Chapter #34

1815 Words
Rhexyl's P.O.V Abot hanggang tainga ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang lahat ng weapons na natatanaw ko. I did what Sylvester wanted me to do. I explored my dorm, and this secret room was what I found. He is indeed right. Everything I need for the test is here, from small to big weapons. Mas lalo pa akong nasiyahan. Sulit naman pala lahat. I did not ask but viola! kusa silang dumating. What a piece of cake. Nilapitan at hinawakan ko ang bawat sandata. Mula sa guns, knives, long weapons, at small weapons. Lahat ay sinubukan kong gamitin. Hindi naman pala mahirap gamitin ang lahat ng ito. Should I thank Sylvester for sharing this secret room with me? Tumaas ang dulo ng aking labi. I can't wait. Napagpasiyahan kong muling lumabas sa aking secret room. Tumungo ako ng banyo, walang pag-alinlangan na hinubad lahat ng kasuotan ko. Isang oras ang lumipas at minuto na lamang ang hinihintay namin. Nasa tapat ako ng aking vanity table kaharap ang laptop ko habang binabasa ang mechanics ng pagsusulit. According to their mechanics. Mayroong sampung station, ito ang kailangan naming malagpasan. Bawat stations ay mayroong kaniya-kaniyang namumuno or leader na iyong kahaharapin bago ka makapasok sa next station. Five kilometers ang agwat ng bawat level. Pero malas mo kapag ang nakuha mong station number na pagsisimulaan, kasi magsisimula ka from five to ten then to ten to first station. It is a double kill for your time. Each station ay mayroong oras na nakatakda. Halimbawa, sa level seven ay mayroon ka lamang na isang oras. Dapat bago matapos ang oras ay nakapasok ka na sa next station. Napalingon ako sa cellphone kong tumutunog. Mom's Calling I press the answered saka niloud-speaker ko. "Make me the happiest mother." mom said. "Your death is my happiness. Don't disappoint me, my dear." she added. Ang sunod kong narinig ay ang pagto-toot ng phone means pinutol na niya ang tawag. Hindi na ako nagulat sa mga katagang binitiwan niya. Segundo lang ang lumipas, tumunog na ang tunog na nagpapahiwatag na oras na para kami ay lumabas. Oras na para sa aming pagsusulit. Ang pagsusulit na magtatalaga kung ikaw ba ay mananatili o hindi. Marahan kong isinara ang laptop. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang tumingin ako sa salamin. Tumayo ako at inihanda ang aking sarili. Inilagay ang mga dadalhin ko sa loob ng Death Dark Forest. My outfit is all black. Nakasuot ako ng black fitted jeans, black heels, black tube, black jacket with hood, inipit ko ng isahang mataas ang aking natural at straight kong buhok. Naglagay rin ako ng light make-up sa mukha. Bago ako lumabas, isinuot ko ang hood ng jacket. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko. Pagkatapat ko sa mini living room, napahinto ako sa paglalakad. Mayroon akong nakitang nakapatong sa ibabaw ng table. A bouquet of red roses? Kunot-noo ko itong nilapitan, kinuha saka tiningnan. Sino naman kayang hudas ang nagpadala nito sa'kin? Nakapasok talaga sa loob, wala sa labas ng pinto. Mayr'on akong nakitang black card na naka-imprint ang buo kong pangalan. Binuksan ko ang card. "Stai attenta, mia signora." basa ko sa nakasulat. Means: "Be careful, my lady." Tumaas lang ang dulo ng kilay ko. Pero kinuha ko ang flower vase. Lumapit ako sa sink saka pinalitan ang tubig. Nilagay ko ang mga bulaklak sa flower vase. Ipinatong ko muna siya sa tabi. Lumabas na rin ako ng dorm. Sumakay ako ng elevator. Sumiksik ako sa tabi nang mayr'ong pumasok din. Pagkabukas ng elevator, agaran akong lumabas. Mabibilis na hakbang ang ginawa ko para makarating agad sa campus. Pagpasok ko pa lang, ramdam ko ang pagbaling ng tingin nila sa'kin. Agad akong tumingin sa big screen. Kunting minuto na lang. Walang minuto akong sinayang, agad akong sumakay sa glass elevator. Pagkabukas ng glass elevator, lumabas na ako. Habang tinutungo ko ang training room. Nakita ko ang aking ina together with my father. How nice! Ito ang unang pagkakataon na nakita ko silang dumalo sa ganitong event. Maybe because gusto nilang masaksihan ang kamatayan ko. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Nakaharang kasi sila sa papasukan ko. Inihakbang ko ang mga paa patungo sa aking papasukang lugar. Nilagpasan ko sila. "You are?" she asked. Nahinto ako sa pagpasok sa nakabukas na pinto. "A transferee," sagot ko. "Show yourself," Utos niyang saad. I smirk secretly. Hindi niya talaga ako kilala. She never tried to know who I really was. "Tell your name." dean said. "Rhexyl," simpleng ani ko sabay pasok sa loob. Ang lahat ay nandito na. I am late. Walang atubiling pumili ako ng tube na papasukan. Ang pinili ko ay ang tube na may letter S na nakasulat. Tumapat ako rito, ramdam ko maging ang iba ay ga'non din. "Goodluck everyone! Fight and pass the test." Narinig kong paalala ni Dean. Bumukas ang tube, sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Agad din itong nagsara. Naramdaman ko ang paggalaw ng tube. Unti-unti itong bumababa hanggang sa pailalim na umaandar ang tube. Para siyang elevator, hindi ko makita ang dinadaanan ng tube dahil madilim ang labas at tanging ako na lamang ang nakikita ko. Mag-isa na lamang akong naglalakbay papunta sa hindi ko alam na lugar. Umandar pakanan ang tube, hindi nagtagal naramdaman ko na paangat na ang sinasakyan ko. Hanggang sa nakita ko na ang bungad ng isang gubat. Bumukas ang tube, lumabas ako at tumitig ako sa tingin ko na papasukan ko na. Narito na ako sa bungad ng Death Dark Forest. Iba ang aura nito. Ramdam mo ang itim na aura at ano pang pakiramdam mo. It really look scary. "Give us good results." Narinig kong wika muli ni Dean. Mayroong lumitaw na hologram. Holographic na nagpapakita ng segundong oras. Nang magzero na ang countdown. Inihanda ko na ang sarili ko sa pagpasok. Inayos ko ang pagkakasuot ng hood ko. Naglabas din ako ng isang dagger. Nagsimula na akong maghakbang nang marahan papasok. Anong station kaya ang una kong papasukan? Sana naman huwag station five or what. Hindi rin madaling malaman kung anong station ang napasukan mo. Hindi ko alam kung paano 'yon agad na malalaman. Anong station kaya ang dala ng may S tube na 'yon? Basta na lang ako tumapat sa tube. Tuluyan ko nang napasok ang lugar. Napakatahimik ng buong paligid. Habang naglalakad ako, experto kong pinaglalaruan sa kamay ko ang dagger. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Patuloy ako sa paglalakad. Kasabay ng paghangin at ang paggalaw ng mga halaman at sanga ng puno ay ang kakaibang galaw. Sumasabay sa sayaw ng mga puno ang galaw nila. Sa tingin ba nila maitatago ng ingay ng mga dahon ang galaw nila? Kahit pa sa hangin sila dumaan, mararamdaman ko pa rin sila. Nasusundan ng tainga ko ang magagaan nilang hakbang sa sanga ng mga puno. Ang pagpapalit-palit nila ng position sa mabilis na paraan. Mga ninja na mula sa Kawayaki Clan ang una kong makakasagupa. Huminto ako sa paglalakad. Napabaling ako sa kanang direksiyon. Inihinto ko ang paglalaro nang dagger, mabilis ko itong itinapon sa parteng nilingon ko. Narinig ko ang pagbanggaan ng sandatang itinapon niya papunta sa direksiyon ko. Muli akong nagtapon ng dagger and shoot, rinig ko ang pagbagsak niya. Kasabay rin ng pagtapon ko ng pangalawang dagger ay ang pagtapon ko ng tatlong shurekin. Shurekin na babalik lamang sa nagmamay-ari once na wala na itong mararamdamang pulso ng tao. Susundan at susundan nito ang pulso mo, hindi ka nito titigilan hangga't hindi ka nawawalan ng pulso. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Muli akong naglabas ng dagger at pinaikot-ikot sa kamay ko. Maya lang naramdaman kong may papalapit sa'kin. Mabilis akong nagside-view. Iniwasan ko ang atake niya. Hinablot ko ang ulo niya, gamit ang dagger na hawak ko walang alinlangan na ginilitan ko siya sa leeg. "Napakasagabal ni'yo sa buhay." ani ko, Parang isang bagay ko lang siyang binitawan. Muli sana akong hahakbang kaso lang sabay-sabay na silang sumugod. This is what I hate sa mga ninja. Ang bibilis nilang kumilos. Panay ang iwas at gilit sa leeg lamang ang ginagawa ko hanggang sa wala ng sumusugod sa'kin. Kasabay ng huli kong ginilitan sa leeg ay ang pagbalik din ng aking tatlong shurekin. Tumaas ang sulok ng aking labi. Naubos na sila, sa wakas makakapaglakad na ako ng matiwasay. Pinunasan ko ang kamay ko ng aking panyo pagkatapos tinapon sa mga pinatay ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa malapit na ako sa entrance ng next level. Marahan ang naging paghakbang ko. Pinakiramdaman ko ang paligid, I know someone is here. Alam kong mayroong nagbabantay sa lugar na ito. Taong magpipigil sayo upang hindi ka tuluyang maka-alis at makapagpatuloy sa next level. Paghakbang ko, mayr'on akong naramdaman na kakaiba pero huli na para umatras pa dahil namalayan ko na lang nakabitay na ako ng patiwarik. Napapikit ako sa inis. Hindi ko akalain na may ganito palang patibong. "O! Mayr'on na pala akong nahuling isda. Kay s'werte mo naman dahil ang station na ito ang una mong napuntahan." sambit niya. 'kay suwerte ko nga dahil siya ang una kong natagpuan. "Sino ka sa mga baguhan?" tanong ni Graven. Yeah! It's him. None other than but him. Ang lalaking kinaiinisan ko sa tuwing papasok ako ng classroom. Buti na lang natatakpan ang mukha ko. "Hmm! You smell good. Your scent is familiar?" he said while sniffing me like a dog. "I need to confirm it." he added. Dumistansya siya pero bago niya pa na makumpirma kung sino ako kumilos na ako. Bumuwelo ako sabay abot ng tali sa paanan ko saka ito pinutol. Maayos akong bumagsak sa lupa. Agaran kong ibinato sa kaniya ang dagger. "Sh*t!" he cursed. "You better not know who I am. Fight and kill me before I do that to you." ani ko sa kaniya. Ako na ang unang umatake. Mabilis niyang naiilagan ang mga pagsugod ko. Mayr'on din palang ibubuga ang lalaking ito. Pero hindi niya alam nasa bawat kilos ko ay nag-iiwan ako nang mga sugat sa kaniyang katawan. Bigla siyang umubo ng dugo. Napaluhod siya sa lupa. "Y-you! ---" gulat niyang saad habang hindi makapaniwala sa nangyari sa kaniya. Sa kan'yang mga sugat na natamo ng hindi niya namamalayan. Pumunta ako sa harapan niya. Gamit ang dagger pinaharap ko siya sa akin. "Which station is this?" I asked. "Ten," sagot niya. Lihim akong napangiti. Muli akong napatingin sa kaniya. "You are Rhexyl, right?" he asked. "So? It doesn't matter who I really am." I said. Sinugatan ko ang kaniyang pisngi ng walang pasabi. Napapikit siya sa ginawa ko. "Sa ngayon, munting daplis lamang ang gagawin ko. Hahayaan muna kitang mabuhay." I said. Kung wala lang akong naalala na usapan. I will kill him without hesitation. Tatayo pa sana siya pero pinalo ko ang kaniyang ulo upang hindi na siya makatayo pa. Bumagsak siya sa lupa, buhay pa naman siya. "Sleep well." matamis kong sabi. Tuluyan kong pinasok ang sunod na level na aking kakaharapin. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD