OO NGA pala. Ngayon lang napagtanto ni Ada na wala palang signal mula pa kanina noong nasa daan pa lang sila ni Andrew. Paanong may nakausap ito sa cellphone? Nakaramdam siya ng matinding panlalamig sa napagtanto. "Andrew, u-uuwi na ako," nauutal niyang wika. "Bakit ka naman uuwi? Hindi pa nga nagsisimula ang party. Hindi pa nga dumarating ang ibang bisita ko," tugon ni Andrew. "Birthday mo ba talaga, Andrew?" Nangingilid na ang luha ni Ada sa takot. "Oo naman. Birthday ko talaga ngayong araw. Bakit ayaw mong maniwala?" He clicked his tongue. "Birthday ko, and sadly, no one remembers. Not even Dad. Wala namang may pakialam sa akin kundi ang lola ko. But sadly, she passed away five months ago. Matagal siyang nagkasakit. At ang naging kahilingan niya sa akin ay dito lang siya ilibing sa

