Pitong buwan nang nakabalik ng Manila si Charie. At ganoon na rin katagal ang relasyon nila ni Hisoka. Sinimulan na rin niya ang radio tour na parte ng promotion niya para sa bagong album niya. Bukod doon ay kabi-kabila din ang TV guestings niya. Habang ito naman ay abala din sa pagpapatakbo ng mga hotels at kompanya nito. Hindi lumalampas ang isang linggo nang hindi ito umaalis ng bansa para puntahan ang ibang hotels nito doon. Subalit sa kabila ng pagiging abala nila sa kanya-kanyang trabaho nila, araw-araw at gabi-gabi pa rin silang nag-uusap at nagkikita nito. Minsan kung wala ito sa bansa o may commitment siya, sa webcam at phone sila nag-uusap. At tuwing sabay naman silang libre sa weekends ay nagtutungo sila sa isla nito. Minsan kasama nila ang ilang kaibigan niya pa

