Nasa Bar ngayon si Jeon kasama si Oscar Datiles. May kaunting problema kasi kaya siya nais makita ng matanda. “Ilang buwan na ring hindi nagbabayad si Mr. Barton sa kaniyang utang. Lumalaki-laki pa ito dahil sa interes. Mababa lang iyon pero sa bawat araw na hindi siya nagbabayad, nadadagdagan ang interest niyon.” “Ano ho ang gusto n’yong gawin ko, Tito?” tanong niya habang nilalaro ng kaniyang kamay ang hawak na ballpen. “Puntahan mo siya sa kaniyang kompanya at singilin mo. Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong gawin sa kuripot na iyon.” Tumayo si Jeon at tinungo ang bintanang malapit lang sa kinauupuan ni Oscar. “Hindi na ba pumupunta rito si Mr. Barton? Noon, araw-araw siyang nandito bakit ngayon, hirap na siyang makausap. Posible kayang, nagtago na ang isang iyon?” “I

