ANTHONY' POV Pagkatapos magdeklara ng recess ang hukom, lumabas ako sa pasilyo, pilit inaayos ang sarili. Makapal ang tensyon sa paligid, bawat segundo'y parang dinadagdagan ang bigat ng dinadala. Biglang narinig ko ang mga mabibigat na yabag, lumalapit sa akin, si Papa.seryoso ang ekspresyon. Umayos ako ng tindig habang huminto si papa sa tabi ko, ang matalim nitong mga mata'y tila nakakakita ng lahat ng kanyang iniisip. "Kailangan nating tapusin na ito," bungad niya malamig at mababang boses na hindi nagbibigay ng espasyo para sa pagtutol. "Ayoko na humaba pa ang paglilitis na ito." Mas lalong humigpit ang panga ko. Alam niyang darating ang ganitong usapan – ang pagdidiin ni papa na tapusin agad ang kaso, kahit pa ang kapalit ay ang emosyonal na kalagayan ng mga sangkot. Bahagya akon

