Chapter 37: If Only

1846 Words

BUONG tiyagang hinintay ni Coleen ang pagbabalik ni Jonathan sa condo unit nito. Matapos kasi ng biglaang pag-alis nila ni Thomas sa ospital ay siguradong nag-alala ito sa kaniya. Mabuti na lang at binigyan siya nito ng spare key ng unit kaya walang kahirap-hirap siyang nakapasok doon. Ngayo'y paikot-ikot siya sa living room, iniisip kung anong oras darating ang binata. "Nasaan na kaya 'yun? Nag-text naman ako pero hindi nagre-reply," hindi mapalagay niyang turan sa sarili. Nais niyang ibalita rito na pumapayag na siya sa inalok na trabaho ni Thomas. Hindi dahil naghahangad pa rin siya ng anumang pabuya rito, kundi para hindi na maipit pa sa gulo si Jonathan mismo. She has so many plans to share with him and she doesn't even know where to start. "Nathan, nasaan ka na ba? Tawagan ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD