EXIEL'S POV Limang taon na ang lumipas mula nang makulong ako. Marami na ang nagbago, hindi lang sa paligid kundi pati na rin sa aking sarili. Lumaki ang katawan ko sa mga taon ng pagbuhat at pag-eehersisyo, lalo pang bumakat ang mga kalamnan sa bawat galaw ko. Humaba ang buhok ko, dumampi na sa batok, at madalas ko itong ginagamit para takpan ang pilat sa kaliwang pisngi – isang paalala ng madilim na nakaraan na hindi ko pa rin kayang talikuran. Hindi ko inaasahan na may dadalaw sa akin sa araw na 'yon. Akala ko'y matagal pa bago ako makakalaya, o baka nga mabulok na lang ako rito habang buhay. Kaya laking gulat ko nang dumating si Atty. Carl Castello, ang dati kong abogado. Bitbit niya ang magandang balita: naaprubahan ang aking parole, at mas maaga ito kaysa sa inaasahan. May saya

