KASALUKUYANG abala si Thomas sa pagsasaayos ng mga dokumentong kakailanganin niya bukas sa Batangas. Dahil halos maghapon siyang wala'y huli na nang maalala niya ang mga bagay na dapat niyang gawin. Sa sobrang abala niya nga'y hindi na niya napansin ang pagkatok at tuluyang pagpasok ni Jonathan sa kaniyang library. Napansin niya na lamang ang presensya nito nang maglapag ito ng isang puting sobre sa kaniyang harapan. "Hindi ko napansin na pumasok ka pala. What do you need?" tanong niya rito saka inilipat ang tingin sa sobre. Binuksan niya iyon at awtomatikong kumunot ang kaniyang noo sa nabasa. "You're resigning?" "After what happened, I don't think I'm still eligible to stay as your executive assistant. I will gladly accept the consequences of my foolish action but please, spare Coleen

