**
One day you'll realize that everything you've done in the past was just an absurdity of yours; it was just an aftermath of your intense feeling resulting into stupidity.
**JOHANN'S POV**
I don't know what's gotten into me to do such thing to her. I know it's cruel at hindi ko siya matingnan ng deretso sa mga mata dahil sa kabila ng lahat ng ginawa ko ay mahal pa rin niya ako.
Pero tama bang gawin ko sa kanya ito? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa kanya. Sa kabila kasi ng lahat ng nalaman ko kay Sophia kung bakit ito umalis noon ay dapat galit na ako sa kanya ngayon pero bakit hindi ko maramdaman ang galit. Pinipilit kong umiwas para hindi na siya masaktan pero siya pa rin ang lumalapit. Is she that masochist?
Nang sabihin ko sa kanyang mahal ko siya ng may mangyari samin kagabi ay aaminin kong maging ako ay nagulat sa sarili ko pero ng maalala ko ang mga bagay na pinagdaanan ko ng dahil sa kanya. I don't think I still can manage to live with her. Si Sophia ang m-mahal ko at nasisiguro ko iyon.
"J-Johann...." She called. Nandito ko ngayon sa kusina having my beers, this is the only thing that could understood my situation whenever I'm having a problem.
I don't know what to do. Problema ko na nga si Sophia tapos dumadagdag pa siya.
"What!" I shouted. Nakita ko namang namutla siya sa sinabi ko, hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong gawin. Sophia is insisting that I need to part with Shannon pero hindi ko magawa dahil sa magkakaanak na kami. And I don't want to be cruel para pati ang anak ko ay magsuffer. Hindi ko man mahal ang ina niya ay ayoko namang madamay pati siya.
"T-Tama na yan Johann, you've been drinking a lot" aniya.
"Y-YOU DON'T CARE!" Hindi ko napigilan ang galit ko kaya naman naibalibag ko ang baso. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at maging takot ay rumehistro rin pero binalewala ko iyon. Sophia is all I'm thinking now.
**
"Hiwalayan mo na siya kung hindi ako ang aalis." Sophia stated as I run towards her to stop her. She's in luggage ready to leave kaya naman natakot ako. I don't want to lose her again, I can't.
"P-Please.....u-understand the situation Sophia, s-she's pregnant..." that's all I could say. "Sawang-sawa na ako sa kakaintindi sayo Johann! n-nandito ka nga kasama ko pero siya naman lagi ang nasa isip at bukang bibig mo!" at doon na siya tuluyang humagulgol. "Naiintindihan ko naman na buntis siya and I'm not stopping you to have care to your child pero hindi kasama dun ang ina niya, she's the reason why were stocked up in this situation, kung hindi niya ako tinakot noong mga panahon na iyon edi sana.....s-sana tayo ang magkasama ngayon." Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman lumapit ako para yakapin siya.
"I-I'ts in the past now, she was just too naïve back then, p-please...k-konting panahon lang ang hinihingi ko sayo." Sagot ko.
"A m-month or a lifetime? Make your choice Johann....I already gave you a month para ayusin ang lahat tungkol sa babaeng iyan! Sabihin mo hindi pa ba sapat na pinagbigyan ko siya ng isang buwan na kasama ka!....kung tutuusin...sobra-sobra ang panahon na kinuha niya sakin na kasama ka!...T-tell me? M-mahal mo na ba siya!" aniya. Natigilan ako ng sabihin niya iyon, hindi ako kaagad nakasagot kaya naman lumayo siya. "So..y-you love her?"
"T-that's not true. Ikaw ang M-mahal ko alam mo naman iyon hindi ba?" I assured pero mukhang hindi siya kumbinsido. Even I, is confused, hindi ko rin alam kung tama ba ang isinagot ko because a part of me contradicted the idea that I don't love Shannon. Hindi kaya talagang mahal ko na siya? b-but no...this might just a care for her being pregnant and nothing more. "N-no. hindi ko na alam ang totoo Johann."
"I love you Sophia!....ano pa ba ang gusto mong gawin ko" Singhal ko.
I don't know what I should do anymore. Masyado ng magulo ang lahat tapos ganito pa. "Prove it!" Tomorrow is my flight to Canada. 10 am ang flight ko at kapag hindi ka dumating, it only means that you've chosen her over me." She said that as she leave me dumfounded.
**
Inagaw niya sakin ang alak na hawak ko. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. All I need to do is to tell her that I'm going to leave and be with Sophia for good pero hindi ko magawa.
"A-ANO BA!" I exclaimed. Pero hindi ko nakita ng takot ang mga mata niya sa ngayon. "Stop this mess Johann!" Hindi ko alam kung bakit pero talagang ganito na ba ako kamiserable. I wipe my face just to find out that there's water running down my eyes. No. it's not water, its tears! And to my surprise, I'm crying without me even knowing it.
**SHANNON'S POV**
I'm feeling thirsty so I decided to go downstairs. Nasa huling baiting na ako ng marinig ko ang nabasag na baso, kinakabahang nagtungo ako sa pinanggalingan nito and there I saw him sitting in the chair having a glass of liquor in his hand and there is a shattered glass on the floor.
Umiiyak ito at hindi ko mapigilang maawa. Nagkalat ang mga basyo ng bote ng beer, indikasyon na umiinom na naman siya. Inaamin ko na sa isang buwan na hiningi ko ang pakikisama niya sakin, there's this up's and down's. May pagkakataong masaya kami pero may pagkakataong nakikita ko siyang umiinom. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero malamang ay nagkaroon sila ng problema ni Sophia and it's all my fault. Hindi ko alam kung simpleng away lang ang namagitan sa kanila pero sa nakikita ko ay mukhang hindi lang ito simple dahil hindi naman magkakaganito si Johann kung simple lang ito.
Gusto kong magdiwang pero sinasabi ng puso ko na hindi dapat dahil nasasaktan si Johann.
"Johann..." I called. Tumingin naman siya sakin at sumigaw. "What!" aniya. I know that I must leave him there just like what he wants me to do but I know deep down in his heart, he needs someone to lean on. So I just stayed there, looking at him in his miserable state. Again, I felt this familiar ache in my heart.
Tumutulo ang luha niya pero wala akong makitang emosyon sa kanya. Bawat pagtulo nun ay para bang bumubulong sakin na lapitan ko siya at yakapin para sabihin na tumahan na siya, na nandito naman ako para sa kanya at kahit kailan ay hindi siya iiwan na nag-iisa. Pero sa kabilang banda, may pumipigil sakin na gawin iyon at hayaan na lang siya at iwanan. Naguguluhan ako, ano nga ba ang susundin ko?
"T-Tama na yan Johann, you've been drinking a lot" Hindi ko napigilang sabihin sa kanya pero nagulat nalang ako ng ibinato niya ang hawak niyang baso.
"Y-YOU DON'T CARE!" Sigaw niya sa akin.
Natakot ako sa ikinilos niya pero wala na akong pakialam, I need to stop him lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang alak na tutunggain na sana niya.
"A-ANO BA!" He exclaimed. Is he this miserable to do this to himself?
"Stop this mess Johann!" Hindi ko napigilang sigaw. Nakita ko naman na natahimik siya roon.
"Why do you have to be like this Johann? Sa ginagawa mo hindi lang ang sarili mo ang sinasaktan mo kung hindi maging kami ng anak mo, kasi mahal ka namin, mahal kita. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang tayo?"
Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko pagkat wala itong imik, hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan siya sa sinabi ko pero sana naman tumimo sa kanya na hindi ang babaeng iyon ang makakapagpasaya sa kanya.
Nang mapansin kong wala siyang balak kumibo tumalikod na ako dahil mukhang wala naman din siyang balak makinig sakin.
"Why do you love me Shan?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang paos niyang boses. Hindi ako nakaimik kasi hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya. Ako mismo kasi ay hindi ko alam kung bakit ko nga ba siya minahal ng ganito.
Bakit nga ba minsan patuloy pa rin nating minamahal ang taong alam naman nating may mahal ng iba?
Kung gaano ko kadaling minahal si Johann, ganoon naman kahirap sakin ang kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya?
"I wasn't shocked when you let me stopped you that day. Alam kong mahal mo pa ako." I snapped my reverie when I heard him said that.
Anong ibig niyang sabihin?
"That day when I stopped you from leaving me, alam kong mahal mo pa rin ako dahil ramdam ko iyon. And I let you gamble your feelings for me even if I'm not sure if I could turn your feelings back. Natakot kasi akong m-maiwan na naman." Lumingon ako at nagtagpo ang mga mata namin.
"I know that you wouldn't want to leave me that day because you're just provoked at tama ka gago ako. Dahil ginamit ko ang nararamdaman mo para sakin para lang hindi mo ako iwan even I know in myself that I'm not sure with my feelings toward you, pinigilan pa rin kita kahit alam kong hindi ko pa alam kung maibibigay ko ang pagmamahal na gusto mo. At napakagago ko kasi nagawa ko pang habulin ang taong mahal ko kahit may asawa na ako, si Sophia kasi ang takbo ng isip ko at hindi ko mapigilan. Nagbulag-bulagan ako sa nararamdaman ko kasi.....you're right, I'm selfish and I'm sorry for that, I really am. Sa dami kasi ng lalaki sa mundo, ako pa yung napili mong mahalin. Kaya nga..." Muling tumulo ang luha nito sa mga mata at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at nag-umpisa na rin pumatak ang mga luha ko. "....tama lang siguro ito, ang hindi ako maging masaya sa piling ng babaeng totoong mahal ko. Kaya kung sasabihin mo sa akin na kinamumuhian mo ako, tatanggapin ko Shan, because I deserve it."
Ngayon nalaman ko ito ay gusto ko siyang sumbatan, ang sabihin na oo kinamumuhian ko siya at ayaw ko na siyang makita at makasama. Pero lumapit ako sa kanya hindi para sabihin ang mga ito. Naupo ako sa tabi niya at inihilig ang ulo ko sa mga balikat niya.
"I want to hate you, Johann" saad ko habang patuloy sa pag-agos ang luha ko. "Gusto ko ring magalit sayo para sa paulit-ulit na beses mo akong sinasaktan. Kasi baka kapag napuno na ng galit yung puso ko, mawala na yung pagmamahal ko sayo o kung hindi man mawala ay matabunan ito. Pero aaminin kong hindi ko magawa. Hindi ko alam kung hindi ko ba talaga kayang kamuhian ka o hindi ko lang gusto dahil mahal na mahal kita. Ang alam ko lang ay gaano man ipagdudulan ng utak ko na ang tanga-tanga ko p-para patuloy kang mahalin, iba yung sinasabi ng puso ko. After all, n-nagmahal ka lang naman kasi, may nakapagsabi sakin na kapag nagmamahal ka minsan ay hindi mo na iniisip kung may masasaktan ka, halos lahat ng nagmamahal nagiging makasarili Johann, hindi lang ikaw ang makasarili. Kaya stop thinking that you don't deserve to be happy. Dahil bawat tao deserve nilang maging masaya gaano man sila nakasakit ng iba." Tumayo na ako matapos kong magsalita.
Hahakbang na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko. Humarap ako at nakita kong nakatayo na din pala si Johann. "Shan..."Anito habang namumugay ang mata. At nagulat pa ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at siniil ako ng halik at siyang nagdulot ng malakas na kabog ng puso ko. Sa umpisa ay nanatiling nanlalaki ang mga mata ko pero hindi ko maiwasang mapapikit sa banayad na halik na iginagawad niya sa akin.
Namalayan ko na lang na lumalalim na ang halik na ibinibigay niya. At ako naman ay parang nalilito na sumunod sa bawat galaw ng labi niya. Nanghina ang tuhod ko ko kaya hindi ko maiwasang ipaikot ang kamay ko sa leeg niya. Napaungol ako na bumaba ang halik niya mula sa labi ko papunta sa leeg ko. Nakaramdam ako ng pag-iinit na hindi ko matukoy kung saan nagmumula.
"Shan..." Hinihingal na bulong niya kaya natauhan ako at naitulak ko siya.
"Stop Johann, lasing ka lang."
Namumungay pa rin ang mga mata niya at nagulat ako ng muli niya akong hilahin at isandig sa matipuno niyang dibdib. "Help me ease this pain Shan. Please help me." Bulong nito sa tenga ko.
Dapat tinulak ko siya. Dapat tumakbo ako at iniwan ko siya.
Pero hindi ko ginawa....
Naging mabilis ang sumunod na pangyayari, namalayan ko na lang ang sarili ko na binuhat ako nito papanik sa kwarto namin. And I found myself naked, with him on top of me kissing every inch of my body. I bit his shoulder to prevent myself from screaming when he thrust himself into my center spot. I cried not because it's a bit painful but because I know that he's doing this because he's just in pain, he's just wanted me to cover his sadness and I'm a fool to let him do that.
"I love you Johann..." I whispered as we reached our climax. At katulad ng inaasahan ko wala itong sinabi. Humiga lang ito sa tabi ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
It's over. Tapos na ang pangangailangan niya at tapos na rin ang wifely duty ko.
Ang daming tumatakbo sa isip ko pero tingin ko ay wala na talagang patutunguhan ang lahat ng ito. I need to make him choose.
"I-I'll try Shan... we'll try to work this out..." Bulong niya sa tenga ko.
Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa sinabi niya pero mukhang tama na siguro ang pinagdaanan namin. Hindi siya magiging Masaya, alam ko iyon.
"Let's give this relationship a chance para sa anak natin." At doon ko na naisip na hindi na talaga magwowork ito. Love doesn't make sense if you're just doing it for the responsibility and not on willingness.
Napatahimik ako sa sinabi niya what if hindi naman talaga magwork? Masasaktan na naman ako at baka hindi na kayanin ng puso ko. What if, kunin siya ni Sophia mula sakin? Makakaya ko pa ba siyang pakawalan?
At paano si Jonathan?.....masasaktan ko na naman siya.
Pero sa huling pagkakataon namalayan ko nalang ang sarili ko na tumango hindi dahil sa pagpayag kundi para tapusin na ang lahat. I will let him choose who really wants him to be with.
"Tomorrow....you have to go to ****** cathedral." I stated. Nakita ko namang naguluhan siya kaya nagpatuloy pa ako. "Y-you want to work this out?......okay fine, prove it and marry me on the church." Nakita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko pero hindi siya nagreact.
"It's not simple as that Shan...." Aniya. "Don't worry, Dad already set this up a month ago. All we need to do is to attend our wedding."
That's the time na tumayo na ako sa kama. Hindi ko na tiningnan pa kung ano ang magiging reaction niya. I decided to wear all my clothes at pumunta ako sa drawer.
"I-I'm going to our old house....nandon si Kuya. Alam niya ang kasal bukas, kailangan ko pang maghanda. Inihanda ko na ang susuotin mo sa kasal. Nasa cabinet ang damit. Ikaw na ang magdesisyon. Kapag hindi ka pumunta...." Napahinto ako panandalian.. "That only means that you chose her over us."
Narinig ko pang tumawag siya sakin pero hindi ko na pinakinggan at nagderetso na ako palabas, alam kong sapilitan at biglaan ang ginawa ko pero handa ako sa magiging resulta nito. I hope you would choose me, us...Johann.
**
Kinabukasan...
Alas otso na ng umaga at lahat ng tao ay nandito na. Bandang alas otso y medya pa naman ang simula ng kasal. Maya-maya bigla nalang may kumatok sa kwarto. Nandito na ako sa hotel kung saan nagstay sila Mom and Dad. Nandito rin si Jess at kuya nagulat nga ako dahil magkasama sila at base sa kwento ni Jess sakin. 2 months na silang in a relationship ni kuya, nagulat nga ako pero hindi na ako nagtaka dahil alam ko namang may gusto sila sa isa't-isa.
"Dad, Mom. Kayo po pala?" Ngumiti ako ng makita ko sila na pumasok. Ngumiti lang rin sila pabalik.
"You're gorgeous as always hija." Tugon ni Dad. At ngumiti naman ako. Si Mom naman ay lumapit sakin, "Wear this hija. This is a necklace that my mom given me, gusto kong suotin mo ito as a sign na tinatanggap na kita sa pamilyang ito." Napangiti naman ako pero parang nabahala si Mom. "I'm sorry hija, mali ang nasabi ko haha...syempre naman mataggal na kitang tanggap sa pamilyang ito. Ang ibig ko lang sabihin ay ngayong magiging kasal ka na ng tuluyan sa anak ko sa ikalawang beses ay masayang Masaya talaga ako." Ngumiti ulit ito at yumakap. "Thank you po...Mom"
Makalipas nag ilang minuto ay dumating na rin ang sasakyan na gagamitin namin papunta sa simbahan kaya sabay sabay na kaming dumating roon pero ng makarating kami ay parang hindi mapalagay ang mga tao roon kabilang na si Kuya at Jess.
"Shan...wala pa si Johann." Kuya said. Nalungkot ako ng bahagya pero hindi ko iyon ipinahalata. I must know the consiquence of this action, nakita ko naman ang lungkot sa mata ni Kuya ng makita ako sa ganitong situation. "D-Don't worry kuya, baka nalate lang. haha darating iyon." Nasabi ko nalang nakita ko naman na pinisil ni Mom ang kamay ko katabi ko kasi siya sa kotse.
"Bababa muna ako." Saad ko. Nang makababa na ako ay tumingin pa ako sa paligid. Hindi ko akalain na ganito karami ang bisitang iimbitahin ni Dad and Mom and I'm quite sure na karamihan sa kanila ay hindi ko kilala.
Nakatayo ako malapit sa labas ng simbahan ng biglang lumapit sakin si Jess.
"Bess, don't worry dadating din si Kuya baka natraffic lang." Aniya. Nabatid siguro niya ang pangingilid ng luha ko hanggang sa narinig ko nalang na sumigaw si Kuya.
"He's here..." Nang marinig ko iyon ay nabuhayan ako ng loob. Dali naman akong pumwesto at ganun din si Daddy na siya mismong maghahatid sa akin sa altar.
Tumugtog na ang wedding song na siya namang inihanda ni Dad at Mom.......naglalakad na kami papunta ng altar at halos lahat ay nakatingin sakin na tila namamangha.
Magiging masaya sana ako kung ganun rin ang nakikita kong reaksyon sa lalaking mahal na mahal ko pero HINDI dahil ang ngiti na iyon ay isa lang pilit na ngiti.
Napipilitan siya! yan ang pumasok sa isip ko.
Bahagya akong napahinto ng makita ko na may pumatak na luha sa mata niya, malayo siya pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang bagay na iyon.
Siguro ang iniisip ng lahat ng narito ay masaya lang ito but they are all wrong.
Napipilitan lang siya ng dahil sa...........magiging ANAK namin.
Kasalanan ko ito, dapat pa ba akong magpatuloy?
"Hija, may problema ba?" Nakita kong nakatingin na pala sakin si Daddy at nag-aalala ang tingin nito.
"N-No.... a-ayus lang po ako Dad. Kinakabahan lang po." Pagsisinungalin ko at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ni Johann.
Ngumiti ito sakin sabay sabing "Y-you're so beautiful." Pero alam kong sa likod ng mga ngiti na iyon ay ang kalungkutan dahil ako ang babaeng kaharap niya at hindi ang babaeng mahal niya.
Napatungo naman ako sa isiping iyon pero binigyan ko pa rin siya ng isang ngiti. Ngiti na puno ng pagmamahal!
Nagpapakatanga na ba talaga ako?
Nagiging makasarili ba talaga ako?
Ganito na ba talaga ako kadesperada para lang makuha siya? At ganito na ba ako kasamang ina para gamitin ang anak ko para lang makuha ang ama niya?
Ilan lang yan sa mga katanungan ko sa aking isipan. Alam kong may mali sa ginagawa ko pero bakit ba ako nagpapatuloy?
Patuloy lang ang seremonya ng kasal at ganun din ang pag-aalinlangan sa isip ko.
Tiningnan ko si Johann sa gilid ko pero ganun pa rin ang lungkot na namamayani sa kanya.
"Miss Shannon Raine Yu, do you take Mr. Johann Carlo Vuenavista as your lawfully wedded husband?" Ani ng pari.
Bahagya akong napahinto, what should I do? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot kaya napatungo nalang ako. Hanggang sa kusa nalang lumabas sa bibig ko ang salitang. "I-I DO"
Kung ganon, tanga pa rin talaga ako, martyr at isang makasariling babae. Tama ba talaga ang isinagot ko!
Lumingon ako muli kay Johann na ngayon ay tila natataranta na, nakita ko pang tingin ng tingin ito sa relo niya. Kung ganon, mali na naman pala ang desisyon ko.
"Mr. Johann Carlo Vuenavista, do you take Ms. Shannon Raine Yu as your lawfully wedded wife?" Narinig ko pang tanong ng pari pero wala roon ang isip niya.
Tinititigan ko siya not because I'm expecting for a yes because for sure he would decline. Nang pangalawang beses na tinanong ng pari si Johann ay lumingon ito sakin.
"Mr. Johann Carlo Vuenavista, do you take Ms. Shannon Raine Yu as your lawfully wedded wife?" Nakita kong nangungusap ang mga mata niya.
Nasasaktan siya at kasalanan ko iyon! Ngumiti lang ako sa kanya hindi dahil sa nagdidiwang ako kundi para ipakita sa kanya na Malaya na siya.
"I u-understand." Saad ko ng makahulugan sa kanya bago ako tuluyang humarap sa pari.
"No Father.....H-He doesn't"
Saad ko sa pari. Mga salita na alam kong magpapabago ng buhay ko sa mahabang panahon at sana lang ay wala akong pagsisihan dito.
"I d-don't want to imprison him with this marriage. Hindi siya magiging m-masaya." Masakit pero kailangan kong tiisin. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. "S-Shan..." Aniya. Ngumiti ako sa kanya ng mapait bago ko siya hinarap. Alam kong ito ang tamang gawin ang pakawalan siya.
"Y-you're free"
Bahagya naman siyang nagdalawang isip at tumingin pa si bandang tiyan ko. Alam kong sa simula palang ay ang bata na ang iniisip niya kaya hindi niya ako maiwan.
Oo ayokong iwan niya ako.
Oo gusto kong manatili siya sa tabi ko.
Oo gusto kong sabihin niyang mahal din niya ako.
Pero.....
Ang lahat ng iyon ay mga bagay na GUSTO KO LANG MANGYARI.
Kailangang tanggapin ko rin ang katotohanang hindi lahat ng bagay na gusto ng isang tao ay makukuha niya. Gaya ng pagmamahal na kahit paulit-ulit kong ibinigay sa kanya ay hindi niya natumbasan at naibalik man lang.
"D-Don't worry, wala kang dapat ikalito. This is the r-right thing to do." Saad ko na hindi ko alam kung kayang kong panindigan.
Deep inside my heart alam kong ayokong mawala siya. Nakita ko naman siyang tumingin sakin ng may pagdadalawang isip.
All I'm thinking in this moment na sana ay ang pagdadalawang isip niyang nararamdaman ngayon ay ang panghihinayang na mawala kami. Na sana ang pagdadalawang-isip na nararanasan niya ang magbigay sa kanya ng idea na piliiin naman ako.
Nakita kong tumalikod na siya. At ang pagtalikod niyang iyon ay senyales na pagtalikod din niya samin ng magiging anak niya.
Nakita kong nakalabas na siya ng simbahan, wala na dapat akong gawin kundi ang manatili sa pwesto ko pero kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo para sundan siya.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero sana ito na ang huli.
"Johann...." Bahagya siyang napahinto ng maabutan ko siya.
"I would just ask you one thing. At sana sagutin mo" Bahagya akong huminga ng malalim bago ako muling magsalita. Alam kong hindi ko na dapat sabihin ang mga bagay na ito dahil wala na rin patutunguhan pero kahit ito man lang ay masabi ko sa kanya.
"Bakit hanggang ngayon siya pa rin." Katangahan na kung katangahan! Alam kong kahit ano pa ang isagot niya sa tanong na iyon ay masasaktan pa rin ako.
Napatungo naman siya. "Bakit hindi mo ako nagawang mahalin? Did you ever try to work our relationship out o talagang pinaasa mo lang ako?"
Hindi pa rin siya sumasagot pero batid kong naguiguilty siya.
"I treated you as my priority but I'm always an option to you. Why can't you choose me, Johann?! Hanggang reserba lang ba talaga ako sa buhay mo!?" May paghihinanakit sa bawat tono ko. Patuloy lang ang daloy ng mga luha sa pisngi ko pero wala akong pakialam dahil ang mahalaga sa kin ngayon ay mailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya kahit sa huling pagkakataon man lang.
Sa lahat ng sinabi ko o tinanong ko wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Umiiyak na tinawid ko ang distansya namin. Ipinaikot ko ang mga kamay ko sa bewang niya ng napakahigpit.
Ang tanga ko!
Ang martyr ko!
Pero huli na ito!
"It's always been her. Ako ang nasa tabi mo pero siya ang nasa isip mo palagi. Ako ang asawa mo pero siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo. Kinailangan kong magpakamartyr para lang mapansin mo at pahalagahan mo. Pero alam mo bang lagi kong tinatanong sa sarili ko kung kailan kaya darating na ako naman...........ako naman yung mahal mo...Hindi isang gulong na laging reserba dahil wala siya at kailangan kong punan ang pagtalikod niya sayo." Bahagya ako natahimik habang patuloy parin akong nakayakap mula sa likuran niya. "Sabihin mo sakin Johann paano ba mawawala ng sakit?" Ngumiti ako ng mapait. Nakita ko naman ang gulat sa kanya pero wala parin siyang tugon.
"Dahil pakiramdam ko gaano man kita mahalin hindi ko siya kayang palitan dyan sa puso mo." Patuloy ako sa pag-iyak habang nakayakap ako sa kanya, naramdaman kong may pumatak sa mga kamay ko.
At alam kong luha iyon, umiiyak na naman siya.
Dahil ba sa pinahihirapan ko na naman siya o dahil iniisip niya pa rin si Sophia, who would it be? Siya lang naman lagi ang iisipin niya. Dahil kahit anong gawin ko siya pa rin ang mahal niya.
Nang wala akong marinig ng kahit ano sa kanya nagkapagdesisyon na ako. Siguro nga ito na talaga, kailangan ko na talagang pakawalan siya dahil kahit gaano ako katinding kumapit kung may gusto naman siyang kapitang iba ay hindi rin ako magiging masaya.
Kailangan ko na siyang palayain ng tuluyan, yung klase ng paglayang walang pananagutan. Yung paglayang magbibigay sa kanya ng lubos na kasiyahan. Gagawin ko ito para sa kanya at para sa sarili ko at sa anak ko rin.
I know letting go is hard but holding on to someone who can't love you back is harder.
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ito na ang huling beses na makikita mo akong ganito." Isang pangungusap na maaring mababaw ang kahulugan pero ang sinasabi kong huling beses, ay nangangahulugang huling pagkikita na rin namin ito dahil lalayo na ako.
Humarap siya sakin ng malungkot at walang kibo.
"I'm sorry for all the pain, sana kahit hindi na tayo maaring magsama ay hayaan mo pa rin akong maging ama ng anak natin." Aniya.
Ilang sandali pa bago ako nakasagot. Ito pinakatangang bagay na gagawin ko pero ito rin paraan para makalayo ako sa kanya ng tuluyan.
"I-I'm not pregnant." Gulat ang rumehistro sa kanya, ang akala ko ay magagalit siya pero wala akong nakitang bahid nito.
Tinatanya ko kung magtatanong siya sakin pero wala akong narinig, siguro ay masaya na rin siya na wala siyang kailangan panagutan sakin.
"Y-You're now free even though hindi ka naman naging akin kailanman. Don't expect me to tell the truth that's the only way I can do to keep you with me but I fail and we're even. You lied on our marriage as well. Isn't it invalid?" Nakita kong nagulat din siya pero batid ko ding wala siyang balak na sagutin ang kahit anong tanong ko.
"Wag kang mag-alala magiging ayos lang ako. Umalis ka na."
"S-Salamat sa lahat. Mapatawad mo sana ako." Tumalikod na siya pagkatapos niyang sabihin iyon kaya minabuti kong tumalikod na rin dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko.
Sana lang maibigay ko ang kapatawaran sayo at mapatawad mo rin ako sa ginawa ko pagdating ng panahon.
I'm sorry Johann, I lied. I'm pregnant......