Drewhein P.O.V
Kanina pa ako naghihintay dito sa Station six. Bagot na bagot na nga ako kahihintay. Muntik na rin akong makatulog. Inis akong umupo sa ilalim ng puno.
Bakit ba ako ang napili nila? Buti pa sila Yhoquin nanonood lang. Mga pasarap sa buhay, sigurado akong nagtatawanan ang mga gunggung na 'yon.
Mayroon ng napadaan dito pero mahina at napatay ko lang.
Napahikab ako, inaantok na lang ako. Matulog kaya muna ako, hindi naman ako makikita nasa madilim na sulok naman ako.
Pipikit na sana ako ng -----
"Drewhein," Napadilat ako ng mata.
Biglang nawala ang antok ko ng marinig ko ang nakakikilabot na boses niya.
Si leader ba 'yon? Impossible, boses babae. Hindi 'yon pupunta rito. Napilitan akong lumabas.
"There you are," she said.
Who is she?
Kumunot ang noo ko.
"Who are you?" tanong ko.
Iba ang kaniyang aura. Kung hindi ako sanay baka nagtatakbo na ako papalayo sa kaniya.
Biglang nagliwanag sa puwesto namin. Nagkaroon ng spotlight. Wala sa sarili akong napalunok sa reaper sword na hawak niya. Punong-puno ito ng dugo, tumutulo ito hanggang sa pinakadulo nito.
"You cannot go beyond the spotlight. Whoever gets out of that is the loser." he said.
" I didn't think there were rules at station six." malamig na sabi ng babaeng kaharap ko.
Kahit maliwanag ay hindi ko pa rin makita ang mukha niya. Natatakpan ito sa suot niyang hood, o talagang tinatago niya talaga.
Hindi ko man siya kilala, ngunit alam kong isa siya sa mga baguhan pero hindi ko maalala kung sino siya sa mga ito.
The f*ck! Baka naman intruder na 'tong kaharap ko.
Nagulat ako ng nasa tabi ko na siya.
"Masiyado ba akong kakaiba para lumalim ang iyong pag-iisip?" bulong nito sa'kin.
Sinabayan ko ang bawat atake. Sh*t! Ang bilis niya. Nagpalitan kami ng atake gamit ang aming mga sword pero sa bawat daan at sangga ng aming swords. Napapansin kong humahapdi ang katawan ko.
Lumayo ako sa kaniya. Napadako ang tingin ko sa balikat ko. Nanlaki ang mata ko ng mayr'on na itong malaking sugat.
"Don't worry, the reaper I'm holding is non-toxic unlike yours which I really need to avoid because of the deadly poison that is placed there." mahaba niyang lintanya.
Tumayo ako nang tuwid. Mariin akong nakatingin sa kaniya. Sinusuri at inaalala kung sino siya.
"You’re one of Sylvester’s members, aren’t you? All of his members have their own abilities, and I admire you for being a good weapon maker." muli niyang wika.
Nanlaki ang mata ko. Walang nakaka-alam na isa akong weapon maker ng aming grupo.
"How did you find out who I was?" kunot-noo kong tanong.
Ang information ng bawat studyante ng Der Mord ay secured na masiyado. Walang nakabubukas at nakapapasok dito.
"Who the hell are you? Are you intruder? Paano ka nakapasok dito?" sunod sunod kong tanong.
Paanong nanatili siya rito?
At paanong hindi namin siya natunugan agad.
"Here we go, same questions again. Can't you think of another question?" bakas sa boses niya ang pagkainis.
Nagulat ako at napahawak sa reaper na nakatasak sa tiyan ko. Hindi ko inaasahan ang pagsugod na iyon.
"Darn it!" I hissed.
Napabuga ako ng dugo ng hugutin niya ito.
"Let's stop this, baka mapatay kita ng wala sa oras." sambit niya,
Luminga siya sa paligid.
"Hmm," Tila nag-iisip siya sa kaniyang gagawin.
Lumapit siya sa akin. Hindi ako nagpatinag, inihanda ko ang aking sarili sa maari niyang sunod na gagawin.
Nagtaka ako dahil inabot niya sa akin ang kaniyang kamay. Dahil dito, nakita ko ang mukha niya na siyang ikinalaki ng mata ko.
What the heck!
Nakita ko ang pagngiti niya. Hindi ko alam kung ngiti ba o ngisi.
"I am Rhexyl, if you keep quiet about what you saw. We will have no problem." bulong niya sa tenga ko.
Tila nabato ako sa sinabi niya.
Syete! Rhexyl?
Rhexyl's P.O.V
Mabilis kong natatapos ang mga station. Kahaharap ko pa lang kina Rhem at Fhinn pero heto ako kaharap muli ang isa sa mga VBlood which is si Lopeh.
Tahimik siyang nakatingin lang sa akin, maybe wondering if who am I sa mga baguhan.
"First, I am not intruder. Second, sa main gate ng Der Mord ako dumaan. Third and last, I am one of the newbies. Why I am here? Because I wanna have fun." nakangisi kong wika.
Inunahan ko na kasi tatanungin na naman ako ng mga parehong tanong. Nakakarindi na.
"I know." Lopeh said.
Napa ' O ' ako. Tatlong station na lang ang natitira bago ko tuluyang matapos ang lahat ng station. If you finished all stations without any losses, it means you pass.
"Finally, we met. Le soi-disant tueur." he added.
Nahinto ako sa paglalaro ng dagger. Napatitig ako sa kaniya, then I remembered. Isa siya sa mga pulis na madalas nagreresponde sa mga natatagpuang patay.
Lagi siyang naroon. Inoobserbahan niya ang bawat detalye. Lagi kong nakikita na lagi niyang ginagamit ang scanner niya.
It's him, the guy I always keep an eye on. Hindi ko akalain na hindi siya certified na hangal.
"How did you know it was me? Are you sure about it?" tanong ko.
Batid kong hindi malinaw ang detalyeng nakukuha niya.
Hangga't hindi niya tuluyang nakikita ang mukha ko hindi niya malalaman.
Napangisi ako ng hindi siya nakaimik. Ibinato ko sa kaniya ang dagger na hawak ko. Mabilis akong kumilos upang makalapit sa kaniya.
"Je suis content de te voir de près comme ça, Policier." bulong ko sa kaniya.
Tinadyakan ko siya sa binti saka malakas na sinapak. Agad siyang tumayo. Nakita ko ang pagngisi niya.
"So, it's you." he confirmed.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nagkibit-balikat ako. Wala akong paki kung malaman pa niya.
Maganda kayang pagmasdan ang mga taong akala mo kung sino, akala mo kung sino ang malakas. Pero kapag dehado na daig pa ang maaamong tupa kung magmakaawa.
Muli akong napalingon sa kaniya. Why am I feeling that he knows me? Nanatili siyang tahimik pero ang mga mata ay nagsasabing alam niya, mayr'on siyang alam.
Tsk! Hindi siya makapagsalita dahil alam niyang mayroong nakikinig.
Nonsense!
Tumakbo ako papalapit sa kaniya. Inatake ko siya. Mabilis siyang nakaiwas. Nagbatuhan kami ng suntok at atake.
In one swift move, pinaralized ko ang katawan niya. Pinukpok ko ng baril ang batok niya para makatulog siya.
Agad ko siyang tinalikuran, wala na akong oras para makipag-usap pa ako sa kaniya.
Walang paligoy-ligoy na pinasok ko ang station three.
Tumagilid ako para maiwasan ang paparating.
"F-f**k!" daing ko.
Hindi ko inasahan na mayr'on agad na sesegunda. Pilit kong inabot ang nakatasak sa likuran ko.
Nagulat ako ng walang habas niyang hinugot ito. Sinundan ko ang direksiyon na pinuntahan nito.
Chain weapon?
Dang it!
Napaluhod ako ng sa binti ko naman ito tumama.
Mabilis akong nagblend upang hindi matamaan muli. Sa pagtayo ko, bigla akong napailing dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at biglang nanlabo ang aking paningin.
Napahawak ako sa dagger na nakatusok naman sa tagiliran ko.
Salvez Clan, Damm it. They really want to kill me. Hindi sila patas.
Hinuli ko na ang sunod na chain weapon. Malakas kong hinila ito, sa paghila ko nakasama ang taong may hawak ng weapon.
Gamit ang dagger na hinugot ko sa tagiliran, iginilit ko ito sa leeg ng tauhan ng mga Salvez.
Mabibilis ang aking naging pagkilos. Ginamit ko ang bow at arrow na dala ko. Kung hindi ko sila madaan sa harapang laban, pwes! dadaanin ko sila mabilisang paraan.
Ako na mismo ang huhuli sa kanila. Taguan pala, ah.
Mabilis akong tumakbo sa puno. Walang awa ko silang pinana. I used may arrow to kill them all. Gamit ang aking binti, inipit ko ang sanga para hindi ako mahulog. Nagpatiwarik akong nagpahulog tsaka pinatamaan ang mga naghahanap sa'kin.
Patayo akong bumagsak sa lupa. Nilapitan ang mga natitira saka pinihit ang kanilang mga leeg.
Agad kong tinungo ang last part ng station three.
Mabilis akong pumunta sa kaniya. Sinalubong ko siya ng saksak sa tagiliran. Binaon ko siya para hindi na siya makalaban pa.
Dahan-dahan siyang pumaosdos pababa. Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa'kin.
Binitawan ko siya at iniwan na lang.
Napahinto ako sa paglalakad ng muli akong nakaramdaman na pagkahilo.
Dang it! Nang dahil sa lason na nasa katawan ko. Naging mabilis tuloy ang oras ko. Dapat matapos ko kaagad ang natitirang station hanggang hindi pa ako nawawalan ng malay.
Dimwit!
Napaluhod ako at napahawak sa puso ko dahil pakiramdam ko sumisikip at nahihirapan na akong huminga.
"B-Bwesit!" inis kong sabi.
Puwersahan akong tumayo saka sinalubong muli ang paparating. Agad akong dumako sa likuran niya. Hindi nakaligtas sa'kin ang markang nasa leeg niya.
Muli kong inilabas ang reaper sword ko. Bawat wasiwas ko ng reaper ay sinisigurado kong tapos agad sila.
Sa pagtigil ko, tiningnan ko sila. Mga nakatayo silang lahat. Kasabay ng paghakbang ko ay ang pagsirit ng mga dugo nila mula sa mga putol nilang katawan.
Huminga ako nang malalim ng si Kheizar na ang kaharap ko. Wrong timing pa.
Napahigpit ang kapit ko sa sword. Napapikit ako ng muli na namang sumikip ang aking dibdib.
Ramdam ko ang paglalagkit ng aking katawan. Buti na lang itim ang mga suot ko, dahil kung hindi pulang-pula na ako dahil sa dugong galing sa iba at sa mga sugat na natamo ko. Ramdam ko rin ang pagtulo ng dugo sa aking daliri.
P*nyatr*sssss!
Kumilos na ako, mabilis na nakasabay siya sa bawat atake ko.
Dumistansya siya sa akin na ikinataka ko. Huminto ako at napatingin sa kaniya.
"Not in a mood to fight." Lumakad siya palayo sa'kin.
Dapat ba akong magpasalamat dahil wala siya sa mood.
Napamura ako sa isipan ko. Kung wala rin ako sa ganitong kalagayan hindi ko siya palalagpasin.
Inihakbang ko ang aking mga binti na pakiramdam kong bumigat.
Darn this poison within me. Ang bilis kumalat, amputa!
Saktong pagtapak ko sa last station ay ang pagsikat ng araw. Muli akong napaluhod. Nagawa ko pang bumuntong hininga habang nakatingin sa mga nakapalibot sa'kin.
"Just kill me." suhestiyon ko.
Nakita ko ang pag-amba nilang pag-atake. Pumikit na ako, wala na akong lakas para labanan sila. Kinain na ng lason na nasa katawan ko ang lakas ko.
"Enough!" Napamulat ako ng mata.
Mabilis na napadako ang tingin ko sa nagsalita.
Mabilis na nagsi-alisan ang mga nakapalibot sa'kin.
"Leave her to me." he said.
Nakalimutan kong siya pala ang huli kong makahaharap, pero nakahinga ako nang maluwag ng marating ko ang station na 'to. Mas lalo pa akong na-relieve nang marinig ko ang boses ni Sylvester.
Ramdam ang paglapit niya sa'kin. Hindi ako kumikibo sa puwesto ko. Hinawakan niya ako, inalalayan niya akong tumayo.
Tinanggal niya ang telang nakaharang sa mukha ko. Napahawak ako sa baywang niya. Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Ngayon nakita na niya ang tunay kong mukha.
Hinayaan kong makita niya ang mukha ko. Wala rin akong panama sa kaniya. Bukod doon kahit paggalaw ng daliri ko ay hindi ko na magawa pa.
Napasandal ako sa dibidib niya.
"Alla fine rimuovi il tuo travestimento." he whispered softly.
Inalis niya lahat ng dala kong weapon na siyang dahilan para gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Mas lalo akong lumapit sa kaniya.
"Kheizar, the antidote." Sylvester said.
Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa niya. Hinihila na kasi ako ng kadiliman huli ko na lang naramdaman ay ang pag-angat ko sa lupa at ang mga bisig ni Sylvester.
TheKnightQueen
Translation:
"Le soi-disant tueur."
Means: "The so called, killer."
"Je suis content de te voir de près comme ça, Policier."
Means: "I'm glad to see you up close like this, police officer."
"Alla fine rimuovi il tuo travestimento."
Means: "You finally remove your disguised."