DALAWA

1987 Words
Kabanata 2 Pangalawa Binatukan ko si Josh matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari sa'kin kahapon. Tinignan ko si Uno na ngayon ay seryosong nakatingin sa'kin. "Pre naniniwala ka ba sa tadhana?" seryosong seryoso ang mukha niya habang nakatingin mismo sa mga mata ko. Gusto kong matawa dahil mukhang seryoso talaga ang tanong niyang 'yon. "Bakit mo naman natanong?" Maging si Josh ay natatawa rin dahil kay Uno. Hindi naman sa laging nagbibiro si Uno pero kakaiba kasi ang tanong niya. Ang alam ko lang puno ng ka-bitter-an ang buhay ng lalaking ito pero mahilig sa babae. Madalas siya pa itong umaayaw sa mga babae kaysa ang manligaw. "Malay mo tinadhana kayo." nagkikibit balikat niyang sabi. Hindi ko tuloy napigilan at sumabay sa pagtawa ni Josh. "Pre! Nagkabanggaan lang sila! Hindi naghalikan!" Hinampas ko agad ang ulo ni Josh dahil sa sinabi niya. "Siraulo!" bulyaw ko sa kaniya. Nang makahinga na ako nang maayos dahil sa pagtawa ay binalikan ko ng tingin si Uno. "Anong kabaklaan 'yang sinasabi mo?" tanong ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Wala. Sige, tumawa lang kayo diyan! Pagtawanan niyo 'ko." umakto pa siyang nagtatampo. Pilit kong pinigilan ang pagtawa dahil sa inakto niya. Parang bakla! Nang maubos namin ang kinakain ay dumaretso na kami sa klase. Ayoko talaga sa lahat ay ang subject naming Contemporary Arts. Hindi naman major subject pero kung magpagawa ng mga activities ay tinalo pa ang Calculus na siyang major namin. Pagkapasok namin sa klase ay nandoon na agad si Ms. Yola. Sabi na nga ba! Nakatindig na naman siya na parang leader ng girl scout at nakataas noo'ng nakaharap sa klase. Matalas ang tingin niya nang makita kami sa pintuan. Mabilis na kumunot ang noo niya habang iminumuwestra ang namemewang niyang braso. "Gaano ba karami 'yang kinain niyo at inabot kayo ng anong oras?" Mataray niyang tanong sa'min. Matinis ang boses niya at hindi na kailangang sumigaw dahil sa normal nitong lakas. Agad akong napalunok dahil nakuha niya agad ang atensyon ng mga kaklase ko. Napayuko ako dahil paniguradong mahaba haba ang mangyayaring tanungan bago kami paupuin. Ganito ang lagi niyang ginagawa sa mga nahuhuli sa klase niya. "Marami po-" "Speak in English." narinig ko na naman ang maarte niyang pagbigkas ng salitang ingles. Ang accent niyang kinuha sa iba't ibang bansa. Hindi ko mawari kung ano ba talaga. Gusto kong matawa dahil tagalog niya kaming tinanong pero gusto niyang sagutin siya sa salitang Ingles. Pakunyari akong umubo para magsalita para sa aming tatlo. Naramdaman ko na kasi ang paniniko ni Josh nang sabihin ni ma'am na kailangan naming magsalita sa Ingles. "We're sorry, ma'am. It's just that uhh... We took a long time waiting in the line before we finally bought our foods. Ehem. And... And.. That's all." kinakabahan kong palusot. Nakayuko pa rin ako matapos ang magsalita. Gusto ko mang pagbabatukan ang dalawang katabi ko dahil naririnig ko ang malalakas na hagikgikan nila sa magkabilang gilid ko. Tuwang tuwa pa! "That's it?" mataray niyang tanong. Nakataas ang kaliwang kilay niya habang nakatingin sa aming tatlo. Kung paupuin mo na kaya kami, edi sana hindi nasasayang oras mo diyan at nakapagturo ka na. Tss. Matagal tagal siyang nakipagtitigan sa amin pero hindi iyon ininda ng dalawang kasama ko. Nanatiling nakabungisngis ang mga itsura nila na amino'y inaasar pa ang nakasimangot na prof sa harapan. Mga kumag talaga. "Mr. Soliva, take your sit." Napaayos agad ako sa pagtayo dahil narinig ko ang pagbanggit niya sa apilyido ko. Tumango ako at dumaretso sa upuan ko habang tumatawa ang aking isipan. Paniguradong hindi papapasukin ang dalawang iyon. "And the both of you? You can still have your recess whenever you want. Go." pinal na tono ng prof bago sila talikuran. Kitang kita ko dito sa gawi ko ang hindi makapaniwalang mukha ng dalawang loko dahil sa pagkasarkastiko ng pagkakasabi ni ma'am. Nagpigil ako ang pagtawa. Binigyan ako ni Uno ng tingin niyang manununtok pero nanatili itong pabiro. Hinila siya si Josh at pareho silang bagsak balikat na umalis sa pintuan ng classroom. Gusto ko silang samahan at sabay sabay kaming magwalwal na tatlo kaso nga lang iniisip ko ang grades ko. Kilalang masipag pa naman ako sa paaralang ito dahil naging guro dito noon ang mama ko. Natapos ang discussion. Halos kumurba na ang likod ko dahil sa tagal niyang magturo sa harapan. Magaling siyang magturo, yun nga lang, puno ng sarkastiko at pagtataray ang mga salita niya. Mas mabuting manahimik ka sa klase niya kesa ang matawag para ipahiya sa harap. Wala pa kasing boyfriend kaya ganyan. "Nasan na kaya ang dalawang ugok?" bulong ko sa sarili. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa likuran ko bago tuluyang makalabas sa silid na iyon. Inikot ko agad ang paningin ko dahil natapos ang klase namin nang hindi na muling bumalik si Uno at Joshua. Malamang nagcutting na siguro ang mga 'yon! Hindi na ako magtataka kung bakit tuwing may exam ay nililibre nila ako dahil sa hinihinging pabor. Mga walanghiya. Hindi man lang ako sinama. Pwede naman kaming gumala pagkatapos ng klase, e. Umalis na ako doon at dumaretso sa parking lot ng school. Hindi kasikatan ang pinapasukan ko kumpara sa ibang pribadong paaralan pero isa ito sa mga pambato sa lugar namin kapag patungkol na sa katalinuhan. Mabilis akong nagtungo sa kotse ko matapos ko itong patunugin. Sa dami ba naman kasi ng kotse dito ay hindi ko na malaman kung saan ko ito iniwan. "Arrouch! Mingming shh ka lang, okay?" Literal na naitaas ko ang kilay ko dahil sa pamilyar na boses na iyon. Letseng arrouch talaga 'yan. Kahapon ko pa yan naririnig, ah. Dahan dahan kong binuksan ulit ang pinto ng kotse at lumabas. Wala namang tao sa labas ng kotse ko maliban sa'kin. Inikot ko pa ang paningin ko para makasiguro pero wala talaga. Minamaligno lang yata ako. "Boooo!" Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong cellphone nang makita ko ang babaeng sumulpot sa harapan ko. Galing siya sa likod ko kaya malamang hindi ko siya nakita. "A-anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko. Nasilayan ko na naman ang mapang-akit na ngiti niya. Nakatali ang kaniyang mahabang buhok na lalong nagpapalabas sa hugis ng panga niya. Umi-eksena pa ang malalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi kahit hindi ito nakangiti. "Hinabol ko kasi 'tong si mingming. Nakita kong tatawid siya dito sa tapat kaya sinabayan ko na." nakangiting paliwanag niya habang hinahaplos haplos ang tyan ng pusang itim. Hindi ba malas ang pusang may itim na kulay? Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nagtama ang paningin naming dalawa. Tuwing nakangiti siya ng ganyan ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakakadala. "Arrouch. Mingming, no!" mahinang daing niya bago nagawang ibaba ang pusa. Hindi ito kalinisan at halatang pagala gala lang sa kalsada. Mabilis na tumakbo paalis ang pusa pagkababa nito. Bumaba ang tingin ko sa braso niya na may bakat ng mga kalmot. Namumula ito at ang hahaba pa ng bakas na naiwan. Agad ko siyang tinabihan at hinawakan sa braso niya. "Kanina ka pa siguro kinakalmot ng pusang 'yon pero binubuhat mo pa din!" naiinis na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ganon ang naging reaksyon ko pero nakaramdam ako ng inis sa pusa. Ang ganda ganda ng kutis niya kakalmutin lang. Kaya pala naririnig ko ang salitang arrouch niya kanina. Lintek talaga na salita yan. Pang-alien! "It's okay. Concern ka?" tumatawang tanong niya habang dinudungaw ang mukha ko. Mabilis kong siyang binitawan dahil sa mapang-asar niyang ngiti. Literal na umaarko ang mata niya kapag nasosobrahan ito sa pagngiti. "Tsk. May betadine ako sa kotse, hintayin mo 'ko dito." hindi ko siya hinintay na magsalita at muling pumasok sa kotse ko. Baka isipin niyang feeling close ako kapag niyaya ko pa siya sa loob ng kotse. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Lumabas ako sa kotse dala ang betadine at bulak. Kung nagtataka kayo kung bakit ako may ganito, iyon ay dahil nasanay na ako na kapag magkakasama kaming tatlong magkakaibigan, madalas silang may nakakaaway. Natuto ako maging handa dahil sa kanila. Malakas mangtrip ang dalawang iyon. Kapag naman umabot sa bugbugan, sila din ang natatalo at tatakbo sa'kin para magpagamot. Mga siraulo. Akala yata nila sa'kin ay magdodoctor ako. Nagmamadali kong inabot sa kaniya ang dala ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mata niya bago dahan dahang inabot ang bulak. Akala siguro niya ako pa mismo ang gagamot sa kaniya. "Thank you, Denz hehe." todo ngiti niyang sabi. Napaawang ang labi ko dahil naalala ko na kilala niya nga pala ang pangalan ko. Napatitig ako sa maamo niyang mukha. "Paano mo nalaman ang pangalan ko? Tsaka sinabi ko na sa'yong hindi tayo close 'di ba?" paglilinaw ko. Sumandal siya sa kotse ko at sinimulang lagyan ng betadine ang bulak. "Nakita ko sa name strip ng uniform mo." nanatili siyang nakangiti pero hindi sa akin nakatuon ang atensyon niya, halatang umiiwas sa tanong ko. "Apilyido lang ang nakalagay sa name strip namin. Paano mo nalaman na Denz ang pangalan ko?" pag-uulit ko. Namamangha lang ako dahil kilala niya ako. Siguro matagal na niya akong nakikita na kasama ko si Uno at Josh kaya naririnig niya ang palayaw ko sa kanila. Sa name strip kasi namin ay unang letra lang ng pangalan ang makikita, sunod ang apilyido, panghuli ang middle initial. Sa dinami dami ng pangalang maaaring magsimula sa letter D ay imposibleng mahulaan niya ang akin. Hinintay ko siyang magsalita pero nagkibit balikat lang siya. "Ang dami mong tanong. Unfair ka naman." natatawang sabi niya. Pati pagtawa niya ang hinhin ng dating. Saan ba talaga siya galing at parang perpektong perpekto ang pagkakagawa sa kaniya? "Bakit naman?" ani ko. "Ako nga hindi ako nagtatanong kung bakit betadine ang binigay mo sa'kin, hindi ba dapat alcohol muna o tubig para mahugasan ko 'to? Paano kapag nagka-rabies ako? rawr!" tumatawang tanong niya. May halong pagbibiro ang pagkasabi niya. Natauhan ako. Pambihira ang tanga ko! Bakit ba betadine ang pumasok sa utak ko imbis na alcohol? "E, sa wala akong alcohol. Ikaw na nga 'tong tinutulungan ikaw pa ang choosy." pagpapalusot ko. "Joke lang, Denz. Nakakunot kase 'yang noo mo. May galit ka ba sa'kin, ha?" pang-aasar niya. Hindi ko napigilang iatras bigla ang kaliwang paa ko dahil sa bigla niyang paghakbang papalapit sa'kin. "W-wala- Ehem." naisara ko ang kamao ko at klinaro ang lalamunan dahil sa panginginig bigla ng boses ko. Putek ka Denzill! Nakakahiya. "Wala naman." pag-uulit ko sa mas malinaw na boses. Hindi ko maintindihan kung bakit matagal niya akong tinitigan bago tumawa nang malakas. "Bakit na-te-tense ka? Hindi naman ako nangangain, e. Sa cute kong 'to." ngumuso siya. Natatawang inabot niya sa'kin pabalik ang betadine at natitirang bulak. Cute ka nga. "Sino namang nagsabing cute ka?" pagsusungit ko kunyari para mawala ang kakaibang nararamdaman ko. Tumalikod ako at bumalik sa kotse. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likod ko kaya hinarap ko ulit siya. Sobra ang pagkakangiti niya na para bang tuwang tuwa. Hindi kaya mapunit na ang balat niya sa pisngi niyan? "Pwede bang favor, Denz?" nilaro laro niya ang daliri niya sa kamay. Hindi ako magdadalawang isip na um-oo sa kaniya dahil sa ka-cutan niya pero dahil mukhang makulit siya ay tinaasan ko siya ng kilay. "Ano na naman?" kunyaring naiinis na sabi ko na kinahaba ng nguso niya. Langya! Para siyang bata. "Pwede mo ba 'kong ihatid sa'min?" nakayukong sabi niya. Pinigilan ko ang mapangiti. Bakit parang babae na ang lumalapit sa akin ngayon? Parang dati lang iniisip ko kung sino kaya ang unang babaeng papasakayin ko sa kotse ko? Ngayon, isang magandang nilalang ang nag-aalok na ihatid ko siya sa bahay nila. Paniguradong maiinggit na naman sa'kin si Josh at Uno kapag nakita siya. "Sakay." simpleng utos ko. Muling gumuhit ang arko sa mga mata niya at napapalakpak pa sa tuwa. "Sabi na nga ba at mabait ka!" tumatalon talon pa siya habang umiikot sa kotse ko. Ilang taon na kaya ang babaeng ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD