Halos maistatwa ako sa aking kinatatayuan nang magsimula nyang ihakbang ang mga paa patungo sa kinaroroonan ko. Nakangiti sya ngunit mababakas sa mukha ang galit.
"S-stop." Pilit na nilalabanan ang takot na namumuo sa aking dibdib. Halos magmakaawa ako sa mga taong nasa paligid. Nagsisimula na rin na tumulo ang mga luha ko na dala ng takot. Iyong parehong takot na kahit kailan ay hindi man lang nabawasan.
Hindi man lang nagpatinag si Charles sa pagpapahinto ko sa kanya. Patuloy lamang ito sa paglapit sa akin habang suot ang maskara ng kunwaring mabait na asawa.
"W-wife." He said while looking straight into my eyes. Ang pagkainis ay hindi mababakas sa kanyang tinig. Napakagaling mo talagang magkunwari. Saad ko nang makita ang mga mata ng tao na tila ba naaawa kay Charles at nagagalit sa akin dahil sa hindi ko paglapit sa asawa.
"Wife." Magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin na gustung-gusto ko iyong paraan ng pagtawag nya sa akin ngayon. Bagaman pilit ang lambing sa tono ay hindi ko maipagkakailang natutuwa ang puso ko.
"Baby." Sa ikatlong pagtawag nya ay kusang napatigil ang aking mga paa sa pag-atras. Umalon ang aking dibdib nang marinig ko ang salita na iyon. Ngayon ko lang ulit narinig na tawagin nya akong ganon. Iyon ang tawag nya sa akin noong nagsisimula pa lang kami sa aming relasyon. Iyon ang kauna-unahang itinawag nya sa akin nang tanungin nya ako kung pwede nya ba ako maging nobya.
Baby.
Ilang beses na nagpaulit ulit sa isip ko ang pagtawag nyang iyon ng mabalik ako sa reyalidad dahil sa bulungan na aking naririnig.
"Ang arte naman ng babae na yan."
"Kung ako ang asawa nyan hindi na ako magpapapilit pa."
"Kala mo maganda, hindi pa sumama."
"Napakagwapo mo kuya!"
Halos panay papuri at pagkampi kay Charles ang naririnig ko. Tinignan ko ang buong paligid at halos lahat ng babae roon ay halatang naiinis sa ginagawa kong pag-iwas kay Charles.
'Kung alam yo lang kung gaano kademonyo ang lalaking pinupuri nyo, paniguradong maski kayo ay matatakot para sa buhay ko.' Saad ko sa isip habang tahimik na pinagmamasdan ang mapanghusgang mga tingin nila.
Pero ganon na lang ang pagwawala ng aking isip nang magsimula muli itong humakbang papalapit sa akin. Ang bawat paglapat ng paa nya sa lupa ay nagdadala ng takot na pilit nagpapaalala ng mga bagay na ginawa nya sa akin.
Kung paano nya akong saktan. Kung paano nyang itinira si Kacey sa bahay na ako mismo ang bumili. Kung paano nya ipagmalaki sa akin na nabuntis nya ang kirida nya.
"Where have you been? Halos mamatay ako kakahanap sayo." Nagkunwari pa syang umiiyak. Pilit kong pinaniniwala ang isip ko sa katotohanang nalulungkot sya sa pag-alis ko ngunit ang pumapasok lang sa isip ko ay ang mga p*******t nya at ang katotohanang hindi ako at si Kacey ang mahal nya.
Alam kong pinapakita nya lamang sa lahat ng tao sa paligid na isa syang mabuting asawa. Ang pagtawag nya sa akin, ang malumanay nyang boses at ang malambing nyang pakikitungo ay parte lamang ng palabas nya para paniwalain ang lahat na isa syang santo kahit na ang totoo ay isang syang demonyo.
Patuloy lang ang naging eksena naming dalawa. Ayun sya't lumalakad palapit sa akin habang ako naman ay patuloy pa rin ang paglayo sa kanya. Maski ang mga tao sa paligid ay napagod na sa ganoong eksena naming dalawa at unti-unting nag-alisan sa kaninang mga pwesto nila.
Saka lamang ako nahinto sa pag-atras nang masagi ko ang lalaking kumausap sa akin kanina na naging dahilan para unti-unti akong mawalan ng balanse. Mabuti na lamang at mabilis nya akong nasalo kaya hindi tumama ang katawan ko sa lupa.
Nagtataka syang tumingin sa akin at saka tinapunan ng tingin si Charles.
"Who did that to you?" Muling tanong ni Charles nang mapansin na hindi man lang bumenta ang mga drama nya sa lalaking may hawak sa akin ngayon.
Gusto kong matawa sa tanong nya. Seriously?
'Gago ka ba?! Nagka-amnesia ka ba at nalimutan mong bigla na ikaw ang may gawa nito!'
Gusto ko syang sigawan. Gusto ko syang murahin. Pero wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Dahan-dahan akong inalalayan patayo ng lalaking hindi ko kilala saka ito ngumiti ng matipid sa akin. Akmang aalis na sana ito nang tumakbo ako patungo sa likod nya nang magtangka si Charles na hawakan ang mga braso ko. Halatang naguguluhan sya sa nangyayari ngunit napawi rin ang gulat sa mukha nya nang makita ang takot sa aking mga mata. Tinitigan pa muna ako nito tsaka ibinaling ang tingin kay Charles na nasa harapan na namin ngayon.
Dinig kong masasakit na salita ng ilan. Hindi ko ininda ang anumang sinasabi ng mga tao sa paligid. Hindi nyo alam ang hirap na dinanas ko. Ni hindi nyo alam kung bakit ganito ako katakot sa sarili kong asawa.
Ganon ba talaga ang buhay? Kapag ang isa ay mukhang may kaya at nakabihis ng maayos, sya ang kakampihan ng lahat? Ganito na ba kabaho ang sistema para husgahan ang isang taong hindi pa alam ang nakaraan?
Pinilit kong palakasin ang aking sarili sa kabila ng takot na nararamdaman.
"W-wife." Alam ko ubos na ang pasensya nya dahil sa tono pa lang ng boses nya. Natatakot man ako sa kanya pero mas pinili kong manatiling nakakubli sa likod ng lalaking ito. Mas gugustuhin kong husgahan ako ng mga tao sa paligid kaysa bumalik sa impyerno na iyon at paulit-ulit na danasin ang paghihirap na tiniis ko sa loob ng isang taon.
"D-don't." Puno ng takot na saad ko nang magtangka syang hawakan ako. Agad na nilingon ako ng lalaki nang maramdaman na mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko.
May pagmamakaawang tinignan ko sya.
"Please." Saad ko habang nakatingin sa kanya. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko kaya naman ganoon na lang ang gulat na rumehistro sa kanya.
"Wife please tara na." Sinubukan muli akong abutin ni Charles. Kitang kita ko pa nang mapahilamos si Charles sa sobrang inis nang makitang mas lalo kong isiniksik ang sarili ko. Alam kong gusto nya ng sumabog sa galit sa mga puntong ito pero nag-iingat sya lalo't nasa kanya ang simpatya ng mga tao sa paligid.
"Pare away mag-asawa to. Pakiusap." Dagdag nya na naging dahilan para tanggalin ng lalaki ang mga matang nakapako sa akin tsaka tignan si Charles mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung para sa iyon.
"P-please don't let him." Umiiyak na saad ko. Ang pagtataka ay naroon pa rin sa kanyang mukha ngunit kumpara kanina ay parang mas naiintindihan nya na ang sitwasyon ngayon.
Naging mabilis ang pagkilos ni Charles at nahila kaagad ako palapit sa tabi nya. Ang mas lalong paghigpit ng paghawak nya sa kanang braso ko ay tanda na mas tumitindi na dahil sa galit na nararamdaman nya.
"Let me go!" Sigaw ko habang nagpupumiglas nang magsimula syang kaladkarin ako papunta sa sasakyan. Lahat ng atensyon ay nasa amin na. Lahat ng tao nakatingin sa amin at tila ba unti-unti ng nahuhulaan ng iba ang nangyayari.
"Charles please let me go." Pakiusap ko kay Charles ngunit parang wala itong nangririnig dahil patuloy lang ito sa paglakad. Inipon ko ang lahat ng lakas na mayron ako para muling bawiin ang kamay ko ngunit ganoon na lang kahigpit ang kapit nya sa aking pulsuhan na kahit anong gawin at anong lakas ng pagbawi ko sa aking braso ay hindi ko magawang kumawala.
"Uuwi na tayo Amarah!" Sigaw nya na naging dahilan para mapatigil ang lahat. Akala ko sa puntong iyon ay may tutulong na sa akin ngunit binigo ako ng sariling pag-aakala nang tignan ko ang lahat ngunit ang kagustuhang tumulong ay hindi ko mahanap sa kanilang mga mukha.
"Pare bitaw daw." Mahinahong saad nung lalaki saka tinapunan ako ng tingin. Naroon pa rin ang mga luha sa mata. Mga luhang pinaghalong saya at kaba dahil alam kong kahit anong sabihin o gawin nya y hindi ako bibitawan ni Charles kahit na isang segundo pa.
Nagpalipat-lipat ang masamang tingin ni Charles sa mukha ng lalaki at sa kamay nitong nakahawak sa braso nya. Marahas na tinabig nya ang kamay na iyon at saka masamang tinignan ang lalaking pumipigil sa kanya. Isang beses nya pang itong tinignan bago nagsimulang kaladkarin ako muli papunta sa kotse ngunit bago pa man ako makapasok ay naramdaman ko ang isang mainit na kamay na nakahawak sa kaliwang braso ko.
"Pare nasasaktan sya." Salita nyang muli, desidido na iligtas ako sa kapahamakan. "Pare bitaw na. Hindi mo ba nakikitang nasasaktan na ang asawa mo?" Malumanay na dagdag nya, hindi pa rin binibitawan ang kabilang braso ko. Para silang naglalaro ni Charles ng tug of war at ako ang lubid. Mas lalo nya akong hinapit palapit sa kanya nang lumuwag ng kaunti ang pagkakahawak sa akin ni Charles.
"Ano bang problema mo ha?!" Halos lumuwa ang mga mata ko nang biglang bumulagta ang lalaking iyon sa harapan namin. Napamura pa ako sa aking isip dahil natitiyak kong napakalakas at napakasakit ng pagkakasuntok na iyon ni Charles.
Dali-dali akong tumakbo sa lalaki upang alalayan ito sa pagtayo.
"Are you okay?" Tanong ko pero imbis na sumagot ay matipid nya akong nginitian.
Napapikit ako nang marealize ang naging tanong ko. Stupid question.
"Kaya mo pa ba?" I asked habang tinutulungan syang tumayo. Tulad ng inaasahan ay putok ang labi nya.
Napatigil ako sa pagtulong sa kanya nang muli akong hapitin ni Charles papunta sa pwesto nya. Nagpupumiglas pa ako pero hawak nya na ang magkabilang braso ko para maiwasan na makatakas ako sa kanya ulit.
"Wag kang mangialam tol." Salita ni Charles at hinila ako papunta sa kotse. Mali. Kinaladkad nya ako. Halos sumubsob ako sa daan dahil sa pagkaladkald nya.
Sinara nya ang kotse matapos akong sapilitan na ipasok sa loob. Akmang haharap sya para pagsabihan ang lalaki nang isang malakas na suntok ang sumalubong sa kanya sa pagharap nya sa direksyon ng lalaki.
"Tangna pre! Sinasaktan mo yung babae!" Sigaw nya tsaka sila nagpalitan ng suntok ni Charles. Akala mo ay nasa action movie ako dahil sa ginagawa nilang pagsusuntukan. Lahat ng tao sa paligid ay gulat dahil sa pangyayari.
Naging abala si Charles nang mga sandaling iyon kaya naman lumabas ako ng kotse at sinamantala ang kaguluhan upang iligtas ang sarili ko.
Tumakbo ako palayo. Alam kong hindi nila ako mapapansin. Lalo na ang aking asawa dahil busy sya sa pagbugbog sa lalaking pareho naming hindi kilala. Gusto ko syang tulungan pero gusto ko ring makalaya kaya mas pinili kong iwan sila dun at sagipin ang sarili ko.
Nang makakita ako ng isang eskinita ay agad akong tumakbo papunta roon at nagtago sa likod ng isang basurahan.
Mabaho.
Madumi.
Maraming langaw.
Nanginginig akong umupo sa likod ng isang drum na nag-uumapaw sa basura at umaalingasaw sa baho, pilit na isinidiksik ang sarili sa sulok upang hindi makita ng sinuman.
Impit ang mga hikbi na lumuha ako. Hindi dapat ako makagawa ng ano mang ingay na maaaring maging dahilan ng pagkahuli ko. Lahat ng sakripisyo ng lalaking iyon ay mawawala sa oras na mahawakan akong muli ni Charles at maiuwi.
'Maawa Kayo. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon.' Dasal ko.
Halos maistatwa ako sa kinauupuan ko nang biglang may mainit na palad ang humawak sa balikat ko.
Naninikip ang dibdib ko. Sa ikatlong pagkakataon ay nawala nanaman ang kalayaan na inaasam ko.
"Wala ka nang takas ngayon." Halos hindi ako makahinga dahil sa narinig ko. Nanlumo ako dahil sa iniisip kong pwedeng mangyari.
Nanginginig akong tumayo. Napapikit ako ng mariin bago tuluyang humarap sa kanya. Hindi man lang ako nakakuha ng sampal o anomang sigaw kaya naman unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at halos lumuwa ang mga ito nang isang pamilyar na tao ang makita ko sa aking harapan.
"A-amarah?" Gulat na gulat na tanong ng taong ito. Mukhang tulad ko ay hindi rin sya makapaniwala na nakikita nya ako ngayon.
"Alex!" Sigaw ko saka yumakap sa kanya. "H-hindi k-ko a-akalain na makikita kita dito." Humagulgol na ako dahil sa sobrang tuwa. Gusto kong ipagpasalamat ang basurahan na ito dahil kung hindi ko nakita ang mga ito kanina ay hindi naman ako tatakbo sa eskenita na 'to at hindi sana ako makikita ni Alex ngayon. May pag-asa na akong makalaya. Makakalaya na ako.
"Ssh. Nasaan si Charles?" Tanong nya na nakapagbalik ng takot sa katawan ko. Maski pangalan pa lang nya ang marinig ko, nakakaramdam na ako ng matinding takot. Agad na nilingon pa nito ang likod ko, tila ba sinisigurado kung wala ang aking asawa sa likod.
Tinignan nito ang kabuuan ko at hindi maipinta ang awa na nababakas sa kanyang mukha.
"Come." Inalalayan nya ako papunta sa isang gusali na hindi kalayuan sa aming kinaroroonan. Dahan-dahan kaming naglalakad. Bawat hawak nya ng kamay nya sa akin ay may bakas ng pag-iingat.
Nang marating namin ang loob ng kanyang apartment ay pinaupo nya ako sa couch at nagmamadaling tinungo ang kusina para kumuha ng tubig.
"Saan ka nanggaling?" Tanong nya matapos iabot ang isang baso ng tubig. Hindi muna ako sumagot at inubos ang laman non. Para akong batang kagagaling sa isang paligsahan at uhaw na uhaw. Ipinagtataka ko ang tanong nya dahil alam ko naman na alam nila na hindi ako pinapalabas ni Charles ng bahay.
"Anong nangyari sayo?" Dagdag na tanong nya. Halatang nag-aalala.
Ibinaba ko ang baso sa lamesa saka tumungo.
"A-ano k-kasi." Paano ko nga ba sasabihin na sinasaktan ako ng bestfriend nya? Alam kong hindi nya ako paniniwalaan.
"Ano? Do you want me to call him?" Tanong nya nang hindi ako makasagot sa anomang tanong nya.
"No. No. Please. No." Saad ko habang umiiyak at nakaluhod sa harap nya nang makitang tinatawagan nya na ang aking asawa. Halata namang nagulat sya sa ginawa ko kaya pinatay nya ang tawag at inalalayan akong umupo sa couch saka pinunasan ang mga luha ko.
"Wait. Ikaw ba talaga yan Amarah? Buhay ka talaga?" Tanong nya habang inaalis ang ilang hibla ng buhok na nasa aking mukha. Naroon pa rin pagtataka. Gusto kong itanong kung bakit ganoon ang reaksyon nya ng makita ako at bakit ganito ang tinatanong nya sa akin. Ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita ay muli nanaman syang nagtanong.
"Alam ba ni Charles na nandito ka? Bakit hindi ka kaagad umuwi sa inyo?" Sunud-sunod ang naging tanong nya.
Tanging iling lang ang naging sagot ko.
Hindi ko na kailanman gugustuhin na bumalik sa impyernong iyo.
Pinili ko na lang na hindi sabihin sa kanya ang nangyari sa loob ng isang taon. Tumayo sya at naglakad patungo sa loob ng kanyang silid. Kung anong gagawin nya ay hindi ko rin tiyak.
Tumayo ako at nilibot ang buong silid. Hindi sya gaanong malaki pero hindi rin maliit. Sapat na para sa isang tao ang manirahan dito.
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.
"He's coming." Saad nya na nakapagpatigil ng oras ko. Nais kong magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig. Nais kong magprotesta pero blanko ang isipan ko.
Dalawang salita lang pero matindi ang takot na dala sa sistema ko.
"A-alis n-na a-ako." Akmang tatayo na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko.
"Antayin mo na sya." Saad nya saka ngumiti. Gustuhin ko mang umalis hindi ko rin magagawa dahil pinakita nya ang isang susi sa kamay nya na susi yata ng safety lock ng apartment na ito.
Fvck!
Napaupo ako sa sulok at muling umiyak. Wala na akong magagawa ngayon kundi ang umiyak. Umiyak nang umiyak.
'Bakit kailangang maging ganito ang kahirap para sa akin ang mabuhay?'