CHAPTER FIVE

2518 Words
Magkakasunod na katok ang nagdala ng kaba sa buong sistema ko. Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit naroon pa rin ang tao na iyon sa kabilang bahagi ng pinto at patuloy na kinakalampag ang kahoy na humaharang sa kanyang pagpasok sa loob. Ilang ulit ko pang nakita ang paggalaw ng doorknob, tanda na pilit nyang binubuksan ang pinto. Hindi ko magawang tumayo upang pagbuksan ang kung sino mang nasa kabilang banda ng silid. Si Alex ay wala rin dito at abala sa loob ng kanyang kwarto. Ang isiping baka si Charles ang nasa kabilang bahagi ay nagpapahina nanaman sa kaninang malakas kong katawan. Palakas nang palakas ang pagkatok, halos masira ang pinto sa sobrang lakas. Ilang ulit kong sinubukan na buksan iyon ngunit bawat paghakbang ko ay parang may isang bato na lumalaglag sa aking puso. Hindi ako makahinga. Muli kong tinapunan ng natatakot na tingin ang pinto nang muli itong kumalampag ng sobrang lakas. Wala ng pasensya ang kung sino mang tao ang naroon sa kabilang banda. Alex. Pilit na tinatawag ko ang pangalan ng kaibigan sa aking isipan. Umaasa na lumabas sya bago pa tuluyang masira ng taong iyon ang pinto ng kanyang tinutuluyan. Muli akong natigilan nang sunud-sunod na kumalampag ang pinto. Kitang-kita ko pa kung panong yumanig iyon sa lakas ng ginagawa ng kung sino man ang nasa kabila. Pilit kong isiniksik ang sarili sa gilid ng sofa. Nagtatago. "Alex!" Mas lalo akong natakot ng marinig ang malakas na sigaw sa labas.  Muling bumalik sa aking isipan ang sandaling nakita ko ang parke at ang mga ibon na malayang lumilipad sa bughaw na kalangitan. Muling dinama ko ang bawat pagyakap ng sariwang hangin sa aking katawan ilang minuto lang ang lumipas. Kung babalik man ako sa impyerno na yon, ipinagmamalaki ko ang aking lakas ng loob na takasan ang bangungot na ibinigay sa akin ng asawa ko. Pumikit ako at muling ipinagdasal ang sarili sa Taas. Tanging Sya na lamang ang kakampi ko sa mapanakit na mundo. "Alex!!" Buong lakas na sigaw ko dahil sa muling pagkalampag ng pinto. Ipinagpapasalamat ko ang pagiging matibay nito dahil kung hindi ay paniguradong kanina pa nakapasok ang lalaki na iyon sa loob ng bahay.  "Kanina pa yang tao sa labas bakit hindi mo pagbuksan? Mukhang sisirain nyan ang apartment ko. Nakakainis." Saad niya habang lumalakad palapit sa pinto. Nanatili akong nakatago sa parteng likod ng sofa. Ang takot ay talagang bumabalot sa buong katawan ko. Nanginig ang mga kamay ko at mas dumoble pa ang aking pag-iyak. Pilit kong tinatakpan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay ang paghikbi. Nang muling sumilip ako ay naroon na si Alex sa harap ng pinto. Kasabay ng pagbagal ng mga kilos nya sa paningin ko ay ang paninikip ng aking dibdib. "DON'T!" Sigaw ko, naghahabol ng hininga. Napahinto sya sa pag-ikot ng doorknob nang bigla akong humagulgol. Patakbo syang lumapit sa akin. Bakas sa mukha ang pag-aalala. " Hey. Hey. Are you okay?" Tanong nya habang hinahagod ang aking likod. Ngunit hindi man lamang nabawasan ng pagpapakalma nya ang takot at kaba na naroon sa aking puso. "Please don't." Pagtatangis ko. Pinaghalong takot at pagmamakaawa ang aking mga mata ng tumingin ako sa kanya. Napayakap ako kay Alex sa muling pagkalampag ng pinto. Hindi ko ininda ang medyo basa pang katawan nya at ang kawalan nya ng pang-itaas na damit. Ramdam ko ang gulat at pagtataka nya sa inaasal ko. Itinulak nya ako ng marahan tsaka hinawakan ang aking mukha upang punasan ang mga luha ko. Ngumiti ito sa akin saka maingat na iniupo ako sa sofa. "I'll just open it and let you two talk okay?." Hinabol ko pa ang kanyang kamay upang pigilan sya ngunit tinanggal nya ito sa maingat na paraan na animo'y isa akong babasagin na vase at saka muling pumihit patalikod sa akin upang magtungo sa pinto. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa nang pihitin nya ang seradura ng pinto at pagbuksan ang lalaki sa kabilang parte. Literal na nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang nasa likod nya. Napahagulgol ako ng sobra dahil sa lalaking dumating. Nang tuluyan nya akong maaninagan ay tumakbo ito palapit sa akin. Bawat hakbang nya ay parang nasa isang telenobela kami kung saan makikita ng nobyo ang kanyang nobya at babagal ang lahat ng nasa paligid. Kitang-kita ko pa kung gaano kaputi ang mga ngipin nito nang ngitian nya ako habang patuloy pa rin ang pagluha. Parang hinaplos ang puso ko nang bigla nya akong tawagin sa paraan kung paano nya ako tawagin mula bata pa lamang kami. Sinubukan ko pang tumayo upang salubungin ang mga yakap nya ngunit ganoon na lang ang panghihina na ko nang unti-unti kong maramdaman ang pagtumba. Kitang-kita ko ang pagmamadali nya nang makita ako. Unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko.  "Kuya."  Mahinang pagtawag ko bago tuluyang dumilim ang paligid ko. - HIS POV Inis kong dinampot ang cellphone ko na kanina pa nagriring. Hindi ko pa tinitignan kung sino man ang natawag pero nasisigurado ko na kung sino iyon dahil sa ilang ulit na pagtawag nito mula kanina. "BULLSHIT!" That girl. She keeps on calling me since the day I bumped into her at the market. Hindi ko alam kung saang lumapalop ng mundo nya nakuha ang number ko. Ni ayaw nyang sabihin sa akin. Naka-sampong palit na ata ako para lang hindi nya na ako tawagan pero napakalupit talaga ng mga babae dahil sa ikasampong pagkakataon ay nahanap nya nanaman ang number ko. Hindi ko alam kung bakit napaka-matyaga ng mga babae. Kahit anong reject mo sa kanila ay hindi sila sumusuko agad. Ihahagis ko na sana ito nang makita kong si Alex pala ang tumatawag. Hindi na bago sa akin ang pagtawag ni Alex dahil madalas ay magkasama kami sa mga gimik. Pero parang ang aga pa ata para magyaya ngayon? Tinignan ko ang aking relo. 10:04 AM Ano nanaman kaya ang kailangan nito? Ganitong badtrip ako dahil sa babae na yon! "Hello!" Inis na saad ko nang sagutin ang tawag. Pinapahalata na hindi maganda ang lagay ko ngayon. "Chill bro. Ano nanaman bang problema mo?" Kahit sa cellphone lang kami magkausap, alam ko na tumatawa tong hinayupak na to. "That girl!" And boom tumawa na sya ng malakas. Kung nandito lang sya sa harap ko ay paniguradong nasapak ko na sya sa sobrang badtrip ko. "Haha. Tinatawagan ka nanaman ba?" Nagpipigil ng tawa nyang tanong. Ang boses nya ay talagang nakakairita dahil mababakas ang panunukso rito. Minsan ay iniisip ko na baka sya ang nagbigay ng number ko sa babae na yon para bwisitin ako. Alam nya naman na may mahal akong iba. "Stop making fun of me, Martin." Saad ko, pilit pinapakalma ang sarili. Alex is my bestfriend since the day I was born. Sabay kaming lumaki. Sabay na nasilayan ang ganda ng mga dalaga. Highschool nang magdesisyon si Papa na maghome study ako ng ilang buwan para pumunta sa America dahil sa business na sa akin pinaayos ni Papa. Oo. Pinag-asikaso na ako ni Papa ng business sa murang edad. Ang sabi nya ay para maprepare nya ang utak ko sa paghahandle ng business dahil ako ang magmamana ng kumpanya nya. Ilang buwan rin akong nawala. Pagbalik ko ng Pilipinas nasa eksena na si Charles. Naging bukas ako sa pakikipagkaibigan nong ipinakilala sya ni Alex sa akin. Kwento nito na iyon lagi ang kasama nya ng mawala ako. Wala akong naging problema kay Charles dahil talagang napakabait nya. Naging magkakaibigan kami. Bumalik ako sa pag-aaral at naging kasangga namin ang isa't-isa sa lahat ng kalokohan. Hindi nagbago ang pakikitungo ko sa kanya noong oras na sabihin nya na gusto nya si Amarah. Hindi ako tumutol sa relasyon nila dahil alam kong masaya silang dalawa lalo na si Amarah. "Still there?" Tanong ni Alex nang hindi ako magsalita.  "Yeah." Tumayo ako saka tinungo ang kusina upang kumuha ng isang basong tubig. Hindi ko ininda ang pagtahimik sa kabilang linya dahil sa pagiging abala ko sa pagsasalin ng tubig sa aking baso. "She's here." Ang pagiging seryoso ay naroon sa tono ng kanyang pananalita. "Hmm." Sagot ko saka hinila ang isang upuan para maupo. Paniguradong mahabang kwentuhan nanaman ito dahil kung tama ang hula ko, iyong ex-girlfriend nanaman nya ang naroon sa apartment nya. Hindi ko alam pero parang babae itong si Alex pag nagkukwento. Napakahaba. "Bro I said  she's here." Pag-uulit nya, tila hindi nagustuhan ang naging sagot ko sa kabila ng pagiging seryoso nya. "Yeah I heard you. Magkwento ka na nakaupo na ako." Saad ko habang tumatawa. Hindi ko alam kung bakit nahihiya pa to magkwento ngayon eh halos araw-araw naman nyang ikinukwento sa akin ang babae na iyon. "Kilala ko kung sinong nasa isip mo pero hindi sya bro." Sagot nya. Puno ng pagtataka kong tinignan ang pangalan ni Alex sa screen ng aking cellphone. Nagsimula akong kabahan sa pagiging seryoso ng pananalita nya. Hindi ko kailanman sya narinig na ganito kaseryoso. "Are you playing a game with me now, Martin ha?" Tanong ko. Isang malalim na hininga ang pinakawalan nya sa kabilang linya. Rinig ko ang pagbukas nya ng pinto ng silid dahilan para makarinig ako ng mahinang paghikbi. Nagtayuan ang aking balahibo nang unti-unting lumakas iyon. "Are you with someone right now?" Tanong ko. Natatakot dahil baka may multo nga talaga sa apartment nya tulad ng sinasabi nya lagi sa akin. "Yes. Nandito si Amarah ngayon sa bahay." Ang pangalan na iyon ay nakapagpatigil sa aking paghinga ng ilang segundo. Nabitawan ko ang baso na hawak ko matapos mapagtanto kung sino ang sinasabi nya.  "Papunta na ako." Nagmamadaling kinuha ko ang susi ng kotse at tumakbo patungo sa garahe. Sa tono pa lamang ng pananalita nya ay alam ko na kung sino ang Amarah na sinasabi nya.  Halos lumipad ang kotse ko dahil sa bilis ng aking pagmamaneho.  Ilang ulit kong narinig ang pagbusina ng mga sasakyan sa akin dahil sa paraan ng pagpapatakbo ko pero hindi ko iyon pinansin. Naging mabagal lamang ang aking takbo nang makita ko ang isang motor kung saan nakasakay ang isang pulis. 'f**k! Bakit ngayon pa?'  Tumingin ulit ako sa aking kaliwa at doon nakita ko ang pulis na sumenyas na gumilid ako kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod. "Emergency lang ho. Sorry Chief." Saad ko. Maluha-luha na ako habang nagsasalita. Kailangan ko na syang makita. Nang tumango ang pulis ay dali-dali kong ini-start ang kotse saka nagmamadaling nagmaneho. Makalipas ang 30 minutes ay narating ko rin ang lugar na tinitirahan ni Alex. My hands are shaking nang wala sa sariling simulan kong katukin ang apartment nya. Paulit-ulit pero ni hindi bumukas ang pinto. Nakailang ulit pa akong kumatok bago ito tuluyang bumukas. "Pasok tol." Saad nya. Maganda ang pagkakangiti sa akin. "I've been knocking for God knows how long!" I shouted.  Hindi napigilan ang inis na bumalot sa aking sarili.  "Sorry.  Ayaw kang pagbuksan ng bisita ko eh. You see, katatapos ko lang maligo." Saad nya habang tumatawa. Tinuro pa sa akin ang tuwalyang nakatapis sa pang-ibabang parte ng katawan pero imbis na pagtutunan ng pansin ang mga sinasabi nya ay sinilip ko ang loob ng kanyang apartment.  Kusa itong gumilid nang hindi ako sumagot. Nanginginig ang mga tuhod ko pero pinilit kong maglakad papasok. Sana totoo. Sana nandito talaga sya. Dahil kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saang lupalop pa ako ng mundo maghahanap. Unti-unting naglandas ang mga luha ko nang may nakita akong isang babaeng nakaupo sa sulok ng sofa at parang takot na takot. Nanginginig ang mga kamay nitong puno ng sugat at pasa. I smile. Matapos ang isang taon ngayon ko lang ulit sya nakita. Ang masakit lang sa ganitong kalagayan ko pa sya mahahanap. Tumingin ito sa gawi ako at kitang-kita ko ang pagpapalit ng reaksyon sa kanyang mukha nang tuluyan akong makilala. Ang takot na kaninang nakaguhit sa kanya ay napalitan ng gulat at saya. Nagsimula akong tumakbo ng marahan palapit sa gawi nya. Inilahad ko ang aking mga kamay, handang yakapin sya. "Amarah." Binigkas ko ang mga pangalan nya tulad ng  pagtawag ko sa kanya. Malambing at puno ng pagmamahal. Akmang tatakbo sya upang salubungin ako nang unti-unti kong makita ang pagbagsak nya sa sahig na kinatatayuan. Nagmadali akong lumapit sa kanya. Ramdam ko rin ang pagtakbo ni Alex patungo kay Amarah nang makita ito na mawalan ng malay. Agad syang nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Ako naman ay binuhat sya upang ihiga sa sofa. "B-baby." Yinakap ko sya at humagulgol. Anong nangyari sayo? Naiyak ako lalo nang makita kung gaano karami ang pasa at sugat sa mukha at katawan nya. Sobrang payat nya at halatang hindi nakakakain ng maayos. Ang pinaghalong saya at lungkot ay nagdadala sa akin ng mas maraming luha. "Pare tubig." Nilagay ni Alex ang baso sa lamesa at saka inayos ang electric fan. Tahimik syang naupo sa katapat na sofa kung nasaan kami. "Nakita ko lang sya jan sa may basurahan kanina, takot at mukhang may tinataguan." Agad na napatingin ako kay Alex nang marinig ang sinabi nya.  "Amarah." Puno ng awa na pagtawag ko sa kanya. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at binuhat na sya papunta sa aking kotse, kasunod ko si Alex na nakaalalay sa aming dalawa. "Tinawagan mo na ba si Charles?" Tanong ko sa kanya, hindi inaalis ang paningin sa nakababatang kapatid. "I tried pero pinigilan nya ako. Parang takot na takot sya."  "Wag mong sabihin na nasa akin sya." Ilalayo kita sa kanya pangako. Hinaplos ko ang mukha ng kapatid ko. "Pare akala ko...." Hindi nya itinuloy ang sasabihin nya nang mag-angat ako ng tingun. "Iuuwi ko na muna sya." Tumango naman ito sa sinabi ko.  "Call me when she wakes up." Tumango ako at sumakay ng sasakyan. "Thank you bro." Tinapik lang nito ang kotse saka umatras ng unti. Buong byahe, tinitignan ko kung magigising na sya ngunit maski paggalaw ng daliri ay hindi nya nagawa. Pagod na pagod ka siguro.' Puno ng galit ang puso ko dahil sa kalagayan ni Amarah ngayon. Natitiyak kong isa ka sa dahilan kung bakit ganito ang itsura ng kapatid ko Charles. Gusto kong maiyak matapos maalala kung paano akong pumayag na magsama sila kahit pinapabawi sya ng magulang namin. Nagsinungaling ako sa kanila na hindi ko sya nakita dahil akala ko liligaya sya sa piling mo Charles. Nangako ka sa akin na hindi mo sya pababayaan Charles. Pero ito ang sinapit nya sa kamay mo. Hindi nga sya totoong patay tulad nang sinabi mo at ipinagpapasalamat ko iyon pero sa ginawa mo sa kapatid ko, halos patayin mo na rin sya. "Hindi ko na hahayaang bumalik ka sa lalaking yon Amarah. Gagawin ko ang lahat para mailayo ka sa kanya." May galit na saad ko saka tinahak ang daan papunta sa bahay na aking tinutuluyan. Pinapangako ko. Dadaan ka muna  sa bangkay ko bago mo makuha sa akin ang kapatid ko Charles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD