Rhexyl P.O.V
Mabilis akong tumatakbo papuntang school campus. Kagigising ko pa lang but when I know na hindi ka excuse sa klase kahit nakahilata ka na sa hospital. Nagpaalam na kaagad ako at kumaripas na ng takbo papuntang dorm to get my things. I'm super late na!
Habol hininga akong huminto muna sa tapat ng classroom ng Top Section.
Huminga ako nang malalim ng makita kong pabukas na ang pinto.
Kaagad akong pumasok. Tumagilid ako to avoid the knife.
"G-Good morning, Sir!" bati ko sa taong nasa harapan.
Lahat ng atensiyon nila ay nabaling sa'kin.
"Why are you late, Ms. Salvez?" he asked.
"Ahmm, I just woke up late." sagot ko.
"Pinakaayoko sa lahat ay ang nalalate sa klase ko." saad niya,
Pasimple akong bumaling sa kanang direksiyon.
"I don't know, hindi pa tayo nagkikita." mahinang bulong ko.
Gusto ko ng maupo sa upuan ko.
"As your punishment ---" Napalingon ako sa kaniya when I heard that.
"Punishment? For what?" tanong ko.
Great! Just great! Nasa hospital ako for almost one week. Ngayon kasalanan ko pa? Anong gusto niya? Magbunot ako ng damo?
Umupo siya sa side ng table.
"Stay where you are, stand straight." he continued.
Nagtaka naman ako. Anong plano niya?
"Everyone! Shoot her using your knives. Ang bawat tama niyo sa kaniya ay ang inyong magiging score for your quiz today." wika niya,
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya? What the!
"Beat the highest score as far as you can." nakangiting wika niya sa kaniyang studyante.
I'll be there a human board? Nakita ko ang paglabas ng kanilang mga knives, daggers, swift knife etc. Nagsitayuan ang balahibo ko sa klase ng kanilang ngiti.
Seryoso? As in? Lumingon ako kay prof. Wala siyang pakialam.
"You can start now." pagbibigay niya ng hudyat.
Napahakbang ako paatras. Napapikit na lamang ako sa paparating na dagger.
Goodbye life! Grandma see you in heaven.
Habang nakapikit ako, nagtataka ako kung bakit wala akong nararamdaman na sakit o anuman. Marahan kong iminulat ang mata ko. Nagulat ako sa kamay na may hawak ng dagger, kung hindi siya naagapan sa puso ko ang tama.
Agad akong napalingon sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko ng si Sylvester pala ang may ari ng kamay na 'yon. He looks more dangerous but calm. Kalmado niyang tiningnan ang hawak niyang dagger.
"Mr. David, I respected you as our professor but once you touch my property. You know what I can do, right? I can turn you into nothing." sambit nito without looking to Mr. Professor don't know name.
"M-Mr. Connel!" bakas ang takot sa kaniyang mukha.
Hindi ko maiwasan na hindi mapataas ang kilay ko. Kanina akala mo kung sino.
"Herayah," Rinig kong banggit ni Sylvester.
Mayr'on akong nakitang mabilis na tumayo. Seryoso siyang nakatingin kay Sylvester pero amoy pa rin ang takot sa kaniya.
Galing magtago ng takot.
"Come here, stand where Ms. Salvez is." utos ni Sylvester.
Naramdaman ko ang pagkapit ni Sylvester sa kamay ko saka marahan niya akong inalis sa kinatatayuan ko. Inilagay niya ako sa kaniyang tabi.
Ginawa ni Herayah ang pinag-uutos ni Sylvester. Tumayo siya sa puwesto ko kanina.
"Now, Mr. David. Choose, you or him?" tanong ni Sylvester.
Tahimik kaming lahat. Walang ingay o nagtatangkang magsalita. Napabaling ang tingin ko kay Zandra. Akala niya ba nakalimutan ko ang ginawa niya sa'kin. Mas maganda nga kung siya na lang ang pinalit sa'kin.
Ampp! May araw ka rin sa'king babae ka.
"Mr. Connel, I-I ---" Prof. said.
"I guess, you will sacrifice your student for your life." Sylvester said.
"I'll do it, Leader." nakangiting saad ni Fhinn.
Pinaglaruan ni Fhinn ang hawak niyang dagger.
"Beat the highest score, right Professor David? Which part of his body have a good point?" matalinhagang wika ni Fhinn.
"Don't move Herayah." sambit naman ni Drewhein.
"Huwag kang madaya, Herayah!" Yhoquin said.
"W-What? Why are you doing this to me? Wala akong ginagawang masama." depensa naman ni Herayah.
Napalingon ako kay Sylvester ng hinawakan niya ang kamay ko. Nagtaka ako dahil dala niya ako hanggang sa marating namin ang upuan na'min.
"Done, I've finished my quiz." Mabilis akong napalingon sa unahan.
And I saw the guy whose name is Herayah got killed. He had a stab direct in his heart. Mulat ang kaniyang mga mata habang hindi makapaniwalang dumapo ang kaniyang tingin sa dagger na nakatasak sa kaniyang puso. Hindi nagtagal ay unti-unti na siyang bumagsak.
"I've got a perfect score." Fhinn said.
"Hey! Ang damot mo talaga. Pangkalahatan ang quiz na 'yon. Bakit mo sinolo? Tuloy zero na naman ang quiz ko. Bagsak na naman ako!" pagmamaktol ni Yhoquin.
Tumayo si Sir. Kinuha niya ang mga gamit niya.
"Class dismiss, and clean this mess." sambit niya pagkatapos ay lumabas na.
Ganun lang 'yon?
Wala sa sarili akong umupo. Napalunok ako. What if, ako 'yong namatay. Itatapon lang ako? Tingin nila sa'kin, basura?
Tulala ako hanggang matapos ang klase. Hindi ko nga napansin na nasa cafeteria na pala kami. Kuwentuhan nga sila ng kwentuhan, hindi naman ako nakikinig sa kanila.
Hindi rin ako makarelate sa pinag-uusapan nila.
"Are you still thinking about what happened earlier?" untag sa'kin ni Yhoquin.
Nawala ang tingin ko sa pakikipagtitigan ko sa pagkain ko.
"Huh?" taka kong sabi.
"Tsk! Dapat masanay ka na." sambit ni Drewhein.
"You only have a week before the test start. What's your plan?" Zandrey asked.
Bumalik ulit ang tingin ko sa pagkaing kaharap ko.
"Kayo na rin ang nagsabi makapasa man ako, o hindi. Isa lang ang babagsakan ko, ang kamatayan. Why not enjoy my last days." saad ko,
Mas lalong nawalan ako ng gana na kumain.
"Hindi rin naman ako makakapasa." dagdag ko.
Tumayo ako
"Mauna na ako." paalam ko sa kanila.
Pagkalabas ko ng cafeteria sakto ring tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito saka sinagot.
"Wala ako sa mood makipag-usap." agad kong pinutol ang tawag.
Mangungulit na naman kasi 'yon. Wala naman 'ylng maginawa sa buhay. Wala 'yon ginawa kun'di ang kulitin ang buhay ko.
Isinuot ko ang earphone sa tainga ko.
I don't know where to go.
Mayr'on pa akong klase mamaya. Pumasok ako sa loob ng glass elevator.
Sa garden na lang ako pupunta.
Pagkabukas ng elevator, agad akong lumabas at dumeritso sa garden.
Pabagsak akong umupo at humiga sa carabao grass. Napatitig ako sa kalangitan.
Buhay nga naman.
I put my two hands under my head. Ginawa ko siyang unan. Muli akong nakikipagtitigan sa langit.
Ang ganda ng kulay ng kalangitan. Asul na asul at sobrang linaw.
I miss something. Namiss ko ang isang bagay na madalas kong gawin. Ipinikit ko ang aking mata.
Kunting panahon na lang. I don't wanna stock being like this.
TheKnightQueen