APAT

3382 Words
Kabanata 4 Pang-apat "Lintek kayo! Bahala kayo sa buhay niyo. Ilang beses niyo na akong iniwan sa school." Sumimangot ako sa harap nilang dalawa. Mabilis naman nila akong hinabol at nagkunyari pang malungkot. Muntik pa nga akong matawa sa naging itsura nila pero mabilis ko naman iyong pinigilan. "Denz naman! Ipakilala mo na kami sa kagrupo mo sa Philosophy! Close kayo, e!" hinila hila ni Josh ang strap ng bag ko habang namimilit. Tinignan ko naman si Uno na ngayon ay nakahawak na rin sa balikat ko. "Sa'kin madali lang. Pakilala mo lang ako kay Lorraine hehe." nakangisi pa siya. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin. "Bahala kayo sa buhay niyo. Idadamay niyo pa 'ko sa lovelife niyong hindi niyo masimulan!" singhal ko at mabilis na pumasok sa room namin. Narinig ko agad ang bulungan nila at pagsunod sa akin. "Nagtatampo ka naman agad kase, Denz. Nakita ka kasi namin kahapon! Nagsasalita ka mag-isa sa kotse mo." paliwanag niya. Hinampas ko ang kamay ni Uno nang maramdaman kong ginugulo na niya ang buhok ko habang tumatawa sila. "Gago! May kasama ako non!" paliwanag ko. "Wala kaya! Akala nga namin nagkakabisado ka ng script para sa play, e." panggagatong ni Joshua. Hindi ko na sila pinansin at umupo ako sa upuan ko. Anong script ang sinasabi niya? Ni wala pa ngang napapakilala sa aming gagawing play. Nagpapauso na naman sila. Matik na sumunod sila at magkabilaang tumabi sa akin. Mukhang late na naman ang una naming prof ngayong araw. Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng kasama ko kahapon. Nagtataka pa rin ako kung saan siya pumunta kahapon at ang bilis niyang nawala. Hindi kaya kamag-anak ni flash 'yon?  Corni mo naman. Umiling ako sa sarili kong naisip. Sa mukha ng inosenteng babaeng iyon, mukha siyang naliligaw at hindi alam kung saan patungo. Baka scammer din 'yon hindi lang halata. "Naalala niyo ba yung kwinento ko sa inyong babae na nakasalubong ko noong isang araw?" tanong ko. Nakita kong pareho silang napalingon sa gawi ko samantalang tutok ako sa paglalaro ng hawak kong ballpen sa ibabaw ng sariling desk. "Kayo na?!" Naibaba ko bigla ang hawak kong ballpen dahil sa OA na reaksyon ni Josh. Tangna talaga neto! "Alam mo pre, try mo manahimik minsan." sarkastikong sabi ko. Inabot ni Uno ang ulo ni Josh at pilit itong binatukan. Naggantihan pa ang dalawang bano sa magkabilaan ko kaya mas lalo akong nagulo sa pag-iisip. Sa sobrang g**o nilang dalawa ay tumayo ako at sabay silang binatukan. "Takte! Para saan 'yon?!" tanong ni Uno habang hinihimas ang ulo niya. "Ang sakit ng akin ah!" angal naman ni Josh. "Nagtatanong kasi ako ng maayos sa inyo, kung ano anong pinaggagagawa niyo! Tinalo niyo pa mga babae." pagrereklamo ko at muling umupo sa inuupuan ko kanina. "Ano ba kasi yun? Oo nga, naalala ko. Bakit?" natatawang tanong ni Josh. Binalik ko naman ang tingin ko sa paglalaro ng ballpen sa mga daliri ko, pinapaikot ikot. "Kasama ko siya kahapon." tipid kong kwento. Matapos kong sabihin iyon ay nanahimik sila. Nagkatinginan pa ang dalawang loko at sabay ulit na tumingin sa'kin. "Weh?" nakataas ang pareho nilang kilay. Naibagsak ko nalang ang magkabilang balikat ko dahil sa napakawalang kwenta nilang reaksyon. Parang mga tanga. Bumuntong hininga pa ako bago sila sagutin. "Tsk. Oo nga! Nagbalak pa ngang makituloy sa'min kaso nung nasa bahay na kami, bigla naman siyang umalis." pagpapatuloy ko. Hindi ko alam kung bakit biglang naging malungkot at mahina ang boses ko. Napatingin tuloy ako kay Uno dahil napalakas ang paghampas niya sa desk niya. "Pare! Baka nanaginip ka lang?" sabi niya. Umiling iling pa habang natatawa. "Talaga? E, ano daw ang pangalan niya?" narinig kong tanong ni Josh. Agad naman akong napaisip sa tanong niya. Tsaka ko lang napagtanto na ilang oras kaming magkasama kahapon at noong nakaraang araw na nakasabay ko siya pero hindi ko man lang naisipang itanong ang pangalan niya. Langya! Bakit hindi ko naisip yon! Itinigil ko ang paglalaro sa hawak kong ballpen at natampal ang sarili kong noo. "Yun lang." Pabulong kong sabi at nagkibit balikat. Hindi ako makapaniwalang napakatanga ko sa parteng iyon. Sinamaan ko ng tingin si Josh nang pabiro niyang sinuntok ang braso ko. "Kamuntikan mo nang maiuwi sa inyo tapos pangalan lang hindi mo natanong?  Baka panaginip nga yan!" Tinapik tapik niya pa ang balikat ko at nakisabay sa pagtawa ni Uno. Gusto ko silang hampasin para matigil sila sa pagtawa pero wala akong magagawa. Totoo namang hindi ko talaga natanong pero siguradong hindi panaginip iyon. Akala ko pa naman ay makakausap ko na sila ng matino. Mga walang kwentang kausap. "Hindi panaginip 'yon! Mamaya kapag nagkita kami ulit ipapakilala ko siya sa inyo." panghahamon ko. Hindi naman siguro imposibleng maligaw ulit siya sa parkingan ko diba? Sana nga ay makita ko ulit siya. "Sige ba! Sabi mo yan ah." pagsang-ayon nilang dalawa. "Tsk. Kapag umaalis kase kayo hindi na kayo bumabalik, parang tanga!" bulyaw ko sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na nagpigil ng tawa. "Hala lagot ka Josh, nagtatampo na siyaaaaaaaaa!" "Sorry beybb hindi na mauulit pfft!" Tinanggal ko ang kamay ni Josh na pabirong humahaplos sa balikat ko. Mga siraulo talaga! "Tigilan niyo nga ako!" natatawang sabi ko. Hindi nagtagal ay dumating na din ang prof namin. Sa nakasanayan, hindi na naman nakikinig ang dalawang kumag sa tinuturo. May gana pa silang gawin akong tagaabot ng mga kalokohang pinagsusulat nila sa papel. Kaniya kaniya silang hagikgikan kaya naman naiistorbo ako sa pakikinig. Hindi naman masyadong mahirap ang tinuturo pero kung hindi ka makikinig ay mahihirapan ka talaga. Inayos ko na ang gamit ko nang matapos ako sa lahat ng pinapagawa at hinintay sa pagsusulat ang dalawang ito. Nakanguso si Josh na nagsusulat at hindi naman magkandaugaga sa pagtingin si Uno sa whiteboard para masulat ang mga nandoon. "Yan kase! Kung kailan mag-ta-time na tsaka naman kayo magmamadaling magsulat." pang-aasar ko. Sinipa sipa ko pa ang upuan nilang dalawa para magulo sila kaya sabay silang tumingin sa'kin ng masama. "Hindi mo naman kasi sinabing kailangan palang magsulat!" sabi ni Uno. Tumawa ako at inalog alog pa lalo ang upuan nila. "Malamang hindi naman kasi kayo nakikinig!" umayos ako ng tayo. Ano kayang mangyayari sa dalawang ito kapag wala ako? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako napasama sa pagkakaibigan nila. "Ang tagal naman." pagrereklamo ko. "Eto na nga. Patapos na!"  Pinigilan ko ang pagtawa habang umiiling sa harap nila. Binibiro ko lang naman sila na kailangang magsulat para may notes sila sa darating na quiz namin sa susunod. Sigurado kasi ako na hahabulin na naman nila ako dahil sa panghihiram nila ng notes at pipicturan. Hindi ko nga alam kung inaaral ba talaga nila 'yon o ano. Paniguradong hindi, kasi nauuwi lang din naman sa kopyahan 'yang dalawa kapag nandun na sa sitwasyon. Pagkalabas namin ng school ay agad naming pinuntahan ang parking lot. Paniguradong maliligaw na naman dito ang babaeng iyon. "Alam mo kung saan siya nag-aaral, Denz?" Agad akong napaisip sa naging tanong ni Josh. Umiling ako. Hindi ko nga alam kung anong pangalan niya, school pa kaya? Ano kayang pangalan niya? Angel kaya? Maria? Ana? "Ay mahina 'to pre!" Nagkantyawan pa sila ng kung ano ano dahil daw sa kabagalan ko. Dinaig ko pa daw ang hindi natutuli. Mukha silang mga elementary kung mang-asar. Kung hindi lang ako matino kagaya nila ay niyaya ko silang magpahabaan kami ng mga tinatago namin nang malaman nila kung sino ba talaga ang hindi tuli sa amin! Nagkitawa nalang ako sa kanila. Mga siraulo! Tumalikod ako nang maramdaman kong may nahulog mula sa likod ko. Nanlaki bigla ang mata ko nang bumungad sa'kin ang libro na kinuha ko kay papa. "Bakit nandito 'to?" kinakabahang tanong ko habang pinupulot ang libro sa sahig. "Baka sa bag mo pre. Hindi kasi bukas, e. Hindi talaga." sarkastikong sabi ni Uno. Kunot noo kong tinignan ang bag ko at tama nga. Hindi bukas ang bag ko dahil bukas na bukas lang naman. Sagad na sagad sa pagkakabukas ang zipper at halatang sinadya. Kinumpirma ko pa muna dahil baka may iba pang mahalagang nahulog bukod sa libro ni papa. Nang maiayos ko na ito ay binalingan ko ng tingin ang mga katabi ko.  "Ang lakas talaga ng trip-" "Hoy hindi kami! Kita mong magkakasabay tayong naglalakad, e." depensa agad ni Uno. Suminghal ako ng wala sa oras at mabilis na tinago ang libro sa bag ko. Hindi ko alam kung nagsasabi sila ng totoo pero tama namang magkakasabay at magkakahilera kaming naglalakad ngayon kaya imposibleng sila ang nagbukas ng bag ko. "Saan mo nabili 'yang libro mo?" Hawak ni Josh ang ilalim ng baba niya at mistulang takang taka sa libro. Palibhasa kase ang alam lang ay puro panonood hindi pagbabasa. "Secret." pagbibiro ko. Mamaya ay isumbong pa nila ko kay papa kapag nagkataon. Ang iingay pa naman ng bibig nitong dalawang 'to. Nilibot ko ang mata ko sa paligid pero wala akong nakitang simbolo ng pusa, ng babae o kung ano man. San naman kaya siya susulpot? "Baka wala talaga 'yong babae pre?" "Hindi mo na iyon makikita, Denz." pang aasar nilang dalawa. "Kapag naiharap ko siya sa inyo, ano? Kutos kayo sa'kin ah." paghahamon ko. Sumabay ako sa tawanan nilang dalawa. Medyo maunti na din ang tao dito sa parking at iilan na lang ang nagpapaiwan, mukhang may mga hinihintay din. Hindi ko tuloy maisip kung mapahiya ako sa kanilang dalawa kung sakaling hindi namin makita ang tinutukoy kong babae. Pinanood namin ni Josh si Uno na humikab. Kitang may mga tao kung makahikab akala mo naman kulang na kulang sa tulog! "Puro na nga lang kama ang ka-bonding mo sa bahay niyo tapos aantukin ka pa?! Hanep ah." pabiro ko siyang sinanggi sa balikat niya. "Paano kase Denz kapapanood niya yan ng anime na walang ginawa kundi sumigaw ng 'yamiteeeehhh!'".  pang-aasar sa kaniya ni Josh. Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa ako bigla sa sinabi ni Joshua. Lalo pa dahil kuhang kuha niya ang matitinis na boses ng mga babae doon. Gago talaga! Napahawak ako sa tyan ko sa katatawa dahil pinaulit ulit pa ni Josh ang pang gagaya at kwento niya dahilan kung bakit sinamaan siya ng tingin ni Uno. Anime na sumisigaw daw ng yamitehhh walanghong Josh 'to. Binatukan siya tuloy si Uno. "Baliw! Baka ikaw 'yon." pagdedepensa nito sa sarili.  "Tawa kayo ng tawa! Nasan na ba ang babae mo, Denz?" naiinip na tugon ni Uno. Sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa paligid. Inaasahan ko pa naman na nandito na siya dapat kanina pa. Bakit ba ko umaasa? E, hindi naman kami nag-usap na dito magkikita. Denzill naman!  "Sa susunod na nga lang." pagsuko ko. Tipid akong bumulong bago tumungo sa kotse ko. "Gago! Pinaghintay mo kami tapos sa susunod pa pala?" Tinignan ako ng masama ni Uno. Anong magagawa ko? mukhang hindi naman siya magpapakita sa ngayon. Magdidilim na din at baka makatulog lang ang dalawang ito kahihintay. Hindi rin naman ako pwedeng magpagabi dahil ayokong isipin ni papa na kung saan saan ako pumupunta. "Tignan niyo nga mga itsura niyo! halatang inip na inip naman na kayo." natatawang turo ko sa kanilang dalawa.  "Ang sabihin mo niloloko mo lang kami! edi sana nakipagdate nalang ako kay Joan." dagdag pa ni Uno kaya agaran ang reaksyon namin ni Josh. "Akala ko ba si Lorraine 'yong type mo?" pagtataka ni Josh. Nagkibit balikat naman si Uno at umiling. "Dalawa silang crush ko, e. Bawal ba?" maangas niyang tanong habang tinataas baba ang magkaparehong kilay. Pareho tuloy kaming natawa ni Josh. Lintek talaga 'to! Dalawa dalawa pinopormahan. Kaya hindi siya sinagot nung nililigawan niya dati  kasi daw nakita niya si Uno na may nililigawan ding iba. In short, habang nililigawan niya iyong babae, may iba pa siyang sinusuyo. "Ewan ko sa'yo. Mauna na nga ko mga pre." nakipag kamay muna si Josh sa amin bago tuluyang sumakay sa kotse niya. Binulungan niya pa ko na sa susunod daw kuhain ko na ang buong detalye ng babae ko.  Hindi naman sa akin ang babaeng iyon, bakit ba kanina pa sila babae ko ng babae ko? Ganon din ang ginawa ni Uno. Binatukan niya ko bago siya sumakay sa Coupe niya. Siraulo talaga! Nakauwi ako sa bahay nang maayos. Walang umistorbo sa'kin. Parang nadismaya ako dahil hindi ko siya nakita ngayon. Pangako ko talaga na sa susunod na pagkikita namin aalamin ko na ang pangalan niya. "Goodnight ma, pa."  Humalik ako kay mama at nagmano naman kay papa bago ako umalis ng sala. Nanonood kase sila ng mga action film. Mahilig doon si mama, lalo na iyong mga suspense na karamihan may intense scene o di kaya'y p*****n. Hindi ko alam kung paano niya nagustuhan iyon dahil karamihan naman sa mga babae ay hindi makatagal sa panonood kapag nakitang dumudugo na ang bida o kung sino mang nasa movie. Umakyat ako sa kwarto ko. Nasulyapan ko ang kwarto ni papa at nakitang bukas ulit ang pinto doon. Nakapagtataka talaga dahil hindi naman niya iyon hinahayaan na nakabukas lang. Baka naiwan niya lang itong nakabukas kaya napagdesisyonan ko nalang na isara.   Humilata agad ako sa kama at tumitig sa kisame. Bakit kaya hindi siya nagpakita sa'kin ngayon?  Napakunot ako ng noo. Bakit ka naman mag-aasume na magkikita kayo ulit, Denz? Hindi naman siya nabuhay para magpakita sayo kupal. Nababaliw na 'ko. Pati sarili ko kinakausap ko na rin. Napatayo ako bigla nang maalala ko ang libro na napulot ko sa kwarto ni papa. Inikot ko ang paningin ko sa kwarto at napansing wala dito ang bag ko. Naiwan ko yata sa sala.  Lintek! baka pakialaman ni mama ang bag ko at makita nila ang libro! Dali dali akong lumabas sa kwarto ko at bigla ding napatigil dahil nakita ko na namang nakabukas ang pinto sa kwarto ni papa. Ano bang trip nito ni papa at hindi na niya sinasara ang pinto? Bagong buhay na ba siya? Hindi ko nalang pinansin at bumaba na sa sala.   "Pa." Tawag ko kay papa habang seryoso silang nakatutok ni mama sa TV. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa bag ko at kinapa doon ang libro.  "Yung pinto ng kwarto mo sa taas lagi mo nalang iniiwang bukas. 'Di ba ayaw mo?" pagtatanong ko nang lumingon sila ni mama sa gawi ko. Napaisip naman siya at napakunot noo. "Sinara ko 'yon, Denzill. Baka naman binuksan mo." mataman niyang sagot. Napagbintangan pa nga.  "Bakit ko naman gagawin 'yon pa?  Wala naman akong interes dun sa loob." napakamot ako sa batok dahil sa dahilan ko. Wala naman talaga! "Kilala kitang bata ka. Isara mo nalang ulit at baka nabuksan lang." pagbibilin niya habang binalik sa pinapanood ang atensiyon. Tumango nalang ako kahit hindi niya nakita bago umakyat ulit. Dahan dahan akong lumapit sa pinto. May sariling buhay ata ito at gusto lang laging nakabukas. Isasara ko na sana ang pinto nang may naaninag akong babaeng naglalakad sa dulo ng shelf ni papa. Kumurap pa ako ng ilang beses bago makapagisip.  Napaatras ako.  Iniisip ko kung bababa ako at sasabihin sa kanila ang nakikita ko pero hindi ako nakagalaw. Nanatili ang tingin ko sa nakikita. Nakatalikod siya sa gawi ko at tanging ang maalon niyang buhok ang napapansin ko. Tinataasan ako ng balahibo sa kaba. Magnanakaw ba siya? Siya ba ang pumasok dito kaya nakabukas ang pinto? Tangna naman! Multo?!  Potek! Hindi ko alam kung papasukin ko ba o isasara ko nalang ang pinto. Kinakabahan ako na kinikilabutan. Hindi ko naalala kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at pumasok ng tuluyan sa loob ng kwarto.  Fan yata 'to ni papa at gustong magnakaw ng libro!  Dahan dahan akong naglakad papalapit sa dulong shelf ng kwarto. Kung hindi ako nagkakamali dito ko din mismo napulot ang libro ni papa. Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Lintek! baka kung anong empakto 'to o di kaya engkanto. Nang makalapit na ako, isang hakbang nalang bago ko tuluyang makita ang kasukdulang hilera ng shelf. Huminga pa ako ng malalim. Tangna! Laking gulat ko dahil wala naman akong nakita doon. Kinusot kusot ko pa ang mata ko pero wala talagang tao o kung ano man. Hindi kaya minamaligno ako? Kung saan saan nalang ako nakakakita ng babae, e. Hindi kaya senyales na ito na dapat akong magkagirlfriend? Hindi naman ako babaero ah! Napakamot ako sa ulo. "Sabi na nga bang bata ka! Pasaway ka talaga."  Nanlaki ang mata ko. Napalingon agad ako sa gawi ng pinto kung saan ngayon nakatayo si papa habang tinuturo ako.  "Pa, may nakita kasi akong ano kanina..." hindi ko alam kung paano ko sasabihin dahil baka isipin niya na nagpapalusot na naman ako. "Ayan ka na naman sa palusot mo, Denzill. Lumabas ka na." Nakakunot ang noo niya at halatang iritado. Hindi na 'ko nagsalita pa at lumabas na sa kwartong iyon. Nawiwirduhan naman kase ako. Bakit ba ayaw na ayaw niya akong pinapapasok sa kwartong iyon samantalang si mama pwede naman. Pagkasarang pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko ay agad kong binuksan ang bag ko. Kinapa ko ang libro na nakuha ko mula sa kwarto ni papa at tinitigan ito. "Dapat pala ay sinoli na kita kanina." bulong ko dito. Siguradong kapag nalaman ni papa na may nawawala sa mga libro niya ay magagalit iyon at kapag nalaman niyang nasa'kin ito, patay na! Bukas na bukas ibabalik ko na talaga 'to. Sinubukan kong buksan ang libro. Lumang luma na dahil sa kulay ng bawat pahina, nagkakalat na din ang kulay ng mga tinta sa letra at halos isang galaw lang dito ay may malalagas na papel. March 14, 1989.  Laguna                  Maaga akong pumasok sa aming paaralan dahil nagpapaturo sa akin si Helli sa asignaturang Filipino. Hindi ko maintindihan kung bakit magpapaturo pa siya sa akin samantalang siya naman ang nangunguna sa aming klase nitong mga nakaraang araw. Nabanggit sa akin ni Lito na may tinatagong pagtingin daw sa akin ang babaeng iyon. Hindi naman ako naniniwala dahil unang una ay kaibigan lang ang turingan namin sa isa't isa.  Nang makarating ako sa paaralan ay agad sumalubong sa akin ang guro ko sa Filipino.  "Hindi pa tumitirik ang araw ay nandito ka na Soliva, may sinusuyo kang dalaga rito, ano?"  batid kong may halong pagbibiro sa boses niya. Banayad ang ngiting ibinigay ko sa kaniya at umiling. "Wala pa po akong natitipuhan." pagsisinungaling ko. Kung meron man siyang dapat na alamin sa akin yun ay hindi na sakop ng personal kong impormasyon. Masyado siyang naiintriga.  "Nagbibiro lamang ako. Sige hijo at may susunod pa akong klase. Magkita nalang tayo sa silid mamaya." ani niya at ginulo ang maayos kong buhok.  Wala sa oras na napasimangot ako. Ang haba ng oras na inilaan ko sa pag-aayos dito pagkatapos ay guguluhin lang niya? Nagtungo agad ako sa silid aklatan. Hindi naman ako nahirapang maghanap kay Helli sapagkat nakita ko agad ang inuupuan niyang salumpuwit. Nakangiti siya sa akin habang iwinawagayway ang kamay.  "Sampung minuto na akong naghihintay sa'yo Fernand." nakangusong sambit niya. "Pasensya na Helli, hindi kasi ako kaagad pinahintulutan ni ina na umalis." paghingi ko ng tawad dito.  "Sige pagbibigyan kita ngunit dapat ay samahan mo ako mamaya mananghalian."  ngumiti siya. Bakit naman kailangan ko pa siyang samahan? Alam ko namang may itsura ako ngunit hindi pa rin sapat iyon para basta basta lang yayain ng isang babae.  Natitipuhan ko pa naman ang matalik niyang kaibigan. "Maaari mo bang ibigay sa akin ang pangalan ng iyong kaibigan?" pag-iiba ko ng usapan. "Sino? Marami rami ang mga kaibigan ko, Fernand." natatawang usal niya. "Iyong babaeng maalon ang buhok at may malalim na dimple sa magkabilang pisngi." sagot ko at nag-iwas ng tingin. "Ahh si L-Lea ba?" nag-aalinlangan niyang tanong tila may halong pagdadalawang isip. "Yun bang nagbigay sa akin ng regalo noong kaarawan ko na mula daw sa iyo?" paglilinaw ko. "Oo. Si Lea nga." Naisara ko ang libro. Nagkakaroon ako ng kutob na diary nga 'to ni papa. Si Lea ang gusto niya at hindi si mama? E paanong sila ang nagkainlove-an at ikinasal? Napangiti ako. May kung ano sa akin na nagsasabing tapusin ko ang libro at mayroon namang nagsasabing ibalik ko na ito. Bahala na nga. Nagkakainteres tuloy akong malaman ang kabuuan ng istorya nila ni mama. Binalik ko ang libro sa bag ko at humiga na sa kama. Ipagpapatuloy ko nalang ang pagbabasa bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD