I Nakikita ni Diego ang sarili niya. Pero hindi siya nakaharap sa salamin. Nakikita niya ang batang siya. Nakaupo sa sahig, habang nakaupo sa sofa ang lola Cecil niya, nagtutupi ng mga damit. Kasabay nito ay nagkukuwento ito. Hindi marinig ni Diego ang sinasabi ng lola. Wala siyang marinig na kahit ano. Pinanood lang niya ang scenario. Isang magandang alaala. Habang nanonood ay biglang tila nalulunod siya. Unti-unting nawala sa paningin niya ang alaala. II Nagising siya na basang basa. Sa pagdilat niya, nakita niya ang isang silweta. Dahil malabo pa ang paningin niya, hindi niya malaan kung sino iyon. Ang isang silweta ay naging dalawa... tatlo... lima. Naisip niya na baka bangag pa siya dulot ng kung ano man ang nasa espasol na ginawa ng lola niya. May bahagya pa ring kirot na namumuo

