**
Romance is a great thing to experience. But just because it's great doesn't mean that we can enjoy it whenever and however we please. Like all the other great gifts from God has made, romantic love can be misused.
**SHANNON'S POV**
"Raine..." I heard a very manly voice waking me up from sleep.
"Raine...." This time ay marahan na ako nitong niyugyog. Ayaw ko pa sanang gumising dahil sa sobrang bigat ng talukap ng mata ko pero ng maramdaman ko ang mainit na hangin na dumapo sa tenga ko ay doon ako napamulat. "Hey....sweetie gising na." He said that in a very husky voice.
Agad akong dumilat para malaman kung sino yun, I never heard anyone calling me sweetie neither my brother nor Johann. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Jonathan na nagpipigil ng tawa. Fuck...what I'm doing in here, tiningnan ko naman ang sarili ko at nagulat ako ng iba na ang damit ko. Sh*t what happened last night? "J-Jonathan? What am I doing here? Where are we?"
Ngumisi naman siya at umupos sa tabi ko. "You're in my room, have you forgotten?" kinilabutan naman ako sa mga sinabi niya. Nanlaki agad ang mata ko ng sabihin niya iyon. Agad ko namang kinapa ang dibdib and f*ck wala akong suot na bra. Hindi kaya?
Tumawa naman "Easy there." Anya. "I didn't do anything to you. I just brought you here because you fell asleep last night. I didn't bother to bring you home because I don't want to see your husband's face baka makasapak pa'ko."
"Don't worry, hindi ako ang nagpalit sayo, I asked one of my female neighbor para palitan ka. Close kami nun kaya okay lang. And the one you're wearing now is my sister's. I got that from the closet. Minsan kasi dito siya tumutuloy kapag vacation niya. Since mas malapit 'to sa office tong condo ko kaya dito muna ako nagstay." Aniya. "A-are you sur--, thank you." Tatanungin ko sana kung wala talagang nangyari pero pinili ko nalang manahimik at magpasalamat baka kasi isipin niya na gusto ko pang may mangyari nga saming dalawa. Kung ganun, dito pala talaga ang condo niya ang akala ko kasi dun talaga siya nagstay sa kabilang bahay katabi ng bahay namin nila papa sa Makati.
"Nga pala, it's 10 am in the morning, alam kong may pasok ka kaya naghanda ako ng breakfast sa baba. May damit na rin dyan sa closet ikaw nalang mamili ng susuotin pinadryclean ko pa kasi yung damit mo na nasukahan kagabi. May mga new undies din dyan at may extra towel din. Feel free, hantayin nalang kita sa baba."Anya at lumabas na ng kwarto.
Umiling nalang ako at hinawakan ang ulo ko na medyo masakit pa. Tanga ko naman kasi, bakit pa kasi ako uminom eh alam ko naman na malalasing ako ng todo.
Nakita ko naman agad ang bag ko sa itaas ng table sa tabi ng kama kaya kinuha ko ito. Nakita ko pang may ilang miscalls galing sa landline namin sa bahay pero hindi ko na iyon pinansin. Malamang na nag-aalala lang si Manang, napakaimposible kasing si Johann ang tatawag dahil kung gusto niya ay pwede naman niyang gamitin ang phone niya.
Napasinghap nalang ako ng makita ang loob ng closet. It's Friday kaya okay lang na magcivilian ako pero paano ko naman isusuot ang ganitong klaseng damit. Napakaikli ng mga ito, parang labas na ang kaluluwa ko kapag sinuot ko ang dress na ito, hindi ako baduy but I never wore something like this in my whole life. Pero wala naman akong magagawa kailangan kong pumasok kahit half day lang.
Kinuha ko nalang ang pinakasimple at medyo hindi revealing na damit kahit na para sakin ay sexy parin masyado. Naligo ako ng kalahating oras lang siguro, yung tama lang para maisaayos ko ang sarili ko.
Sinuot ko ang fitted Royal Blue dress na hanggang kalahati ng hita ko. Buti nalang at may mga cycling din ang kapatid niya kaya sinuot ko rin iyon. Nilugay ko lang ang buhok ko at nagapply ng kaunting make up at lipstick. Nasa ibang bahay ako kaya kailangan kong maging presentable.
Naiilang parin ako sa suot ko kaya hindi ko maiwasang hilahin ito pababa pero wala naman din iyong magagawa kaya tinanggap ko nalang na suot ko ito ngayon. Sabi ng ni Mister Enriquez I just need to be confident kaya yun ang gagawin ko, parang practice narin ito.
I smiled at the mirror at tinawagan ko muna si Manang bago ako bumaba.
"Hello, manang?" Sabi ko ng sagutin nito ang tawag.
"Jusmiyo kang bata ka!" Untas ni manang. "San ka ba natulog? Alam mo bang alalang-alala ako sayo dahil hindi ka umuwi. Nasigawan pa ako ni Johann ng tanungin ko siya kung alam niya kung saan ka nagpunta."
"S-sinigawan po kayo ni Johann?"Di ko makapaniwalang tanong. Kahit ganun ang attitude ni Johann sakin, I never seen him disrespect elders maging si Manang.
"Oo, pero humingi naman siya ng tawad agad. Mainit lang daw ang ulo niya dahil sa trabaho sa kumpanya. Hindi naman na siya nag-usisa tungkol sayo pagkatapos nun." Ani manang.
I sighed. Wala pa rin talaga siyang pakialam sakin "Sige po. Napatawag lang po ako para sabihing ayos lang po ako. Nakitulog po ako sa isang kaibigan ko po. Uuwi po ako mamaya." Magalang kong sabi.
"Oh sige. Nasa office ka ba ngayon hija?" Tanong naman nito.
"Papunta pa lang po. Nag-Half day po ako ngayon." Sabi ko. "Mag-ingat ka." Ani nito. "Opo. Bye na po." Sabi ko saka pinatay ang linya.
Nilagay ko na sa bag ko ang pone ko at bumaba na. Nakita ko naman na kaagad si Jonathan na naghihintay sa hagdan.
"You look different, kind of hot, you know." Namulala niyang turan. Ngumiti nalang din ako sa papuri niya. "Thanks. I'll take that as a compliment."
"Let's get a quick breakfast first bago kita ihatid sa office mo."
Inalok pa ako nitong magbreakfast at pinaunlakan ko naman, sandali lang kami kumain dahil may pasok pa kami sa trabaho kaya agad din kaming umalis. Nang makaalis kami sa bahay niya ay napatingin pa ako sa gawi ng dati naming bahay. Matagal na kasi akong hindi nakakabisita dun kaya medyo nalungkot ako.
Sumakay naman ako agad sa kotse at puro kwentuhan lang kami ni Jonathan sa loob nito.
"Thank you for everything especially last night." Sabi ko ng ihinto niya na ang kotse sa tapat ng kumpanya.
Ngumiti siya. "It's nothing. I don't want to see you crying kaya hindi mo kailangan magpasalamat. It's my thing to do." Aniya bago ako tuluyang bumaba. Kumaway pa ito hanggang sa pumasok na ako sa kumpanya.
Nagoffer pa nga ito na ihatid ako hanggang sa loob pero ang sabi ko ay wag na dahil kailangan na din nitong pumasok sa trabaho. Ang alam ko ay isa siyang model pero hindi ko alam kung saan.
Magmula lobby, elevator at hanggang sa loob ng department ko ay tinitignan ako ng mga tao, naguguluhan ako kung bakit ganun ang klase ang pagtingin nila sakin lalo na ang mga lalaking empleyado.
Nang marating ko naman agad ang desk ko ay umupo ako agad para asikasuhin ang lahat ng mga pending papers na hindi ko nagawa nitong umaga.
"Anong meron?" Tanong bigla ni Lovely. Hindi ko napansin na nandito na pala ito sa harap ko.
"Huh? Ako nga dapat ang magtanong niyan, kanina pa sila tingin ng tingin sakin. Ano bang meron?" balik tanong ko naman dito.
"Hindi mo talaga alam?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
Umiling ako and she sighed. "Girl, sa ayos mo ngayon, talagang pagtitinginan ka at mapapalingon kahit sino."
Lumayo na ko sa kanya at binuksan ang computer ko. "Yun lang pala, ngayon lang ba sila nakakita ng taong nakadamit?" Sarkastiko kong sagot.
Siya naman ang lumapit sa desk ko lalo. "Hindi lang yun noh."Anya. Ano ba kasi ang problema sa suot ko. Maganda naman, hindi naman kabastus-bastos medyo sexy pero presentable naman.
"Eh ano pa?"
"Si Mr. Vuenavista lang naman sobrang init ng ulo kaya ang entrance niya kanina ay as in SUPER DUPER grand scary entrance ever happen in here tapos ikaw naman itong si Miss professional boring girl turned into Miss Hottie chick na nag-grand entrance na parang wala lang kaproble-problema samatalang kami dito, nangatog na ang mga pantog sa takot kay SCARY MR. CEO." Anya with matching action pa. "Kung nandito ka lang kanina at narinig mo ang terrifying niyang sigaw tapos nakita mo yung scary look niya ay naku girl, magtatago ka sa desk mo. Yung parang may lindol na 21 ang intensity level."
I sighed. Kung pwede ko lang sabihin na hindi lang sa sigaw ni Johann ako sanay kundi pati sa mga masasakit na bagay na dinulot niya sakin ay sasabihin ko. Sa inaraw-araw ba naman ng buhay ko bilang isang secretary at isang asawa ng lalaki iyan ay higit pa ang naranasan ko kumpara sa kanila.
"f**k that, Joshua!" Kung hindi ako nagkakamali ay si Johann iyon. "It's as simple as that, is it too hard to understand?!" Nakita namin si Johann na kausap si Joshua, General manager. Bihira kong makita yan kasi sa operation siya nakaassign kaya siguro nagpunta dahil may report na kailangan si Johann.
Lumapit ulit sakin si Lovely "I told you. Ang lakas ng sigaw niya, NAKAKATAKOT! Sige na babalik na ako sa desk ko, baka mahuli pa ako. Good luck sayo." Sabi nito sabay labas sa pinto.
Napailing nalang ako ng makita kong papunta na si Johann sa gawi ko malamang ay papasok na ito sa opisina niya. Inayos ko nalang ang mga papel na kakatapos ko lang pagsunod-sunurin.
"Hey, I thought you'll be absent today." Nagulat pa ako ng imbis na si Johann ang makita ko ay si Mr. Enriquez pa ito. Nakita ko naman na deretsong pumasok si Johann sa opisina niya at padabog itong isinara.
"I'm sorry po, na-late po ako ng gising kaya naghalf day ako." Sabi ko naman dito.
"Well, as it was said yesterday, your sample photo-shoot will be happening today. Be ready." Anya. "This is the best opportunity, Grab you bag now, we'll be going to the set."
"Bakit kailangan ko pa pong dalin ang bag ko?" Nagtataka kong tanong dito.
"Sa 10th floor ang sample set studio natin." Simple nitong tugon.
"Carlo!" Inaayos ko ang bag ko ng marinig ko ang boses ni Johann sa pagtawag ni to kay Sir Enriquez. Kalalabas lang nito mula sa opisina mukhang may kinuha lang na gamit pero halata dito ang init ng ulo.
"O Johann, we'll be going to the set right now, sasabay ka na ba?" tanong naman ni Sir Enriquez ng mapatingin ito kay Johann.
Unti-unti ko namang kinuha ang bag ko at tumayo na rin. Nakita ko ang mapanuring mga mata sakin ni Johann. Tinignan ako nito from head to toe, ano namang problema niya sakin? "I don't wanna waste time. Let's go." Usal nito at naglakad na kami. Nakasunod lamang ako sa kanilang dalawa.
Nang makarating kami sa set ay tinignan ako agad ng photographer na lalaki. Nakita kong sinusuri na ako nito kaagad hindi pa man nagsisimula.
Kinuha naman ni Sir Enriquez ang bag ko at inilapag ito sa gilid matapos ay inutusan ang make-up artist na ayusan na ako. "Pakiayusan na siya as fast as you can. Our CEO is in very very impatience mood right now kaya ayusin niyo." Ani ni Sir Enriquez na halatang hininaan ang huling sinabi para hindi ito marinig ni Johann. Agad namang tumalima ang mga ito na halatang natakot sa sinabi ni Sir.
Pagkatapos akong mabihisan at mamake-upan tiningnan ko ang sarili ko sa reflection ng salamin. Simpleng white dress na above knees ang sinuot sakin, kinulot ang buhok kong straight tapos konting make-up lang na nagustuhan ko dahil napaganda ng pagkakaayus. Parang ngang hindi na ako ito.
"You're really Beautiful."
Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Jonathan na nakatayo roon. What is he doing here? Naka black fitted sando lang ito at grey polo na nakabukas sa ibabaw, isang gray shorts and black canvass shoes naman ang suot nito.
"J-Jonathan?"
Ngumiti naman ito. "You look prettier when you have make-up." Ani nito. "But I like your simplicity best." Napangiti naman ako sa sinabi nito.
Pero ano naman ang gagawin niya dito?
"Hindi ko ba nabanggit na model ako?" He stated.
"Alam ko pero dito ka magtatrabaho?"I astonishingly asked. "Yes, but only for the day, nagsign ako ng contract last day dito, hindi ko naman na nabanggit dahil nakalimutan ko rin." Aniya. "Ahh. So that's the reason, kala ko iniistalk mo na ako eh" Biro ko pa dito pero tumawa lang ito at sinabing. "Pwede rin. Sa ganda mo ba namang yan why not." Pinamulahan ako roon kala ko kasi itatake lang niya as a joke.
"Oh you're both here, I'm sorry Shannon, I forgot to tell you, it's a pair photo-shoot." Ani Sir Enriquez. "The concept would be everlasting love. Remember that we are promoting scents kaya kailangan ipakita niyo ang langhap ng pagmamahal. God! It's kind of awkward in my part to explain this. Basta galingan niyo nalang, ang photographer na ang bahalang mag-explain kung anong pose ang maganda." At umalis na siya.
Tumingin naman ako ulit kay Jonathan at ang loko nakangisi. "So, I'm right, you're a model." Tumango naman ako. "Just for the day also." Paliwanag ko naman.
"Newbie huh? I'll take a good care of you. Don't worry, professional yata ako." Aniya na nagmamalaki pa. Napatawa naman ako, he never fails to amuse me.
Bigla naman niya akong inakbayan papunta sa set para makapagsimula na, hinayaan ko nalang siya tutal magkaibigan naman kami eh.
Nang makarating kami sa set ay humarap kaagad ang photographer samin at sinuri kami. He even complimented us. "You two look good together. It's a good combination. IT'LL BE VOGUE, I SWEAR!" Sigaw naman nito at napatingin pa samin ang lahat ng staffs including Johann na kausap ni Sir Enriquez. Nakita kong sumama ang tingin nito ng makita kung sino ang kasama ko.
Tumingin naman sakin si Jonathan at awtomatikong napatingin rin ako dito. Napansin siguro niya ang uneasiness ko. Ngumiti siya sakin at ginantihan ko rin naman siya ng ngiti.
"Let's start this." Rinig ang ma-awtoridad na boses ni Johann. "I still have another appointment after this." Syempre alam ko namang may mga appointment siya. Ako kaya ang nag-aayos ng mga schedule niya pero he still have an hour bago iyon kaya anong problema niya.
Nakita ko naman na agad na nataranta ang mga staffs sa pag-aassist para maagang matapos ang photo-shoot na ito. Dinala nila kami sa Gitna may white background na roon. Naninibago pa ako sa mga lights pero ng hawakan ni Jonathan ang kamay ko na parang sinasabing ako ang bahala sayo at nakampanti na ako.
"All you need to do is to smile and I'll take care of the rest."Ani ni Jonathan.
"Okay! Just keep posing, I'll just keep on clicking. Remember the concept. IT'S LOVE so give me that!" Ani ng photographer.
Sinunod namin ang sinabi nito. Ngumiti lang ako habang si Jonathan ang gumagawa ng mga pose. Nagulat nalang ako ng hilahin ako ni Jonathan papunta sa lap niya kaya ang naging itsura namin ay parang couple na naglalambingan. Ipinasalikop pa niya ang mga braso ko sa kanyang leeg at lumapit na kaunti sakin.
"Look at me." Utos niya at tumingin naman ako sa kanya na iniiwasang mawala ang ngiti. I need to compose my smile. I was shocked to his next move, he move closer to the point that our lips are nearly touched pero isinaayos ko nalang ang sarili ko. I need to do this. This is what models should do. There's no room for awkwardness.
Pinagdikit niya ang noo namin at hinawakan niya ako sa braso at nakangiting pinadausdos ang kamay niya papunta sa kamay ko. "Lift up your chin and show me your neck." Utos niya ulit sakin.
Bahagya pa akong kinilabutan ng maramdaman kong dumikit ang labi niya sa leeg ko pero hinayaan ko lang dahil mukhang nagustuhan ng photographer ang ginagawa namin.
"PERFECT! JUST KEEP ON DOING THAT!" Sigaw ng photographer. Maya-mayay naramdaman ko nang umaakyat ng kamay ni Jonathan sa likod ko.
"ENOUGH!"
Sabay kaming napatingin ni Jonathan kay Johann. "That's enough for a sample photo-shoot. I still have things to do. Let's just discuss this at the board tomorrow." Anya.
"Is he really that impatient?" Narinig ko pang bulong ni Jonathan sa gilid ko.
I sighed. "Oo, sanay na ako dyan. That's not new for me."
"Sabi ko naman kasi sayo eh sumama ka lang sakin ilalayo kita." Hindi ko alam kung biro ang sinabi niya pero napailing nalang ako.
I just norrowed my eyes and he chuckled. "I know you're married. I know you're off limits...but I can't control myself." Anya. "I don't wanna see you in pain." Lumapit siya ng kaunti at bumulong sakin. "Just allow me and I'll run away with you."
Nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang biglang paghila sa braso ko.
"Miss Yu." Ani Johann
Feeling ko ay tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagtingin niya sakin, ng tumingin naman ako kay Jonathan ay nakikipagsukatan na ito ng tingin kay Johann.
"S-Sir Vuenavista." I uttered.
"Come to my office, immediately." Mariin niyang sabi at tinignan niya si Jonathan.
Akmang hihilahin na ako nito ng biglang maramdaman ko ang paghawak din ni Jonathan sa kaliwang braso ko.
"Let her off." Mariing saad ni Johann kay Jonathan. Base sa nakikita ko ay hindi maganda ang nangyayari dahil pinagtitinginan na kami kaya tumingin ako kay Jonathan. "Sige na Jonathan, bitawan mo na ako." Nakita ko naman ang mata nito na nag-aalinlangan. "But..." aniya. "Sige na. I can handle this." Matapos nun ay nagsalita pa siya kay Johann. "I believe that you can take care of your employees right?" He smirked as he said that bago niya ako binitawan. "Just text me when you need me Raine."
Tumango ako and I slightly smiled.
Bigla nalang akong hinila ni Johann at deretso kaming pumasok sa elevator pababa sa floor namin.
Tumingin naman ako kay Johann "What was that for?"Tanong ko rito. Hindi ito sumagot pero tiningnan ako nito ng masama. Pagkarating na pagkarating namin floor naming at agad ako nitong hinila.
"J-Johann..." sambit ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga empleyado.
Ipinasok niya ako sa loob ng opisina niya at laking gulat ko ng tumingin siya sakin ng galit na galit.
"W-what's your problem." Nabulol pa ako habang sinasabi ko iyon, hindi ko idedeny na natatakot ako sa kinikilos niya.
"Where have you been last night? Siya ba ang kalandian mo buong gabi?" Galit niyang sigaw.
"I-Im out with a friend, and don't even accused me anything!" Sagot ko sa kanya.
"A friend?" Iritadong tanong niya. "Mag-isip ka naman, Shannon!"
Kinagat ko ang labi ko at napayuko ng bahagya.
"Wala sana akong pakialam kung hindi ka umuwi eh, but you have to remember that you are a married woman now, what if mom and dad called? What would I say? Na nakikitulog ka sa kung saan-saan?" Anya. "Sa susunod kasi na makikipaglandian ka, put some limits. Hindi yung inaabot ka ng umaga." Pinahiran ko naman ang lahat ng luhang dumaloy sa mga mata ko and I looked at him angrily. Sino siya para sabihin ang mga bagay na iyan sakin!
"You don't have any idea how hard for me to go home and sleep beside you!" I broke my voice. "You know exactly kung bakit ayokong umuwi, alam mo kung bakit?"
Pinilit kong pigilan ang pagluha ko pero ayaw tumigil, patuloy pa ring tumutulo. Ang sakit, ang sakit sakit na marinig ang mga ganung bagay sa kanya.
"Gusto ko lang naman makalimot. Gusto kong mawala ang sakit na binigay mo kahit sa isang gabi lang, yun lang ang gusto ko! Yung makalimutan ko ang sakit pero pati ba naman iyon pinagdadamot mo!"
"J-Johann, alam mo ba kung gaano kahirap yung uuwi ako sa inaraw-araw na mikikita kita at aabutan ko ang mga babae mo sa bahay natin." Suminghap ako. "Tingin mo? Sinong babae ang gugustuhing umuwi ng bahay para masaksihan lang ang kababuyang ginagawa ng asawa niya at ng babae niya ..........and worse ginagawa niya ang kababuyang iyon sa mismong kama nilang mag-asawa? W-what do you think?"
"You ruin my life." Anya. "And it's what you get."
Pinunasan ko ang mga luha ko at nag-angat ng tingin sa kanya. "You're right, I ruined your life." At pinilit kong ngumiti. "And this is what I get, don't worry, this would be the last time you'll see me para hindi mo na maalala ang mga ginawa ko sayo. Just discuss this with our lawyers."
Umiling ako "Ayoko na, Johann, Ayoko na, M-MAGHIWALAY NA TAYO." Huminga ako ng malalim at lumabas ng opisina.
"Shan--" Biglang sumigaw si Lovely ng makita ang itsura ko pagkalabas ng office ni Johann.
"Not now Lovely. I have to go." Pinutol ko na ang sasabihin niya at kinuha ang bag ko saka nagmadaling lumabas.
It's raining mukhang pati ang ulan ay nakikisama sa nararamdaman ko.
"Shan--"
Narinig ko ang boses ni Johann na humahagos. Papunta siya sa gawi ko, kakalabas ko palang ng building at nakita kong tinatanong niya ang ibang empleyado kung nakita ako hanggang sa mapunta sa gawi ko ang tingin niya.
"SHAN!" Sigaw niya.
Bakit naman niya kailangang sundan ako, this is it, hindi na ako aatras I need to leave.
Paulit-ulit kong pinunasan ang luha kong walang sawa sa pagluha. "H-Hindi ko na kaya...."I cried. "A-Ayoko na..."
Malakas man ang ulan pero pinili ko pa ring magpakabasa, matakasan lang sakit na nararandaman ko.
"T-Taxi!" Nang may mapadaan na taxi ay dali ko itong tinawag pero hindi ko pa man nabubuksan ang pinto nito ay may pumigil na sa kamay ko.
"Ano ba!" Singhal ko. Umiiyak man ako pero hindi na iyon halata dahil sa búhos ng ulan. Basang-basa na ako at ganun rin siya.
"S-Shan."
Napatingin ako sa mukha niya, hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko na natatakot siya. Buong buhay ko ay hindi ako nagsawang mahalin siya, sinubukan kong pigilan pero dahil sa kanya bumalik pa rin ang nararamdaman ko. Sinubukan ko namang ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya pero sa tingin ko'y hindi na mangyayari ang Magandang ending samin. Everything didn't turn out the way I wanted it to be, the way I dreamed it to be.
Agad akong lumayo sa kanya at naglakad para humanap ng ibang taxi dahil umalis na ang tinawag kong taxi kanina. Patuloy lang siya sa pagsunod sakin.
"Shan...l-let's talk." Aniya pero hindi ko siya pinapansin.
Kinagat ko ang labi ko. Ngayon ko lang narinig na tawagin niya ako sa ganung tono, He called me as if he's sad or it's just my imagination.
Tumalikod na ako at patuloy sa pagpara sa mga taxi na dumadaan pero wala ni isang humihinto.
"D-Don't go..." Nauutal niyang sabi.
Awtomatiko akong napatingin sa kanya at nakita ko ang mapupungay niyang mata na nakatingin sakin.
I sighed.
"This is it, Johann." I said. "I'm finally setting you free. Ano pa bang gusto mo? Diba ito ang gusto mo ang mawala sa landas mo ang taong sumira sa buhay mo?" Bahagya siyang na taken aback siya sa tanong ko. Sigurado akong natauhan na siya sa mga pinagsasabi niya sakin.
"I n-need you." He simply said na nagpagulo lalo nanaman sakin.
Ginulo ko ang buhok ko na ngayon ay basang-basa dahil sa ulan, out of frustration nasabi ko nalang na "Ayoko na, Johann! Wag mo na akong guluhin." I cried again. "This is it, heto na nga oh, pinapakawalan na kita. Bakit kailangan mo pa ulit guluhin ang utak ko?"
Tumingin siya sakin at lumapit, Nagulat ako ng punasan niya ang luhang tumutulo sa pisngi ko at niyakap ako.
"I-I'm sorry..." He whispered. "I've been so blind to take you for granted..."
Para akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi niya. Did he just apologize?
Kumawala ako sa pagkakayakap niya. I found his eyes forming tears, tears that I've never seen before.
"J-Johann...Why are you doing this to me?" Wala akong masabi. Hindi ko alam kung isa na naman ba itong act.
Nagulat nalang ako sa sinagot niya.
"Nagbulag-bulagan ako, Shan... I thought you're just nothing to me but I'm wrong." Bahagya akong napatingin sa mga mata niya at kitang kita ko kung gaano ito kaseryoso. "Because you're nothing back then but.......now is different" He said that as he kissed me under the rain.
I don't know if this is true but I hope this is real..... I'm no longer nothing to him....