Kabanata 21: Hindi Maiiwasan

2762 Words

I Pinagtimpla ni Calvin si Jessica ng gatas, at ipinagtimpla naman ang sarili ng kape. Nakaupo si Jessica sa upuan sa kusina. Tulala lang siya. Masyado siyang naapektuhan sa ikinuwento ni Calvin. Inilahad ni Calvin ang nangyari kaninang madaling araw. Kung pa’no nagawang kontrolin ni Legion si Jessica para mapatay siya. Lalong nakaramdam ng lungkot si Jessica. Nawalan na siya ng matalik na kaibigan, ayaw niya mawalan ng isa pa. Ayaw niyang maramdaman uli ang lungkot na dumurog sa kanya no’ng namatay si Vicky. Ayaw niyang maramdamang muli na mag-isa siya sa buhay. Sa narinig niya, napagtanto niya sa sarili na banta siya sa buhay ni Calvin. Ipinatong ni Calvin sa mesa sa harap niya ang tasa ng gatas. Inilabas din niya ang biniling pandesal kanina.  Naupo na rin siya para mag-almusal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD