Kabanata 7

1621 Words
Pagkauwi namin ni Caleb ay dumiretso ako agad sa kwarto para magbihis, narinig kong may sinasabi pa ito pero hindi ko na pinansin. Ni-lock ko lang ang pinto at nagsimulang mag-alis ng damit hanggang wala ng natirang saplot sa aking katawan, inilagay ko sa laundry basket ang damit na hinubad ko bago ako dumiretso sa banyo. Nagbabad lang ako ng ilang minuto sa bathtub at nang makaramdam ng lamig ay tinapos ko na rin ang pagligo, pagkatapos kong tuyuin ang sarili ko ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis. Simpleng loose shirt lang ang suot ko at maiksing short, madilim na rin naman sa labas at pagod na ako kaya wala na akong planong lumabas para gumala. Paglabas ko ng silid ay naabutan ko si Caleb sa sala na nanonood ng NBA League, typical na paborito ng mga lalaking panoorin. Sinulyapan ko pa ang pinapanood nito, 4th quarter na ng game at mukhang semi-finals na iyon. Nakatutok ito sa TV at mukhang absorb na absorb sa pinanonood kaya hindi man lang ako nito pinansin, wala naman akong pakialam dahil ayoko ring pinapansin ako nito. Tinignan ko ang oras at pasado alas singko pa lamang, maaga pa para sa dinner pero nakakaramdam na ako ng gutom. Dahil may tira pa akong cake kanina na nasa refrigerator ay iyon na lang muna ang kakainin ko, naglagay lang ako ng malaking slice sa isang plate at naglagay ng malamig na tubig sa baso. Walang ibang laman ang fridge kundi iyong mga left-over namin kanina. Pagkakuha ko ng pagkain ay bumalik ako sa sala dala-dala ang mga ito, inilapag ko iyon sa center table saka naupo sa kabilang side ng sofa na inuupuan ni Caleb. Doon pa lamang naman ako nito sinulyapan at dumako rin ang tingin nito sa cake na nasa mesa. Nakahanda na ako sa sasabihin nito at nakapag-formulate ng mga isasagot kung sakaling magsalita ito, pero nanatili itong tahimik at muling ibinalik ang focus sa pinapanood. Kumunot ang noo ko at tumingin sa pinagkakaabalahan nito, wala naman akong maintindihan kahit anong gawin ko. Basta alam ko basketball iyon at kailangang i-shoot ang bola, may mga ilang fouls na tinawag ang referee pero hindi ko naman alam kung paano iyong nangyari. Nakatutok lamang ang mata ko sa screen ng TV at sinusubukan pa ring intindihin ang pinapanood ni Caleb, pero kalaunan ay sumuko rin ako at tinuon nalang ang pansin sa cake na kinuha ko. "Thank you po sa food," bulong ko bago nilantakan ang cake. "Who are you thanking?" Mababakas ang pagtataka sa mukha ni Caleb nang lingunin ako nito, ako naman ay natigil sa akmang pagsubo. "Si Lord," tipid na sagot ko at tuluyang sinubo ang kutsarang may lamang cake na nabitin sa hangin kanina nang biglang magsalita si Caleb. "Is that a prayer?" May naglalarong kuryosidad sa mata nitong malinaw sa paningin ko, maging ang ngisi nitong parang nang-aasar kaya inilapag kong muli ang cake sa center table. "Oo," tipid na sagot ko. Pumailanlang ang malakas na tawa ni Caleb pagkarinig sa sagot ko, nakaramdam naman ako ng inis dahil wala akong makitang nakakatawa sa ginawa ko. "What's funny? Do you even pray?" Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nito nang tumigil ito sa pagtawa. "I do, but not as plain as your prayer. Thank you po sa food, that's all?" Inilagay pa nito ang kamao sa ibabaw ng bibig nito para itago ang kanyang tawa pero hindi naman iyon nakawala sa akin. "Hindi naman kailangang mahaba ang prayer, kailan pa nagkaroon ng batas na kailangan parang essay ang dasal? Ang mahalaga ay nagpasalamat ako sa blessing na kakainin ko." "That's true but you should've put more effort into it, you didn't even say amen." Inirapan ko ito at sinamaan ng tingin. "Sa isip ko nalang 'yon, hindi naman kailangang iparinig sa'yo." Pinalamig ko pa ang boses ko para malaman nitong naiinis ako. "Okay. Let's just say I believe you," ani Caleb. Gusto ko itong batukan, sabunutan at tadyakan sa kaangasan nito, hindi matatago ang sarkasmo sa boses nito. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong kapag gumanti ito ay wala rin akong laban. "Whatever you say. I won't share this to you," mahinang wika ko. Wala akong intensyon iparinig iyon dito. "Oh?" Napalingon ako kay Caleb pagkasubo ko ng cake, narinig ba niya ang sinabi ko? Nagtatanong ang tinging iginawad ko rito nang titigan ako nito. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awkwardness dahil sa mga titig nito habang puno ang bunganga ko ng cake, nahihiyang tinakpan ko na lamang ng kamay ko ang aking bibig para hindi nito makita ang pagnguya ko. Ano bang tinitingin tingin nito? "Ano?" angil ko. Napilitan akong lunukin agad ang nasa bunganga ko at kinailangan kong uminom agad ng tubig dahil medyo nahirapan ako sa paglunok, naiilang kasi ako dahil nakatitig pa rin ito sa akin. "I was the one who paid that food, basically that's mine." I just rolled my eyes in Caleb's remark, "I was the one who ordered it. This is mine," kontra ko dito. "Aren't you being ungrateful right now?" "Sino bang nagsabing i-shoulder mo lahat ng expenses dito sa suite na 'to." Willing naman akong magbayad kanina pero sabi ng staff ay lahat daw ng gastos dito ay nasa tub ni Caleb at bayad na. "But at least be grateful enough to share the food that I paid." Hindi naman mukhang isinasampal nito sa akin ang mga ginastos nito, in fact, parang mas nang-aasar pa ito at hindi nawawala ang ngisi sa labi nito. "Fine, babayaran ko nalang lahat ng kinain ko." Hindi ko alam pero mas lalong kumukulo ang dugo ko dahil sa mga patutsada nito. "Nevermind," biglang bawi nito. Lalo namang nalukot ang mukha ko, pinakatitigan ko ito pero muling nakatuon na ang atensyon nito sa pinapanood. Am I really being ungrateful? I haven't paid my debt earlier, at dinamihan ko ang order ng pagkain kanina dahil gusto ko itong asarin sa gastos nito kanina. Pero lahat ng iyon ay napunta sa wala dahil hindi niya alintana ang gastos, barya lang naman sa kanya lahat ng ginastos namin kanina. "Mayroon pang natirang cake sa fridge, I can get you one if you like." Nag-iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako bigla ng pag-iinit ng mukha, lalo nang muli akong tignan nito. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito kaya muli kong ibinalik ang tingin ko dito. Nanlaki pa ang mata ko nang makitang sumubo ito ng cake gamit ang parehong kutsarang ginamit ko. "Hey! That's mine," bulalas ko. Nahihiwagaang tumingin ito sa akin, "so?" he asked. "I already put that in my mouth," tukoy ko sa kutsarang isinubo nito. "So?" "I, It's disgusting...I, I- the saliva." Hindi ko na alam kung paano kong i-explain ang sarili ko kaya nagkanda buhol buhol ang mga sinabi ko. "Hm. That's all?" Muli itong sumubo ng cake gamit ang kutsara ko, sinubukan ko pang agawin iyon pero inilayo lang nito. "Hindi mo dapat ginagamit ang gamit ng iba, pwede naman kitang ikuha ng iyo!" Natutop ko ang bibig ko nang biglang tumaas ang boses ko, narinig ko naman ang muling pagtawa nito. Nakatulala lang ako at inis pa ring pinapanood lamang ito hanggang sa tumigil ito sa pagtawa. "You're disgusted sharing spoon with me because of saliva? Unbelievable." Muli itong tumawa pero saglit lamang. "W, What's wrong with that?" I stuttered. "Nothing, really." Umiling ito at muling tumingin sa akin, "but don't you think it's weird? We already shared our saliva before, as far as I remembered it was before our parents officially declared our engagement." Namilog ang mata ko nang mapagtanto ang tinutukoy nito, "stop it!" Suway ko dito pero parang wala itong narinig. "Come to think of it, we didn't just shared our saliva with each other. I," tumigil ito sa pagsasalita. Napalunok ako ng bigla nalang itong lumapit, tatayo na sana ako nang iharang nito ang kamay sa lalabasan ko. Nakapangko ang kamay nito sa hand-rest ng sofa kaya nakakulong ako ngayon doon. "W,What are you doing? Stay away from me." Ramdam ko ang pagpapawis ng noo ko at pagbilis ng tibök ng puso ko dahil sa kaba. Pero nanatili itong kalmado at nakatitig lang sa akin. Sobrang lapit nito na naaamoy ko na ang mabangong hininga nito. "You're disgusted with my saliva and yet you enjoyed when I was kissing you, licking you and ea—" "Stop!" putol ko sa iba pang sasabihin nito. Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang tainga ko, pero agad din akong napadilat nang marinig ang pagbagsak ng kutsara sa platong nasa mesa. Malakas iyon na akala ko ay nabasag ang plato dahil doon, nang mapansing wala namang nangyari ay lakas loob kong sinalubong ang mga tingin ni Caleb. "Stay away from me right now, I am warning you." Pinatigas ko pa ang boses ko para mas maramdaman nito ang banta ko, pero parang trinaydor ako ng sarili kong bibig dahil bahagyang nanginig iyon. Nagmukha tuloy na nagmamakaawa ako imbes na nagbabanta. "And if I don't, what will you do?" Bumaba ang tingin nito sa bibig ko, agad ko namang ikinuyom ang labi ko. Hindi ko na mabilang kung ilang paglunok ang ginawa ko, pero bakit gano'n? Hindi ko mapigilang mapatingin sa labi nito at pilit na pumapasok sa isip ko ang nangyari noon sa amin, I know how sweet and soft his lips is. More reason that I am craving to taste it. Napailing ako at napapikit ng mariin dahil sa naiisip ko. Mahalia?! Are you insane?! Para na akong tangang pinapagalitan ang aking sarili, nanatili akong nakapikit dahil natatakot ako sa magagawa ko once nagbukas akong muli ng mata. I can still feel Caleb's breathing, oddly, it is getting heavier and so is my breathing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD