Kanina pa lang nang salubungin ni Charie si Hisoka sa helipad pagdating nito ay may napansin na siyang kakaiba dito. Hindi nga lang niya matukoy kung ano mismo iyon. Sa hapunan ay tahimik lang din ito. Hinayaan lang siyang magkwento nang magkwento. At ngayon bagamat ito ang nagyaya sa kanyang manood sila ng DVD sa entertainment room, malinaw namang wala sa palabas ang atensyon nito. At imbes na softdrinks ang inumin katerno ng mga crackers na pinapapak nila, brandy ang iniinom nito. Akmang tatanungin ulit niya ito kung may problema ba ito nang marinig niya ang pamilyar na mga patak ng malakas na ulan sa labas ng villa. Natigilan siya at napatitig kay Hisoka na huling-huli niyang sa mukha niya nakatitig at hindi sa screen. Nang masalubong nito ang tingin niya ay agad kumunot ang noo nito

