EXIEL'S POV Hindi na ako nakapagsalita. Tumitindig ang t***k ng puso ko habang marahas akong hinila ng mga pulis mula sa madilim na eskinita. Sa bawat hakbang ng aking mga paa. Ramdam ko ang malamig na bakal ng posas sa aking mga pulso. Nananakit ang mga galos sa aking katawan, ngunit higit na mas masakit ang mga sugat ng aking damdamin. Alam kong wala akong kasalanan, ngunit ngayon, isa akong bilanggo. Pagdating sa kulungan, itinulak nila ako papasok ng selda. Humampas ang kalawangin na bakal ng pinto, at tumambad sa akin ang mga tingin ng mga kapwa bilanggo – mga matang tila nag-aabang ng bagong biktima. "Bagong salta," narinig ko ang bulong ng isa, mabagsik ang ngisi habang nilalaro ang hawak na tansan. "Mukhang mabigat ang kaso mo, bata." Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa

