Kabanata 19: Kulto

1080 Words
I Hilig na ng grupo nina Father Al ang pogjo-jogging kasama ang ibang miyembro ng kanyang sekta. Hindi sila kasapi sa katoliko, o Born Again, o ano pa mang lehitimong relihiyon. Ang grupo nila ay binuo lang ni Father Al. Sila ay relihiyosong sekta na nagtitipon tuwing lunes ng umaga. Hindi sila rehistrado sa kung ano, hindi lehitimo ang kanilang relihiyon, kakaiba ang kanilang mga tradisyon bilang isang sekta. Tuwing pasko, nag-aalay sila sa diyos na kinikilala nila. Nagbubunutan sila. Kung sino’ng miyembro ang makabunot ng papel na may marka ng dugo, ay siya ang iaaalay. Hindi sila nag-aalay ng ibang tao maliban sa kanila, dahil naniniwala sila na mga banal na alay lang ang tinatanggap ng kanilang diyos, at wala nang mas babanal pa sa kanila. Ang kulto nila ay may pagkakahalintulad sa ibang relihiyon, naniniwala sila sa mga masasamang espiritu. Sa mga demonyo. May mga nakakaharap sila na may sapi, at ginagamit nila ang dahas. Sa normal na araw, sila’y mga pacifista. Pero ‘pag nakakaharap ng may sanib, sila’y mamamatay-tao. Naniniwala silang nalulugod ang kanilang diyos sa kanilang ginagawa. Kaya nang makita nila si Jessica na nagbagong anyo sa oval, ang kanilang naging konklusyon ay may diablo sa loob si Jessica, bagama’t no’ng araw lang na ‘yon sila nakakita ng gano’ng pangyayari. Agad silang nagtipon sa kanilang kapilya, sa bahay ni Father Al, para pagplanuhan ang pagpatay kay Jessica. Tapat sila sa kanilang ministeryo. ‘Pag nalaman ng mga otoridad, o gobyerno ang mga  kaugalian ng kulto nila, agad na wawasakin ang sistema ng paniniwalang ito, at malaki ang posibilidad na sila ay pagbayarin sa kanilang mga pagpatay kapag nabunyag. Kaya lihim ang kanilang organisasyon. Kapansin-pansin sa bahay ni Father Al ang mga rebulto. Hindi ‘yung mga tipo na nakikita sa panambahan ng katoliko. Ang mga imaheng ito ay kakaiba. Hindi basta-basta maiintindihan ng kahit na sino ang mensahe o kung sino ang nirerepresenta ng bawat imahe. Ang kanilang pagpupulong ay ginaganap sa sala ng bahay. Nasa kalagitnaan ang isang bilog na mesa. Nakapalibot dito ang mga miyembro. Ang kanilang organisasyon ay walang pangalan. “Nakita ko ‘yung pagtransform nu’ng babae!” sabi ni Ezekiel, matipunong lalaki. Isa sa mga miyembro. “Napakalaki ng ahas! Anaconda ata ‘yon!” “Cobra,” pagtatama ni Aling Dina. Ang pinakamatanda sa miyembro. Pangalawa si Father Al. “Aatakihin pa niya ‘yung batang babae,” si Kaloy, “tapos bigla lang tumalsik ‘yung ahas. Parang sinuntok ni Superman eh!” “Ba’t naman nagkagano’n?” si Jimboy, “Baka sinuntok nu’ng babae.” “Tange!” si Jep. “Sino’ng tange?!” galit na tanong ni Jimboy. “Kalma lang mga kapatid,” awat ni Father Al “Kailangan nating mag-usap nang maayos para makapagplano.” “Nakita ko o siya na naging taho,” si Bokbok “Pagkatalsik sa lupa nu’ng aas, naging taho.” “Tapos kinuha siya ng isang lalaki,” si Ezekiel. “Ta’s sinakay sa tricycle.” “Tumawag si Mat kanina,” tumatalsik pa ang laway ni Kaloy habang nagsasalita. “Nakita niya daw ‘yung tricycle sa San Miguel. Sinundan daw niya tapos pumasok ng isang subdivision. Sugudin na natin, father!” “Hindi dapat tayo nagmamadali,” mahinhin ang pagsasalita ni Father Al. Parang kahit kailan ay hindi ito kikilos nang bayolente. “Kailangan nating magplano.” Nagpatuloy pa ang pulong, at ang nadagdag na lang na sinabi ay wala nang kabuluhan sa kanilang plano. Para na lang silang mga asong tahol nang tahol. Ganito lagi kapag nagpupulong sila, pero nasanay na. Ang mahalaga, kailangan nilang gawin ang madugong ministeryo nang tahimik at malinis. Natapos ang pagpupulong ng mahigit sampung miyembro nang alas sais ng gabi. Nag-uwian ang mga dumalo sa pagpupulong sa kani-kanilang tahanan. Ipinagbabawal din ang paglalantad ng kanilang sikreto. Ititiwalag ang miyembrong magsasabing siya ay miyembro ng sekta ni Father Al. Naiwan mag-isa sa bahay si Father Al nang umalis na ang mga miyembro. Sa kanyang kuwarto ay may kamang gawa sa puno ng narra. Sa ilalim nito ay may attaché case na gawa sa bakal. Binuksan ito niya. Nasa loob nito ang iba’t ibang klase ng mga patalim. Pinili niya ang pinakamatalim. Hindi pa niya nagagamit ito, pero dahil inaasahan niyang malakas ang kalaban niya, ito ang pinili niya. Parang lingkaw lang ang patalim na ito, Nakaukit sa hawakan ang pangalan ni Father Al. Alejandro. Dala ang patalim, tinunton niya ang isang kuwarto sa bahay niya. Wala pang kahit sinong nakakapasok sa kuwartong ito. Para sa kanya ay ito'y sagrado. Sa tuwing may magtatanong kung ano ang nasa loob ng kuwarto na iyon, nililihis ni Father Al ang usapan. Gusto niyang sarilinin kung ano ang nasa loob ng kuwartong iyon.  Sa dulo ng patalim ni Father Al ay may ukit . Isang korte para sa isang partikular na layunin. Binuksan niya ang pinto gamit iyon. Ang loob ng kuwarto ay parang bodega. Sa loob, nakagapos ang isang babaeng nasa dalawampu't limang taon. Maganda ang hubog ng katawan nito. Pero hindi na ito pangkaraniwang babae. May dahilan kaya nakagapos ito.  Nu'ng gabing iyon ay muling pinakinabangan ni Father Al ang katawan ng babaeng iyon. Hindi niya alintana ang masamang espiritung nasa loob niyon. Muli niyang naramdaman ang init ng katawan niya. Alam niyang walang kapatawaran ang ginagawa niya sa harap ng diyos niya, pero ba't siya mag-aalala? Siya mismo ang diyos ng diyos niya. Siya ang lumikha sa diyos niya. Galing sa isang nakakabahalang pag-iisip. Nang gabi ring iyon ay tinapos na ni Father Al ang buhay ng babaeng may sapi na iyon. Sawa na siya. II Hindi lahat ng miyembro ay nakadalo sa pulong. Kaya inatasan ang mga dumalo na sabihan ang mga hindi nakadalo tungkol sa plano. Mabilis pero lihim na kumalat ang impormasyon sa mga miyembro ng kulto ni Father Al. Kailangan na nilang maghanda sa ministeryo. Kahit isang babae lang ang kanilang target, kailangang kumilos sila nang maramihan. Nasaksihan nila ang pagbabagong anyo ni Jessica. Kulang ang isang tao. Kulang ang sampung tao. III Sa mga normal na mamamayan nama’y kumalat din ang balita. May ilang hindi naniniwala sa kuwento ng mga nakasaksi dahil ang isip nila ay nakakakulong sa ideyang makikita lang ang mga kagilagilalas na bagay na ito sa mga palabas at babasahin. May ilan ding naniwala, pero maliit ang porsyento nito kung ikukumpara sa mga hindi naniwala. Kung may nakakuha lang ng litrato o video ng nangyari, baka dumami ang mapaniwala. Maaaring maipakita ang kuha sa mga pulis. O kaya’y ma-feature sa KMJS at imbestigahan ni Ed Caluag. Ngayon, higit na nababalot ng takot at kawalan ng seguridad ang mga nakakita. Natatakot sila na lumabas, lalo na sa gabi. Ang marami sa kanila’y ayaw nang umulit ng pagjo-jogging. No’ng kinausap nila ang batang si Aira, ang batang mas nakaharap ang pagbabagong anyo ni Jessica bilang isang malaking cobra, tungkol sa nangyari sa oval, ay wala naman daw siyang naaalalang nakitang malaking ahas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD