola. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang sinabi sa'yo tungkol sa nararamdaman mo. Alin doon ang hindi totoo? 'Yong pagkagusto mo sa kaniya? Baka kaya hindi tumatalab ang spells dahil hindi mo pala talaga siya gusto." Dagdag pa niya. "Hindi ako sure kung magugustuhan niya ako pero sure akong gusto ko siya, mga bakla." "Oh, anong ibig sabihin ng hindi ka sure sa nararamdaman mo?" tanong ni Rona. "Hindi ko rin alam. Ang hirap namang ma-gets ang ibig sabihin ni Mrs. Sartillo," frustrated kong sabi sa kanila. Humarap ako kay Twinkle upang itanong sa kaniya ang tungkol sa libro niya. "Besh, may kapareho ba 'yong libro mo? I mean, hindi lang ba iyan iisang kopya?" tanong ko sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay nito at tila hindi na-gets ang tanong ko. "Ang tinutukoy mo ba ay 'yong libro na ibinigay sa akin ni lola?" pagkumpirma niya. Sunud-sunod na tango ang sagot ko. "Eh, kasi ipinakita sa akin ni Jerico ang book shelf niya sa office. Puro fiction books ang mayro'n, libangan daw niya. Tapos ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay 'yong libro niya na katulad na katulad no'ng sa'yo." Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Imposible 'yan, nag-iisa lang ang libro ni Lola. Sigurado ka bang kapareho iyon ng libro ni Lola?" "Oo, besh! Siguradong-sigurado ako. Nagtanong pa nga ako kung saan galing ang libro niya. Ang sabi niya, ipinamana raw sa kaniya ng lolo niya. Sinabi ko ring parang may nakita akong kahawig no'ng libro niya at pareho kayo ng sagot. Imposible raw dahil limited edition ang librong 'yon." "Ano ba 'yan, Jea. Gusto ko tuloy makita ang libro niya. Gusto kong ako mismo ang makapagsabi kung totoo ngang kapareho iyon ng libro na ibinigay sa akin ni Lola," hindi mapakaling sabi niya. "Pati ako curious na rin. Naloloka ako sa'yo, Jeanna. Ano 'yon? May mga ibang book of spells pala na naipamana rin? Baka kasi ibang version rin 'yong na kay Jerico at iba rin ang hawak ni Twinkle. Alam niyo naman na uso ang mga gayuma noon. Ikalma niyo lang ang brain cells niyo. Hindi naman siguro iisa ang libro para sa mga spells, 'di ba?" sabi sa amin ni Rona. "May point ka, girl. Hayaan na nga natin 'yon. Hindi lang naman si Lola Marya ang may karapatang magpamana ng libro. Ang dapat nating alamin ay kung nakain ba ni Jerico ang sisig na dala ni Jeanna?" pagsang-ayon ni Twinkle sa sinabi ni Rona. "Oo, nakain niya. Gustong-gusto nga niya, eh. Bilang kapalit ay nilibre niya ako ng lunch." "Nasaan 'yong fianceé niya? Hindi ba sila sabay kumain? 'Di ba parang linta 'yon na nakadikit sa kaniya?" tanong ni Rona sa tonong iritable. Hindi kasi naging maganda ang iniwang impression ni Marylyn sa kaniya dahil sa pagsugod dito sa amin. "Magkasama silang dumating sa opisina pero bago magtanghalian ay umalis rin siya. Kakausapin raw ang daddy niya para i-atras ang kasal nila ni Jerico." "Ang bongga naman pala! Ibig sabihin ay malaya ka ng landiin si Jerico!" masayang sabi ni Rona. "Maganda sana 'yan kung hindi ko nakausap si Mrs. Sartillo." Walang-ganang sagot ko. "Lahat ng tao na nakikilala natin ay mayroong dahilan. Hindi nagkataon lang na nakikilala mo si Mrs. Sartillo. May mahalagang role 'yon sa buhay mo. Kaya nga kahit naniniwala ako sa mga magic ay ayaw kong magpahula in any form. Ayaw ko kasing pangunahan ang future. Ayaw kong mabubuhay ako sa lungkot para sa mga bagay na hindi pa nangyayari gaya nang nararamdaman mo ngayon. Dahil sa hula, nawalan ka na ng gana tungkol sa namumuong something sa inyo ni Jerico. Sa halip na maging masaya ka kasi hindi mo na magiging karibal si Marylyn sa atensyon ni Jerico ay nalulungkot ka dahil nasabi sa'yo na hindi siya ang lalaking nakatakda para sa'yo." Natauhan ako sa sinabi niyang iyon. Sana pala ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumanggi sa alok ni Mrs. Sartillo. Hindi sana ako nalulungkot ng ganito ngayon. Ngumiti ako sa kaniya. "Sabi mo nga, lahat ay may dahilan. Blessing in disguise na rin 'yon. At least ngayon pa lang ay nalaman ko na kahit ano pala ang gawin ko ay hindi siya ang makakatuluyan ko. Siguro ito na rin ang way ng universe para patigilin na ako sa kalokohan ko. Hindi talaga ako paniwalain sa mga gayuma. Nagawa na natin ang spells para kunin ang atensyon ni Jerico. Napag-isip-isip ko na dapat ko ng ipaubaya sa universe ang mga bagay na dapat mangyari. Salamat sa pag-share mo sa akin ng karunungan na ipinamana sa'yo ni Lola. Sa dami ng nangyari ay gusto kong isipin na hindi nangyari ang lahat ng ito." "Ibig sabihin ba niyan ay sinusukuan mo na ang nararamdaman mo para kay Jerico?" malungkot na tanong ni Rona. "Hindi naman. Gusto ko pa rin siya, pero mas maganda kung hindi ako nagmamadali o nagpipilit, 'di ba? Mangyayari naman kung ano ang nakatakdang mangyari." "Oo nga! Basta support lang kami ni Twinkle. Mahal ka namin, Jea." sabi ni Rona sabay yakap sa akin. Lumapit rin si Twinkle at nag-group hug kami. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD