CHAPTER TWO

2636 Words
Napabalikwas ako nang marinig ang marahas na pagbukas sara ng pinto. Tinitiyak kong si Charles na yun. Sya lang naman ang laging nalabas at pumapasok sa loob ng bahay. Ni hindi ko nga kilala ang mga tao sa katabing bahay namin eh. Oo. Maski isa sa mga tao dito sa village na tinitirahan namin ay hindi ko kilala. Pero himala at maagay ata syang umuwi. Kadalasan ay mga alas-onse o alas-dose na ang uwi nya. Tapos na ata ang pag-iinom nya o kaya ang pambababae nya. Bumangon ako at tinungo ang bintana. Hinawi ko ang kurtinang tumataklob rito at laking gulat ko nang makita ang paligid na binabalot ng kadilim. Isang ilaw na patay sindi na lamang ang nagbibigay liwanag sa labas. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid at tanging ang tahimik na pag-iyak lamang ng hangin ang maririnig. Ibig sabihin ay matagal akong nawalan ng malay? Marahil ay sobrang pagod ng katawan ko sa nangyari kanina. Gusto kong maiyak ng maalala muli ang nangyari pero pinigilan ko ang mga luha ng marinig ang mga yapag na palapit sa aking silid. Hindi pa ako nakapagluto. Nagmamadali kong itinali ang aking buhok at saka nagsimulang tignan ang karton kung saan naroon ang aking mga damit. Muling nabuhay ang aking kaba nang maalala kong walang pagkain si Charles ngayong gabi at paniguradong malilintikan nanaman ako. Napahinto ako sa ginagawa at nilingon ko ang pinto nang marinig ko nang pagbukas nito. Muli akong natakot para sa aking sarili nang makita si Charles na naglalakad papasok ng silid. Isiniksik ko ang aking katawan sa gilid ng katre upang makaiwas sa lalaking pumasok. Ngunit nawala ang takot sa puso ko ng makita ang malamyang tingin ni Charles sa akin. Tila ba pagod na pagod ito at may problemang dinadala. Tumayo ako at saka tinignan ang kabuuan ng aking asawa. Natinag lang ako sa pagtitig sa kanya nang tumikhim ito at saka nagsimulang magsalita. "Mabuti naman at gising ka na." Malumanay na saad ni Charles. Ipinagtataka ko ang mahinahon nyang pananalita at pagkilos. Bago ito sa kanya dahil madalas ay galit ito kapag ako na ang kaharap o kausap nya. Unti-unting napahakbang ako paatras nang lumakad sya palapit sa akin. Kahit gaano pa kalmado ang awra nya ngayon ay hindi ko maramdaman ang pagiging ligtas. Sadyang binabalot pa rin ako ng takot sa kung anong pwede mang gawin nya sa akin. I need to be alert. Hindi pa rin nakakabawi ang katawan ko sa nangyari kanina. Kung mauulit ang nangyari kanina ay baka matuluyan na talaga ako. Hindi ko matukoy kung pag-aalala ba ang gumuhit sa kaniyang mukha nang makita ang reaksyon ko sa ginawa nyang paglapit. Ngunit imposibleng mag alala sya. Alam ko sa sarili ko na wala syang pakealam kahit mamatay ako ngayon dito mismo sa kinatatayuan ko. Dahil kung meron man syang pake, edi sana hindi ganito ang sinapit ko. Huminto sya ilang dipa ang layo sa akin at saka inilapag ang wallet sa kama. Nagpalitan ang tingin ko sa dalawa saka dahan-dahang lumakad palapit sa katre para kunin ang wallet na inilapag nya. Tinignan ko ang laman nito, mabuti at kakakaunti lang ang ginastos nya ngayon. Nakatingin pa rin sya sa akin nang matapos akong bilangin ang laman ng pitaka. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "Hindi pa ako nakakaluto pero - " may kabang pagsasalita ko ngunit agad akong pinigil nito nang bigla rin syang magsalita. "Lumabas ka na. May bisita tayo." Tsaka sya naglakad palayo. Saglit akong natulala dahil sa inasal nya pero naexcite ako sa sinabi nya. Hindi na rin ako nag-abalang tignan pa ang itsura ko sa salamin at dali-daling tumakbo palabas ng silid. Iniisip ko pa lang na si Mama ang dumadalaw sa akin ay sobrang saya ko na. Isang taon na mula ng makausap at makita ko sya kaya ganon na lang ang tuwa ko nung oras na malaman ko na may bisita. Alam ko na si mama yon. Dahil sino naman ang iimbitahin nya bukod sa pamilya ko hindi ba? Pero anong sasabihin ko pag nakita nya akong ganito? Natatakot ako na baka magalit lang sya sa akin at isisi sa akin ang sinapit ko matapos ko silang takasan at sumama kay Charles. Pero paano nya ba natunton ang bahay na ito? Hindi kaya sinundo sya ni Charles? Sa kabila ng pagtataka ay hindi ko mapigilang matuwa sa isipin na inaalala pa rin nila ako kahit ako ang kusang tumalikod sa kanila. Ngiting-ngiti ako nang marating ko ang salas ng bahay namin ngunit laking gulat ko ng hindi si Mama ang nadatnan kong nakaupo sa sofa kundi si- Unti-unti kong nabitawan ang wallet na hawak ko habang diretsong nakatingin sa kanila. Magkayakap ang mga ito at naghaharutan. "K-kacey." Bulong ko. Nanghihina. Nasasaktan. Pakiramdam ko ay matutumba akong muli. Napalingon sila sa direksyon ko ng maramdaman ang aking presensya. "Stop it hon. Your wife's here." Kacey said habang pinipigilan si Charles sa pagyapos sa kanya. Napako ang paningin ko sa mga kamay ni Charles na nakapulot sa bewang ng babaeng kasama nya ngayon. Unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng mga mata ko. Nanglalabo na ang mga ito dahil sa tubig na gusto ng pumatak anumang oras. Pero hindi. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi sa harap ni Kacey. Kahit mahirap ay unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko. Papalapit sa kanila - sa taong mahal ko at sa taong sumira ng tiwala ko. Parang kutsilyong sinasaksak ako sa tuwing mapapatingin ako sa mga kamay nilang magkahawak. Ang ngiti ni Charles ay tila pupunit sa mukha nya. Hindi ko maipaliwanag iyong sayang nakikita ko sa mga mata nya sa tuwing titignan nya ang mukha ni Kacey. Nasasaktan ako. 'Akala ko ay mahal mo na ako.' I smile bitterly with the thought. Hanggang ngayon, ang pagmamahal nya pa rin ang nasa isip ko. Ang pagmamahal na pinapangarap ko pero parang isang bituin, ang hirap abutin. "H-hi K-kacey." I fake a smile. Nakita ko pa ang pagsiring nito ng batiin ko sya. Muli nyang ibinalik ang atensyon kay Charles. Ang paglalandian ng dalawa sa aking harapan ay talagang lantaran at nakakabastos talaga. "Pwede bang wag kang umupo jan?!" Inis na saad ni Charles saka itinulak ako nang marahan dahilan para mahulog ako sa sahig. Paano'y umupo ako sa tabi nya. Tinignan ko sya at binigyan ng malamlam na ngiti. Lumipat ako sa upuan na nasa harap nila. Pero mali atang desisyon na dito umupo dahil mas lalo kong nakikita ang mga kamay nilang magkahawak. "What brought you here?" Kanda-utal utal kong tanong. Inangat ko ang paningin sa kanila. Pinilit kong ngumiti kahit napakasakit ng nakikita ko. Bisita sya ni Charles at kailangan kong irespeto iyon. She just smiled at me tsaka tumingin kay Charles. Ngumiti rin si Charles sa kanya at saka muling hinalikan ang labi ng kasama. Nasasaktan ako. Charles never smile or even look at me the way he look at her. "Dito na sya titira." Saad ni Charles habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Kacey. Para akong mabibingi sa narinig ko. Naagaw ko ang atensyon nila ng hindi sinasadyang masagi ko ang vase sa center table namin. She'll be staying here. Seriously?! Aapela pa sana ako ng maunahan na ako ni Kacey. Tumayo ito sa harap ko at saka nakapameywang na tumingin sa akin. "Got a problem with that bestfriend?" Talagang pinagdiinan nya pa ang huling salita. Gusto kong masuka ng marinig ko ang dating papel nya sa buhay ko. Umupo itong muli saka lumingkis sa mga braso ng aking asawa. Gusto ko syang kaladkarin palabas pero natatakot ako sa gagawin ni Charles pag nangyari yon. Nagawi naman ang tingin ko sa direksyon ni Charles but he just gave me death glare. Iyong tingin na hindi na ako pwedeng umangal dahil pag ginawa ko iyon, matinding bugbog nanaman ang aabutin ko. Pero hindi ako natinag. Tinignan ko rin ang mga ito ng masama. Iyong tipong sa tingin pa lamang ay maipararating ko na hindi ako pumapayag sa plano nilang magsama. Nababaliw na bang talaga si Charles? Sa bahay namin? Kasama ang kirida nya? Tingin nya ba ookay ako? Ganon ba talaga sya kabobo? "What?!" Inis na tanong nya nang makita nyang hindi ko inaalis sa kanya ang masama kong tingin. "She's your bestfriend at wala syang matutuluyan. Isa pa nagpaplano na kaming magpakasal." Natahimik ako sa narinig ko. Ang kaninang masamang tingin sa kanila ay napalitan ng isang malungkot na tingin. Kitang-kita ko pa kung paanong halikan ni Charles ang mga labi ni Kacey sa harapan ko. Matapos non ay sabay silang tumingin sa akin ng nakangiti. No. That can't be. "But I'm your wi----" "You're not my wife. I just need your money. Let's go hon." Walang kautal-utal na saad nya saka inalalayan si Kacey patayo. Nakatingin lang ako sa dalawa nang mapansin ang paghawak ni Charles sa tyan ng babae habang maganda ang pagkakangiti. "Is she pregnant?" Tanong ko. Mababakas ang takot sa tinig. hinihiling na sana hindi tama ang hinala ko. Napahinto ang dalawa sa paglakad dahil sa narinig. Dahan-dahang lumingon si Charles sa gawi ko saka ngumiti. halos malagutan ako ng hininga nang makita kung gaano kaganda ang pagkakangiti ni Charles na parang sa mga ngiti pa lang na iyon ay sinasagot nya na ang aking tanong. Pero mas lalo akong nanghina ng marinig ko na mismo sa bibig nya ang isang balitang hindi ko lubos maisip na magagawa nya. "Oo at ako ang ama." Halos malaglag ako sa kinauupuan ko matapos sumagot ni Charles. Napaganda ng pagkakangiti nito matapos ipagmalaki na nabuntis nya ang kirida. Tuluyan nila akong tinalikuran ng hindi ako nakapagsalita. Nagsimulang mag-unahan ang mga luha ko dahil sa narinig ko ngunit ganon na lang katigas si Charles. Kahit anong hagulgol ko ay hindi ako nito nilingon. Napahawak ako sa singsing na suot ko pa rin hanggang ngayon. Pinakasalan mo ako para bumuo ng pamilya sa iba? Nadinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Kacey at mas lalo akong nasaktan nang maingat nya itong buhatin. Bagay na hindi nya ginawa sa akin matapos ang unang buwang pagsasama namin. Nakatingin lang ako sa likod nila habang naglalakad sila papasok sa silid na dapat ay ako ang natutulog. Master's Bedroom. Nakakatawang isipin na isang taon na kami mula nung humaharap kami sa altar at magdesisyong lumagay sa tahimik pero ni isang araw, hindi ako nakapasok sa kwartong iyon. Nang unang buwan mula nung ikasal kami ay doon kami natutulog sa dating silid ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw nyang matulog kami sa master's bedroom. Mas lalong lumakas ang hagulgol ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto na iyon. Bakit Charles? Ako ang asawa mo pero sa ibang babae ka nagdesisyong magkaanak. Bakit mo pa ako iniharap sa altar? Bakit mo pa ipinangakong mamumuhay tayo ng masaya? Ito ba yung masaya na sinasabi mo? Dahil kung mga luha at sugat ko ang kasiyahan na sinasabi mo, ayoko na maging masaya. Patakbo akong tumungo sa bodego kung saan ako pinapatulog ni Charles. Pinagmasdan ko ang loob ng silid. Katre. Isang unan. Isang kumot na punit-punit. Isang karton kung saan naroon ang mga damit ko at iyong kapiraso ng salamin lang ang laman ng silid na iyon. This house is mine. Pero bakit parang ako pa ang sampid dito? Sariling pera ko ang ipinangbili sa bahay na ito pero bakit parang ni maski piso ay wala akong inambag dito. Ang silid ko ay bodega. Ang pagkain ko ay tira-tira. Ang damit ko ay parang basahan. Bakit kailangang maging alipin ako sa sarili kong pamamahay? Ganito ba talaga kasakit magmahal? O ganito ba talaga kasakit magpakatanga at hayaang saktan ka nya dahil mahal mo sya? Umupo ako sa isang sulok at niyakap ang sarili ko. Pilit na inaalala kung saan ako nagkamali. Ngunit kahit anong balik ko sa kahapon ay hindi ko mahanap kung saan ako nagkamali. Flashback "I want to marry your daughter Mr. Cruz." He said full of confidence. Ipinagmamalaki ko talaga sya dahil kahit kanino sya humarap ay hindi nawawala ang confidence nya. Lagi itong taas noo at hindi natatakot para sabihin kung ano ang nararamdaman nya. "No." Matigas na saad ni Dad. Nawala ang mga ngiti ko saka ito nilingon. Hindi na ito nakatingin sa amin at muling binabasa ang libro na kanina pa nya hawak. "I'll marry him." Sabat ko. Nilingon ako ni Daddy ng may masamang tingin. "It's still NO. You may leave this house." Medyo tumaas ang boses ni Papa kay Charles at hindi ko ito nagustuhan. Walang nagawa si Charles kundi tumayo at lumakad palayo. Laglag ang balikat na umikot muling ito paharap kay Dad at nagbow tsaka tuluyang lumabas ng pinto. Nakatingin lamang ako sa pinto at hindi pa rin tinigtignan si dad. Yes. Hindi sya mayaman tulad namin. Wala syang sariling kompanya. Wala syang kotse. Wala syang sariling bahay. But I still love him. "Amarah." He was about to say something when I cut him off. "No dad. Naka-oo na ako sa kanya. And there's nothing you can do." Halata ang pagkagulat ni Daddy pero agad din itong nakabawi. Tumikhim ito at saka ako tinalikuran. "Sumama ka sa lalaking yan. Pero wag mong asahan na may babalikan ka pang pamilya." Tinignan ko ang mga mata ni Papa pero walang pag-aalinlangan rito. Desidido sya na itakwil ako oras na piliin kong mamuhay kasama si Charles. "Mahal ko si Charles Papa. Sorry." Ngumiti ako kay Papa tsaka sya nilapitan. Hahalik pa sana ako sa kanyang pisngi nang iiwas nya ang kanyang mukha. Nasaktan ako sa ginawa nya pero pinilit kong ngumit saka itinungo ang ulo para magbigay galang. May luha sa mata na inilibot ko ang paningin sa silid na iyon. Isang beses ko pang nilingon si Daddy bago tuluyang lumabas. Naabutan ko na nakaupo si Charles sa sala habang inaantay ako. Pinunasan ko ang luha ko bago tuluyang lumapit sa gawi nya. "Hey!" I said in a cheerful way. Umupo ako sa tabi nito saka nya niyakap. Lumingon naman sya sa akin saka ako binigyan ng malamlam na ngiti. "Hindi mo na dapat sinabi sa Papa mo yun." Laylay ang balikat na saad nya. Rinig ko ang magkakasunod na buntong-hininga nya. "Ang ano? That I'll marry you?" I ask. Tumango naman sya saka hinawakan ang aking mga kamay. Nakangiting pinisil ko nang marahan ang kamay nya at inangat ang mukha nya upang magtama ang aming mga mata. "Sasama ako sa'yo ok? At magpapakasal tayo." Saad ko. Tsaka nilingon ang gawi kung nasaan ni Mama. Nginitian ko ito ngunit tinalikuran lang nya ako. Kumirot ang puso ko sa isipin na itatakwil nila ako ngunit gusto kong lumagay sa tahimik kasama si Charles at bumuo ng pamilya. "Pero-----" "No buts. Halika na. I have savings kaya kahit ifreeze nila lahat ng accounts ko, may pera tayo." Ngumiti sya nang pilit tsaka ako hinila paalis ng mansyon. Isang beses pa akong lumingon at nakita ko si Papa na nakatayo sa balkonahe ng kanilang kwarto habang diretsong nakatingin sa amin. Sorry Papa at Mama. END OF FLASHBACK Mas lalo akong napaiyak nang maalala ko kung paano ko talikuran si Papa para sa kanya. Akala ko isa ito sa magandang desisyon na ginawa ko para sa sarili ko ngunit hindi pala. Para akong isang magnanakaw na sumugod sa presinto upang harapin ang kamatayan ko. 'Dad I'm sorry.' I said while crying. Totoo nga iyong kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Paulit-ulit lang akong umiyak habang humihingi ng tawad sa mga magulang ko. Ngunit alam ko na kahit anong sorry ko at kahit lumuha ako ng dugo ay hindi na nito maitatama ang katotohanang tinalikuran ko ang mga magulang ko at ang marayang buhay ko para sa lalaking maglalagay lang pala ng isang paa ko sa hukay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD