CHAPTER 10

3858 Words
** Giving yourself up to your one love will not be enough until he/she truly sees your real worth. Remember to respect yourself first and don't do sudden decisions that will make you in immerse conflict. **SHANNON'S POV** Nagising ako sa ingay ng cellphone na kanina pa tumutunog. Nang tingnan ko ito ay 54 missed calls at 20 messages at ang lahat ng iyon ay galing lang sa isang unknown number. "Sino ba ito?" I tried to composed myself para makabangon dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko kasi ay ang sakit lahat ng buto ko at ang pinakamasakit ang gitna ko. "Uhgh..." Napadaing ako ng maramdaman ko ang hapdi sa parteng iyon ng bahagya akong kumilos para umupo. Nang masapo na ng likod ko ang armrest ng kama ay binuksan ko isa-isa ang messages at doon ako nagpanic. "Where are you? Asan ka na kanina pa ako nag-aalala." Yun ang huling text message na narecieved ko. Ang ibang messages naman pareho lang ang nakalagay dun. Puro nasan kana? Dito nako? Sunduin na kaya kita? Naguilty tuloy ako ng maalala ko kung bakit ko nakalimutan na may lakad pala kami ni Jonathan. Akmang tatawagan ko na sana ito ng marinig kong may nagsalita. At nagulat nalang ako ng makita kong kalalabas lang nito sa banyo. "Don't ever try to call him again. Hindi ka na makikipagkita sa kanya." Pirmis na saad ni Johann kasabay ng paglapit niya sakin. Halatang kakatapos lang nitong maligo. Kinuha niya ang cellphone mula sa kamay ko. "Teka lang Johann, I need to call him baka kasi hin--" Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng tumingin ito ng masama sakin at nagsalitang muli. "He's not going to look for you kung yun ang iniisip mo. Nagpunta siya rito kanina." Aniya na ikinagulat ko. "WHAT! Anong ginawa mo? Bakit hindi mo man lang ako ginising?" I asked. Nag-aalala lang ako, baka kasi kung ano yun sinabi o ginawa niya dun sa tao. Hindi naman sa gusto ko talaga si Jonathan pero nakakaguilty lang kung nalaman niya na may asawa na ako ng hindi ko man lang sinabi. "Why? Are you scared that I'm gonna tell him I'm your husband? Don't worry, I won't do that." Pirmis niyang sagot. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Tama ba na maging masaya ako dahil sa hindi niya sinabi? Pero kung ganun bakit parang nasaktan ako dahil ipinagkaila na naman niya ako. "N-No. Alam ko naman kung ano lang ako sa buhay mo." Hindi ko naiwasang sabihin iyon. Umaasa sana ako na pagkatapos ng nangyari samin ay magbabago na ang sitwasyon na meron kami pero ayokong umasa dahil sa bandang huli ako lang ang masasaktan. "A-At least, you know your place." Sa sinabi niyang mas lalong kumirot ang puso ko. I'm aware that he was only provoked kaya nangyari ang bagay na iyon samin. At alam ko na kahit na ibinigay ko na sa kanya ang lahat ay wala lang sa kanya yun, tama nga ang iniisip ko, I'M JUST ONE OF HIS BABES. Nakita ko nalang na nagbihis siya at mukhang may lakad, hindi na ako nag-abalang magtanong kung saan siya pupunta dahil alam kong mapapahiya lang ako. Nang matapos naman na siyang makapagbihis ay lalabas na ito pero bago pa man ito lumabas ay lumingon muna ito sakin. "Just take a shower, make sure to clean the mess. Ayokong maabutang marumi pa rin ang hihigaan ko." Marahan niyang sabi at lumabas na ng kwarto. Tulala lang akong naiwan dito sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sakin ito. There's a part of me asking why this has to happen? I don't have any idea what I've done wrong in past para maramdaman at maranasan ko ang ganito. Huli na ng marealize ko na wala na ang virginity ko sakin, nakuha na pala niya. Tinignan ko ang bedsheet naming may dugo galing sakin. Huminga ako ng malalim at nagshower saka drinyclean ko na rin ang bedsheet. Mag-aalas-dose na rin pala ng ng hating gabi ng matapos ako sa pagdryclean, 2 hours ko din nilabhan yun. Nagulat ako dahil sa ganun pala kahaba ang itinulog ko. Siguro ay dahil na rin sa pagod at tsaka hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi kaya nang makatulog ako ay nagtuloy-tuloy. Natapos ko na ring palitan ang balot ng kama namin ng hindi pa rin siya umuuwi ang akala ko pa naman ay saglit lang itong aalis pero mukhang nagkamali ako. Pumunta ako sa veranda namin at umupo sa beanbag dito. Tanaw dito ang bawat kotseng dumadaan sa harap ng bahay namin. Hindi ko man sigurado kung uuwi nga siya o hindi ay nanatili parin ako, hindi ko kasi maalis sa sarili ko ang magbakasakali kaya hihintayin ko siyang dumating. Nang mapatingin ako sa wristwatch ko ay nakita kong alasdos na pero wala pa rin siya. I sighed at sumandal sa railings ng veranda. In just a second, I fell asleep again. Nagising nalang ako sa marahang pagyugyog sa balikat ko. "Shannon, hija..." rinig ko ang mahinhin na boses ni manang. "M-Manang, a-anong oras na po?" Inaantok na sabi ko habang kinukusot ang mata ko. "Alas-dyes na." Pagkasabi ni manang ng oras ay agad akong napadilat at napatayo. "Ah!" Daing ko sa sakit na naramdaman ko sa gitna kong bahagi. Agad namang nag-alala si manang. "Anong nangyari? May masakit ba sayo?"Tanong nito. Umiling nalang ako. "M-Maliligo na po ako. Late na pala ko." Sabi ko at agad nagmadali papunta sa banyo kahit sobrang sakit ng gitna ko at iika-ikang lumakad. Bumaba ako at kumuha ng toasted bread saka mabilis kinain ito. "Bakit ka ba nagmamadali, hija? Dapat nga ay wag ka na munang pumasok. Kailangan mong magpahinga." Umiling naman ako. "Manang, never pa po akong nag-absent sa trabaho. Ngayon nga lang po ako maghahalfday eh." Sabi ko at uminom ng gatas. "Maiintindihan naman siguro ng asawa mo kung hindi ka na pumasok. Ipapaliwanag ko nalang na masama ang pakiramdam mo." Sabi ni manang na halata ang pag-aalala. Bigla ko tuloy naalala na naman ang nangyari samin ni Johann kahapon at ang paghihintay ko sa kanya hanggang makatulog ako. "Manang umuwi po ba si Johann?" "Ang alam ko lang ay umalis siya kagabi ng naglilinis ako sa kusina." Ani manang. "Maaga rin naman akong nagising at hindi ko siya nakita. Baka hindi siya umuwi." Napatango nalang ako at huminga ng malalim. "Sige po. Mauna na po ako. Baka malate pa po kasi ako. Alam niyo naman kung gaano katraffic sa pilipinas." Sabi ko at medyo paika-ikang lumabas ng bahay. "Ang tanga mo naman Shannon!" bulong ko sa sarili ko ng maalala ko na naiwan ko pala ang cellphone ko sa kwarto ko. "Ano ba naman yan! Ma! Pakibalik po." Pagkasabi ko nun ay pinabalik ko muna ang taxi sa bahay tutal ay hindi pa naman ako nakakalayo. At saka may isang oras pa kong allowance. Nang makababa na'ko sa taxi ay sinabi ko munang hintayin ako dahil may kukunin lang sandali at tumango naman ito. Pagkapasok ko naman ng gate ay nakita ko ang pulang kotse ni Johann sa isip ko ay malamang na nakauwi na ito, nagderetso naman ako papasok ng bahay at ng nasa may bandang hagdanan na ako ay tinawag ako ni Manang. "Hija, b-bakit may naiwan ka ba?" Nakita ko naman na parang namula si Manang kaya nagtaka naman ako. "Nakalimutan ko po kasi yung cellphone ko." tugon ko. Nagmadali naman itong lumapit sakin. "Ay siya, a-ako na ang k-kukuha." Nagtataka naman ako sa ikinikilos ni Manang pero pinagsawalang bahala ko nalang. "Naku manang, andyan lang sa taas ang kwarto, ako na po ang kukuha. Ituloy niyo nalang iyang mga ginagawa niyo po." Pagkasabi ko nun ay nagderetso nako sa pag-akyat sa kwarto at narinig ko pang tumawag si Manang pero nagtuloy-tuloy lang ako. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang kaganapan ng buksan ko ang pinto. Ito pala ang dahilan kung bakit ayaw akong paakyatin ni Manang, sana pala talaga nakinig nalang ako dito, kung alam ko lang. Tumulo ang mga luha ko ng makita ko ang dalawang taong walang saplot na umiindayog sa ibabaw ng kama. Halatang busy ang mga ito sa ginagawa kaya hindi ako nito napansin. Dali ko namang pinahid ang mga luha sa mga mata ko at mabilisang kinuha ang cellphone na nakalapag lamang sa table malapit sa pinto kaya abot lang ng kamay ko. Pero dahil yata sa panginginig ng kalamnan ko ay di sinasadyang dumulas ito sa kamay ko dahilan ng pag-alungawngaw ng ingay mula sa pagkakabagsak nito. "S-Sorry...I...I....just need to get my p-phone, just...j-just c-continue." Utal kong sabi ng mapansin ko ang tingin nila sakin hindi ko naman sila matingnan dahil sa nandidiri ako pero alam kong gulat ang expression nilang dalawa. Dali ko nalang kinuha ang nalaglag kong cellphone at mabilisang isinara ang pinto. Tumakbo ako palabas ng bahay at hindi ko na rin pinansin pa si Manang ng tawagin ako nito. Sumakay ako agad sa taxi at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako ng umiyak, tinanong pa nga ng taxi driver kung okay lang ako pero ang sabi ko ay okay lang. "Manong, sa *****cemetery po tayo." Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong magpapunta roon, wala na akong pakialam kung absent ako ngayon at isa pa hindi ko rin naman kayang pumasok na ganito ang itsura at pakiramdam at isa pa ay ayoko munang makita si Johann. 30 minutes din ang inabot ng byahe dahil sa traffic. "Sa tabi nalang po manong." Nagpapaba naman na ako at ibinigay na ang bayad dito. Nagpaeadaan pa ako sa flowershop bago ko dumeretso dito. "Kamusta na po kayo? Pa, Ma?" Bungad ko sa harap ng mga lapida nila. This is the only place I could stay at for a moment that my feeling is not in a good state. Sila lang ang napagsasabihan ko ng mga problema ko. May bestfriend nga ako pero hindi ko din naman pwedeng sabihin sa kanya ang problema ko. Lumapit naman ako sa lapida nila. "Pasensya na po kayo kung sa inyo po ako lagi tumatakbo everytime na m-malungkot ako."Napatulo ulit ang luha ko ng maalala ko na naman ang nasaksihan ko kanina. Dati-rati ay pumupunta ako dito ng hindi alam nila papa para bisitahin si mama kapag may problema ako pero hindi ko na nagawa iyon noong lumipat kami sa batangas pero ngayon dalawa na silang binibisita ko. Iniisip ko tuloy ngayon kung bakit ba kailangan kong maranasan ang mga ganitong bagay, kailangan ba talagang mawala ang mga taong mahahalaga sakin? Tanggap ko naman na wala na sila pero bakit parang hindi ko man lang makuha ang pagmamahal na gusto ko, hindi ba ako yung taong karapat-dapat mahalin? Ganito ba talaga kasakit ang magmahal? O talagang tinatalikuran na ako ng pagmamahal? I just want to be loved by the person I truly love pero mukhang wala nang pag-asa. "Pa, I n-need your advices now." tumingin naman ako sa gawi ng lapida ni papa. "K-kung nandito lang siguro kayo. Hindi siguro ko n-nasasaktan ng ganito." Patuloy ko pa. Totoong naghihinanakit ako dahil iniwan kami ng maaga ni papa at mama pero hindi din naman namin hawak ang buhay nila. Umupo ako sa tabi ng lapida ni papa at mama at hinawakan ang mga ito. "Pa, Ma, is he worth loving for? T-tulungan niyo naman po ako. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko. N-Nasasaktan na po ako." Nakatingin ako sa lapida ng mga magulang ko habang patuloy lang ang tulo ng mga luha ko. Napayuko nalang ako at napailing. "Paano nga ba sila sasagot kung patay na sila. Namimiss ko na ang papa ko, ganun din ang mama ko kahit na hindi ko siya nakita mahal ko silang dalawa." Sabi ko sa isip ko. "I....I d-dont know what to do..." Patuloy na tumutulo ang mga luha ko at bumabagsak ang mga ito sa mismong harapan ng lapida nila. Umihip ang malakas na hangin at ramdam ko ang lamig noon. Alam kong gusto akong icomfort ng mga magulang ko kahit wala na sila sa mundo. Sana nga malampasan ko ito. Ilang sandali pa ay nagkaroon ng mga butil ng tubig na tumutulo sa mga lapida nila at alam kong hindi na sakin nanggagaling ang mga iyon kaya napatingin ako sa itaas at doon na bumuhos ang ulan. Hindi ako umalis sa pwesto ko. "Pati ba naman ulan nakikisama sa nararamdaman ko." Usal ko. Hinayaan ko lang na mabasa ako ng ulan, mas mabuti na siguro ang umulan para hindi mapansin ng sinoman ang mga luha ko. "Ma, Pa. P-promise kakayanin ko po ito." Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako. Malakas ang ulan at basa na ang buong katawan ko pero wala na akong pakialam. "Sige, aalis na po ako. Dadalawin ko po kayo ulit." Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at deretsong naglakad sa gitna ng ulan. Naglakad lang ako ng naglakad pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Ayokong umuwi sa bahay dahil masasaktan lang ako kung makikita ko siya or should I say, sila ng babae niya kaya hindi ako pwedeng bumalik. Patuloy lang ako sa paglalakad, may ilang taxi rin na huminto pero hindi ko iyon pinansin dahil para bang wala ako sa sarili. Di ko na rin alam kung tubig ulan pa rin ba ang tumutulo sa pisngi ko o mga luha ko. Ang alam ko lang kailangan kong mag-isip, kailangan kong lumaban at kailangan ko nang magdesisyon pero ang tanong, kakayanin ko ba? Kung.........mawawala siya? Napailing nalang ako, palakas na ng palakas ang ulan pero ang nasa isip ko pa rin ay nanatiling siya. Nararamdaman ko na rin ang pagbigat ng mga paa ko at ang bigat ng paghinga ko. Humihikbi na pala ako, kung ganun luha nga ang ito. Nalilito pa rin ang puso ko kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Bigla akong napahawak sa dibdib ko, naramdaman kong malakas ang kabog nito, kung ganun maging ito rin pala ay nagwawala. "Miss!" Biglang may sumigaw kaya naman napatingin ako at nakita ko ang isang kulay asul na kotse, sumilip sa bintana ang lalaki pero nanlalabo na ang mata ko dahil sa ulan, hindi ko na rin sigurado kung dahil nga iyon sa ulan pero ang huli kong natatandaan ay ang pagsigaw ng isang taong pamilyar bago ako tuluyang nawalan ng ulirat. And in this way, I feel a little bit at ease. ** Nagising nalang ako na puro puti ang nasa paligid, nasaan ba ako? Hindi ako tanga para isiping patay na ako dahil alam kong buhay ako. Mainit ang pakiramdam ko at nanghihina ang buong katawan ko. "Raine, gising ka na din sa wakas. What are you feeling?" Tanong niya. Tumingin ako ng deretso sa mga mata niya, tama ba ang nakikita ko, pagkaawa ang nasa mga mata niya. "What happen, Jonathan?" I asked him. Hindi ko na matandaan ang ibang detalye kung papaano ako nakarating dito dahil ang huli kong natatandaan ay ang pagtawag sakin ng isang pamilyar na boses. Doon naman ako napatingin ulit sa kanya, kung ganun, siya pala yun. "I'm the one who supposed to ask you that." He intently pointed at me. Bakit nga ba napunta ko sa ganitong situasyon? "I don't know, either." I simple answered as I see him frowned. "For godsake Raine! Your almost hit by the car. Ano bang nangyayari sayo?" Pag-usisa niya pero parang wala akong naririnig na kahit ano dahil lutang na lutang pa rin ako. "J-Jonathan...will you.....w-will you.....S-Save me?" Hindi ko alam kung bakit pero yun ang lumabas sa bibig ko at sa ilang ulit na pagkakataon lumandas muli ang mga luha ko roon. Talaga bang ganito ako kahina. "...hey.....what's the matter?.......D-Don't cry..hushh..." Nakita ko nalang na nag-iba ang expression ng mukha niya at ang mainit niyang palad ang dumampi sa mga mata ko. ** Ilang minuto rin bago ko siya tuluyang napatahan, hindi ko alam kung ano ang problema niya pero nasisiguro ko na may malaki siyang pinagdadaanan ngayon. I want to hug her, and comfort her para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya pero hindi ko magawa. "I called at your home a while ago. Baka mamaya ay may dumating na para sayo." I stated. Tumawag ako kanina sa landline nila which I get from her contacts para ipaalam na dinala ko si Raine sa Saint's luke medical center. Hindi ko alam kung sino ang sumagot pero ng marinig ko na may magsalita na isang babae na tila tinawag na babe ang sumagot ng phone. Doon ko napagtantong lalaki ito, malamang na siya yung lalaki na nagsabi sakin na layuan ko si Raine. Hindi siya nagpakilala sakin nun pero hindi maganda ang kutob ko sa kanya, ibinaba ko na rin agad ang linya ng sabihin ko na nandito kami sa hospital ni Raine. "I bet he won't go here." Sinong sinasabi niyang hindi pupunta? "Sinong siya?" I asked astonishingly. Hindi siya tumingin sakin pero sinagot pa rin niya ang tanong ko. "Johann. My husband." Doon ako natauhan ng marinig ko mismo sa bibig niya. Asawa? Kung ganun may asawa na siya at kung hindi ako nagkakamali, that guy is him. "H-Husband? Why are you telling me this, Raine?" I asked. Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya pero nalilito rin ako sa ikinikilos niya. I clearly know myself and I admit that I'm interested in her pero ang nakakapagtaka ay hindi nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya kahit na alam kong may asawa na siya. May mali ba sakin? O talagang mahal ko na siya? "It's a fixed marriage. Pinakasalan ko siya dahil sa nangailangan kami ng malaking pera para sa kumpanya at dahil sa siya lang ang makakapagpapayag kay papa na magpaopera. I'm telling you this because I want to be fair. I know that I'm kinda selfish for not telling you this the first time you asked me on a date kaya sinasabi ko sayo ito para alam mo na.....may a-asawa na ako." Tuloy-tuloy niyang sabi sakin at ako naman ay nakatingin lang sa kanya at pilit iniintinndi ang lahat. Kung ganun, that's a fixed marriage. "I .......I ...d-don't know what to say" Yun lang ang nasabi ko. "I expected that." Aniya. Hindi na siya muling kumibo pa. Honestly, It doesn't matter to me if she's married or single, I know it's a big deal dahil nangangahulugan lang na hindi na kami pwede pero hindi ko maiwasan na mahalin siya. Aware ako na interesado ako sa kanya pero dapat noong unang nalaman ko na kasal siya ay nawala na ang nararamdaman ko but it turned out unexpectedly opposite. Dahil, parang mas nagustuhan ko siya and now I'm sure it's Love......I love her already. "Do you love him?" I straightly asked. Tumingin naman siya ng deretso sakin na tila nagulat sa itinanong ko. "Hindi niya ako m-mahal." Hindi yun ang sagot na hinihintay ko pero mukhang sapat na iyon para magdesisyon ako. Based on her answer, hindi ako tanga para hindi maramdaman na mahal niya ang asawa niya but when she answered with a thing that her husband didn't love her back. Mas sapat na sakin iyon dahil mas magiging madali kung makuha ko siya ng walang haharang. From now on, I'll pursue her, take her away from him, no matter what it takes. ** "If he can't give you the love then let me love you Raine. I..........love you....Raine." Nagulat ako sa sinabi niya. Is he serious, pinakiramdaman ko siya at tiningnan sa kanyang mga mata. "I-If you're doing this because of wh-" He cut me off. "I'm doing myself a favor. The first time I saw you, I already knew that I'm falling little by little." Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot. "J-Jonathan, I....I-Im married." Saad ko nalang pero hinawakan ako nito sa aking mga kamay. "I know but I don't care. And as you said it's a fixed marriage. Just give me a chance Raine...please....Let me love you" Aniya. Pursigido siya at nakikita kong totoo ang lahat ng sinasabi niya. Dapat ko nga ba siyang pagbigyan? Hindi ba unfair ito sa kanya? Mahal ko pa rin si Johann. "Hindi ko alam...Jonathan.....I don't know my feelings anymore." Tugon ko. "You don't have to know, Raine, just let it flow. Hindi kita pipiliting mahalin ako agad, just let me show my love for you. I'm serious Raine.......mahal kita dahil kung hindi totoo ang nararamdaman ko sayo nawala na sana ito nung sinabi mong may asawa ka na pero nandito parin eh....ayaw mawala." Aniya. Pinagsalikop niya ang mga kamay ko at kanya at hinayaan ko lang siya. Some part of me telling me to give in na hayaan ko nalang na mahalin niya ako pero may parte ng isip ko na sinasabing mahal ko si Johann at mali ito. Tumingin ako sa mga mata niya at ganun din siya sakin. "Pero magiging u-unfair sayo kung siya parin ang M-Maha-"Di pa man ako natatapos ay inawat na niya ako. "I know your feelings for him, dahil hindi naman kita makikita sa sitwasyon na yan kung isa lang talagang fixed marriage ang lahat para sayo. I'm aware and I'm willing to wait Raine. Alam kong sugal ang pinapasok ko at sa sugal na ito, ako ang mas malaki ang tyansa na m-matalo or should I say talo talaga ako dahil siya ang asawa pero mas gugustuhin ko ng sumugal at mabakasakaling manalo kaysa hayaan ko ang taong mahal ko na mawala sakin ng wala man lang akong ginawa. Yun ang hindi ko hahayaan."Napatanga ako sa sinabi niya. Napaisip naman ako hanggang sa pumasok sa isipan ko ang inabutan ko na pangyayari sa kwarto namin ni Johann. Ang kababuyan nila. Kaya naman nakapagdesisyon na ako. Alam ko mang mali pero bakit ko ba kailangang pigilan ang sarili ko. Baka nga siya na ang taong makakapag-alis ng marka ni Johann sa buhay ko. Ayokong mag-aksaya ng panahon habang patuloy na nasasaktan, gusto ko rin maging maligaya kaya kung si Jonathan ang makakapagbigay ng kaligayahang iyon ay susubukan ko. It's not that I'm giving him a chance, sarili ko ang binibigyan ko ng chance, hindi ang ibang tao. From now on, I will love myself first. Ayokong mawala ang lahat ng meron ako kung mananatili ako kay Johann. Dati ang tingin ko sa love ay isang Magandang bagay. Ganun parin naman ang tingin ko dito hanggang ngayon pero may kaunting nagbago. Love will only be precious when the one you have given it will treasure and give worth to it, wholeheartedly. Love yourself first, and that's the first key.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD