GELLA Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong iisipin—ang kaba kong umaabot hanggang Batanes dahil mami-meet ko ang mga parents ni Sir Gio o ang kabog ng puso ko dahil sa naulinigan kong tawag niya sa akin na “my Gella.” As usual, nalusutan na naman niya ito dahil kahit ako ay hindi rin sigurado sa aking narinig. Ayoko rin namang ipilit iyon dahil baka guni-guni ko na naman ito. “Gella, before we go to my parents’ house, daan muna tayo sa Robinsons Starmills, all right?” Tumingin ako sa dashboard ng kotse ni Sir Gio, malapit ng mag-alas-diyes ng umaga. Mukhang masisira yata ang plano kong magsimba ngayong Pasko. Napadako ang mga mata ni Sir Gio kung saan ako nakatingin. Sinulyapan niya ang oras habang nagda-drive at tumingin sa akin. “Can we go to the church later at five o’clock na l

