**SHANNON'S POV**
I'm sorry Johann I lied. I am pregnant but I can't say it to you dahil alam kong mapipilitan ka lang manatili sa tabi ko......at ayaw ko ng ganun.....kung mananatili ka man sa tabi ko ay dahil sa mahal mo ko at hindi dahil sa isa akong responsibilidad sa buhay mo.
Ayokong mahirapan ka pa kaya kahit masakit ay bibitawan na kita hindi dahil sa napagod na ako sa pagmamahal ko sayo kung hindi dahil gusto kitang maging masaya sa piling niya.
Naglakad na ako ng ilang hakbang ng hindi lumilingon dahil sa ayaw kong baliin ko pa ang naging desisyon ko.
"Shannon...." Napahinto ako sa paglalakad. Hanggang sa huli talaga ay umaasa pa din ang puso ko.
Ang puso ko na wala ng kapaguran sa pag-asa na sana mahalin din niya ako.
"I'm sorry sa lahat ng sakit na naiparanas ko sayo. Sa pagbanggit ko sa pangalan niya sa twing ikaw ang kasiping ko. I'm sorry dahil siya pa rin hanggang ngayon ang nasa puso ko. I'm sorry pero maniwala ka I tried. Sinubukan ko ang mahalin ka, and thank you for setting me free, kahit alam ko na mahirap para sayo. Thank you for the memories Shannon. In time, you'll find someone who will love you and I'm sorry that it won't be me because I'm foolishly in love with her. I need to go but I'll be back later, let's talk again. Kailangan ko pang habulin ang flight niya." Anito. Sabay lakad paalis.
Paalis sa kinaroroonan ko at
Paalis sa buhay ko....
Kaya kailangan ko ng matutong mamuhay mag-isa.
No, I'm not alone....makakasama ko pa rin ang munting alaala mula sa lalaking mahal ko, nakakalungkot nga lang ng mananatili siyang sekreto. I know I'm being unfair to my unborn child and to his father but then I think that this is for the better. I can't bear to see my child witness our loveless marriage. And lastly I want him to be happy even if it means disappearing from his life...
Jonathan calling.........
And I answered the phone. "H-hello, yes I'm ready to accept your offer."
This is the right thing to do Shannon....
Run away from everything, run away from his life. And run away from the pain.
I never regretted loving him but I wish that seeing him will not be possible soon ever again.....
Because
I'll build a new life now with my unborn baby and he's not included on it......
**
An ending isn't just an ending. It's also a new beginning. A sad ending doesn't mean that everything's wrong and not quite right. It means that you chose some wrong choices and you must start anew to find the the things that is really meant for you.
**
4 years later
I smiled when I saw my two little angels running to my direction.
"Hi, babies." I leaned down and kissed their cheeks when they reached for me. "How's the day of my two babies huh?"
"twas (It was) okay, Mamee." Joseph answered as he took my hand. He's Joseph Shannson Yu.
"Yes Mamee, twas okay, we play Broom! Broom!" Joshua stated acting as he still playing that toy car. He's Joshua Shaunderson Yu.
Apat na taon na rin ang lumipas mula ng lumisan ako sa piling ni Johann at masasabi kong hindi man iyon ang pinakatamang desisyon na gawin ay alam kong tama ang ginawa ko noon.
Balang araw nasisiguro kong ipapakilala ko sila pero hindi sa ngayon lalo pa't hindi alam ng ama nila na nageexist nga sila sa mundong ito. Ipinagamit ko ang apelido ko sa kanila dahil ayaw kong magtanong pa sila kung bakit iba ang apelido nila sa akin. Jonathan even suggested touse his surname Sandoval to be affixed to my kids and stand as their father figure but there's no way for me to do such thing. I abhor everything happened between me and Johann but not to the point that I'm going to enclose the connection between him and the kids. I'm not that cruel, he's still the father of my kids and no one could change that fact. He'll know their existence but not today but I'm sure that when I get the chance to get to the point that I need to tell my kids. I WOULD.
Nakita kong bigla silang naghahagikgikan dahil sa paglalaro nila sa mga toys nila.
Kahit kailan talaga ay napapasaya ako ng mga anak ko. They made my day kahit na pagod ako dahil galing sa trabaho ay nawawala when they appear in front of me and even they're doing nothing, just to look at them simply made me feel supercalifragilisticexpialidocious. We headed to our dining area while they are swinging our hands.
"Me watch a gweyt (great) movie with Tita Jess and tshin (Shin), twas called Aladdin. Sabi ni tita, I tyud (should) be as bweyb (brave) as 'im (him). 'pecially (especially), on luurve (love.)" Joseph stated he's talking about the move he watched with shin, my nephew to kuya and Jess; he's about a year old.
Natuwa naman ako sa sinabi niya, he's trying his best to explain kahit na hindi pa ganun kaayus yung pagsasalita niya. Samantalang si Joshua naman ay nanatiling tahimik hawak-hawak ang laruan niyang kotse "You baby boy, do you have something to share with mommy?" I asked. Among the two, he's more silent than his twin brother. Ngumiti lang ito sakin, naalala ko tuloy kung papaano ngumiti si Johann. I can't deny na magkamukhang-magkamukha silang tatlo. Malakas talaga ang dugo nun parang lahat yata ay nakuha ng kambal ko ay sa kanya maliban sa mata na nakuha nila sakin. "Jotep is too yawd (loud) the yull (whole) jay (day), mamee. He's talking too much and it 'itates (irratates) me, I read books too, twas (it was) broom broom broom." Tukoy nito sa comics niyang cars. Hindi ko alam kung bakit mahilig ang anak kong iyan sa kotse, samantalang wala naman akong hilig maging si Johann ay ganun din.
"That's great, then." I smiled to the both of them as I open the Donnut I bought for the two of them. Vuenavista
My identical twin boys just turned 3 last month, hindi ko akalain na almost 4 years na ng umalis ako. I'm now here in Davao working in a small Brewery company the "JV BREWERY GROUPS OF COMPANY". As of the moment, okay naman ang sweldo ko sa kanila. Natutugunan ko naman ang pangangailangan namin ng mga anak ko.
Nang makita kong masiglang kumakain ang dalawa ay natuwa ako. Noong mga panahon na umalis ako, I admit natakot ako dahil sa hindi ko alam kung kakayanin ko bang itaguyod ang mga anak ko pero heto kami ngayon nakasurvive naman at yan ay dahil sa tulong nina Kuya at Jess. They made it possible for me to hide all of this stuff to Johann. Wala akong balita sa kanya at wala akong balak makibalita. I even tell Jess not to meddle between the two of us kahit alam kong mahirap sa kanya dahil kapatid pa rin niya si Johann ay itinago pa rin niya ang sekreto namin. With the help of my Kuya syempre, mag-asawa na sila kaya malaking factor na rin siguro iyon para maging possible kay Jess ang mga request ko, they got married 2 years ago. I wasn't able to attend their wedding because for sure all of the family members will be there at naintindihan naman nila iyon.
How about Jonathan? Of course, he's part of my life now? Paanong nangyari? Napatunayan niya kasi na karapat-dapat siyang mahalin. He didn't change after he discovered my pregnancy, talagang pursigido siya. He even offered himself to stand as a father figure of my twins pero sobra naman iyon kung tatanggapin ko kaya naman tama na siguro na kilala siya ng kambal as my boyfriend but not their Dad.
Did my twin ever ask about Johann? Of course, a lot of times they asked me about their father pero dahil sa mga bata pa sila madaling idivert ang attention nila sa mga bagay-bagay kaya nasasagawa ko ang ilihis ang topic sa mga tanong nila. Hindi ko lang alam kung maiiwasan ko pa ang mga tanong nila when they got older.
**
4 YEARS AGO....
Dali akong nagtungo pabalik sa bahay...
Wala si manang dahil nasa bakasyon pa ito kaya ako lang ang mag-isa na naghahakot ng mga gamit ko hanggang sa bigla nalang akong nagulat ng may magsalita sa likuran ko.
"Shan..."
"Bess..."
Sabay nilang saad, noong una ay nagulat ako ng bigla nalang silang dumating without me even noticing that, naabutan kasi nila akong nag-eempake ng mga gamit ko. Are they here to stop me? "You can't stop me kung pumunta kayo para pigilan ako" pangunguna ko.
Bahagya akong napahinto sa ginagawa pero ipinagpatuloy ko lang iyon.
"Where are you going then?" Biglang tanong ni Kuya. Alam kong naiintindihan niya ang naging desisyon ko kaya kahit hindi ako magsalita ay alam na niya pero minabuti ko pa rin sumagot.
"I'm going somewhere else, where he couldn't find me. Bubuo ako ng sarili kong buhay, a life that no one could ever ruin!" Sagot ko.
"Bess, baka naguguluhan ka lang. Intindihin mo si Kuya." Biglang salita ni Bess. What does she said? Intindihin si Johann?
"Understood him and what? Make myself fool to believe that he loves me when in fact he's deeply in love with other woman!" Medyo napataas ang boses ko dahil sa galit.
"Bess. Baka naman nagkamali ka lang." Pigil pa niya.
"No! I'm not mistaken Jess. Alam mong hindi ako mababaw, you're brother even faked our marriage pero hindi ko pa rin siya iniwan kaya sabihin mo kung naging mababaw ako? Tell me! I've endured everything to the point that I forgot to think about myself sake because I'm blinded by my love to him. Nagtiis ako sa pagsasama namin na alam kong ako lang ang nagmamahal pero this is different now. He made his choice at hindi ako iyon, I'm just an option that he'll off to when his woman rejected him. Don't worry hindi ako galit sa kanya o kahit kanino. I'm just hurt kaya nasasabi ko ang mga bagay na ito. L-let me run away, I'm going to London. I have someone with me kaya wag na kayong mag-alala. I only have one request Jess" Bahagya siyang napatahimik sa mga sinabi ko.
"Just make this a secret because I don't want your brother to implicate himself in our life ever again..... I will start anew." Saad ko. Nakita ko ang pagkabigla sa kanya. This is kind of big favor to request lalo pa't magkapatid sila pero sana naman ay pahalagahan din niya ako as her best friend. Samantalang si Kuya naman ay patuloy lang na nakikinig.
"What's your plan now? London is far-off, how can you start anew kung ni hindi mo nga alam kung kakayanin mo don. Don't you think it's kind of stupid? You're being imprudent." Biglang tanong ni Kuya.
"I know that but what else can I do? This is the only way Kuya at sana tulungan mo ako. A-ayoko na siyang makita." I pleased. Nakita ko naman ang naging reaction niya at nasisigurong pumapayag ito.
"After I've heard all he's whereabouts in this marriage, I started to get infuriated with him, I abhor that man! Pack all your things now. You'll get a hard time alone kaya hindi ako papayag na kung sino-sino lang ang sasamahan mo." Pagkasabi ni kuya noon ay bigla siyang tumingin kay Jess.
"Jess, I love you and you know that but if you can't cooperate..." Napahinto ako ng magsalita si Kuya at ganon din si Jess... "We need to part then." Patuloy pa nito. Alam kong nasisira ko ang relasyon nila ng dahil sa amin ni Johann kung wala lang sanang connection ang dalawa ay hindi sila magkakaproblema ng kuya ko.
"Kuya! Don't do this to her! Wala siyang kinalaman dito!" Saad ko. Nakita ko namang biglang nagbago ang expression ni Jess. "It's Kuya's fault, why would I need to suffer. Don't worry Shun, kahit hindi mo sabihin wala akong balak tulungan ang hunghang kong kapatid. I'LL HELP." Bigla itong tumingin sakin at ngumiti.
Nang matapos kong ihanda ang gamit ko ay inihatid nila ako sa airport kung saan naghahantay si Jonathan. Alam kong iba ang tingin ni Kuya kay Jonathan na parang walang tiwala pero sa bandang huli ay pumayag din siya sa dahilang ibinigay ni Jonathan ang address at contact number niya sa London. Ganun din ang ginawa ni Kuya. Inihabilin na ako kay Jonathan pero sinabi ni Kuyang susunod siya sakin once na maayos niya ang takbo ng kumpanya.
Ilang buwan ang lumipas ay sumunod din si Kuya at kasama niya si Jess. Ang sabi naman ni Jess ay alam nila Dad at Mom na pupuntahan niya ako kaya nagalit ako noong una pero ng sabihin niyang galit ang mga ito kay Johann ay doon ako nakunsensya pero dali naman akong inalo ng kaibigan ko at sinabing wala akong kasalan. Narinig ko pa sa kanya na sumama na daw si Johann kay Sophia sa Canada at hindi na ako nabigla doon. Lumipas pa ang panahon hanggang sa hindi ko na naitago ang pagbubuntis ko sa kanila pero ipinaliwanag ko naman at naintindihan nila.
Hanggang sa naipanganak ko na ang kambal, masayang-masaya ako noon ng makita ko sila, kahit pa maraming naging complication sa pagbubuntis ko ay kinaya pa rin ng kambal ko na siya namang ipinagpapasalamat ko sa Diyos.
2 taong kaming nanatili sa London at napabalik lang kami sa pilipinas dahil nagkaproblema sa kumpanya ni Kuya kaya napilitan silang umuwi. Naisip ko naman na sumunod na dahil mataas din ang cost of living dito at isa pa ay nakakahiya na kay Jonathan. Mabuti nalang at nakahanap si Kuya ng bahay sa Davao kaya ibinili niya ako, natural lang na tanggapin ko dahil galing naman iyon sa pera ng kumpanyang naiwan ni Papa kaya walang masama kung tanggapin ko.
Lumipas ng madali ang panahon hanggang sa makapagtrabaho na rin ako sa isang brewery company kaya nagpatuloy ang buhay namin sa davao.
**
Natapos ang pag-iisip ko sa nangyari sa nakaraan mg tawagin ako ng isa kong anak.
"Mamee, Hwahhhh.....Jotsua (Joshua) is bad. He thwow (throw) my toy." Nakita ko nalang ng biglang umiyak si Joseph. Mukhang nag-away na naman ang dalawang bulinggit na ito. "Sshhhhsss....Don't cry na baby Joseph. Nasaan na ba yung toy mo?" tanong ko dito sabay turo niya sa laruan niyang si Superman na nasa ilalim na pala ng lamesa. Pinulot ko naman ito pero ng mapansin kong natanggal ang kamay nito at nakatingin na ang anak ko ay paniguradong iiyak na naman ito. "Hwaahhhhh....Mamee, tuperman (SUPERMAN) is dead. Hwaahhhh....Jotsua is bad. He kild (killed) tuperman." Dali ko namang nilapitan ang bata na puro iyak. Nakita ko naman si Joshua na nananahimik lang pero mukhang iiyak na rin dahil sa umiiyak na si Joseph. Naku naman, ang hirap maging nanay.
"Stop crying na Joseph. Joshua say sorry to your brother." Nakita ko naman na tumingin ito sakin at mukhang ayaw sumunod. "Joshua, what did mommy tell you?"
"Torry (sorry) na po Mamee." Saad niya na parang kinawawa. Nakakaawa naman ang anak ko. Bakit kasi ang tigas ng ulo nito eh manang-mana sa ama. "Don't cry Joshua, mommy is not mad at you, just say sorry to your brother for your mistake." Paliwanag ko naman dito. Tumingin naman ito sa kakambal niya, ang umiiyak naman na si Joseph ay bahagyang napatigil sa pag-iyak ng tumingin ang kapatid niya. "Torry Jotep (Joseph), here's my toy. You baro (borrow) it muna, and then, we play! Play! Don't cry na please, mamee 'ill(will) be mad if you dint (didn't) stop." Saad niya sabay abot ng toy niyang car na tinanggap naman ng kakambal, natuwa naman ako sa inakto niya. Bilang panganay, sa kanilang dalawa ay nakikita ko na kay Joshua kung gaano siya ka caring.
Nang tumahan na ang dalawa ay pinakain ko muna sila ng hapunan at pagkatapos ay nilinisan ko na sila ng katawan. 8 pm pa lang pero pinapatulog ko na sila para hangga't bata palang ay matuto na sila.
"Good night my babies." Saad ko sabay halik sa kanilang dalawa. Ngumiti naman ang mga ito sabay sabing "Good night, mamee." They said in chorus, nakita ko naman sabay silang pumikit. Ang mga bata nga naman, alam ko naman na hindi pa matutulog ang mga yan dahil pag-umaalis na ako ay maglalaro ulit ang mga iyan kaya naman sumasakit talaga ang ulo ko sa kakulitan nila pero okay lang yun dahil bawing-bawi naman lahat ng hirap ko makita ko lang sila.
Lumabas muna ako ng kwarto. Tinext ko lang si Jess at nagpasalamat dahil sa pagbabantay sa mga bata. Nagbakasyon lang sila dito sa Davao pero balak din nilang bumalik sa manila next week kaya napakiusapan ko siya na bantayan muna ang mga bata, umalis na din kasi ang yaya nila kaya hindi ko pa alam kung sino ang kukunin kong kapalit na yaya para sa mga bata.
"Bess, thank you sa pagbantay sa mga bata. Pasensya ka na, promise hahanap na ako ng bagong yaya nila. Salamat ulit."........... Message sent.
1 MESSAGE RECEIVED
"Don't worry bess, okay lang saka hindi naman na sila iba sakin eh.....mababait naman ang mga pamangkin ko kaya nag-enjoy akong kasama sila. Nga pala bess, we need to go back in manila tomorrow. Nagkaron kasi ng problema sa company si Shun. Aayusin niya yung isang branch sa Q.C."
"Sige bess, salamat. Ikaw na lang bahalang umalalay kay Kuya ko. Alam mo naman iyan." .......Message sent
1 MESSAGE RECEIVED
"Sige bess mag-ingat kayo dito ha. Dadalaw kami next month."
Marami pa kaming napagkwentuhan at isa na roon si Johann, sinabi niya sakin na matagal na raw nakauwi sa Johann from Canada at ang pinagtataka daw nila ay wala itong kasama. Hindi naman na ako nagreply ng mabanggit niya si Johann dahil wala rin naman akong sasabihin ang I'm not interested at all. I have a new life now at ayokong makigulo pa sa buhay na mayroon siya. Masaya na siya sa babaeng iyon at masaya naman na ako sa buhay ko kasama ng mga anak ko kaya wala ng dapat mabago doon. Nagpaalam nalang ako kay Jess at sinabing mag-ingat sila ni Kuya.
**
Nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko naman ito para malaman kung sino ang tumatawag. Unknown number ang tumatawag, seriously sa ganitong kaaga ay may tatawag ng ganito. It's 4am in the morning for godsake. Tiningnan ko muna ang mga bata sa gilid ko, nang makita kong tulog pa sila ay dun ko sinagot ang tawag.
"Hello?" I greeted pero walang sumasagot.
"Who's this?" Wala pa ring sumasagot pero maya-maya'y ang mas ikinagulat ko ay ng marinig ko ang tinig ng isang tao na matagal ko ng kinalimutan. "Shannon..." Dali akong napatakip sa bibig ko at daling ibinaba ang tawag. This can't be. Anong kailangan niya sakin? Pinatay ko rin ang cellphone ko para hindi na ito muling magkatawag.
Nang magising ako ng oras na iyon ay hindi ko na nagawang makatulog pa kaya inihanda ko nalang ang gamit ko saka naligo na rin ako. Inihanda ko rin ang gamit ng kambal. No choice ako mukhang kailangan ko na naman silang iwan kay aling bebe. Siya yung kapitbahay namin sa kabila. Mabait naman siya at mapagkakatiwalaan kaya okay lang na maiwan ang mga anak ko sa kanya.
"Mamee!!! It's so cold! I dun (don't) wanna take a bath." Sigaw bigla ni Joseph ng ginising ko ito at hinubad ang damit, si Joshua naman ay walang imik pero halatang nagmamaktol din. "Mamee, I wanna go go with you, I dun wanna tay(stay) 'ere (here)" Joshua demanded. Nakatulis pa ang nguso ng mga ito habang nililinisan ko ng katawan. Pinaliguan ko sila kahit ayaw nila. Isa pa ay warm water naman ang ginamit ko kaya paniguradong nag-iinarte na naman ang dalawang ito.
Nang matapos ko silang paliguan ay binihisan ko na sila. Sinigurado kong magkaiba ang kulay ng suot nila. Ayaw kasi ng dalawang iyan na mag-kamukhang-magkamukha ang damit nila kaya naman sinisigurado kong kapag magkamukha ang damit na bibilhin ko sa kanila ay magkaiba ang kulay ng mga ito. Joseph wears color red shirt while Joshua had a blue one.
Nang papalabas na kami ay nagulat nalang ako sa taong sumalubong samin.
"Hi, tart" Nakangiting bati nito sabay halik sa labi ko. Nagulat ako noong una sa pagtataka kung bakit siya nandito, ang alam ko kasi ay nasa paris siya para sa isang photo-shoot, kailan pa siya dumating? Nakita ko namang biglang sumigla ang itsura ng mga anak ko at sumalubong sa kanya. "PAPA!" Sabay na sigaw ng dalawang bata. Hindi ko masisi ang dalawang anak ko kung bakit yan ang tawag nila kay Jonathan. They got born with him around us kaya nasanay na sila sa presensya niya pero at least alam naman nila na hindi siya ang papa nila. "Hey! KIDS! Namiss ko kayo ha!" biglang baling ni Jonathan sa dalawa at hinalikan ang mga ito sa pisngi. "We miss you too Papa, Jotsua oways (always) kway (cry) kasi po miss po namin ikaw papa!" Joseph stated. "Papa, you pwamis (Promise) my toy car, weyr (where) is it now? Guto (Gusto) ko po brue (Blue) color" Joshua stated. Pilit ang mga itong nagsasalita ng tagalog. Marunong naman sila pero halos English kasi namin silang kausapin to the point na wala naman silang naririnig na nagtatagalog since sa London kami for 2 years kaya naman ng natuto silang magsalita ay English agad. Ginulo naman ni Jonathan ang buhok ng dalawa at napasimangot ang mga ito. "Don't worry kids; all of your requests are in the car. I'll give them to you later." Aniya. "Thank you po" They said in chorus. Siya naman ay hinalik-halikan ang mga bata. Natawa naman ako ng maghagikgikan ang mga ito.
"Kailan ka pa dumating?" I asked. Nakita ko naman na napatingin ito sakin at napatigil sa pakikipagharutan sa dalawa.
"Kagabi pa tart. I tried to call you kagabi pero mukhang tulog ka na and I even called you kanina pero can't be reach ka naman." Sagot naman nito. Naalala ko tuloy na pinatay ko nga pala ang phone ko kaninang madaling araw.
"Hindi ko kasi naicharge yung phone ko kagabi, when I woke up kanina ay dead battery na kaya siguro can't be reached." Ngumiti nalang ako dito. Tumayo naman ito at biglang umakbay sakin. "Tara na tart, hatid ko na kayo." Aniya. Nagpaakay naman ako at humawak lang sa magkabilang kamay naming ang mga bata. "Sandali lang Jonathan, ibibilin ko pa kasi ang mga bata kay aling bebe." Saad ko dito pero kumunot lang ang noo nito. "No tart, ako ng bahala sa mga bata. Ako ang magbabantay." Aniya. "Sure ka? Wala ka bang trabaho?" tanong ko naman dito. "Wala kaya solong-solo mo ako mamayang gabi." Ngumiti pa ito sabay kindat sakin. Kahit kailan talaga itong lalaking ito, don't think any Green thing in your mind. We never did that because I'm not ready for that and he understands!
"Sira ka talaga." Saad ko nalang sabay tapik sa braso niya.
Nang makarating ako sa office ay halos 7:45 na kaya inihabilin ko nalang lahat ng kailangan kay Jonathan at siya na ang bahala sa mga bata. "Ikaw na bahala sa kanila ha tart." Malambing kong saad dito. Ngumiti naman ito at humalik pa sa labi ko. "Sige tart ako ang bahala sa mga anak natin. I love you." Aniya na ikinapula ng mukha ko, mga anak natin? Napangiti lang ako para hindi niya ito mahalata. "Sige na lumakad na ka, yo, ingat ha? I l-love you too." Nakita ko naman ang malawak na ngiti nito dahil sa naging tugon ko. Nang pababa na ako ay humalik lang ako sa mga bata at pinagsabihan sila na wag matigas ang ulo at wag pahirapan ang papa nila. Tumango naman ang dalawa kaya panatag ako. Masunurin naman sila kahit papaano at nakikinig sakin, talagang makulit lang sila minsan.
Nagmadali akong makapasok agad para makapag-in na ako, mahirap ng malate.
Pagkapasok ko ay binate lang ako ng mga coworkers ko and I did the same thing. "Good morning Ma'am Shannon." Bati naman ng isa sa mga Hr officer dito si Justin, ngumiti naman ako at binati ito pabalik.
"Ang ganda talaga ni Ma'am Shannon."
"Ou nga pare, kung wala lang siyang boyfriend ay niligawan ko na siya."
Rinig ko ang bulungan ng dalawang lalaki kong katrabaho pero hinayaan ko nalang. Halos mas maraming lalaki akong coemployees kaysa babae, ang akala ko pa naman ay kontra tsismis na kapag puro lalaki pero mukhang nagkamali ako.
Nang makapasok na ako sa loob ng opisina ko ay nakita ko naman agad si Sheryl. Siya ang assistant ko. I'm actually the Hr manager.
"Good morning Ma'am..." Bati nito sabay ngiti. "Good morning din Sheryl. Blooming ka ngayon ahh." Biro ko rito, maganda naman talaga siya at mabait pa. Nakita kong pinamulahan siya.
Wala naman naging masyadong pagbabago sa routine ng trabaho ko. As usual puro paperworks at sagot ng kung ano anong tawag galing sa management. Hindi din naman hiring ngayon kaya hindi masyadong toxic ang trabaho namin.
Maya maya'y habang pinipirmahan ko ang mga paper works ko ay tumunog nalang ang telepono sa tabi ko. Nagulat pa ako dahil sa focus ako sa pagpirma ng mga papeles pero agad ko ring sinagot ang tawag baka kasi may importanteng call galing sa top management.
"Hello, Good morning, this is Manager Yu. How can I help you?" Sagot ko.
"Good morning Mgr. Yu, this is Nelson from the main Branch I'd like to inform you that the C.E.O of our company decided to reassign you to our main branch due to your efficient performances, Congratualation." Nagulat naman ako.
"WHAT! How is that even possible?" I complained.
"Mgr. Yu, this is a serious matter and you don't have to elevate your voice. As I'm saying, the top management has get a hold of us to inform that the CEO recommended you or must I say ordered us to processed your reassignment." He clearly stated.
"I'm sorry. Honestly, I really do appreciate that the company has acknowledged me as one of the valuable employees but this is so sudden and I don't even have an idea about this. Can you explain further because I'm confused." biglang napataas ang boses ko. Dapat matuwa ako pero hindi yun ang nararamdaman ko. I want here in Davao.
"Mgr. Yu this is also a sudden call from the management and we need to follow it as soon as possible. As a matter of fact, the CEO itself called and asked for this personally, his basis of your reassignment wasn't clarify though. However, the command was from the top management and they won't give us this order without any basis. A lot of employees in our company endeavor and sought for a promotion and reassignment to the main branch and you got an easily access. Just think of it as a stepping stone Mgr. Yu, not all employees could get a compliment and recommendation personally from the CEO." I was dumfounded when he said those statement. But still some of it was understatement and wasn't clarify, sino ba kasi ang CEO na iyan?
"I'm not complaining Nelson, if you find my tone and choice of words too uncouth, I apologized for it. I'm thankful that I was able to get an opportunity like this. Don't worry, I'll think about this matter thoroughly." I stated as he answered back.
"No problem Mgr. Yu, We know that you still have to assess and process things out and we clearly understood. But to clarify, this is an order and not a choices or options. You have to be reassigned ASAP and not to mention, a higher salary is waiting for you." Napahinto siya pansamantala at hindi ako nagpareact kaagad.
"Thank you Nelson." That's all I composture to say.
"We'll just send you the details over your email, kindly check that out after I hung the call. That would be all, you have a great day! Thank you." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay ibinaba na nito ang linya habang ako naman ay tulala lang. What is really happening? This is kind of cliché. What is this! I can't believe this thing? Is that even rightfully performed by them? This is something, this is really something. Sana mali ang iniisip ko.
He has nothing to do with this, I'm just overthinking......