Simula
Simula
Pagmamahal na siguro ang isa sa pinaka-masayang bagay na maaaring natin matanggap. Lalo na kung ang pagmamahal na iyon ay galing din sa taong pinaka-mamahal mo. Pero sabi nila kapag nagmahal ka ay dapat handa ka rin masaktan. Kaya ikaw ba? Kaya mo bang magmahal kahit ang kaakibat nito ay kailangan mo rin masaktan?
-----
"ANO pa ba ang kailangan mo?" inis na sigaw ko kay Kiro na ayaw bitawan ang braso ko. Nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak n'ya sa braso ko.
"Ikaw! Ikaw ang kailangan ko," matigas na sabi nito. Kaya naman napairap ako. Ang lakas niya sabihin ang mga bagay na iyon.
"Pwede ba tigilan mo na ako! Tapos na tayo Kiro. TAPOS NA," natigilan siya sa sinabi ko at kita ko ang sakit na dumaan sa mata nya. Tunay ba ang sakit na Nakita ko sa mata niya? O isa na naman ba itong drama.
"No, baby. You are mine," madiin na pagkaka bigkas nito ngunit sinampal ko lang ito. Kapal ng mukha nya. Hindi ko alam kung saan pa siya nakakakuha ng kapal ng mukha. Hangang-hanga na ako sa kakapalan ng mukha n'ya.
"Hindi mo ako pag aari Kiro, apat na taon na tayong tapos. Kaya please naman mag move on ka na lang," naiinis na sambit ko. Ayoko na syang makita. Ayoko ng marinig pa muli ang boses niya at higit sa lahat ayoko ng mahalin ulit siya.
"No baby. You are still mine. Mahal na mahal kita," sinabi nito sa mahinahong boses. Kaya naman napangiti ako ng mapait. "Hinayaan na kita na makapag-isip ng ilang taon, hindi ko na kaya Amy na madagdagan pa ang taon na iyon."
Mahal? Isang kalokohan. Masyado akong nagpabulag sa pagmamahal na sinasabi niya.
"M-Mahal mo ako? S-Sana naisip mo iyan b-bago ka gumawa ng k-kalokohan at kababuyan," mapait na sinabi ko rito kaya naman napatigil ito. Ilang segundo itong hindi nagsalita kaya naman nagpatuloy ako.
"Akala mo ba madali sa akin ang lahat? Tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo naaalala ko ang kababuyan na ginawa n'yo sakin," hindi ko na napigilan ang luha ko. Akmang lalapitan ako nito ng umatras ako.
"Huwag na huwag mo akong lalapitan at lalo ng huwag mo akong hawakan! Alam mo kung bakit? Nandidiri ako sayo," sigaw ko rito at kita ko naman ang pag kislap ng mata nito.
"No baby. Please sorry, forgive me. M-Mahal na mahal kita," unti unting nagsipatakan ang luha nito kaya natigilan ako.
"K-Kapal din ng mukha mo ano? Gagawa ka ng kalokohan tapos ngayon hihingi hingi ka ng tawad?" hindi makapaniwala na sabi ko. "H-Hindi mo a-alam kung anong mga paghihirap ang hinarap ko simula ng lokohin mo ako!"
Patuloy lamang sa pagpatak ang luha ko.
"H-Hindi mo alam kung gaano k-kahirap sa akin na magtiwala sa i-ibang tao," pumiyok pa ako. "K-Kasi simula ng l-lokohin n'yo ako, nawalan ng saysay ang b-buhay ko!"
Muli na naman itong nalapit sa akin pero patuloy akong lumalayo sa kanya.
"P-Patawarin mo a-ako," kita ko rin ang mga luhang lumalabas mula sa mata niya. "H-Hindi ko sinasadya,"
Mas lalo akong napatawa sa sinabi niya.
"H-Hindi mo sinasadya?" tila hindi makapaniwala na tanong ko. "D-Diba sabi ko naman sayo, k-kapag ayaw mo na sa akin s-sabihin mo na lang!"
"S-Sana sinabi mo na l-lang. P-Pero bakit mas p-pinili mo pang magloko? Sa g-ginawa mo, nagiwan ka ng trauma!" inilabas ko na lahat ng galit ko sa kanya.
Tumahimik na lang siya at hindi na nagsalita, kaya naman pinagpatuloy ko na lang sinasabi ko.
"P-Please lang Kiro, tigilan mo na ako. Naka move on na ako at ikaw mag move on ka na lang din," huling sambit ko sabay talikod sa kanya.
Nahihiya ako sa mga taong nakatingin na sa amin, ang kapal niya at sa public place pa talaga nakuha mag-inarte. Hindi ko na alam gagawin ko, gulong gulo na ako simula ng bumalik muli ako rito.
Habang naglalakad paalis ay sunod sunod nagsipatakan ang mga luha ko. Kasi puro naman kasinungalingan ang sinabi ko, kasi kahit apat na taon na ang nakalipas hindi parin ako nakaka move on. Bakit ganun? Napaka-unfair ng mundo kasi kahit anong layo ko sa kanya ay pilit pa rin kaming pinagtatagpo.
Napapagod na ako magtago at tumakbo palayo sa kanya. Kasi yung sakit ng nakaraan dala-dala ko pa rin hanggang ngayon. Nandito parin yung sakit. Yung ala-ala nung nakita ko ang kababuyan nila. Kung saan sarap na sarap sya sa katawan ng iba, ang malala sa kapatid ko pa.
Katawa diba? Sarili kong boyfriend at kapatid niloko ako!