Sinalubong si Blair ng malamig na simoy ng hangin nang makalabas siya sa ospital. Sa wakas! Nakalaya na siya! Nasa tabi niya si Roman, na siyang nakaalalay sa kaniya. Ang malaking kamay nito ay nakapatong sa kaniyang likod, marahan ang haplos, habang ginagabayan siya papunta sa sasakyan. Ramdam pa rin ni Blair ang pagod, bigat at kirot ng katawan. Pero ang pinakamahalaga, makakauwi na rin siya. Nakakatawa lang isipin na puro tulog ang ginawa niya ngunit pagod parin. Para kasing hindi siya nabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ng isip. Bakit may gustong manakit kay Blair? Sino ang may ganitong klase ng galit sa kaniya, anupat aabot sa puntong handa siyang patayin? Hanggang ngayon, itinatanong ni Blair sa sarili ang mga ito. Subalit wala pa rin siyang makuhang sagot. Natigil na

