**
Love is not everything in this world; don't say any stupidities like you can't live without him/her because in the first place, he/she is not the one who taught you to breathe. Wake up! Your life will not be depended whether he will stay or you will leave. It depends on how you would end it up with yourself.
**SHANNON'S POV**
Nilingon ko si Manang na ngayon ay nakaupo sa couch at nagbabalat ng mansanas "Manang, alam po ba ni Johann na nandito ako?"
"Oo, alam niya. Sinabi ko kanina bago ako umalis papunta dito." Ani manang. Gusto ko sanang tanungin kung pupunta siya rito pero kapag ginawa ko iyon ay gagawin ko lang tanga ang sarili ko. As if he cares!
"Manang, gusto ko na po sanang umuwi." 2 araw na ako dito sa hospital pero hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapayagang umuwi, sabi kasi ni Doc pwede naman daw nakong umuwi dahil overfatigue lang at anemic kaya neresetahan lang ako ng vitamins pero sabi ni Jonathan ay dito muna ako kahit 2 to 3 days lang para daw makapagpahinga ako.
"S-Sigurado ka ba hija?" Bakit parang alam ko na kung ano ang gusto niyang tumbukin. May nangyayari na naman siguro.
"M-manang, tama po ba ang iniisip ko?" Bahagya naman itong napatungo nangangahulugan na tama nga ako. Hindi na ako nagulat, dapat pala talaga ay hindi na ako makonsensya sa mga susunod kong gagawin.
"Oo, may kasama siyang babae sa bahay ng sinabi ko sa kanya na pupunta ko dito kaya malamang na hindi siya pumunta dito." Kinagat ko ang labi ko ng marinig ko iyon. Kung ganun, talaga palang mas importante ang mga babae niya. "O-Okay po...I expected that bakit pa ba ako nagtatanong."
Nag-isip ako na kailangan ko na nga sigurong magdesisyon.
"Don't worry manang, hindi ako dun uuwi." Napatingin naman ito sakin na parang nagtataka. Totoong wala naman na akong balak pang bumalik sa bahay namin ni Johann. Tutal, wala naman na akong rason para makisama pa sa kanya dahil siya na rin naman ang gumagawa ng paraan para lumayo ako kaya ibibigay ko na sa kanya ang gusto niya. Kahit masakit at mahirap kakayanin ko.
"And where are you going then?"Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita at ng mapatingin ako sa pinto ay naroon siya na prenteng nakatayo. Hindi ko alam kung kanina pa siya dun pero wala nakong pakialam. Isa pa, ano namang ginagawa niya rito?
"Johann hijo, nariyan ka pala, ikaw munang bahala sa asawa mo. Sandali lang at kailangan ko munang lumabas may bibilin lang ako sa cafeteria sa baba." Paalam ni manang sakin. Hindi naman na ako nakapagreact, I can't blame manang, alam kong ayaw lang rin niyang madamay sa namumuong tensyon sa pagitan namin ni Johann.
Nang makalabas na si Manang ay lumapit naman ito sakin at umupo sa couch malapit sa bed ko.
"Tell me Shan, san mo naman balak pumunta?" May kakaiba sa paraan ng pagtatanong nito pero minabuti ko nalang na hindi siya sagutin. Ayoko siyang makausap at ni tignan siya ay hindi ko magawa. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito katinding pandidiri sa kanya at maging sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang gawin ang mga ganung bagay sakin.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng medyo nanginginig.
"Is it really important for you to know, what do you think? Of course, I wanted to see my wife." Anong wife ang sinasabi niya? for godsake kung asawa ang turing niya sakin ay hindi niya gagawin ang ganung mga bagay.
"Umalis ka na, your wife isn't here. She's in your bed, right?" Sarkastiko ko ding sagot.
"Shannon, what are you thinking? Hindi mo naman siguro iniisip na iwan ako?" Biglang napukaw ang attensyon ko sa tanong niya. Ano naman ngayon kung umalis ako? Yun ang gusto niya diba kaya yun ang gagawin ko pero bakit parang may kakaiba sa kanya? Tama ba ang nakikita ko na takot sa mga mata niya?
"W-what do you think Johann? Sa tingin mo ba kaya ko pang manatili na kasama ka?" Sinabi ko sa kanya na hindi man lang tumitingin sa mga mata niya.
"At kanino ka sasama, sa LALAKI MO!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Lalaki ko? so ako pa pala ngayon ang nanloloko.
Naiinis ako pero hindi ko magawang makapagsalita pa sa kanya. Anong karapatan niyang sabihan ako ng ganyan!!
"I-I'm sorry. Nabigla lang ako." Biglang saad nito. Hindi ko alam kung umaarte lang siya pero kung ganun man, hindi ako magpapadala.
"Umalis ka na!" Mariin kong saad dito. Napatingin naman siya na parang nag-aalinlangan. "Shan..." Aniya.
"Don't worry, uuwi ako sa bahay natin." Nang sabihin ko iyon ay tumayo na ito at umalis. I have no choice wala rin akong mapupuntahan na hindi niya ako matutunton.
"Susunduin kita bukas, maiiwan dito si Manang para bantayan ka."Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dumeretso na ito palabas ng kwarto. Napagkagat nalang ako ulit sa labi ko. Ayokong umiyak, talo na naman ako!
**
I've been discharged for almost 3 days today, nandito ako ngayon sa office. As usual, doing my job as a secretary, wala naman akong nagawa ng sabihin ni Johann na umuwi ako sa bahay dahil tinotoo talaga niya na susunduin ako kinabukasan kaya ng sunduin niya ako at ayusin lahat ng payment sa ospital ay wala na akong nagawa. Dumating pa nga sa point na nag-abot sila ni Jonathan pero pinili ko nalang sumama sa kanya kaysa naman mag-away pa silang dalawa.
"Shannon, tawag ka sa board meeting. Pinapatawag ka ni Sir Enriquez." Pukaw ng atensyon ni Rose sakin. Bakit naman ako pinapatawag ni Sir Enriquez?
Napatingin naman ako kay Lovely na ngayon ay kakwentuhan ko, kanina pa kasi niya ako inuusisa kung bakit daw ako nagkasakit. Iniisip kasi niya na may malaki akong problema naudlot lang ang kwentuhan namin ng dumating si Rose para ininform ako.
"Bakit daw ako pinapatawag?" Tanong ko naman dito dahil sa nagtataka din ako. "Hindi ko rin alam eh basta ang sabi lang ni Sir Enriquez tawagin kita." Aniya matapos ay tumalikod na ito at tuluyang umalis.
Tumayo naman na ako at sumunod dito hanggang makapasok na kami sa loob ng board meeting room.
Lahat naman sila ay napatingin sakin pagkapasok ko at nahagip ng mata ko ng tumingin sakin si Johann. Pumasok na pala siya, hindi kasi siya umuwi kagabi. Saan kaya siya natulog? Napailing nalang ako, malamang nambabae na naman siya. Ano pa nga ba!
Biglang tumayo si Sir Enriquez na nakangising lumapit naman sakin. "Miss Shannon Raine Yu." Banggit niya sa buong pangalan ko at tumabi ito sakin saka humarap sa board. "Our most beautiful employee, she'll be the best asset for this. What d'you think?." Anya at nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Pinamulahan ako dahil dun. Most beautiful employee? Sino? Ako?
"The first time I saw her working here in our company, she got my attention already." Anya. "And I'm not lying ng sinabi kong siya ang best choice sa project na ito." dagdag niya.
Napatingin nalang ako kay Sir Enriquez na puro papuri sakin ang binibitawang salita, anong project ang sinasabi niya. I never met someone na ganito ako purihin except kay Papa at sa mga magulang ni Johann saka sa syempre ang mga kaibigan ko at si Manang.
"She can be our model for our newest product to lunch. This is for our new venture, dapat maging malakas ang hatak para maging successful ito, and she's the key for it" Aniya.
"She got the looks, the body, attitude and skills so I believe that she can get some attractions. Nakikita niyo naman, she's naturally beautiful, even without make-ups, she's still pretty. What more if we transform her."
Nagulat ako ng bigla naman magsalita si Johann. "Isn't she too stiffed for being a model?"
"I can see that but we can work it out." Ani Sir Enriquez.
"Then let's see, test her immediately tomorrow." Ani Johann. "If she can't pass the sample photo-shoot by tomorrow then we need to look for another model."
"Meeting adjourn."Walang gana niyang sabi at tumayo na ang mga members ng board. Lumingon naman ako kay Sir Enriquez at kinausap habang nagsisilabasan ang ibang board members.
"Ahmm...Sir, ano po ba 'to?" Tanong ko. Wala kasi akong kaidea-idea sa nangyayari. Basta nalang ako pinili, ni hindi nga nila tinanong ang opinion ko kung payag ba ako.
Nakangiting humarap ito sakin. "You're beautiful, Sayang kung hindi magagamit kaya nirecommend kita." Napalunok naman ako ng ngumisi siya. "Don't worry, ako bahala sayo." Anya at hinawakan ako sa balikat. "I know you can do it. We just need to bring out some confidence."
Ngumiti naman ako. Hindi ko kasi akalain na may mga tao palang kagaya niya na napapansin ako.
"Thank you po, I won't fail promise po." Nung bata pa ako ay pangarap ko talagang maging model pero ang sabi ni Kuya ay hindi daw ako bagay dun dahil payatot ako saka hindi daw ako maganda kaya nawala ang confidence ko.
Kaya naman nagfocus nalang ako sa ibang bagay na nagkataon namang sa business dahil nag-enroll ang love of my life ko sa business course kaya yun ang kinuha ko. Alam niyo naman na kung sino siya? Walang iba kundi si Johann.
"Well, you're obviously gorgeous, just put some confidence and I'm sure hindi ka mabibigo" Aniya at ngumiti pa ito. Gwapo rin itong si Sir Enriquez pero hindi siya yung tipo ko kaya Malabo ding magkagusto ako sa kanya.
Ngumiti nalang din ako sa kanya. I can't find the words to thank him sa mga papuring binibigay niya sakin.
"Miss Yu." Nagulat naman ako ng biglang marinig ko ang boses ni Johann. "Tapos na ang board meeting, you have to go to your desk now." Usal nitong tuloy-tuloy.
Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya, masama kasi ang binitawan niyang tingin sakin.
"Easy kalang Johann." Ani Sir Enriquez. "Hinihiram ko lang naman sandali ang secretary mo and besides, ako naman ang nagpatawag sa kanya kaya ako na rin ang magpapabalik."
Nag-angat naman ng tingin si Johann kay Sir Enriquez. "Well, as you said, she's my secretary kaya ako magdedesisyon kung kailangan na niyang bumalik sa trabaho. And as far as I remember, you're just my VP kaya bumalik ka na rin sa trabaho mo." Mariin na sabi nito saka lumingon sakin. "Go, back to your desk."
Tumango naman ako. "Y-Yes, Sir." Lumingon naman ako kay Sir Enriquez at ngumiti ulit. "Thank you ulit, Sir"
Tumalikod ako and again parang medyo nahilo ako kaya bahagya akong napahawak sa Wall. "Are you alright, Shannon?" Tanong sakin ni Sir Enriquez at hinawakan ako nito sa braso para alalayan.
Tumango naman ako. " Ahmm... Opo, Medyo nahilo lang po ako." Saad ko, epekto siguro ito ng pagkakahospital ko, alam kong okay naman na ako pero dahil siguro sa trabaho na naman kaya nahilo ako. Nabigla siguro ang katawan ko.
"You should learn to take a rest. Wag ka kasi masyadong magpagod. Come-on aalalayan kita." Nakahawak pa rin siya sa braso ko at aalis na sana kami ng hawakan naman ni Johann ang kabilang braso ko.
"Ako na. She's my employee, my responsibility." Ani Johann at tinabig pa nito ang kamay ni Sir Enriquez na siyang ikinagulat ko naman. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa table ko. Dapat siguro bumili na rin ako ng vitamins para hindi ako madalas nagkakasakit.
Naisip ko tuloy bigla ang sinabi niya. I'm his responsibility? Sana nga ganyan nalang siya sakin bilang asawa dahil kung nagkataon ay hindi ko siya iiwan kahit kailan pero hindi yun ang nagyayari dahil gaya nga ng sabi niya. I'm his responsibility just because I'm his employee.
Magpapasalamat na sana ako sa kanya sa pag-alalay sakin hanggang sa table ko ng magsalita na siya.
"I don't want you flirting around during office hours." Mariin niyang sabi. "Have some shame! Pati boss mo nilalandi mo."
And he left me dumfounded with his hurtful words. Damn him!
**
"Hello, Jonathan?" Tinawagan ko si Jonathan.
"Buti naman at napatawag ka?" sagot nito. "Ganon mo ko namiss agad?"
Napailing nalang ako sa sinabi niya at nagpatuloy magsalita. "I wanna hang out tonight." Sabi ko. "Can you accompany me?"
"Of course. Shall I pick you up there?" Tanong niyang mukhang excited na.
"Oo. Before 6pm, dapat nandito ka na." Sabi ko naman.
Hindi naman siya sumagot kaya napaisip ako.
"Don't worry this time hindi na kita iinjanin!" Napatawa naman siya ng sabihin ko sa kanya iyon. Nalala ko kasi na hindi ko pala siya sinipot last time. Talagang naguilty ako nun.
"Hahaha.....Okay, I'll be there."Anya.
"Thanks. Bye." And I hang up the phone.
Gusto ko lang naman makapag-isip-isip at mabawasan ang problema ko. Si Jonathan lang kasi ang naisip kong isama na makikinig sa lahat ng sasabihin ko. Hindi ko naman pwedeng isama sila Lovely dahil hindi naman nila alam ang problema ko kay Johann.
Nagulat naman ako ng biglang magsalita si Lovely sa gilid ko. Hindi ko kasi namalayan na nasa tabi ko na pala siya. "Uy, sino yang kausap mo ha? Anong hang-out hang-out yang narinig ko?" Ani nito na naniningkit ang mga mata. "Bakit hindi mo ako isasama?"
Umiling naman ako. "Hindi pwede. Nagpromise kasi ako kay Jonathan na aalis kami ng kami lang."
Tumili naman ito ng mahina. "OMG! Magkakalovelife ka na din sa wakas, if I'm not mistaken, siya yung guy na naghatid sayó nung isang araw?" Tumango naman ako sa tanong niyang iyon. Minsan kasi inihatid ako ni Jonathan ng minsang napadaan siya sa village namin kaya pumayag na rin ako tutal wala na si Johann that time dahil nauna na sa office.
"Hinaan mo naman yang boses mo Lovely." Singhal ko. "Baka may makarinig sayo, magkaissue pa ako dito."
"Well, may issue ka na nga eh." Sabi nito at agad nanlaki naman ang mata ko. anong issue yu? Hindi kaya alam na nila ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Johann?
"What issue are you talking about?" I norrowed my eyes.
Hindi ko alam kung bakit ba hindi na nawawala ang tsismisan sa isang opisina bakit ba kasi ang hilig gumawa ng mga issue na pag-aawayan lang naman sa bandang huli ang mga tao dito. Siguro naman hindi tungkol kay Johann at sakin ang issue na ito.
Ngumisi naman ito. "Tungkol sa inyo ni Mr. Enriquez. Usap-usapan na ang ginawa niyang pagpuri sayo from head to toe doon sa board meeting kanina." Aniya.
"Grabe ang buhok mo natatapakan ko na sa sobrang haba!!! Pati ba namang ang gwapong si Mr. Enriquez nahumaling sa beauty mo girl. Ikaw na talaga!" Usal naman niya. Binatukan ko naman siya ng marahan. "Sira! Hindi ko type si Mr. Enriquez."
"Bakit? Dahil ba dun sa Jonathan your loves?" Inis pa nito sakin at tinusok pa ang tagiliran ko. Napaisip naman ako pero ng lumitaw sa utak ko ang itsura ni Johann ay dali ko itong iwinaglit.
"Hindi, okay?" I just rolled my eyes. "Magtrabaho na nga lang tayo."
Mabuti naman ay tumigil na siya at umalis na rin. Malapit na ang matapos ang duty ko. Excited naman ako sa lakad ko, this is my time to relax myself para kahit papaano ay makalimot ako kahit sandali.
"Sabay na tayong bumaba." Aya naman sakin ni Lovely ng makita kong palapit ito sa desk ko. Palibhasa makatabi lang ang department namin kaya laging nandito siya.
Tumango naman ako. "Sige." Ngumiti ako at inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako tumayo at bumaba na kami sa lobby ng sabay para makapag-out na. Kasabay rin namin ang ibang pang nasa department sa elevator kaya medyo masikip.
"OMG! Ikaw na talaga! Grabe ang Hot naman pala niya." Nagulat nalang ako sa inusal ni Lovely. Napatingin naman ako sa tinitingnan niya and to my surprise nakasandal lang naman ang isang lalaki sa kulay asul nitong kotse. Natawa nalang ako sa outfit nito dahil may nalalaman pang pa-shades, shades.
Umiling nalang ng lumapit ako dito at sabay tanggal pa niya ng shades. Nakita ko naman na nagkakagulo at sa kanya nakatingin ang mga kaofficemate ko na babae. "Jonathan..." pabulong ko.
Nakita ko naman na napangiti si Lovely ng makitang lumapit si Jonathan sakin. "O siya girl, di ko na kayo aabalahin. Baboossh... kita nalang tayo bukas." Saad nito bago tuluyang bumeso at umalis na rin.
"Tsk, bakit di ka lumapit sakin, ako pa talaga pinalapit mo." Ani Jonathan ng tuluyan na itong makalapit.
I smirked. "Nakakahiya ka kasi." Untas ko. "Gabi na pero nakashades ka pa rin."
Tumawa naman siya. "You're really unbelievable." Anya. "But look, tinanggal ko na diba?" Winagayway pa niya ang shades niya.
Umiling nalang ako at sabay na kaming pumunta sa kotse niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto nito bago ko sumakay. Infairness, he's a gentleman.
**
"Finally!" Sigaw ko pagkaamoy ko ng vodkang hawak-hawak ko ngayon.
"Seriously?" He asked na parang natatawa pa. I'm kind of weird, I know that!
Ininom ko naman ang hawak kong alak at napapikit sa pait ng lasa nito. I don't have that thing so called alcohol tolerance. Umiinom naman ako pero occasionally lang kaya bihira talagang sayaran ng alcohol ang sikmura ko kaya hindi talaga ako sanay.
Uminom lang ako ng uminom hindi ko na nga nabilang kung ilan na yung nashot ko nasa 7 o 8 na yata di ko na sigurado.
"Ano ba Jonathan! Wag ka ngang KJ." Angal ko ng agawin nito ang hawak kong baso na may laman pang alak.
"No, Raine!" Madiin sabi niya. "Akala mo ba hindi ko napansin na hindi ka sanay uminom? With your first shot napansin ko na tipsy ka na tapos gusto mong hayaaan pa kitang uminom ng uminom. Enough Raine, hindi mo na kaya.!" Pigil pa niya ng tangkaing kong inumin ang shot na para sa kanya.
I absentmindedly nod. "Oo na titigil na nga diba?" I said. "But let me drink this, last shot na promise." Napatingin naman ito sa kin ng naniningkit.
"What's the matter Raine? Tell me what's been hurting you?" Bigla nitong sabi na parang alam na agad ang iniisip ko.
Napakagat naman ako sa labi ko at tinignan ang marriage ring namin ni Johann, this actually special for me kahit na sabihing hindi ito yung klase ng wedding ring na ako mismo ang pumili kasama siya. Kahit na alam kong wala lang sa kanya nung panahong binili ito, para kasi sakin mahalaga ang bagay na ito dahil ito lang ang patunay ng kasal namin kahit walang pagmamahal ang namagitan sa wedding ring na'to.
"You know what, I want to forget everything, lahat lahat as in lahat talaga para hindi ko nararamdaman ang sakit sa dibdib ko. A-Alam mo ba na kahit arrange marriage lang ang lahat samin ni Johann, it was the most memorable day in my life." I said and give a bit smile. "I l-love him before we got married, akala ko nawala na yun nung lumayo ako sa kanya 3 years ago. Minahal ko na siya dati pero hindi niya ibinalik kaya pinilit kong kalimutan siya and just continue my life. But then again....in just a snap, nagising nalang ako na kasal na sa kanya and later I realized, M-MAHAL KO PA PALA SIYA."
Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita dahil nakatuon lang siya sakin at nakikinig. I'm aware that he has feelings for me and I can't deny na naguguilty ako dahil alam kong nasasaktan siya sa mga naririnig niya.
"This marriage is a big secret between us, ako ang nagsabi sa kanya na ayokong malaman ng mga katrabaho ko na siya ang asawa ko but later on.....it turned out that I gave him a favor dahil ayaw pala talaga niyang ipaaalam sa iba na asawa niya ako. Masakit yun sakin, masakit na marinig mo sa taong mahal mo na hindi niya gustong malaman ng iba ang relasyon niyo. Pero w-wala akong nagawa dahil ako din naman ang nagsabi sa kanya nun na wag ipaalam sa iba." Bahagya akong napahinto para lang huminga sandali. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko everytime na maaalala ko ang mga bagay bagay.
"Another story to tell is that, every night, every single night...he'll get laid with......d-different girls." I choked while saying that, naalala ko kasi yung mga pagkakataong nakita ko ang kababuyan nila. Nakita ko namang nagulat ito sa binanggit ko. "E-every night and day turned like nightmares for me to handle because they m-made that thing called....... S-s*x in our house, at our room, at our bed and.......and.....t-the girl is at my p-place." Doon na tuluyang tumulo ang luha ko. "Haha n-nakakatawa hindi ba? I can't even do something about it." Hagulgol ko, para na siguro akong baliw dahil sa tumatawa akong habang umiiyak pero ano pa nga bang magagawa ko. "This is my fault, I accepted the marriage kahit alam kong ginawa lang niya ang pagpapakasal sakin para sa sarili niyang interest......but......what else can I do?" Yumuko ako. "Mahal ko siya eh..." napatakip ako sa bibig ko ng marealize ko ang sinabi ko. "Pero sobrang sakit na. I can't take this anymore. I know anytime soon bibigay na ako...."Nagulat nalang ako ng bigla akong niyakap ni Jonathan at hinagod ang likod ko.
"No one should be treated like that, he didn't deserve you. Remember that, you're always worth to love for." Anya. "If you were mine, I'll treat you the best. Aalagaan kita, poprotektahan, pahahalagahan at higit sa lahat mamahalin kita hanggang sa huli."
Pakiramdam ko ng oras na sinabi niya iyon ay gumaan ang pakiramdam ko kahit pansamantala lang. Hinaplos niya ang buhok ko at napasisik ako sa dibdib niya dahil sa comfort na nararamdaman ko. I love this feeling, I feel protected and loved. Sa sobrang lungkot na unti-unting naglalaho dahil sa comfort niya ay hindi ko namalayan na napapapikit na pala ako. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.
This time, I feel worthwhile alam ko mang mali dahil sa iba ko nakuha ang bagay na iyon pero I can't deny that I'm liking what I'm feeling.
If this way is the best thing to forget, I would glady accept his comfort......