Chapter #37

1142 Words
Thirdperson's P.O.V Umabot hanggang sumikat ang araw ang pagsusulit. Lahat ng mga elders ay humanga sa angking galing ng mga baguhan. Lalo na sa pinakitang husay at bilis ng isang baguhan na hindi nila nakita ang itsura o mukha nito. Ngunit hindi lahat pinalad na makapasok dahil ang ilan sa kanila ay nasawi. "Congratulations! Maria Aljea Rhexyl Salvez and Crelly Anastasia Mc'nnel for passing the test." Pag-aanunsiyo na kumalat sa buong Der Mord Campus. Nasaksihan ng lahat ang pinakitang husay ni Rhexyl ngunit hindi nila alam na siya ang babaeng naka-hood. Ang babaeng nakatago ang mukha kaya lahat sila ay nahihiwagaan sa kaniya habang siya ay nasa loob ng Death Dark Forest. Samantala, hindi malaman ni Rhena ang kaniyang nararamdaman patungkol sa dalagang anak niyang kinamumuhian niya ng buong puso. Bigla siyang nalito ngunit alam niyang mas nanaig ang pagkamuhi niya sa dalaga. Ganoon pa man, hindi niya nakita ang anak niyang nasa loob nito. Tanging isang misteryosong babae lamang ang kanilang nakikita. Ngunit hindi mawala ang tingin nito rito. Hindi niya maitatanggi na ang husay nito. Hindi niya akalain na may tinatago rin itong husay sa pakikipaglaban. Tanda niya ang bawat galaw at kilos nito na halos magkapareho sila. Sa kaniyang puso, ninanais nito na makilala ang dalagang iyon. Sa ibang dako naman, "Master," ani ng kaniyang tauhan. Taimtim niyang pinagmamasdan ang isang babae sa larawan. Babaeng handa niyang protektahan at mahal na mahal niya ng higit pa sa buhay niya. Babaeng napakaganda, maamo sa unang tingin ngunit alam niyang mayroong tinatago. "Keep an eye on her. Make sure she is safe wherever she goes." utos niya sa kaniyang tauhan. "Yes, master." Nagbigay ng paggalang ang kaniyang tauhan sa kaniya bago tuluyan itong umalis. "I gave you a choice not to be in here. I gave you a hint, but you still chose to enter my world." ani niya, Sa kabilang banda naman na kinaroroonan ni Rhexyl. Matapos nitong mawalan ng malay ay kaagad siyang dinala ni Sylvester sa Der Mord Hospital. Rhexyl is now out of danger from the poison. Kasalukuyan siyang binabantayan nina Acer at Briel pero sabay silang umalis saglit. Subalit hindi nila alam na mayr'ong nagbabantay sa labas na matagumpay namang nakapasok sa loob ng kuwarto ni Rhexyl. Saglit na napatulala naman ang pumasok sa kaniyang nakita. Nagtaka siya dahil iba ang nasa larawan sa actual na itsura ng kaniyang papaslangin. Hindi niya mawari kung nagkamali ba siya ng napasukang kuwarto dahil sa pagdadalawang isip niya hindi niya namalayan na buhay niya na ang nasa peligro. "Who commands you to be here?" Naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan. "Kill me." matapang niyang sagot. "As you wish." Pagkasabi nito ay sumabog na ang utak nito sa kuwarto. Kinuha niya ang kaniyang cellphone saka nag-dial. "Clean all the Rhazeen Clan." malamig na utos nito sa kabilang linya. Pagbaba niya ng phone ay ang pagbukas ng pinto. Nagulat naman ang pumasok sa nakita. Sabay silang napalunok ng matalim na tumingin sa kaniya ang kanilang leader. Agad na tumalima ang dalawa ng makuha ang ibig sabihin nito kahit hindi ito nagsasalita. Rhexyl's P.O.V Pagmulat ko, puting kisame ang bumungad sa'kin. Alam ko na agad kung nasaan ako. Napa ' tsk ' ako ng sa pagbangon ko aparatus agad ang nakita ko. Tinanggal ko ang nakakabit sa kamay ko. Bumaba ako saka dumiretso sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I am not wearing a disguise. Ang natural kong mukha ang nakikita ko. Hindi ko suot ang wig kong kulay pula. Maputi ang aking balat hindi itim na itim. Kitang kita sa salamin ang asul na kulay ng mata ko na kasing lamig ng yelo kung makatingin. I used to disguise myself to hide my true look. Mabuti na lang nagawa kong hindi maipakita ang tunay kong itsura, hindi niya nakita. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako ng banyo. Nagulat ako sa paglabas ko dahil nandito pala si Sylvester. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "I'm okay." ani ko, Tinitigan niya lang ako. Alam kong hindi naman siya magsasalita nor do something. Lumapit ako sa higaan. "Nga pala, thanks for saving me." sambit ko, "I know what you did. I was awake when you killed him. But I can protect myself even without you." dagdag kong saad. "Your safety is my responsibility, which is why I should protect you whether you want it or not." simpleng wika niya. Muli akong bumalik sa pagkakahiga ng nakasimangot. Hindi ako sanay ng mayroong nagbabantay o nagproprotekta sa akin. Ipinikit ko ang aking mata at nagpanggap na natutulog. Naramdaman ko ang paglapit niya sa puwesto ko. Muntik pa akong mapabangon ng halikan niya ang sentido ko. Marahan naman akong tumingin sa kaniya ng umalis na siya. Umupo siya sa couch habang nakaharap sa laptop niya. Napadako ang tingin ko sa kamay niya. Walang nakasuot dito na ring o kung ano pa man. Lihim akong napangiti. Poor her, she is not aware that I stole someone from her. Kinuha nila ang taong mahalaga sa'kin. Kukunin ko rin ang sa kanila, ngunit hindi lang isa dahil wala akong ititira sa kanila. Ipinikit kong muli ang mata ko pero wala akong maramdaman na pagkaantok. Napasulyap ako sa orasan na nakakabit sa wall, 2 am palang. Muli akong bumangon. "Bakit sila nagbabantay sa labas?" pagbubukas ko ng topic. "Hindi naman kailangan, e." dugtong ko. Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. "Puwede na ba akong ma-discharge bukas?" tanong ko. Lihim kong kinurot ang sarili ko. I'm not like this. Hindi ko gawain ang magpapansin sa isang tao pero heto ako ginagawa ko. "No, you still have three days to stay here." ani niya, "What? No way! Ayaokong mag-stay dito ng matagal." protesta ko. "You will," final niyang saad. "No, ayoko!" mariin kong tanggi. "Hindi ikaw ang pasyente at mas lalong hindi ikaw ang doktor ko." I continued. Huminto siya sa kaniyang ginagawa. Tumayo siya at lumapit sa'kin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Nanlaki ang mata ko ng lumapat ang kaniyang labi sa labi ko. Then he whispered to my ear. "I am your private and personal doctor." Mayr'on siyang pinakita sa'kin. Nanlaki ang mata ko ng license doctor siya in all field. Gulat akong napatingin sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Packaging tape! Tumabi siya sa'kin, "Come here, get more sleep." Nagulat ako ng hinila niya ako papalapit sa kaniya kaya ang resulta napahiga ako sa kaniya. Nakaunan ako sa balikat niya habang nasa baywang ko ang kamay niya. Muli niyang hinalikan ang ulo ko. "Close your eyes." he softly said. Ewan ko sa mata ko at sumunod naman. Kahit ako ay nagugulat din sa kaniya. When I first met him. He is damn cold and scary hindi ko akalain na may ganito pala siyang side. 'kay suwerte naman ng babaeng iibigin at mapapangasawa niya. Ipinikit ko ang aking mata at nakatulog ako ng mahimbing. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD