CHAPTER THREE

2341 Words
"Tirik na ang araw tulog ka pa rin! Bumangon ka na jan at magluto ka!" Hindi pa man ako nakadidilat ay naramadaman ko na ang paghablot nya sa braso ko tsaka ako kinaladkad papunta sa kusina. Hindi na ako pumalag pa dahil mas lalo lang akong masasaktan kapag ginawa ko iyon. Isa pa wala na rin akong lakas para lumaban pa, ang nangyari kahapon ay nagpapahina sa akin. "Oo at ako ang ama." Parang paulit-ulit kong naririnig ang masayang tinig ni Charles habang sinasabi ang mga salitang iyon. Gusto kitang ipaglaban. Gusto kong ipaglaban yung karapatan ko bilang legal na asawa mo pero may karapatan pa nga ba akong lumaban gayong ipinamukha mo na wala na akong espasyo sa puso mo? Asawa lang ako sa papel pero ang pagmamahal mo ay hindi pa rin sa akin. Masakit na isipin para sa umaga pero sadyang katotohanan ang laman. Kakatwang sa loob ng isang taon, sa wakas naamin ko rin sa sarili ko na hindi na ako ang mahal nya, na kahit anong gawin ko ay hindi na muling maibabalik ang dati naming pagsasamahan. Paanong biglang nagbago ang lahat? Unang beses na pinagbuhatan mo ako ng kamay ang sabi mo hindi mo sinadya pero bakit ngayon ay kampante ka ng saktan ako ng paulit-ulit? Paanong nagawa mo akong talikuran sa kabila ng ating pinagsamahan. Kung alam ko lang na hindi ako magiging sapat, sana hindi pala ako nagdesisyon agad. Unti-unting nagbadya nanaman ang mga luha ko. Hinayaan kong maglayag ang isip ko sa dagat ng mga kasinungalingan na itinanim ko sa isipan sa loob ng isang taon, pilit na ipinamumukha sa mga ito ang katotohanan na hindi ko na matatakasan. Bumalik lang ako sa reyalidad nang bitawan nya ako nang makarating kami sa sala. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. 6:13 AM. Si Kacey panigurado ang dahilan kaya maaga syang nagpapahanda ng almusal. Tandang-tanda ko pa kung paano kong nalaman ang relasyon nilang dalawa. Umaga no'n at naiwan ni Charles ang telepono nya sa kusina nang magpunta sya sa kwarto para magbihis. Hindi ko naman sana intensyon na kalikutin ang cellphone nya pero bigla itong tumunog. "Same spot. I love you!" Iyon ang laman ng text sa kanya. Hindi ko pa sana malalaman na si Kacey yung babae nya kung hindi ko pa nakita ang wallpaper nya. Magkahalikan sila sa picture na iyon at mukhang nasa isang mahahaling hotel. Nakatapis lang ng twalya si Kacey sa litrato habang si Charles naman ay nakaboxer. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng nakita ko sa litrato na iyon kaya naman napagdesisyonan kong pumunta sa gallery ng cellphone nya at doon ko nakita ang lahat ng bagay na sana hindi ko na lamang nakita. Ang mga litrato nilang magkasama, ang mga ngiti nila sa litrato na iyon, ang mga tawa sa video na naroon na para bang kutsilyo na paulit-ulit akong sinasaksak. Ang lahat ng nasa gallery na iyon ay mga litrato at video nila ay mula pa noong unang buwan ng pagsasama namin ni Charles. Para akong mababaliw nang oras na yon. Ang asawa at ang matalik kong kaibigan ay may relasyon.  "Why are you so tagal b***h?! I'm starving na alam mo ba yun?!" Sigaw ni Kacey. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit ng sampal nya pero tulad ng kanina, hindi ako lumaban. Tinignan ko ang tyan nya at saka muling tumingin sa kanyang mukha. Nakangiti ito sa akin at nakataas pa ang kilay.  Ganito lang ba ang papel ko sa buhay mo? Hindi ka na ba natutuwa sa p*******t mo sa akin kaya nagdagdag ka pa ng bagong mananakit?  Masakit na tanong sa isip ko. Ganon na lang ang gulat sa mata nila nang bigla kong itulak si Kacey dahilan para matumba ito kay Charles.  "Bestfriend mo ako kaya pagsilbihan mo ako!" Bawi nya nang makatayo. Gusto kong syang nasaktan pero natatakot ako na baka madamay ang bata sa kanyang sinapupunan. Iyong bata na walang alam sa katarantaduhan na ginagawa ng kanyang nanay. Nilingon ko ang likuran nya upang makita ang nakangiting labi ni Charles. Mas lalo akong nasaktan sa mga ngiti nyang iyon. Bestfriend. Kumabit ka sa asawa ko at nagpabuntis ka, tapos sasabihin mo sa akin na bestfriend kita. Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha Kacey? Nagbuga ako ng malalim na hininga at saka nagtuloy sa kusina. Kahit anong sakit ang nararamdaman ko ngayon kailangan ko pa ring pakainin ang asawa ko. Asawa man lang ako sa papel ay tungkulin ko pa rin syang pagsilbihan dahil iyon ang ipinangako ko sa kanya sa harap ng altar. Pilit kong pinasaya ang aking sarili habang nagluluto. Nang matapos ay nakangiting inayos ko sa plato ang hugis pusong sunny side up atsaka nilagyan ng kape ang tasa na naroon sa tabi ng pagkain ni Charles. Kakanta-kanta pa ako habang inaalala ang unang beses na ipinagluto ko ang asawa ko. Lumabas lamang ako ng kusina nang matapos ako sa aking ginagawa. Tatawagin ko sana si Charles nang makita kong bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawa. Muling nawala ang saya na nararamdaman kong saya nang makita ko kung gaano ka-sweet ang mga ito. Akala mo mga teenager na walang paki sa paligid nila. Bihis na bihis si Charles at halatang may pupuntahan habang si Kacey naman ay suot pa rin ang pantulog nya. "Aalis muna ako hon. Ikaw muna ang bahala sa bahay natin." Rinig kong sabi ni Charles kay Kacey. Napatitig ako sa kanya habang inaalalayan ang babae paupo sa sofa. Tumango naman sya saka ito hinalikan sa labi. Lahat ng saya at lungkot na nararamdaman ko ay napalitan ng inis nang makita ang ginagawa nila. Gusto kong masuka ng umupo si Charles sa tabi ni Kacey para hindi maputol ang pinagsasaluhang halik. Bahay nyo? Ang kakapal ng mga mukha. Lumakad si Charles papunta sa direksyon ko matapos yakapin si Kacey. "Wag na wag mong sasaktan si Kacey." Saad ni Charles habang dinuro pa ang aking noo. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Muli itong lumingon kay Kacey saka matamis na ngumiti. Yung mga ngiti na ako ang dating nagmamay-ari. Nagsimula nanamang magbadya ang mga luha ko. Bago pa man makaalis si Charles sa harapan ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong ang isang bagay na matagal nang gumugulo sa akin. "Minahal mo man lang ba ako maski isang beses?" Naluluhang tanong ko, umaasa na sana man lang sabihin nyang minahal nya ako kahit isang gabi man lang. Napatigil ito sa tangkang pag-alis. Hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanya nang magtama ang aming mga mata. Kitang kita nya ang mga luhang kong nag-uunahan sa paglandas ngunit nanatili lang syang tahimik sa harap ko. Ramdam ko na rin ang tingin sa amin ni Kacey. Marahil nagtataka ito kung bakit hindi pa rin umaalis si Charles gayong nagpaalam na ito sa kanya. Lalapit sana sya sa gawi namin nang mapahinto sya dahil sa pagtunog ng kanyang telepono. Tinignan nya kung sino ang tumatawag sa kanya at saka pumasok sa loob ng silid para sagutin ito. Nanatiling tahimik na nakatingin si Charles habang diretsong nakatingin sa akin na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi ito sumagot kaya tumango ako at pilit na ngumiti. Ang katahimikan nya ang nagbigay sa akin ng sagot. "Hindi na dapat ako natanong pa 'no? Sorry." Saka ko nilingon ang pinto kung saan pumasok si Kacey. Isang beses ko pang tinignan ang mukha nya bago tuluyang talikuran sya at pumasok sa loob ng kusina. Rinig ko ang paghakbang nya palabas ng bahay kaya naman muli akong lumabas para tignan sya. Tinignan ko lang ang direksyon nya nang may lungkot at tinanaw ang likod nya na tuluyang lumakad palayo sa akin. Hinabol ko sya ng tingin hanggang sa mawala sya sa bakuran namin. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi mapapantayan ng anumang sugat ang sugat ng puso ko ngayon. Alam ko naman na ang sagot pero gustung-gusto ko pa ring sabihin nya sa akin iyon? Pagpihit ko pabalik ng kusina ay agad akong napahinto dahil naroon na si Kacey sa harap ko, masama ang tingin sa akin. "Aga-aga nakikipaglandian kay Charles!" Sigaw nya. Kaysa makipagtalo pa ay tinalikuran ko lamang sya saka tumuloy sa kusina. Imbis na ibigay ang pagkain sa kanya ay itinapon ko ito sa basurahan saka sya tinapunan ng masamang tingin. "Alam mo ikaw basura ka lang dito sa bahay kaya wag na wag kang makatitingin ng masama sa akin!" Nagsimula nanaman syang sabunutan ako. Sheyt! Ang sakit! Sagad sa anit! This is too much! Ang saktan nya ako ng paulit-ulit ay kaya ko pang tiisin. Pero ang patirahin at saktan ako ng kanyang kabit sa sarili kong pamamahay ay sobra na. Inipon ko ang natitirang lakas ko para itulak si Kacey. Wala na akong pake kung buntis sya. Tutal bastusan naman ang gusto nya, pagbibigyan ko na. Kinuha ko ang oportunidad na iyon para tumakbo palayo. Wala akong bitbit na maski ano ngunit hindi na iyon importante. Basta makaalis ako sa impyernong iyon, sapat na sakin yon. Kaliwa't kanan ang bulungan sa paligid nang makita akong tumatakbo palayo. Marumi ang damit ko at balot ako ng sugat at pasa pero wala akong pake kung pinagtitinginan ako dahil sa itsura ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang lumayo. Kahit gaano mo pala talaga kamahal ang isang tao, darating sa punto na mapapagod ka. Kahit gaano ko paniwalain ang sarili ko sa ideyang isang araw ako naman ang mamahalin nya ay hindi naalis sa isip ko ang katotohanang wala na akong halaga sa kanya. I ran. As fast as I could palayo sa bahay na yun, palayo sa lalaking mahal ko, palayo sa empyernong buhay na ito. "AMARAH! FVCK!" Sigaw pa muli ni Kacey, hindi nya malaman ang gagawin. Nagtuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo, walang ideya kung saan magtutungo. Basta ang alam ko lang ay gusto ko nang makalaya sa sakit. Wala maski anong plano ang namumuo sa aking isipan. Sa loob ng isang taon, para akong ibon na nakakulong lang sa hawla. Ngayon gusto ko na lang makawala sa kulungan na iyon. Gusto kong pulutin ang tali na pumipigil sa akin para iwan ang bahay na yon. Gusto kong putulin ang ugnayan namin ni Charles. Malayo-layo na ako nang maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.  Pagod na ako. Hindi dahil sa pagtakbo kundi dahil sa lahat ng sakit na dinanas ko sa kamay nya. Hindi alintana ang ingay sa paligid, ang mga matang nakatitig sa akin, at ang mga bulungan nila, nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa parami na nang parami. Sa wakas. Hindi ko inaasahan na makakaalis pa ako sa lugar na yun. Tatawa tapos iiyak. Iiyak tapos tatawa. May pagtatakang tinignan ako ng mga tao sa paligid. Bakas ang takot sa mga mata. "Wag nyong lapitan. Baliw ata yan." "OMG! Tumawag kayo sa mental!" Hindi ko sila pinansin. Patuloy pa rin akong umiyak. Tumingala ako saglit at tsaka yumuko ulit. Tinungkod ko ang mga kamay ko para maalalayan ang katawan ko sa pagtayo. Tinignan ko ang ganda ng langit na tila nagpapasalamat sa akin dahil kahit kailan ay hindi ako bumitaw, ang mga ibong nagliliparan palayo ang syang nagbibigay sa akin ng lakas para takasan ang impyernong iyon. Dinama ko ang malamig na yakap ng hangin sa aking katawan. Malaya na ako. Malaya sa lalaking yun. Nilibot ko ang paningin ko. Swing. Slide. Mga batang naglalaro. Dirty ice cream. Balloons. Sa itsura pa lang ng lugar na ito ay natitiyak kong nasa parke ako pero ang hindi ko alam ay kung saang lugar to.  Para akong isang ignorante na ngayon lang nakakita ng mga batang naglalaro sa paligid. Malaki ang pagkakangiti ko sa mga ito. Panay rin ang kaway ko sa iilang mga bata na sinusundan ako ng tingin. Nakangiting ipinagpatuloy ko ang paglalakad ngunit hindi ko napigil ang damdamin nang madama na nakalaya na talaga ako sa impyerno na iyon. Napaupo ako sa d**o at saka parang bata na umiyak. Sa loob ng isang taon, pinagdamot sa akin ni Charles ang lugar na ito. Sa loob ng isang taon, hindi nya ako pinayagang masilayan kahit man lang ang init sa labas. Namuhay akong parang isang bilanggo sa loob ng isang taon. Naalala ko pa nung anniversary namin. Hiniling kong lumabas kahit isang oras lang. Pero nagalit sya at halos patayin ako. Hindi ko alam kung bakit hindi nya ako pinalalabas ng bahay. Sa tuwing tinatanong ko naman siya ay para lang itong isang pipi at pagdadabugan lang ako. Tumayo ako at saka nagsimulang maglakad. Bahala na kung saan ako dahil ng mga paa ko. Sa ngayon masaya ako na nakalabas na ako. Malayo na ako sa panganib. Nakakahinga na ako ng maluwag. "Are you okay, Miss?" Isang tinig mula sa likod ang nagsalita. Nag-obliga akong umikot para harapin sya at bigyan ng isang ngiti. Tumango ako. Tinignan nito ang kabuuan ko kaya napasulyap din ako sa aking sarili. Panay ako pasa at galos at talagang iyong may malaking punit na damit pa ang suot ko. "Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Muling tanong nya. Umiling ako tsaka ngumiti. Nagsimula akong maglakad palayo sa lalaking iyon. Akala ko ay sapat na ang ngiti ko para tumigil sya pero naroon pa rin sya sa likod ko at bakas ang pag-aalala sa mga mata. "Ayos ka lang ba talaga?" Muling tanong nya ng lumingon ako. Sa ikalawang pagkakataon ay nginitian ko ito upang tigilan na nya ako ngunit ganoon ata kalaki ang pag-aalala nya sa akin dahil hindi ako nilubayan nito. "Tatawag ako ng pulis." Inilabas nya ang cellphone saka nagsimulang magtipa ng mga numero. Sa takot ko ay hinila ko ang telepono na nakatutok sa kanyang tainga na naging dahilan para magulat sya. "No need." Ngumiti ako saka ibinalik sa kanya ang cellphone. "You sure?" Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Tinanguan ko lang sya tsaka pumihit patalikod at nagsimula muling maglakad. Nakakailang hakbang palang ako nang mapahinto ako. Takot ang nangibabaw sa akin nang makita ang tao sa aking harapan. "C-charles."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD