CHAPTER 14

3867 Words
** As what common love stories had told, in every romance story there is a sudden changes in the plot so be ready for it because changes are really inevitable and unstoppable, no one could predict where it would happen. **SHANNON'S POV** Almost a month ng maayos ang pakikitungo sakin ni Johann, hindi na siya masungit at malaki na talaga ang pinagbago niya dahil hindi kagaya dati ay napakasweet na niya sakin. Sabay din kami halos pumasok sa office. May mga humor na nga na may relation daw kami pero ang sabi ni Johann ay wag ko nalang daw pansinin. Marami na ring nag-uusisa kung bakit kami laging sabay pumasok sa office kaya tinanong ko si Johann kung kailan niya ipapaalam na asawa niya ako. Noong una ay nagulat pa ito sa itinanong ko kaya nagtaka ako pero ng bandang huli ay sinabi nitong sasabihin daw niya iyon sa especial na paraan. "Girl, magkwento ka naman. Ano ba kasi ang meron sa inyo ni CEO. Kayo ba girl?" Pag-uusisa naman ni Lovely. As usual hindi na nagsawa sa kakatanong ang babaeng ito. Gusto ko naman talagang sabihin sa kanya pero paniguradong kakalat yun kaya wag nalang. Ngumiti nalang ako sa kanya bago sumagot. "Better go back to your table Lovely, baka mahuli ka pa ni Sir. Mapagalitan pa tayong dalawa." Saad ko dito na siya namang ikinakunot niya ng noo. "Andaya mo naman girl, friend mo naman ako ayaw mo pang magshare." Pagkasabi niya noon ay tumalikod na ito at padabog na lumabas ng opisina. Natawa nalang ako , alam kong hindi iyon galit dahil ganun din naman ang eksena namin kahapon pero okay naman kami kaninang umaga ng makita ko siya kaya paniguradong tampu-tampuhan lang iyong babaeng iyon. Lumipas ang maghapon na halos hindi kami nakapag-usap ni Johann dahil na rin sa dami ng meetings na kinaharap niya buong maghapon, halos nakakapag-usap lang kami kapag ipapaalala ko sa kanya yung next meeting niya. Pababa na ako ngayon sa lobby para magsign out na si Johann naman ay may aasikasuhin pa daw kaya ipinauna na niya ako. He even asked me to take his car pero tumanggi na ako dahil kawawa naman siya kung siya ang pagkukumyutin ko. Nang makababa na ako sa lobby ay lumabas na ako agad pero laking gulat ko kung sino ang naabutan ko sa labas. "Jonathan..."Pasimple kong bulong na nabatid ko namang narinig ni Lovely na siyang katabi ko ngayon. "Sige Girl, una na ako ha, mukhang may kailangan ka pang ayusin. See you tomorrow." Nagpaalam naman ito sakin. Ilang beses na rin kasi ako nitong tinatawagan pero hindi ko magawang sagutin lalo na kapag kaharap ko si Johann. Ilang beses na rin sinabi sakin ni Lovely na kinukulit daw siya nito patungkol sakin pero ang sabi ko nalang ako na bahalang kumausap kay Jonathan. Sa kakaiwas ko dito ay mukhang nakahalata na siya kaya naman ng minsang tumawag ito ay napilitan akong sagutin at kinausap ko siya ng mahinahon at sinabi na nagkaayos na kami ni Johann. Sinabi naman niya na wala daw siyang pakialam dun basta hayaan ko lang siyang gawin ang mga bagay-bagay para patunayan ang sarili niya. Ilang beses akong nagtago sa kanya para hindi na niya ako guluhin pero talagang makulit siya. "Hi, Raine." Nakangiti niyang bati. Hindi ko naman magawang ngumiti pero nagbigay pa rin ako ng pilit na ngiti sa kanya. Ayaw ko kasi siyang paasahin pa kaya pinipilit kong palayuin na siya habang maaga. "W-what are you doing here?" Malumanay kong tanong. Ayokong maging bastos sa kanya dahil nung mga panahong wala akong masandalan ay siya lang ang nariyan kaya naisip ko na wala naman sanang problema kung magkaibigan kami pero kaya hindi ko mapanghawakan ang pagkakaibigang yun ay dahil alam kong higit pa sa kaibigan ang gusto niya. "Can we go out for a dinner? I miss hanging out with you." "Jonathan, napag-usapan na natin ito, hindi ba?" I asked calmly as possible. "I'm not asking for more Raine, it's just a friendly dinner date. Alam kong alam mong may pagtingin ako sayo but all I'm asking for ay hayaan mo nalang ako sa ginagawa ko. I'm not doing anything wrong kaya wag mo naman sana akong itaboy." Nakita ko naman ang malamlam na mata niya kaya bahagya akong naguilty. He's right. Wala naman talaga siyang hininging kahit ano sakin maliban lang sa hayaan ko siyang ipakita sakin ang pagpapahalaga niya. Ngumiti naman ako, this is not the most genuine smile but at I know that I could still consider his friendship. "Okay. We'll have a friendly dinner date."Sabi ko na ikinalawak naman ng ngiti niya. Hindi na ako nagdalawang isip na pumayag pa dahil sinabi na rin naman ni Johann sakin kanina na baka hating gabi na siya makauwi kaya wag ko na siyang hintayin. Inakay ako ni Jonathan papasok sa kotse niya na agad ko namang pinaunlakan. Nagpunta lang kami sa isang restaurant at bahagyang nagkwentuhan. "Raine, hindi ka ba niya pinahihirapan?" Tanong niya bigla na siya namang ikinakunot ng noo ko. "I didn't mean anything else, gusto ko lang makasigurado na inaalagaan ka niya."Aniya. "I know you're concern Jonathan and I really do appreciate that. Don't worry, maayus ang pakikitungo niya sakin." Sagot ko naman dito sabay ngiti ko sa kanya. Kumain lang kami ng tahimik ng maya-maya'y narinig ko siyang magsalita. "I missed having you beside me. Alam mo ba na buong buwan akong hindi mapalagay at hindi makapagtrabaho ng maayos dahil sa kakaisip sayo.....hahaha para akong mababaliw nun dahil miss na miss na kita." Aniya na ikinagulat ko ng hawakan niya ang kamay ko na nakalapag sa mesa. "Jonathan, w-we've talked ab--" and he cut me off. "I-I k-know.....alam ko na nagkabalikan na kayo and I'm not blind para hindi ko makita na talo na ako pero hindi pa rin ako sumusuko. Anytime na kakailanganin mo ako nandito lang ako Raine, handang saluhin ka." Aniya. Hindi ko nagawang alisin ang kamay niya sa kamay ko dahil sa hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. I know that I'm not in love with him pero may kung anong nagsasabi sa isip ko na ang tanga ko kapag binitawan ko siya. "A-ayokong paasahin ka Jonathan......." Yun nalang ang tanging naisagot ko sa kanya pero ngumiti lang ito bago muling magsalita. "Don't feel guilty, isipin mo nalang na isa lang akong malapit na k-kaibigan. J-just forget my f-feelings when we're together para naman kahit papaano maging comfortable ka." Napalihis ako ng tingin ng sabihin niya iyon. Is that even possible? I don't think I could bear to act like nothing kahit na alam kong nasasaktan ko siya. "I-it'll be unfair for you if I do that..."Napatingin ako ng deretso sa mga mata niya at nakita kong nalungkot siya. Tama ako nasasaktan ko nga siya. "Jonathan.....you're so special to me kung siguro ay nauna ka lang dumating kay Johann ay paniguradong ikaw ang pipiliin kong mahalin pero may asawa na ako." Paliwanag ko sa kanya. "I don't want to be unfair at ayoko rin namang masaktan pa kita kaya pwede bang huli na natin itong pagkikit--..." Nabigla nalang ako ng bigla itong napataas ng boses. "NO! NO! I don't want you to get away from me" Aniya na nahalatang nagulat ako sa pagtaas ng boses niya mabuti nalang pala at kami lang ang nandito sa restaurant dahil ipinareserve pala talaga niya ito para samin. "I'm sorry Raine but I can't.......I-I.....Love you......sinabi ko naman diba na okay lang kahit kaibigan nalang ang turing mo sakin.....Okay na ako dun. Wala akong pakialam kahit masaktan ako basta wag kang lalayo sakin dahil hindi ko alam ang maari kong gawin sa sarili ko kapag ginawa mo iyon." Aniya na ikinatindig naman ng balahibo ko. "Jonathan....mahal din naman kita kaya ko ginagawa ang bagay na ito pero ang pagmamahal na iyon ay para sa kaibigan lang at hindi na hihigit pa. Hindi naman tama na iikot mo ang mundo mo sakin. Pamilyado na ako." Tumayo ito bigla na para bang ayaw na niya akong pakinggan pa. "L-Let's go ihahatid na kita." Yun nalang ang nasabi nito bago ako tuluyang sumunod dito para makauwi na. Nang nasa kalagitnaan ako ng daan ay hindi ko naiwasang basagin ang katahimikan. "Jonathan...." Simula ko. "If you're gonna insist na lumayo na ako sayo, I won't do that." Napabuga nalang ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa kanya. Wala na rin siguro akong choice, he's my friend after all and I don't want to lose him either. "No! I'm not going to stop you anymore, naiintindihan kita dahil naranasan ko na rin kung gaano kasakit ang magmahal na hindi ka mahalin pabalik. If you really want to be with me....I'm sorry but I can't pero kung tatanggapin mo ang friendship na inooffer ko....I will accept you wholeheartedly." Nagdadalawang isip ako ng sabihin ko iyon sa kanya dahil dalawang bagay ang pwedeng mangyari. It's either he'll accept it and act as my friend or he'll accept it just to take advantage and get me away from Johann pero alinman don ang mangyari ay wala na akong pakialam. Malakas ang pagmamahal ko sa asawa ko at kahit kailan alam kong hindi ako matutukso. "So friends?" ang huli kong sabi bago ko siya nginitian. Nakita ko naman ang pagdadalawang isip sa mga mata niya bago ako muling sinagot ng "Okay, f-friends kaysa naman mawala ka sakin. Mas mabuti na ito."aniya. ** Nang makarating ako sa bahay ay dumeretso ako sa guest room namin. Doon na kasi kami nagkwakwarto ni Johann dahil ayaw ko na dun sa dati naming kwarto. Pagkapasok ko palang ng kwarto ay tumambad sakin si Johann na kakalabas lang galing sa banyo. Nakatapis lang ito ng twalya at tumingin lang sakin ng sandali bago binawi ang tingin niya. Ano namang problema ng lalaking ito? Tanong ko sa sarili ko. Usually kasi kapag nahuhuli ang ng uwi at inaabutan ko siya ay humahalik siya agad sakin pero iba yata ang mood niya ngayon. "Hi, Hon. Kumain ka na ba?" Salubong ko rito bago ko lumapit sa kanya at hahalikan sana siya sa labi pero umiwas ito kaya sa pisngi ko lang siya nahalikan. Nakita ko namang dumertso lang ito sa drawer at kumuha ng isusuot na damit. "May problema ba Hon?" Malumanay kong tanong. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagsusuot ng damit. Nagsuot lang ito ng puting sando at nag short bago humarap sakin at nagsalita. "Go to sleep, may pasok pa tayo bukas baka malate ka pa. Anyways, hindi na kita maisasabay bukas at sa mga susunod pang araw." Aniya. Hindi ko alam pero bakit parang may mali sa kanya. Okay pa naman kami kaninang umaga kaya bakit napakacold ng pagkikipag-usap niya sakin. "May lakad ka bang importante?" Tanong kong muli rito nagtataka kasi ako kung bakit hindi niya ako maisasabay. "Can you stop asking questions? It's disgusting! Pagod ako!" Aniya sabay higa at talikod mula sakin. "I-I'm sorry..." Yun nalang ang nasabi ko bago ako tumalikod at pumuntang banyo para maghalf bath. Nang matapos akong maligo ay nagsuot lang ako ng nighties para presko saka hindi naman na dapat ako mahiya dahil asawa ko naman siya. Nang humiga na ako ay napansin kong nakatalikod ito sakin kaya sinilip ko ito pero mukhang mahimbing na ang pagtulog niya. Hindi ko alam kong anong problema niya pero bakit parang kinakabahan na naman ako sa ikinikilos niya. Matapos kong patuyuin ang buhok ko gamit ang blower ay maingat akong humiga sa tabi niya. "Johann....gising ka pa?" I asked pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nakatalikod siya sakin at wala akong magawa doon. This is really unusual, lagi kasi niya akong niyayakap simula ng magkaayos kami. Hindi kaya narealize niya na nagkamali siyang pinigilan niya akong umalis? Hindi kaya nagbago na ang isip niya tungkol sakin? Bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano ay umiling nalang ako at yumakap mula sa likuran ni Johann. Sinubukan ko itong iharap sakin at nagawa ko naman. Yumakap ako sa kanya hinalikan muna siya sa labi bago ako tuluyang humiga at binanggit ko pa ang salitang lagi kong sinasabi sa kanya. "I love you Johann, sweet dreams." Saad ko at tuluyan ng natulog ng nakayakap sa kanya. ** Madilim pa ng bigla akong magising ng maramdaman kong gumalaw ang katabi ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakatalikod na ito mula sakin at hawak ang cellphone at nakalagay sa kanyang tenga. "One moment, I'll go outside....baka magising si Shannon." Bulong nito bago tumayo siya ng kama para lumabas at dali naman akong pumikit para hindi niya mapansin na nagising ako. Nang makita kong lumabas ito ng Veranda ay tumayo ako ng dahan-dahan. Hindi naman sa pinaghihinalaan ko siya pero may kakaiba akong nararamdaman sa nangyayari kaya sinasabi ng instinct ko na kailangan kong malaman iyon. "No, hindi niya pwedeng malaman na peke ang kasal namin." Napasinghap ako ng marinig ko ang bagay na iyon. Napatakip ako sa bibig ko para hindi ako makalikha ng ingay. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko, ibig bang sabihin, pinaglaruan lang niya ako all this time? "I don't want to hurt Sophia. She's too fragile para malaman ang tungkol sa pagsasama namin ni Shannon. Ayokong masaktan siya" And that confirms everything, kung ganon bumalik na pala siya. Hindi ko alam kung kaya ko pang makinig dahil parang sapat na ang narinig ko para malaman kung bakit siya umaakto ng ganito, it's been her all along. Sabagay, he never said that he loves me. Ako lang naman ang nagsasabi na mahal ko siya eh pero never niyang sinabi na "I love you too." So, all this time nagpapakatanga pa rin pala ako. Humiga ako at dahan-dahan kong isinagawa iyon para hindi na maramdaman na gising ako. Ipinikit ko lang ang mata ko at nang maramdaman ko ng humiga siya ay bahagya kong iminulat ang mata at kagaya ng ginawa niya kagabi, nakatalikod siya ng higa mula sakin. ** Kinabukasan ng magising ako ay dumeretso kaagad ako sa banyo para maligo. Tulog pa si Johann kaya hindi ko na siya inabala pa, sa totoo lang ay nasasaktan ako sa nangyayari. Una dahil nalaman kong peke ang kasal namin at pangalawa ay ang malaman kong bumalik na pala si Sophia. Hindi ko alam kung ano pa ang lugar ko sa bahay na ito at ang masama pa ay hulog na hulog na ako kay Johann, makakaya ko pa bang iwan siya ngayong alam kong hindi ko kaya ang mawala siya? Matapos kong maligo ay dumeretso ako sa baba para magbreak fast. Pagkalabas ko pa nga ng kwarto ay nakita kong gising na si Johann pero nasa veranda ito at mukhang may kausap na importante. Nalungkot naman ako dahil parang alam ko na kung sino ang kausap niya. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya kaninang madaling araw pero gayung alam ko ng bumalik na ang babaeng mahal niya. Hindi na ako magtataka kung iiwan na niya ako. Nang makababa na ako ay dumeretso muna ako sa sala para icheck na ang oras, nadun kasi ang malaking clock. Nang makita ko ay mag-aalasais y media palang naman kaya may oras pa para mag-agahan. "Hija, nandiyan ka na pala. Halika na at kumain ka na" Umupo naman ako para magsimula na sana ng biglang magtanong si Manang. "Si Johann ba ay hindi sasabay sa iyo?" Tinanong ako nito pero hindi ako makasagot. Maya-maya'y biglang bumaba si Johann at nakabihis na ito. Mukhang naghalf bath lang ito at nagmamadali. "Hijo, kumain ka na muna." Tumingin lang siya rito. "Hindi na po manang, aalis na po ako may importante po akong lakad." Aniya. Siguro ay pupuntahan niya si Sophia. Wala akong masabi ngayon dahil alam kong wala pala talaga akong karapatan at ayoko ring dumating sa puntong ipamukha niya sakin ang bagay na iyon. "Hon, mauna na ako." Lumapit ito sakin at humalik sa pisngi ko pero bakit parang iba na ang halik na iyon para sakin? Dati parang napakaspecial nun pero ngayon ay parang wala na itong halaga, parang ang lamig ng uri ng magkakasabi niya. Naiinis ako pero wala akong magawa, gusto ko siyang kumprontahin pero hindi ko kaya dahil takot ako na baka..........iwan niya ako. "A-Ahh sige. Mag-iingat ka."Pinilit kong bigyan siya ng ngiti kahit isang pilit na ngiti lang pero mukhang hindi din niya iyon napansin. Nagdere-deretso lang ito sa paglabas ng bahay at ang likod nya ang huli kong nakita bago siya nawala sa paningin ko. ** Maghapong kong ibinuhos ang attensyon ko sa trabaho. Hindi pumasok si Johann sa office kaya halos mapuno ng tawag ang desk ko dahil sa dami ng appointment na kinailangan kong icancel. Nang papauwi na ako ay tumambad sa harapan ko si Jonathan. Nag-offer nalang ito na ihatid ako na siya namang pinaunlakan ko naman. "Is there any problem Raine?" Biglang tanong nito habang nagdadrive, napansin niya siguro na matamlay ako. "Ahh. N-Nothing. Napagod lang siguro ako sa trabaho." Sagot ko sa kanya. Ayaw ko namang idamay pa ito sa kung ano mang gumagambala sa utak niya. Isang oras din ang inabot bago kami makarating sa subdivision ko, balak ko lang sanang magpababa sa malapit sa bahay namin sa pangambang baka naroon na si Johann at masama kung makikita nitong kasama ko si Jonathan pero inisip ko na wala naman kaming ginagawang masama. Malapit na kami pero ipinahinto ko muna kay Jonathan ang sasakyan sa isang tabi ng matanaw ko ang isang hindi pamilyar na puting kotse sa tapat ng bahay namin. Sa totoo lang ay wala sana akong pakialam sa kotseng iyon maliban sa nakita kong bumaba si Johann mula roon pero ang mas ikinaigting ng bagang ko ay ng makita ko ang babaeng kasama niya. That b***h! Totoo ngang nagbalik na si Sophia, yun nalang ang naisaisip ko. Gusto kong bumaba at sabunutan ang babaeng iyong hanggang sa makalbo pero ng maalala ko ang nalaman ko tungkol sa kasal namin ni Johann ay biglang nabahag ang buntot ko. "Raine, are you okay?" Tanong bigla ni Jonathan ng mapansin ang uneasiness ko. "Wala lang ito, thank you sa paghatid ha." Saad ko rito at akmang bababa na sana ng kotse ng marinig ko ng pagtaas ng boses ni Jonathan. "THAT BASTARD!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Jonathan pero mas nabigla ako sa nasaksihan ko dahilan kung bakit ito napasigaw. They are kissing...... Natuod lang ako sa nakikita kong kataksilan at patuloy ang pagluha samantalang silang dalawa ay hindi pa rin tumitigil sa paghahalikan na parang hindi nila batid kung may makakita man sa kanila. "Akong bahala, Raine." Biglang saad ni Jonathan ng makita ako nitong umiiyak at akmang bababa ng kotse para sugurin si Johann. Dali ko namang hinawakan ang kamay nito bago pa ito makalabas ng kotse. "G-Get me out of here p-pleaseee......" Yun lang ang nasabi ko bago ako tumingin sa kanya. Kitang-kita ko naman ang awa na makikita sa mga mata niya at maging ako ay naawa sa sarili ko. This is so painful.... ** "Ssssshhhhssssss....stop crying." Kanina pa ako umiiyak at kanina pa niya ako inaalo pero parang gripong tumutulo ang mga luha ko, hindi ko mapigilan dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. "Bakit niya ginawa sakin iyon?" Iyon ang lumabas sa bibig ko. "Minahal ko naman siya ahh, ibinigay ko sa kanya ang lahat-lahat to the point na wala na akong itinira sa sarili ko. Hindi pa ba ako sapat para sa kanya?" Hinaing ko. "Hindi mo siya dapat iyakan, he didn't deserve you. Iwan mo na siya." Aniya. Bahagya naman akong natigilan ng marinig iyon mula sa kanya. Masakit para sakin ang nakita ko kanina sa mismong harap ng bahay namin pero bakit parang ayaw sumang-ayon ng puso ko sa sinasabi niya iwan ko si Johann? "I don't want you to think na ginagamit ko ang pagkakataong ito but you really don't deserve to witness that kind of betrayal. Sumama ka na sakin." Bahagya akong natahimik pero bago pa man siya magsalitang muli ay sumagot na ako. "I....I d-don't know... hindi ko alam kung kaya ko siyang iwan. M-MAHAL KO SIYA." "f**k THAT STUPID LOVE OF YOURS!" Singhal nito. "HINDI KA NIYA MAHAL KAYA WAG KANG MAGPAKATANGA! WAKE UP RAINE!" Nagulat ako sa sinabi niya dahilan para masapal ko siya. Pak.... "S-Sino ka para sabihin sakin ang ganyan, you don't have any idea kung ano ang nararamdaman ko!" "I-I'm so sorry Raine, I didn't mean to...." Anito ng mahina. "I n-need someone to lean on hindi yung taong ipapamukha sakin ang katangahan ko!" Matapos nun ay agad kong pinahid ang luha ko. Dali akong tumayo at tinalikuran siya. "S-san ka pupunta?" Tanong nito. "Patutunayan ko ang sinasabi mong KATANGAHAN KO." Pagkatapos kong sabihin iyon ay humabol pa ito bago ako makaalis. "D-Don't tell me babalik ka pa sa kanya?" tanong niya na hindi ko agad nasagot. Pero sa bandang huli naisip ko na kung hindi ako magiging masaya ay dapat ganun din sila. "I'm heading home...." Yun lang sinabi ko bago ko lumabas ng tuluyan sa bahay niya pero sinabi niyang ihahatid nalang niya ako kaya pinagbigyan ko siya. Alam kong nag-aalala lang siya sakin kaya niya ginagawa ang mga bagay na ito. "A-are you sure with this?" Tanong nito ng alangan. "D-don't worry, higit pa roon ang nasaksihan ko sa lahat ng mga nagawa niya." Naalala ko na naman ang isang karumal-dumal na ala-ala. "Hindi ako babagsak ng dahil sa isang haliparot na babae." Nang sabihin ko iyon ay nakita ko naman ang paglukot ng mukha ni Jonathan. I'm not insensitive para hindi malaman na nasasaktan ko na siya pero wala akong magawa. "I'm s-sorry Jonathan.....I didn't mean to hurt you." Naulinigan ko nalang na inihinto na nito ang sasakyan at ng mapansin ko ay nasa bahay na pala kami. "I-I'll support you kahit na m-masakit sakin dahil mahal kita pero just incase na magbago ang isip mo, yung tipong hindi mo na kaya..............j-just run away with me..." Napatango nalang ako sa sinabi niya at huli na ng mapagtanto kong hinalikan na niya ako sa labi. Ibang-iba ang halik niya kumpara kay Johann, ang halik niya ay puno ng pangungulila at sabik at batid ko ring ako ang dahilan noon, naisip ko na sana kung pwede ko lang talagang turuan ang puso ko ay siya talaga ang mamahalin ko. Hinayaan ko siya sa ginawa niyang paghalik sa akin sa kadahilanang ayaw ko siyang masaktan kung itutulak ko siya. "I'm sorry for not asking permission......" Yan ang sinabi niya sakin matapos niya akong halikan. "But.......I'm not sorry for the kiss." I don't know if this is the right decision, I know that I'm going to be hurt........pero mahal ko si Johann kaya.... I won't give him up............... Even if it means.......... Sacrificing myself....... And my own dignity.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD