Kabanata 12 "BUTI naman at hindi ka muna nag-practice ngayon," wika ni Skye kay Cloud habang nandoon siya ulit sa condo nito. Hindi pumasok nang araw na iyon si Cloud. At kung nagbalak man itong pumasok, hindi siya mangingiming sapakin ito. Ang taas-taas ng lagnat nito kagabi tapos papasok pa ito para lamang mag-practice? Buti na lamang at ginamit nito ang utak nito ngayon. Kagabi lamang niya napagtanto na nahulog na ang loob niya sa mokong na si Cloud pero parang ang tagal na niyang alam iyon. Paano ba nama'y tanggap na tanggap na niya kaagad ang feelings niya para sa lalaki. Oo may nararamdaman siyang takot, takot na baka masaktan lamang siya sa huli. Pero sino ba namang tao ang hindi tatablan ng takot once na mapana ni Kupido? Lahat naman ng taong nagmamahal ay may takot na mararamda

