Yhoquin P.O.V
Narito kami sa Lighthouse watching. Pinapanood namin ang nangyayari sa loob ng Death Dark Forest.
Lima lang rin kaming narito dahil sina Drewhein, Lopeh, Kheizar, Fhinn at Rhem ay nasuwerteng napasama sa kahaharapin ng mga newbie.
Napatingin ako sa station five. Ang malas naman niya dahil diyan siya napadpad.
Masasabi ko rin namang mayr'ong ibubuga ang mga bago pero makatatagal kaya sila sa walang humpay na pakikipaglaban.
Bawat station, nakabantay ang mga tauhan ng mga naglalakihang Clan sa mundo. Kapag masuwerte kang nakalagpas sa sandamakmak nilang tauhan. Ang mga nasa ranking naman ang iyong makahaharap.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto. Pumasok si Leader at umupo sa kaniyang puwesto.
Muli akong dumako ng tingin sa TV screen.
"Where's Rhexyl?" tanong ko habang hinahanap siya sa lugar.
Hindi ko siya nakikita sa lahat ng station. Impossible namang wala siya roon.
Binuksan ko ang holographic information to find her. Nakita kong nasa station 10 siya. Napangiti ako, magiging smooth ang kaniyang daan papuntang unang station.
Zinoom ko ang station 10. Nagtaka ako kasi iba ang nakikita ko. Ang nakahoodie na babae ang siyang narito. Naglalakad siya habang ekspertong pinaglalaruan sa daliri niya ang isang dagger.
Her aura is too cold and dark. Mabilis niyang pinapatay ang mga ninjang sumusugod sa kaniya.
Kunot-noo kong pinapanood ang bawat galaw niya.
Hanggang sa nabitay siya patiwarik ngunit hindi nagtagal ay nakawala rin siya. Astig siyang bumagsak sa lupa. Akala ko makikita ko na ang kaniyang mukha dahil naalis ang suot niyang hood pero hindi pa kasi natatakpan ang mukha niya ng isang tela. Tanging ang mata lamang nito ang makikita.
Walang kahirap-hirap niyang pinatulog si Graven.
"Si Rhexyl ba talaga 'yan?" Narinig kong ani ni Acer.
Kahit ako ay nagtataka rin. How come na naging ganiyan siya kagaling kung hindi ko naman siya nakitang mag-training. Wala nga siyang ginagawa.
The heck! Don't tell me, she is really not weak.
"Her hair is not red?" komento ni Briel.
Mas lalong nagsalubong ang aking kilay. What is going on?
Rhexyl P.O.V
Napahawak ako sa balikat ng masugatan ng pinalipad niyang blade. Hindi ko ito nagawang iwasan.
Dang it!
Napaluhod ako ng sa hita ko naman ito tumama.
Nyeta!
"Mayr'on bang problema?" mapang-uyam niyang tanong.
Nasa last part na ako ng Station eight at ang babaeng ito ang narito. Naka-uuyam naman!
Hindi naman ako nabigo sa expectations ko sa mga nasa ranking. Talaga namang mayr'on silang ibubuga.
"Mukha yatang nahihirapan ka? Puwede naman nating pabilisin. Sabihin mo lang." sambit niya,
Dahan-dahan akong tumayo.
Napakadaldal naman ng babaeng ito. Naramdaman ko ang papalapit muli ng kaniyang blade. Naiwasan ko ito ngunit ang isa ay hindi kaya nasugatan ang aking braso.
Lumapit siya sa'kin. Binigyan niya ako nang malakas na suntok sa sikmura. Napaatras at napaubo ako sa impact nito.
"You are so lucky because I am in a good mood to kill you." ani niya,
Hindi ako umimik. Tatayo na sana ako ng sipain niya ang tuhod ko at ang aking tagiliran.
"Weak," nakangiwi niyang komento.
Hindi na ako nagtangka pang tumayo dahil nanghihina na ako.
Hinablot niya ang buhok ko at inangat.
"Sumusuko ka na ba? Tsk! Ang mga katulad mong walang silbi ay hindi nababagay sa lugar na ito." ani niya,
Malakas niyang binagsak sa lupa ang mukha ko.
"Stand up!" narinig kong wika ng kung sino.
"Fight for yourself!" muli niyang saad.
Napamulat ako ng mata pero naiharang ko ang aking palad upang matakpan ang silaw ng liwanag na nagmumula sa araw.
Bumangon ako at napakunot ng noo.
Where I am?
Am I dead?
"Wake up, Maria!" muli kong narinig.
Tumayo ako at hinanap ang pinagmumulan nito.
"Grandma?" maliit na boses naman ang narinig ko.
Mabibilis ang naging hakbang ko habang sinusundan ang mga boses nila.
Nahinto ako ng makita ko sila.
"Why do I need to do this? Why do I need to fight and do this?" tanong ng batang halos malumpo na.
Tinitigan kong mabuti ang bata and I realized it was me.
"Grandma?" wika ko,
"For you to be strong." sagot ng isang babaeng hindi ko alam kung sino.
What's happening? Bakit ko nakikita ang bagay na ito.
Sinipa nila nang malakas ang batang ako sanhi upang tumilapon siya. Pilit na tumayo ang batang ako.
"Why? G-give me a reason." pilit na pangungumbinsi ng batang ako.
Maging ako ay naghihintay ng sagot ni grandma. Bakit nga ba?
"Dahil ang mundong iyong kinabibilangan ay hindi pahahalagahan ang iyong buhay, maging sino at saan ka man nagmula." saad ni grandma.
"What do you mean?" muling tanong ng batang ako.
"Ang mga taong nakapaligid sayo ay walang ibang gagawin kun'di ang mag-agawan ng position at kapangyarihan. Kung paano sila makalalamang sa isa't isa, kung paano sila magiging malakas at para katakutan ng nakararami." Grandma said.
"Ang mundo mo ay puno ng kaharasan. Ang mga kamay mo ay mababahiran ng dugo ng iba. Kung magiging malamya ka at mahina, magiging isa kang talunan at walang silbi." seryosong wika ni grandma.
Matagal ng nabahiran ng dugo ang aking kamay. Sobra pa sa karahasan ang aking naging mundo.
Napadako ang tingin ko sa batang ako.
"You're such a great kid." bulong ko sa hangin.
"Fight Maria! don't let others win. Kill them if you need to." muli kong narinig kay grandma.
Gumalaw ang aking mga daliri. Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Dahan-dahan akong bumangon.
"DIE!" malamig kong saad habang tumatayo.
Pinatagilid ko ang aking leeg kaliwa't kanan. Pinagpagan ko ang aking sarili. Naging seryoso ako nang maamoy ko ang dugo.
"Hmm, Blood?" nakataas kilay kong ani.
I smell blood. What a good smell.
Napadako ang tingin ko sa babaeng kaharap ko.
"Are you done?" malamig kong sabi.
Parang kinagat lang ako ng lamok sa mga ginawa niya.
"Buhay ka pa pala." ani niya,
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Huling dumako ang tingin ko sa mga kamay niyang lapastangan. Mga kamay na humawak sa'kin ng walang pahintulot.
Mga kamay na nakakaakit na putulin.
Walang kahirap-hirap kong hinuli ang kaniyang blade. Since naka-hood naman ako tinanggal ko ang telang nakaharang sa mukha ko.
Nakita ko ang paghakbang niya paatras. Tumaas ang dulo ng aking labi. Wala pa akong ginagawa upang umatras siya.
"Rhebecca Rhize Rhazeen, the third daughter of Rico and Lhiz Rhazeen. Your clan is one of the most strongest clan." I said.
"What are you talking?" kunot-noo noo niyang tanong.
Pinalipad ko ang kaniyang blade papunta sa kaniya. Tumama ang mga ito sa kaniyang balikat at binti.
"Seventh in the female ranking, eighth in the leaders ranking and even in the gang ranking." pagtutuloy kong ani.
"S-shut your MOUTH!" nanggalaiti niyang sambit.
"Expert in the use of the blade." muli kong wika.
Mabilis siyang pumunta sa akin at sumugod. Pumunta ako sa likuran niya.
"Which arm would you like to cut first? Right or left?" I whispered softly.
"Damn you!" inis niyang saad.
Humalakhak ako ng tawa. Nakatutuwa talagang makipaglaro sa mga mahihina at hangal na katulad niya.
"I was just playing with you before. It is as if an ant bit me for what you did. Is that the best you can say?" sabi ko.
Hinahayaan ko lamang siya kanina. I am enjoying na makita siyang natutuwa habang sinasaktan ako. Kawawa naman kasi, isa pa hindi masaya kapag mabilisang tapos.
"Nasa good mood ka pa rin ba? Ako kasi nangangati ng paslangin ka." nakangisi kong saad.
"Shut up!" inis niyang sabi.
Mas lalo akong humalakhak ng tawa.
"Everyone is watching us even your parents. Ano kaya ang mararamdaman nila kapag ang isang kamay mo ay ----" Walang pasabing lumapit ako sa kaniya.
Tumili siya nang malakas sa ginawa ko.
"---- pinutol ko." nakangiti kong tuloy.
Namilipit siya sakit. Napaupo siya at 'di makapaniwala na nakatingin sa dumudugo at putol niyang kamay.
"Y-You! Da-Damn yo-you!" namumutla niyang saad.
Inilabas ko ang reaper sword. Sinipa ko siya ng ubod lakas. Hindi ako nakuntento, hinablot ko ang buhok niya at isinalampak sa mukha.
Pinaikot-ikot ko ang reaper na hawak ko habang pinagmamasdan siyang gumagapang.
Pinatihaya ko siya. Bakas sa mukha niya ang hirap at sakit.
"Gusto mo bang malaman kung sino ako? Kung sino ako sa mga baguhan? Sino nga ba ang babaeng kaharap mo ngayon?" Marahan kong ginapang sa kabila niyang kamay ang hawak kong reaper.
"N-no!" hestirikal niyang sabi.
"I am Maria ---Aljea ---Rhexyl ---Salvez." marahang sambit ko.
In just a snap, muli siyang tumili at namilipit. I just cut her another arm para fair.
"G-go! Leave! Y-You can p-proceed." mahina niyang wika.
Umiling-iling ako.
"Too late, you should have passed me earlier. If those hands hadn't landed on my skin we wouldn't have reached at this point." mahinahon kong sabi.
I came here not just for a test. Naparito rin ako upang makipaglaro and have fun.
"But since you offer. Why not! Thank you for letting me in." wika ko,
Nilagpasan ko siya, hinayaang nanatiling nakaupo habang basang basa ng kaniyang sariling dugo.
Hinawakan ko nang mahigpit ang reaper. Humakbang ako paatras, mabilis akong humarap. I slide my reaper to her body.
Now I am satisfied.
Tumingin ako sa camera na umaaligid-aligid sa paligid.
I gave them a happy look.
"Get your lifeless daughter. Call me if you need a coffin, I can donate." sambit ko sa camera.
Alam kong narinig nila ako. Inayos ko ang hood na suot ko. Tinatago ang mukha ko.
Pumasok ako sa station seven. Tumigil muna ako saglit. Napagpasiyahan kong magpahinga saglit. Sumandal ako sa isang puno.
Inilabas ko ang phone ko, I tap the screen. Lumabas ang hologram. Tiningnan ko ang bawat tao na narito sa loob ng forest.
It's good thing na wala akong nakaharap o nakasalubong na kapwa ko baguhan. Obligado kasi kaming patayin ang isa't isa.
Muli ko itong isinara.
Kalahati sa Venomous Blood ay makakaharap ko. How honor I am. Makasasagupa ko ang pinakamalalakas na student ng Dermord.
Napabuntong hininga ako ng mayroon mga asungot na paparating.
Sino kaya ang nagpasimuno ng pagsusulit na ito nang mailibing ko nang buhay.
Mabilis akong nakaalis sa station 7, walang hirap din naman akong nakapasok sa station six kung saan si Drewhein ang huli kong makikita.
TheKnightQueen