Habang naglalakad patungo sa mansiyon ay magkahawak-kamay sina Ada at Jeremy. They were not looking at each other. Tahimik lang sila habang pinapakiramdaman ang isa't isa. Ang akala ni Ada ay hindi niya na muli mararanasan ang ganoong pakiramdam. Iyong dinadaluyan ang buong katawan mo ng kakaibang kuryente mula sa isang lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala. Parang panaginip pa rin ang lahat. Napapangiti si Jeremy. Ngayon lang niya naa-appreciate ang holding hands. Akala niya, ang makipag-s*x na ang pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo, pero hawak pa lang ng kamay ni Ada, pakiramdam niya ay lumulutang na siya sa ulap. Nakagat niya ang labi na parang teenager na unang beses na nakahawak ng kamay ng babae. Pinisil niya pa nang marahan ang kamay ni Ada. Doon na sila nagkatinginan.

