Halos walong oras ang biyahe mula sa lungsod patungo sa San Agustin. Pagod na pagod ang mga katawang lupa nina Ada, Jeremy, at Nina. Nagising sila nang huminto ang bus. Takipsilim na nang makarating sila sa maliit na bayan na iyon. Emosyonal na iginala ni Nina ang kaniyang mga mata sa buong paligid. Ilang taon na ba siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan niya? Halos tatlumpong taon na rin siguro. Marami na ang nagbago sa San Agustin. Ano ba ang aasahan niya? Halos nagbago lahat maliban sa puwesto ng munisipyo, plaza, at simbahan. Tandang tanda niya nang umalis siya sa San Agustin sa edad na bente otso. Lumuwas siya ng lungsod upang hanapin ang kapalaran na hindi matagpuan sa maliit nilang bayan. Ninanais niyang magmadre hanggang sa magtrabaho siya sa mansiyon ng mga De Vera. Hangga

