Rhexyl's P.O.V
Lihim na tumaas ang dulo ng aking labi. Death? I'm immune with death. Ilang beses ko na bang nakaharap si kamatayan? Ilang beses ba akong sinubukang patayin ng mga kamag-anak ko? Pero heto pa rin ako, buhay na buhay.
And where are they? Nasa hukay, mga buto-buto na.
"Hahahaha! Tayo na nagugutom na ako. Sama ka na sa'min sa cafeteria." singit ni Yhoquin, trying to ease the serious atmosphere.
'Yong tingin kasi ng mga kasama niya, tingin na sinusuri akong maigi.
Kumalam bigla ang tiyan ko. Nakarinig lang ng pagkain, umingay na.
"Okay," pagsang-ayon ko.
Sabay kaming naglakad. Sinundan ko lang sila kasi di ko naman alam ang cafeteria sa lawak ba naman nito.
"Kapag mayroon kang tanong. Itanong mo lang sa'kin." magiliw na wika ni Yhoquin.
Nakapagtataka, he is different from them. Wala akong makitang katakot-takot siyang tao. Ang giliw giliw niya pa nga. 'Yong tipong easy go lucky lang.
"Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan sayo, 'di ba? Believe me, I don't have any bad intention to you. I just want you to be my friend." malungkot na wika ni Yhoquin.
"Hey! Baka isipan niya na wala kang kaibigan. What about us?" tanong ni Acer.
Tumingin sa kaniya si Yhoquin.
"Sawa na ako sa pagmumukha mo. Gusto ko bago naman, nakakasawa kang kasama." sambit ni Yhoquin.
"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa iyo. Mas nakakasawa 'yang pagmumukha mo. Di hamak naman na mas guwapo ako sa'yo." bulalas naman ni Acer.
"Mahiya nga kayo sa mga balat niyo. Puro kayo kabulastugan, 'di tulad ko laging nagsasabi ng totoo na mas guwapo ako sa inyo." sambit naman ni Fhinn.
"Iyong balat nga ni Rhexyl hindi nahihiya, saamin pa kaya. At saka, hangin mo ding gago ka!" ganting sabi ni Acer.
Hanep ang mga 'to! Balat ko ang nakita. Alam kong maitim ang balat ko 'no.
"Hoy mga mokong! Hindi ko kasalanan na maitim akong ipinanganak. Tanong niyo sa demonyo kong nanay kung ano ang kinain at bakit ako umitim." sagot ko naman.
Sensya na, 'di ko na pigilang sumabat, e. Sarap nilang ihahampas ng matauhan sa mga pinagsasabi nila. Mga guwapo kasi naman talaga sila, problema nila kung sino ang pinakaguwapo sa kanila.
"See! Tanong niyo rin nanay niyo kung bakit nasobrahan sa hangin ang mga utak niyo." natatawang sabi ni Acer.
"Why are you wearing that kind of clothes?" tanong no'ng naglalarong gulf ball.
Natigil sa pagbababangayan sina Yhoquin. Sabay-sabay na dumako ang kanilang tingin sa akin.
"What? May problema ka rin ba sa suot ko?" taas kilay kong tanong.
"Hindi naman, pero dapat suot mo ang uniform mo. Para aware sila na studyante ka rin dito." sabat ni Fhinn.
"Why? Mayroon bang mangyayari sa'kin?" tanong ko.
"Yes, baka damputin ka na lang diyan bigla. Next thing you know, pugot ulo ka na." Fhinn said.
Nanlaki naman ang mata ko.
"What? Seryoso?" gulat kong tanong.
"They are Repearian. A kind of robot na naglilibot-libot sa tabi searching a non-students of Der Mord. Once na makita ka nilang hindi nakasuot ng proper uniform, ang tingin nila sa iyo is an intruder. And sorry to say sorry, hindi ka niya palalagpasin. They will kill you whether you are students or not." mahabang paliwanag ni Yhoquin.
Napa-blink of eyes ako. Hindi lang pag-suot ng uniform mamamatay ka na?
" I think mas pabor 'yon sa'kin? Kasi kung ganoon, willing akong mag-stay forever sa dorm." nakangiting wika ko.
And speaking of dorm.
"Ilang tao ba ang puwede sa loob ng dorm?" natanong ko bigla.
"One person for one room, Why?" wika ni Yhoquin.
Isang tao lang? Ibig sabihin, ako lang mag-isa doon. Akin din iyong mga damit na nandoon? Sino naglagay ng mga foods sa refrigerator?
What the!
"Nothing, natanong ko lang." wala sa sarili kong sabi.
"Here we are." nakangiting sabi ni Yhoquin.
Napatingin ako sa papasukan namin. Halatang ito na ang cafeteria na sinasabi niya.
Si Yhoquin ang nagbukas ng pinto. Pumasok naman kami. Mayroon akong naalala kaya yumuko ako para kunin 'yon sa bag. Pagkakuha ko, agad kong inabot kay Fhinn.
"Thanks sa panyo mo." pagpapasalamat ko.
Humakbang ako ng isang hakbang patalikod. Inabot ni Fhinn ang panyo niya mula sa'kin, pero 'yong mukha niya 'di maintindihan.
Malawak ang cafeteria. All things is glass ang style. Mula table to chair, wall and other.
"I gotta go." paalam ko sa kanila pero sa pagkain nakatingin.
I'm so hungry. Hindi pa ako nag-almusal tapos tanghalian. Mabilis akong lumapit sa pagkain. Nagiging si flash ako kapag nakakakita ng pagkain.
Eat all you can siguro dito. Pipili at kukuha ka na lang kasi. Pagkakuha ko, naghanap ako ng table.
"Rhexyl, sa table ka na namin." Nagulat ako ng nasa tabi ko na pala si Yhoquin.
Hindi na ako naka-react pa ng hilahin na niya ako papaunta sa isang table.
"This is our private table here. Walang gumagamit nito, tanging kami lang." wika ni Yhoquin.
Nakatalikod ako pero ramdam ko ang talim ng titig ng mga tao sa likuran ko.
"Naku! Salamat na lang. I can find my own table." alanganin kong sabi.
"Don't be shy and ignore them." ani ni Fhinn.
Nagulat ako ng pilit na pinaupo ako ni Yhoquin. Kaya wala na akong nagawa.
Maya lang ay nagulat ako ng may lumapag din ng tray ng pagkain sa table. Napatingin ako, I saw another 5 mens sitting on the same table.
"Ay! I forgot to introduce the rest of us." biglang sabi ni Yhoquin.
"Itong nasa harapan mong mga gunggung ay sina Rhem, Lopez, Zandrey, Phixier, at Kheizar." pagpapakilala ni Yhoquin sa kanila.
Tanging tango lang ang sinagot no'ng apat, ngumiti naman 'yong Rhem ang pangalan.
"Kilala mo naman itong iba, 'di ba?" tanong niya.
Tumango ako. Tinutukoy niya 'yong mga kasama namin kanina pagpunta namin dito.
"Hey! Hey! You forgot the most handsome in our group." ani naman ng isa.
"Hi, I'm Briel. The most handsome." magiliw niyang pakilala.
"Nagmayabang ang epal." nakangiwing sambit ni Yhoquin.
"Inggit ka lang!" sagot naman ni Briel.
Sh*t! I'm not belong here. Sampu na silang nasa table. Mukhang sabit lang ako, nakakahiya naman.
Marahan kong hinawakan ang tray ko, saka marahan ding lilisan SANA ang kaso mayroong humarang sa daraanan ko.
Napaangat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya.
Shutagres!
Si Impakto na naman!
"Go back to your sit." utos niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Umupo ka na Rhexyl." narinig kong wika ni Acer.
Bubulyawan ko sana siya at makikipag-areglo pa pero huwag na lang. Masasayang lang ang laway at boses ko.
Tahimik na lang akong bumalik sa upuan ko. Nakasimangot din akong nagsimulang kumain. Mas lalong sumama ang mukha ko ng sa tapat ko pa siya umupo.
"Look! The result of the exam." Rinig kong wika ng hindi ko kilala.
Bakit ang guwa-guwapo nila? Nang nagpasabog ba ng kagwapuhan si lord ay nasalo nilang lahat?
Nagpukos lang ako sa pagkain na nasa harap ko. Alam ko na kung anong result niyan. Nasa pinakahulihan ako.
"Woaah! Rhexyl look!" tawag sa'kin ni Yhoquin.
"I know. Nasa hulihan ako, kaya hindi mo na kailangan pang ipamukha." bagot kong sabi sa kaniya.
"What hulihan? You are the rank one in female examination result." ani ni Acer.
Rank one? Baka sa panaginip, oo.
"Just look at the screen and see to it." ani ni Drewhein.
Lumingon ako sa tinuturo niya, para matahimik na siya.
Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. Ako nga ang number one sa female examination result. At pangalawa sa overall result.
All results of the students is perfect score.
"Nagtataka ka 'no? Lahat ay perfect score, pero hindi riyan nakabase ang result ranking. Nakabase ito sa bilis mong matapos ang exam." paliwanag ni Rhem.
"Tanging si Leader lamang ang pinakamabilis na natatapos sa lahat at ikaw ang pumangalawa." dagdag niyang wika.
Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Rhem. Nanatili ang mga mata ko sa isang pangalang nakakuha ng atensyon ko at sa larawang nagmamay-ari nito.
TheKnightQueen