CHAPTER 15

3853 Words
** Struggling starts with the stupidities of a person who are being blind by desires, wants, and Love. Being stupid is a choice not an expected outcome of your action. **SHANNON'S POV** Nang makapasok na ako ng bahay ay nakasalubong ko pa si Manang. Ngumiti lang ako sa kanya at ganun din siya matapos ay dumeretso na agad ako sa itaas. Pagkapasok ko agad ng kwarto ay nakita ko siya na nakatayo sa veranda. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa drawer at kumuha ng damit para makapaligo na ako. Almost 11 pm na kaya naman inaantok na rin ako and I don't want to talk to him at this moment, baka kung saan lang mauwi ang usapan. Dumeretso naman ako sa banyo para maligo, hindi ako sigurado kung alam niyang narito na ako pero malamang ay alam niya dahil mukhang kanina pa siya nakatayo sa veranda kaya malamang na nakita niya na umuwi na ako. Nang matapos ako makaligo ay nagpatuyo nalang ako ng buhok ko samantalang siya ay wala pa ring kibo pero ngayon ay nakaupo ito sa kama at nagbabasa ng libro. Wala kaming kibuan pero wala akong pakialam. Ngayon ko lang narealize na talaga ngang nanlalamig na siya sakin. Mahal ko siya pero hindi ko siya kayang kausapin sa ngayon, kailangan ko munang makapagpahinga pero sisiguraduhing ko paggising ko sa umaga. Babawiin ko na ang puso niya kahit hindi ko alam kung akin ba talaga iyon. "San ka galing?" Out of nowhere bigla nalang siyang nagtanong. Ako pa talaga ang tinanong niya samantalang siya ang hindi nagpakita ng buong maghapon. Ayoko sanang sumagot pero hindi naman pwedeng hindi ko siya kibuin. "Nakipagdinner lang ako sa kaibigan." Sagot ko rito na hindi man lang tumitingin. Lumapit na ako sa kama para pumwesto na rin ng higa pero pansin ko na matamang nakatingin siya sakin na parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. "Sinong kaibigan? Siya ba ang naghatid sayo na nakita ko?"Panimula niya. Kung ganun, pinagdududahan nga niya ako. Pagsisimulan pa ba ng away ito? mukhang gumagawa talaga siya ng paraan para iwan ako at hindi ko kayang payagan iyon, mahal ko siya eh ayaw kong makakita siya ng kahit maliit na butas para lang iwan ako. "Si Jonathan, siya ang naghatid sakin." Sagot ko rito sabay lapit ko sa kanya, nabatid ko kasi na nagpantig ang tenga niya ng marinig ang pangalan ni Jonathan. "Bakit mo siy--" Hindi ko na siya pinatapos at bahagya ko siyang niyapos na naramdaman ko namang ikinagulat niya. "T-Tulog na tayo, Hon. Pagod tayo parehas." Paglalambing ko at tuluyan na akong yumakap sa kanya. Ramdam kong ang panlalamig niya sakin dahil ni hindi niya ako nagawang yakapin pabalik pero iwinaglit ko nalang sa isipan ko iyon. "I-I love you.....Hon. Goodnight." This is really insane and pathetic pero mahal ko siya kaya wala akong magawa. Gusto ko pa sana siyang halikan sa labi kagaya ng lagi kong ginagawa pero hindi ko kaya sa twing papasok sa isipan ko na hinalikan siya ng babaeng iyon. Ngumiti nalang ako sa kanya ng pagkatamis-tamis kahit alam kong katangahan na ito. I need to keep him with me. Tumingin lang siya sakin ng malungkot at hindi ibinalik ang sinabi ko. Nasaktan ako doon at parang gusto ko ng umiyak dahil masakit pero hindi ko ipinahalata sa kanya. Isinobsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya at tuluyan nang pumikit. Gusto kong umiyak pero hindi pwede, masakit sa dibdib at masikip pero kailangan kong tiisin kung yun lang ang paraan para mapanatili siya. "I-I'm sorry, Shan...Good night" Akala niya siguro ay tulog na ako kaya niya sinabi iyon. Saan ba siya nagsosorry? Dahil ba sa hindi niya magawa ang sabihing mahal niya din ako? O dahil sa niloloko niya ako sa kasal na hindi naman pala totoo? At ano ang itinawag niya sakin? Shan?....nalungkot ako pero pinili ko nalang ang manahimik at ipinikit ng todo ang aking mga mata pero mas labis akong nasaktan ng tanggalin niyang ng dahan-dahan ang pagkakayakap ko sa kanya at tumalikod siya mula sakin. At doon ko na talaga hindi napigilan ang matinding sakit dahil umalpas pa rin ang mga luhang kanina pa pinipigilan at sinisikil. Tumalikod ako ng pagkakahiga mula kay Johann kagaya ng ginawa niya at para hindi niya mahalata ang pag-iyak ko. Ang sakit ng nararamdaman ko dahil alam kong kinukulong ko ang isang lalaking pag-aari ng iba. Patuloy lang ang daloy ng mga luha sa pisngi ko pero parang hindi ko ito batid dahil kusa ang pagdaloy ng mga ito na parang matagal ng gustong lumabas pero palaging pinipigilan. **JOHANN'S POV** I can't help myself but to ask her, it's been a while since I've seen her going out with that guy! Jonathan and I don't want her around that guy. For Godsake! May gusto sa kanya ang lalaking iyon. "San ka galing?"Tanong ko ng makita kong nagpapatuyo na siya ng buhok, hindi naman siya tumingin sakin pero sumagot pa rin. "Nakipagdinner lang ako sa kaibigan." Aniya. I don't know what's the matter but it seemed that she's not feeling well. Malamlam ang mga mata niya. Ano ba ang nangyari sa kanya. "Sinong kaibigan? Siya ba ang naghatid sayo na nakita ko?"I asked. I just wanted to know if she'll be honest with me. I asked myself naging honest ba ako sa kanya para magdemand ako ng ganito? I can't even believe myself acting like this when in fact I don't have the right. "Si Jonathan, siya ang naghatid sakin." Kung ganon ay siya pala ang kasama niya. Pero bakit kahit nagsabi siya ng totoo ay naiinis pa rin ako. Akmang tatanungin ko sana siya kung bakit niya kasama ang lalaking iyon pero hindi ko na naituloy. "Bakit mo siy--" Bigla nalang siyang yumapos sa akin na siya naman ipinagtaka ko. She's so sweet and I'm aware of it but I have a gut feeling that there's something bothering her. Hindi kaya? No! It's impossible for her to know that! "T-Tulog na tayo, Hon. Pagod tayo parehas." Aniya sabay yakap ng mahigpit sa akin at isiniksik pa niya ang sarili sa dibdib ko. Hindi ko alam pero hindi ko siya magawang yakapin pabalik, naguguilty ako everytime na ipinararamdam niya sakin kung gaano niya ako kamahal but here I am, a stupid man who can't even acknowledge his own feelings. Pakiramdam ko kasi ay nagiging unfair ako sa kanya. Hindi ko alam, nalilito ako sa nararamdaman ko. Naalala ko na naman tuloy kung papaano kami nagkita ni Sophia ng hindi inaasahan and that day my heart became confused. ** "Bye Hon, I just need to get to Laguna baka by tomorrow na ako makauwi. May importante kasing client dun." Paalam ko kay Shan. Masaya akong nitong mga nakaraang araw dahil pakiramdam ko ay buo na ako. I've been longing to someone who can gives attention and love to me and there she goes, ang lahat ng binalak ay parang naglaho lahat sa isip ko ng marealize ko na importante na pala siya sakin. "Okay, Hon. Mag-iingat ka dun ha! I love you" Saad niya sabay halik sa labi ko. I just can't believe that she's this sweet..... Hindi ko maisip na ganito pala siya kasarap mag-alaga, isa pala talaga akong malaking tanga ng hindi ko siya pahalagahan. "Of course, you too Hon." Yun lang ang nasabi ko sa kanya at nginitian siya, napansin ko naman na medyo tumamlay siya pero ngumiti rin sa bandang huli. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit? I know that I like her but I can't even say it in words in front of her. Para kasing nagdadalawang isip pa ako sa nararamdaman ko. I'm quite sure that I don't want her to leave me dahil importante siya pero gusto ko munang siguraduhin sa sarili ko na mahal ko talaga siya bago ko sabihin iyon sa kanya. I just don't want us to get to the point that I'll tell her that I love her when later on I'll just realize that it's not. Ayokong paasahin siya kaya tama na muna kami sa ganitong situation. Nagpaalam na ako sa kanya at tumuloy na ako. Nasa daan na ako ng tumawag ang isa sa mga staff ko na sa *****hotel na lang daw ako pumunta kaya doon ako dumeretso. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung bakit kinakailangan na doon pa magkita gayong pwede naman na sa branch ng restaurant namin roon para maidiscuss ko ang lahat. Nang makarating ako sa Hotel ay pinaakyat ako sa room 405, hindi maganda ang pakiramdam ko rito pero dahil sa kliyente naman si Miss. Geronimo ay napilitan ako. Pag-akyat ko ay nagdoorbell lang ako at nang buksan ng taong naroon ang pinto ay siya ring gulat ang rumehistro sa mga mata ko. "S-SOPHIA?" Ang buong akala ko ay walang koneksyon ang apelidyong Lagasca sa kanya pero tama pala ang nasa isip ko. ** Natigil nalang ako sa pag-iisip ng marinig ang sinabi ni Shan at doon ako lalong naguilty. Is this really has to happen? I-I love you.....Hon. Goodnight..." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya hindi nalang ako umimik. Nakita ko naman na parang nasaktan siya sa inakto ko. I don't want her to feel this way pero wala akong magawa. Masasaktan ko lang siya kung magpapatuloy ito. Kailangan ko na sigurong mamili. Nang mapansin kong isiniksik pa nito ang mukha niya sa dibdib ko ay napagtanto kong nasaktan ko nga siya. Hindi ko alam kung umiiyak siya pero ramdam ko ang nginig sa katawan niya. Gusto ko sana siyang haplusin sa likod pero hindi ko ginawa dahil natatakot ako na mabigyan pa siya ng false hope sa relasyong ito. I need to set her free pero may parte sa utak ko na sinasabing wag kong gawin iyon. I'm confused! "I-I'm sorry, Shan...Good night" That's all I could composed to say. Inalis ko ang pagkakayakap niya sakin at tumalikod ng higa sa kanya. Naramdaman ko ang pagtalikod din niya sakin. Batid ko na hindi pa siya tulog at ang huli kong naramdaman ay ang bahagyang pagkislot ng katawan niya sa kama. Hindi ko alam pero lalo akong naguilty at nasaktan ng marinig na kumawala ang isang mahinang paghikbi na halatang pinipigilan niya. Nalungkot ako at nagpasya nalang na ipikit ang mga mata ko sa pag-asang paggising ko bukas ay ayus na ang lahat. **SHANNON'S POV** Dalawang araw na ang lumipas pero wala paring pagbabago although ganun pa rin ang routine ng buhay namin ni Johann. Pero sinubukan kong mas maging maasikaso at malambing kahit na alam kong nanlalamig na siya sakin. "Ahh....Hon, yun nektie mo aayusin ko saglit." Tumingin naman siya sakin at ng kukunin ko na ang nektie niya na medyo paling ang pagkakaayos ay bigla nalang ito lumayo. "No. I can manage." Aniya. Bahagya akong nalungkot pero sinubukan ko parin. "Akin na kasi, ang tigas naman ng ulo ng mahal ko." Saad ko sa kanya sabay lapit sa kanya at sinimulang ayusin ang kurbata niya. "Oh yan tapos na." Bahagya pa akong napatingala sa kanya at pansin ko ang pagtitig niya na iniiwas niya sakin ng tumingin ako. Sa isip ko ay mukhang si Sophia parin talaga ang mahal niya pero kailangan kong lumaban. Dali kong kinabig ang mukha niya at binigyan siya ng halik sa labi. Nakita ko naman na bigla itong napalayo sakin ng gawin ko iyon. Nang tumalikod ito ay nasaktan ako pero ng sabihin nito na "D-Don't do that again." Mas masakit pala na parang pinandidirihan ka na ng taong mahal mo. Aaminin kong nangilid ang luha ko pero pinawi ko kaagad iyon bago nagsalita muli. "Haha...N-Nahiya ka pa s-sakin...ayus lang iyon. M-Mag-asawa naman tayo diba?" Idinaan ko nalang sa tawa pero halata ang pagkakabulol ko sa bawat salita dahil sa iniiwasan kong ang maiiyak na naman. Makahulugan ang tugon kong iyon. Pero ni hindi siya tumingin sakin at nagderetso nalang palabas ng bahay. Ang huli ko nalang narinig ay ang paglabas ng sasakyan niya sa gate. Hindi na niya ako pinapansin. Alam ko naman na nariyan na si Sophia at bumalik na pero ayaw kong mapunta lang siya sa ganung klaseng babae. Wala akong balak pumasok ngayon sa trabaho dahil alam kong wala rin naman siya sa opisina. Sinundan ko siya noong isang araw at napatunayan ko na nagkikita nga sila ng babae niya. Gusto ko sanang komprotahin si Sophia pero alam kong ako ang matatalo kapag nagkataon. Nagdial ako sa cellphone ko. I need to make a move before mahuli ang lahat. Kung peke man ang kasal naming pwes gagawin kong totoo. "Hello?" Saad sa kabilang linya. "Hello po Dad?" Tugon ko. Tinawagan ko ang papa ni Johann. Hindi ko kayang kumilos mag-isa kaya kailangan kong maging mautak. "Napatawag ka hija? Do you need something? O baka naman may problema kayo ni Johann?" Aniya ng tila nag-uusisa. "Naku, w-w ala po kaming problema. I j-just need your help po sana. Dad" "Anything hija?" Aniya. Napahinga naman ako ng malalim bago ako sumagot. I need to do this. This is the only way para hindi siya mawala sakin. "C-Can you set us a church wedding?" Tanong ko rito. "Ohh...kung ganun ay gusto niyo na palang magpakasal sa simbahan ng anak ko. Bakit ikaw ang tumawag, dapat siya ang nagdidiscuss sakin sa bagay na ito." Aniya na nagtataka. "No Dad. He doesn't know anything about this plan. I just want to surprise him sa araw ng kasal." "Sigurado ka ba hija?" Tanong ni Dad. "Yes Dad. Sana po ay hindi niya malaman ang tungkol dito, ipapaalam ko sa kanya, the day before the wedding." "D-Don't you find it risky, Hija?" Tanong bigla ni Dad. Hindi kaya may alam siya? "N-No Dad, kung m-mahal niya ako darating siya." Yun lang ang sinabi ko, this is really risky indeed pero susugal ako. "It seems that you really are determined." Aniya. "When do you want me to set your church wedding on?" Nag-isip naman agad ako bago sumagot, it has to be set ASAP. "As soon as possible Dad, a month later kung kakayanin po." "O-Okay then, ako na ang bahala sa lahat."Aniya. "Thank you po, Dad." Pagkatapos nun ay hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi. "Goodluck hija..." And he hung up the call. ** Lumipas ang magdamag pero wala ni HA ni Ho na message galing kay Johann. Hindi siya umuwi at wala man lang paalam. Nasasaktan ako sa naiisip ko na baka magkasama na naman sila. Sumapit na naman ang umaga at kailangan ko na namang pumasok. Maya-maya'y tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot na hindi man lang tinitignan ang caller. "Hello, Raine?" Bungad niya kaagad. Ang akala ko ay si Johann ang tumawag pero ng tingnan ko ang pangalan sa cellphone ko ay nagkamali ako. It's Jonathan. "Jonathan, napatawag ka?" I asked. Sa ganitong kaaga ay tumawag ito kaagad kaya nakapagtataka talaga. "Good morning. Pasensya ka na kung nakaabala ako Raine, I just need to show you something." Nagtaka naman ako kung ano ang ipapakita niya sakin. "Ahhmmm....I'm sorry Jonathan pero may pasok pa kasi ako ngayon ehh. I can't go to see you" "You don't have to. Nandito na ako sa labas ng gate niyo, ihahatid na kita sa office mo." Aniya. Kung ganon wala pala talaga akong choice. "Okay then, palabas na ako." Nang makalabas na ako ay agad akong pumasok sa kotse niya. "What's going on, ano ba ang ipapakita mo sakin?" Nakatingin naman siya sakin na parang nag-aalangan. "M-Mamaya ko na ipapakita sayo pagdating natin sa building niyo." Aniya. Parang kinabahan naman ako kung ano ang sinasabi niyang ipapakita niya sakin na hindi pa niya ipinakita ngayon, hinayaan ko nalang pero parang nagdadalawang isip ito dahil tingin siya ng tingin sakin habang nagdadrive. "I k-know there's something bothering you. Better to tell me now before I got pissed off." Dali naman nitong inihinto ang kotse bago tuluyang tumingin sakin. "J-Just promise me that you won't get mad at me kapag ibinigay ko na sayo ang bagay na iyon." Hindi ko man alam ang tinutukoy niya ay napatango nalang ako. Nagulat naman ako ng kunin nito ang isang brown envelope sa likurang bahagi ng sasakyan. Hindi ko ito napansin dahil narin siguro sa wala akong kaide-ideya sa kung ano ang bagay na kailangan kong makita. Dali naman niya itong ibinigay sakin na halata ang pag-aalinlangan. Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ito ng iabot niya pero sa bandang huli ay nadala rin ako sa curiousity ko kaya binuksan ko ito. Kaagad na pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng makita ko ang larawan ng dalawang taong makatabi sa kama na kapwa parehong walang suot na damit. Doon na tuluyang tumulo ang luha ko at napahagulgol, naramdaman ko naman na inalo ako ni Jonathan pero hindi iyon sapat para maalis ang lahat ng sakit sa dibdib ko. Sobra na! ** Nang makarating ako sa opisina ay dumeretso ako agad sa table ko. Tiningnan ko ang opisina ni Johann pero wala pa rin siya kaya napilitan akong tawagan siya sa cellphone niya pero nagriring lang at walang sumasagot dito. Sinubukan ko ulit tawagan hanggang sa may sumagot na. Natuwa ako nung una sa pag-aakalang siya ang sumagot pero napawi ang ngiti ko ng marinig ko ang boses ng babaeng matagal ko ng kinamumuhian. "Hello." f**k that b***h! Siya ang sumagot marahil hindi niya alam na ako ang tumawag dahil ang telepono dito sa opisina ang ginamit ko sa pagtawag. "H-Hello, can I talk to Mr. Vuenavista?" Saad ko na hindi pinapahalata ang tension na nararamdaman ko. "Who's this? He's in the shower room. Mag-iwan ka nalang ng message at ako na magsasabi sa kanya." Saad pa nito sa mababang tono. She's so plastic! Kunwaring mabait kung hindi ko lang alam ang totoong ugali niya. "I-It's his S-Secretary, I just wanted to inform him about his schedules. By the way, s-sino po kayo Ma'am." Tanong ko, kanina pa ako nangigil sa galit pero pinipigilan ko lang hanggang sa sumagot siya. "It's his Girlfriend Sophia." Saad nito. Nangingilid na ang luha ko pero tuluyan na itong bumagsak ng marinig ko ang isang baretonong boses ng lalaki sa kabilang linya. "Who's that hon?" Tanong ng lalaki at hindi ako magkakamali kung sino iyon. Hon? Kung ganun talagang ipinagpalit na niya ako "It's your secretary." Nakikinig lang ako hanggang sa marinig ko na ang boses ni Johann sa kabilang linya. "H-Hello, Shan?" Nginig ang boses nito. Hindi ko napigilan na mapahikbi hanggang sa hindi ko na naiwasang gumaralgal ang boses ko. "H-hello, S-sir...I...I...j-just need to i-inform you....abou--" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ng hindi ko naiwasang mapatakip sa bibig ko. Alam kong alam na niya ang dahilan kung bakit ako tuluyang umiyak. "L-Let's talk later." Yun ang huli kong narinig bago tuluyang nawala ang kausap ko sa kabilang linya. Is this what I get for loving him so much? ** Nakatulala lang ako habang nakaupo sa desk ko, lutang ang isip ko hanggang sa naramdaman ko nalang na biglang may tumapik sa balikat ko. "Girl, bakit parang namumutla ka? May problema ba?" Nasa harap ko na pala si Lovely. Napaisip ako, ilang linggo na rin siguro akong ganito na parang wala sa mood at walang gana sa pagkain kaya siguro namumutla na ako. "O-Okay lang ako medyo pagod lang siguro." Napatango nalang ito pero parang hindi kumbinsido kaya hinawakan ako nito sa leeg para siguro tingnan kung may sakit ako. "Girl, napapansin na kita this past few weeks na medyo kakaiba ang kilos mo ha. Magsick leave ka kaya muna for this day para makapagpacheck up ka. Last week natatandaan mo nagsuka ka ng nagsuka, and then nung isang araw naman nahilo ka nalang bigla." Aniya. "Kung hindi ka nga lang single ay iisipin kong buntis ka." Tugtong pa nito na siya namang ikinakaba ko. Kailan nga ba ang huling menstration ko? "Ahh L-Lovely, anong date ngayon?" Nakita ko naman na gulat ang expression nito kaya dali akong nag-isip ng palusot. "Para kasing may nakalimutan ako na ipinapagawa ni Mr. Vuenvista, alam mo naman yun baka mamaya eh hindi ko maipasa sa tamang petsa."Nakita ko namang napaniwala ko ito. "Naku naman Girl, akala ko tuloy buntis ka na. it's June 26" Aniya. At ngumiti lang ako. "O siya, babalik na ako sa desk ko at marami pa akong payroll na kailangan trabahuhin. Magsick leave ka nalang hah, magpacheck-up ka, hindi tamang nasosobrahan ka sa trabaho." Saad niya at tuluyan ng umalis. Nang makaalis siya ay hinakot ko na rin ang mga gamit ko at daling tumawag sa Hr. para ipaprocess ang sick leave na nirequest ko at deretso na akong lumabas ng company. Pumunta ako sa pinakamalapit na hospital para magpacheck. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng test pero ganun pa man ay kailangan kong malaman kung totoo ang nasa isip ko pero parang impossible talaga dahil negative ang result ng pt ko last week, baka may problema lang sa menstration ko. Nang makarating ako sa Saint's luke medical center ay nagpunta ako agad sa info desk para tanungin kung saan ang Gynecology dito at iniassist naman nila ako. Nang makapasok ako ay kinakabahan ako dahil halos lahat ng mga babae dito ay may kasamang mga asawa samantalang ako ay mag-isa lang. "Misis Yu..." Tawag bigla ng secretarya ng doctor kaya naman tumayo na ako at iniassist na ako nito papasok sa kwarto kung nasaan ang doctor. "Maupo muna kayo misis." Saad ng doctor. "Nasaan pala ang asawa mo?" Tanong nito bigla. Nang hindi naman ako nakasagot ay hindi na nag-usisa pa ang doctor. "Pasensya na misis, okay then let's get started." At tumayo na kami para isagawa ang tests. Nang matapos ang test ay pinalabas lang muna ako nito pansamantala at makalipas ng 30 minuto ay tinawag akong muli para sa resulta. "Congratulation Misis. You're 6 weeks pregnant." Napalunok ako ng sunod-sunod bago magsink in sa utak ko ang lahat. "Aren't you mistaken Doc? Last week nag pregnancy test ako but it turned out negative." Sagot ko rito totoong sinubukan kong magpregnacy test last week pero negative ang lumabas doon kaya hindi ako nagduda. Sa katunayan ay nagpunta lang ako rito para malaman kung bakit delay ako samantalang hindi naman ako irregular. "I'm quite sure misis, often, pregnancy test kits are inacurrate kaya mas suggested po talaga na na magpatingin sa OB for an accurate result." Saad naman nito. "Congratulation again misis." At ngumiti lang ito.Pagkalabas ko ng hospital ay hindi ako makapaniwala. I just can't believe that there is a baby in my womb already. Napaluha nalang at napahawak sa tyan ko na may kaliitan pa at napaisip na baka ito na ang sagot sa lahat ng problema ko. This precious thing might be the answer to my problems..... **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD